Pagkatapos nga niyang ayusin ang sarili ay nagtungo na siya sa kubo na nasa tabing ilog.Nagwalis na muna siya sa loob at pinagpag ang mga makaalikabok na mg gamit sa loob.
Umupo siya sa may bintana at dumungaw sa ilog.Napakalinaw at mukhang ang sarap maligo sa ilog ngayon, magpapahinga na muna siya saglit bago siya maligo.Maghahanap na rin siya ng mga tuyong kahoy na gagamitin niyang panggatong sa pagluluto.
Naiisip niya sina Jana at Cherry Ann.Mabuti pa ang dalawa niyang mga kaibigan, nakita na ang kagandahan ng Maynila.Samantalang siya, puro gubat at ilog lamang ang palaging nasisilayan sa araw araw. Kaya naman pursigido siya sa buhay,ang makapagtapos ng pag-aaral upang makamit ang pangarap na magingahawang buhay .Yung buhay na sakto lamang ,hindi naman siya naghahangad ng higit pa.
Napakamot siya ng ulo nang maalala na naiwan pala niya ang kanyang tuwalya,sabon at shampoo sa bahay ng mga Mondragon.
Nagsuklay siyang muli pagkatapos ay naglakad na pabalik sa malaking bahay.
Malayo pa lamang ay tanaw na niya ang magpinsan sa labas ng bahay.Nakagayak na ang dalawa,siguro ay paalis na pero si Senyorito Adrian ay nakaupo sa ilalim ng puno ng santol.Hindi siya napansin ng dalawa dahil tila seryoso ang pag-uusap ng mga ito.Sa likod kasi siya dumaan kaya nakatalikod ang dalawa sa kanya.
"Oh ano? Sasama ka pa ba,Adie?Pambihira ka naman,sinabi ko na nga sa'yo na bawal nga sa'yo ang manineh umorder ka pa talaga kagabi.Oh ano ang napala mo ngayon?Ayan,sumakit ang mga daliri mo sa paa! " tila pagalit na sambit ni Senyorito Anton Chase sa pinsan nito.
"Nakalimutan ko nga na bawal pala 'yun!Ouch...It's so hard to take a step!" reklamo ni Adie sa pinsan.
Natigilan naman siya sa paglalakad dahil napukaw ng dalawa ang kanyang atensyon. Namaga ang daliri ni Senyorito Adie sa mani?
"Just let me rest for a while,bro! Huwag ka ngang magmadali,Wala pa naman ang helicopter mo!" wika naman ni Adie.
"Sige na ,magpahinga ka na riyan tingnan natin kung mababawasan yang maga ng paa mo!" pabalyang wika ni Anton Chase .
Naalala niya ang dahon ng apatot na mabisa raw sa mga sakit at pamamaga sa paa.Baka makatulong iyon kay Senyorito Adie.
"Uy,Lia nandyan ka pala!" sambit ni Chase nang mapansin siya sa likuran.
"Ay opo,makikidaan lang po sana Senyorito.May nakalimutan po kasi ako sa loob.Teka po,okay ka lang po ba Sir Adie?" baling naman niya kay Adrian na kanina ay hindi maiguhit ang mukha sa sakit.
"I'm okay Lia.Oh ano bro? Matagal pa ba ang chopper mo?Kanina pa ko nababagod rito! " sambit naman nito.
Napaawang naman ang bibig ni Chase nang makita si Adie na biglang tumayo at naglakad palapit sa pinsan sabay tapik sa balikat nito.
"Are you kiddin' me?" biglang sambit ni Chase nang makita si Adie na lumakas bigla.Kahit siya ay di makapaniwala dahil kanina habang nag-uusap ang dalawa ay tila nanghihina ito.
" Oh ano?Antagal naman,sumasakit na itong paa ko sa kakahintay!" dagdag pa ni Adie na naiinip na.
"Surprising!" sambit ni Chase na natatawa sa pinsan .
"Akala ko po sir Adie ,namamaga po ang mga daliri ninyo sa paa.May mabisang dahon po ng apatot sa may tabi ng ilog na pwede po sanang ihambal riyan!" aniya.
"Ha?Namamaga? Nabibingi ka na yata Lia. Bakit mamamaga itong mga daliri ko,oldies na ba ako?Nasa teens pa lang ang edad ko kaya impossible yang narinig mo! Itong si Anton Chase ang namamaga ang mga daliri." paliwanag ni Adie sa kanya.
"Ah oo nga po pala.Baka nga po nagkamali lang talaga ang pandinig ko! "sambit niya.
"Let's go,Adie.The chopper is here!" wika ni Chase.Kumaway ito sa kanya bilang pamamaalam.Ganun rin naman si Adie na mabilis na naglakad patungo sa itaas na bahagi ng bundok kung saan may hellpad na ipinagawa ang mga Mondragon.Mga mayayaman nga naman, walang problema sa mga ito ang pagbibiyahe kahit saan ay napupuntahan kung gusto.Ang mga maykaya nga naman.
Naiwan siyang mag-isa habang nakatingala sa paalis na chopper.Ano kaya ang pakiramdam na nakasakay doon?Yung feeling na parang lumilipad sa mga ulap.
"Oh there you are!" napalingon naman siya at nakita ang grupo nina Boss Greg na bumaba sa isang napakagarang pickup na kulay itim.Naka itim na shade si Greg ,na tinanggal rin naman nang makita siya.
Napakunot ang noo niya .Ano ang ginagawa ng mga ito sa lugar nila? Lalo na sa lupain ng mga Mondragon?
"Boss..Greg?" tanong niya rito.
Lumapit siya sa grupo nina Greg at binati ang mga ito.
"Hello,Lia.Its nice to see you,gusto ko lang na ako talaga ang maghahatid ng invitation sa'yo." sambit nito.
Inabot ni Greg ang isang envelope na dark blue ang kulay ." Sir, hindi na po sana kayo nag-abala pa na ihatid ito sa akin.Okay lang naman po kahit wala akong invitation." nahihiya niyang sambit sa lalake.
"It's okay Lia.Maa gusto kong personal na ihatid sa'yo yan para malaman mo na taoa puso kitang inimbitahan sa kaarawan ko.At aasahan talaga kita," wika nito.
"Sir Greg, nakakahiya po.Hindi naman po ako importante at hindi n'yo naman po ako gaanong Kilala pero maraming salamat na rin po talaga sa imbitasyon." nahihiya niyang sambit.
"Kaya nga inimbitahan kita Lia nang sa gayun ay nakikilala natin ang isa't isa. "
Nahihiya siya kaya't wala siyang maisagot sa lalake." Pasensya na po kayo sir Greg , hindi ko po kayo maiimbitahan sa loob.Hindi po namin to bahay, baka po magagalit ang amo namin ."
"Don't worry,Lia I just really pass by to hand you the invitation and at the same time,to see you.By the way may dinala pala ako para sa'yo." Sumenyas ito sa mga tauhan.Kada tauhan ni Greg ay may buhat buhat yatang plastic.May dalang mga tsokolate,may box ng cake, may mga groceries, prutas, may mga biscuits at curls .Marami pang iba na Hindi na niya alam kung ano ang laman.
"Sir Greg.... ano po ang mga yan? Ang dami po,para saan po yan?" nagtataka niyang tanong .
"Lia,I will tell this to you directly .Gusto kitang ligawan at ngayon pa lang ay uumpisahan ko nang ibigay sa iyong pakonti konti ang mundo, na deserve ng isang napakagandang binibini na kagaya mo."
Napaawang ang kanyang labi sa narinig .Manliligaw si Greg sa kanya .
"Naku po,sir Greg hindi pa po ako nagpapaligaw.Sixteen palang po ako at magseseventeen pa lang ...pag-aaral po muna ang priority ko."
"Lia,hayaan mo muna akong ligawan ka.Just give me months ,after that kung ayaw mo pa rin ay titigil na ako." wika ni Greg.
"Sir,masyado pa po akong bata...."
" Just give me a chance please.Baka ayaw mo lang kasi may manliligaw ka ring iba? Huwag kang mag-alala Lia,I enjoy being in a healthy competition. "
Iniwan ng mga tauhan nito ang mga regalo sa mesa na nasa ilalim ng puno ng santol.
"Sige Lia, aalis na kami.Dont worry about what I said.Katulad ng sinabi ko,kahit na hayaan mo na lang akong ipakita sa'yo kung ano ang nararamdaman ko." sambit nito bago muling nagpaalam sa kanya.
Naiwan naman siyang nakatulala.Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang may isang seryosong nagtapat na ligawan siya .First time rin niyang tumanggap ng sangkatutak na regalo.
"Apo,aba'y ano ang mga 'yan? Andami naman.Sino ang magbigay nito apo?" Tanong ng Lola Natty niya nang makita nito ang mga iba't isang regalo sa mesa.
"Si Greg Fuentebella po,La.Inimbitahan nga po ako sa kaarawan niya !" aniya .
"Ay,isang Fuentebela apo? Yan ba 'yung unico heredero sa siyudad natin?"
"Opo La."
"Aba'y nabighani na yata sa'yo ah.Pero apo,huwag kang papadala sa mga regalo at mga matatamis na salita ng mga lalake."
"Alam ko po ,La."
"May tiwala ako sa'yo apo,alam kong may pangarap ka pa sa buhay.Pero Teka ,ambango naman nito.Ano ito ?"
Napangiti siya sa Lola niya.Hindi marunong magbasa si Lola Natty.Ang box ng vanilla cake ang itinuturo nito.
"Vanilla cake po Yan ,La.Kainin na natin ?"
Tumango naman ang matanda.Kumuha siya ng kutsilyo at platito sa loob ng bahay.Hindi naman nila mauubos ang malaking cake na yon kaya iiwan na lamang niya ang cake sa malaking bahay para pag-uwi ng mga Mondragon at mga bisita ng mga ito ay may meryendang maihahain.