Chapter 4- Lakas

1515 Words
Napakaaga niyang gumising kinabukasan upang magsaing ng kanin.Kagabi ay nakarinig siya ng ingay marahil ay bumalik na ang mga Mondragon . Nagluto na rin siya ng printing native na itlog at talong upang makapag-almusal na rin siya.Mamayang alas siete ay maglalako na siya ng gulay at dahil dalawang sako ang benta niya ay mag-aabang siya ng traysikel sa labasan mamaya patungo sa siyudad . "Tao po!" boses iyon ni Kristoff.Nang dumungaw siya sa bintana ay nakita niya ang binata sa labas ng bakuran.Iniwan na muna niya ang pagkain niya sa mesa upang salubungin ito.Ano kaya ang pakay ni Kristoff at napakaaga naman nitong bumisita sa kanila. "Oy! Napakaaga mo yata?" "Di ba't sinabi mo na maaga ang alis mo?Naisipan ko na tulungan na kitang nakapagbenta sa siyudad.Para naman mamaya ay sabay na tayong dumaan sa videokehan upang makapag-apply ka na .." wika ng binata habang papasok silang muli sa loob ng bahay. "Wow naman ,sasamahan mo'kong magbenta?Sigurado ka ha? Mabuti nga yong may kasama ako eh." natutuwa niyang sambit habang sabay silang naglalakad pabalik sa loob . "Maiiwan ko ba naman ang best friend ko?" sambit nito.Napangiti na lamang siya sa binata . Best friend ang turing nito sa kanya.Hinahayaan na lamang niya ang binata dahil totoo rin naman na mula pa noon ay mabuti na ito sa kanya . "Good morning! Ang aga namanng bisita mo Lia!" Muntik na siyang mapatalon nang makita si Senyorito Adrian na nakaupo na sa mesa .Nagkatinginan sila ni Kristoff dahil walang kangiti ngiti si Senyorito Adrian sa sandaling iyon .Bigla siyang kinabahan.Galit ba ito dahil nagdadala siya ng bisita sa loob ng bahay na pagmamay-ari ng mga Mondragon? "Ah Senyorito,si Kristoff po kaibigan ko po siya .Sasamahan niya po ako ngayon sa pagbenta ng mga gulay sa siyudad." natataranta niyang sambit .Halatang kabado siya dahil ang nasa isip niya ay galit ito sa kanya dahil nagpapasok siya ng ibang tao lalo na sa pamamahay ng mga ito . "Magandang Umaga po, Senyorito! Ako nga po pala si Kristoff.Magkaibigan po kami ni Lia mula pa pagkabata .Magkakaklase rin po kami sa elementary at high school." pagpapakilala ni Kristoff sa sarili nito kay Senyorito Adrian. "Alam niyo bang nagising ako dahil sa boses ninyo? Next time,kung tatawag ka sa labas,pakihina ang boses lalo na kung nandito ako ! Lia,ipagtimpla mo ako ng kape.Kunin mo sa loob ng box,nagdala kami ng mga supplies kagabi!" utos nito sa kanya. Walang boses ang lumalabas sa bibig niya dahil sa takot kay Senyorito Adrian.Tumango ba lamang siya sa amo at natarantang hanapin ang kape sa loob ng box .Nag-init na rin siya ng tubig at nagtimpla ng isang tasa ng kape para sa amo. Nagpasalamat ito at ang akala niya ay aalis na ito sa mesa ngunit nanatili lamang ang amo doon.Sila naman ni Kristoff ay nakaupo rin sa dulo ng mesa .Siya ay pinapatuloy ang almusal habang si Kristoff ay tinimplahan niya ng native na kape na gawa lamang nila ng lola niya mula sa tanim nilang puno ng kape . Kahit gusto man nilang magsalita ay nakakatakot ang mga mata ni Senyorito Adrian na tila ba gusto na sila nitong kainin ng buhay . "Hoy! Bigyan mo naman ng space ang dalawang lovebirds!" biglang tumagilid ang ulo ni Adrian nang batuhin ito ng maliit na box sa ulo ni Senyorito Anton Chase na kaagad na lamang lumitaw sa likuran ni Adrian .Ewan nga ba niya kung bakit natutuwa pa si Senyorito Anton Chase habang nakatingin ito sa pinsan.Samantalang si Senyorito Adrian naman ay ni hindi man lamang ngumingiti. "Sh*t up,you a**h*le!" bulyaw ni Adrian sa pinsan. "Senyorito Chase,ipagtitimpla ko po kayo ng kape." Tumayo siya at nagtungo ulit sa maliit na kusina at pinagtimpla ng kape si Senyorito Anton Chase . "Salamat Lia !" anito sa kanya .Napansin pa niya ang mga mata ni Senyorito Anton Chase na napatitig sa bilugan niyang mga hita .Saka lamang niya naalala na nakasuot pala siya ng paiksing cotton shorts .Napayuko siya, bakit ba siya nag-aasume eh hindi naman siya kaakit akit. "Aray!" dinig niyang sambulat ni Senyorito Chase nang ito naman ngayon ang binato ni Senyorito Adrian ng maliit na box na tumama sa mukha nito. "Kristoff, maghintay ka muna saglit ah?Maliligo na muna ako!" Paalam niya sa kaibigan sabay tayo at pumasok na muna saglit sa kwarto niya upang kumuha ng towel . Lumabas siya at nagtungo sa banyo upang maligo .Nang matapos ay kaagad naman siyang nagbihis at saka muling lumabas upang puntahan si Kristoff.Nasa labas na ng bahay si Kristoff.Wala na rin ang dalawang Mondragon. Naisip niya si Senyorito Adrian.Sayang ang pagkagwapong lalake nito ,ubod naman pala ng suplado .Ang akala niya ay mabait ito at masayahing tao katulad noong una silang nagkakilala. Pero pansin niya, kaagad na nagbago ang mood nito.Siguro ay dahil talaga sa pagbisita ni Kristoff.Marahil ay istriktong tao si Senyorito Mondragon dahil ayaw nitong may di kilalang tao sa loob ng ari-arian nito. "Kristoff,halika na!" anyaya niya sa kaibigan na nakaupo sa upuan na nasa gilid lamang ng bahay . Tumayo naman kaagad ang binata nang makita siya.May suot siyang sumbrero dahil tiyak na mainit at nakakapaso na naman ang araw mamayang tanghali.May dala na rin siyang tubig na inilagay lamang niya sa plastic na bote ng isang litrong soft drinks. Binuhat nito ang isang sako ng gulay at siya naman ay buhat buhat ang magaan na sako Patungo na sila sa labasan upang mag-abang ng traysikel o di kaya'y habal habal dahil mas mura ang pamasahe. Pagkalipas lamang ng beinte minuto ay nakarating na sila sa siyudad.Pumwesto sila ni Kristoff sa daanan ng tao malapit lamang sa paradahan ng mga jeepney.Maganda kasi ang pwesto doon dahil maraming tao ang nagsisidaan at namimili ng mga gulay .Pero sa araw na yon ay hindi pa sila nakakabenta kahit na patanghali na.Isandaang piso pa lamang ang halin nilang dalawa at halos di pa nabawasan ang mga tinda nila Siguro ay marami silang kakumpetensya sa araw na iyon. "Bili na po kayo ng sariwang gulay! Bagong harvest lang po ito,Ma'am! Mura lang po,bili na po kayo!" Nanunuyo na ang kanyang lalamunan sa sandaling iyon pero karamihan ay dumadaan lamang talaga sa pwesto nila . "Matumal ah! Dati naman ,alas dies pa lang ubos na ang benta ko!" nanghihinang sambit niya .Kapag hindi mabebenta ang mga gulay niya ay tiyak na wala na naman siyang ipon sa araw na ito. "Oo nga,ay ayun oh may mga nakahilera rin palang mga vendors sa kabilang kanto kaya naman pala!" turo ni Kristoff sa mga nakahilerang mga nagtitimda ng gulay sa kabilang kanto. "Tssk,siguradong mahina talaga ng benta ngayon !" Nailing niyang wika. Napakunot ang noo niya nang may isang puting namahaling pickup ang pumarada sa tapat ng kalsada .Hindi niya halos makilala kung sino ang bumaba dahil nakaporma ito . Si Senyorito Adrian iyon na nakasuot ng shades at napakalinis na tingnan sa outfit nito Nakasuot ito ng itim na slacks at long sleeves na nakatupi hanggang sa siko.Naka gel rin ang buhok nito .Nakakasilaw ang kaputian nito at kahit nasa kabilang kalsada sila ay amoy niya ang pabango nito . Pansin rin niya ang mata ng mga tao sa paligid na hindi na halos umalis sa pagkatitig sa binata . "Artista ba yan? Sobrang gwapo at ang kisig? Artista nga,may hawig eh..." Sambit ng isang babae sa kasama nito.Muntik pang natisod ang babae sa daan dahil nakatitig ito kay Adrian. Na star struck yata ang mga tao sa paligid sa mala artistang si Senyorito Adrian Mondragon . " Are you okay? It's time to close your mouth ." Nabalibad pa siya nang marinig ang tinig nito sa mismong harapan niya.Napalunok siya nang mapansin an masyado silang malapit sa isa't isa. ."Senyorito?Bakit po kayo nandito?" wala sa sariling tanong niya sa binata . "Ako nga ang magbebenta ng mga gulay niyo! Kanina ko pa kayo tinitingnan mula sa kabilang building! Nakakaawa naman kayong dalawa at wala pa kayong benta hanggang ngayon!" Nagulat siya sa sinabi nito.Kanina pa sila nito tinitingnan mula sa kabilang building? "Senyorito,nakakahiya po! Huwag na po.Hindi po kayo bagay rito,umuwi na po kayo!" aniya sa binata .Sobrang nakakahiya kung ito pa ang magbebenta.Okay lang ba ito?O baka naman nagbibiro lamang si Senyorito? "Watch and learn!" Hinila siya nito patungo sa mga gulay na isinampa nila sa gilid ng kalsada . "Maghihibad po kayo?" Gulat niyang tanong nang makita si Senyorito Adrian na hinuhubad ang long sleeves nito. "Masyadong mainit ang panahon!" tipid na sambit ng binata at napanganga siya nang makita ang puting sando nito.Ang mga balahibo ni Senyorito ay sumisilip sa dibdib nito at ang lapad ng balikat ng binata at sobrang seksi ng pangangatawan nito. Binato pa nito ang long sleeves sa kanya . Kinuha nito ang talong at mga okra at nagsimula itong sumigaw at tumawag ng mga customer. Gusto niyang ilibing na lamang ang sarili sa lupa dahil sa ginawa ni Senyorito Adrian. Nakakahiya na ang amo pa niya ang tumulong sa kanila. Mukhang effective nga na ito ang magbebenta dahil sa isang iglap ay dinumog na sing mga tao lalo na ng mga kababaihan at kabaklaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD