" Hey bro! Ba't andami mo naman yatang pinamili riyan? Parang pang isang taon na yang stocks mo ah!" gulat na sambit ng pinsan niyang si Anton Chase nang makita ang tatlong push cart niya na punong puno ng pinamili niya sa grocery.
Nagmamadali ito dahil nasa kotse si Jamilla ,ang pinakamamahak nitong babae na ikakasal na sana ngayong araw pero nagawa nilang kidnapin.Natutulog pa sa ngayon ang babae dahil sa pinaamoy nila rito na pampatulog.
"Kakailanganin natin 'to lalo na't mukhang mapapatagal ang pag-amo mo sa asawa mo!" nakangisi niyang sambit sa pinsan.
Kailangan nilang mamili ng bagong stocks dahil wala na silang makakain sa susunod pang mga araw.
" Akala ko ba just right after our mission eh hindi ka na babalik sa Zamboanga?" dugtong pa nito. "Noong unang araw mo roon panay reklamo ka lang na bundok lang ang nakikita mo pero ngayon Ikaw pa itong excited sa pamimili ah? Hmmm,baka may nakita kang ibang klaseng bundok di ba?"
Napailing siya rito."Luko Luko ka talaga ,Anton Chase! Nagustuhan ko na rin ang sariwang hangin, ang mga berdeng tanawin atsaka ,araw araw ay mga preskong mga gulay at punong kahoy ang nakahain!" sagot naman niya rito .
"I was just wondering! Maybe,ibang fresh na bagay ang tinutukoy mo!".
" I know what you're thinking! Kung si Lia agn tinutukoy mo---"
"Huh?Wala akong sinabi,I didn't even mention her name.Napaka defensive mo naman yata pinsan!" Hindi pa rin mawawala ang pilyong ngiti sa mga labi nito.
Napailing na lamang siya sa pinsan .Mas hahaba pa ang pagtatalo nila kapag nagpatuloy pa siya sa pagsagot at pagdadahilan rito.
"Hmmm,infairness napakaganda ng batang 'yon,morena pero makinis ang balat,may katawan hmm sexy!"
Madilim niya itong tiningnan.
"What's with that look?Sinabi ko lang naman ang katotohanan.Pero napakabata pa nun,marami pa siyang makakakilala na kaedad niya na mas bagay sa kanya." seryosong sambit ni Anton sa kanya.
Kinuha niya ang isang lata ng corned beef at ibinato rito.Nakailag naman ang pinsan ngunit tinamaan ang daliri nito sa paa.
"Aray ko! Ano ba? Ba't nagkakaganyan ka! Totoo ba na kursunada mo ang batang 'yon?Naku ha, ang tanda mo na kumpara kay Lia!" wika nito.
"Just shut up! Enough of that,you as*h*le!" bulyaw niya sa pinsan.
"Tang*na mo,Adrian! Patay na ang kuko ko sa'yo!" Namumula ang mukha nitong sambit .
"You deserve that,tara na!" aniya.
Pagkatapos nilang magbayad ay dumiretso na sila sa kotse.Papunta sila sa private villa ni Anton Chase sa Cebu .Nandoon kasi ang chopper na gagamitin nila.
Tatlong oras bago sila nakarating muli sa Zamboanga.Si Chase ay buhat ang walang malay pa rin nitong dating asawa .Samantalang siya ay buhat ang mga naka box na mga supplies .
Tumingin siya sa paligid.Alas cinco na ng hapon .Napansin niya ang matandang babae ,si Aling Natty na nagwawalis sa Sala at inaayos ang mga upuan.Kinuha niya ang isang paper bag ,ibibigay sana niya iyon kay Lia pero hindi niya mahagilap ang babae sa paligid.
"Aling Natty,nasaan na po si Lia?" Tanong niya sa matanda.
"Aba'y si Lia ba iho? Nasa kubo sa may tabing ilog.Doon na Kasi muna kami titira habang narito pa ang bisita ni Senyorito Chase. Bakit Senyorito?" nagtatakang tanong nito.
"Ah,may itatanong lang po sana ako sa kanya." sagot niya .
Hawak pa rin niya ang malaking paper bag.Mag dumating kasi sila sa Cebu ay nakakita siya ng magagandang bestida mula sa isang boutique.Kabisado naman ng mga mata niya ang hubog ng katawan ni Lia kaya binili niya ang mga bestidang yon para rito.
"Puntahan mo na lang ,malapit lang naman yun!"
"Ah ,sige Aling Natty pupuntahan ko na lang si Lia."wika niya sa matanda.
"Ay teka,Senyorito baka gusto niyo pong kumain ng keyk?" Bumalik ang matanda sa kusina at pagbalik nito may dala na itong isang kahon ng mamahaling cake.
" Ay sige po ,maraming salamat busog pa po ako Aling Natty,mamaya na lang po ." tanggi niya rito.Marami kasi siyang nakain kanina.
"Sige,iwan ko na lang po rito.Hindi naman namin naubos ni Lia itong cake,sobrang tamis pero sayang naman kung hindi mauubos ,sayang ang ng Ginoo na naibigay ng keyk sa apo ko."
Kinuha niya ang box ng cake sa mesita kung saan inilapag ng matanda.
"Sino pong Ginoo?"
"Fuentebella yata 'yun." anito.
"Ganoon po ba? Tikman ko nga ..." Kumuha siya ng platito at tinidor at kumuha ng maliit na slice . Chocolate flavor iyon at may filling sa gitna. "Naku naman Aling Natty,anong klaseng cake po ba ito? Cake ba ito o ampalaya?Sobra naman yata ang chocolate powder na inilagay ,nawala tuloy ang tamis ng cake .Siguro,katulad to nang magbigay walang lasa." kaagad niyang sambit sa matanda.
Nang tingnan niya ang matanda ay nakaawang lamang ang bibig nito na tila ba di makapaniwala sa sinabi niya.
"I will bring you and let you taste the best cake in Manila next time..." wika niya sa matanda ."This is locally made atsaka,kung bibili ng cake 'yung the best na,Hindi 'yung tinipid.Parang nagbubudget yata ang nagbigay nito." dagdag pa niya.
Hindi pa rin makasagot ang matanda. "May ibinigay pa po bang iba?"
Tumango naman ito ."Aba'y andami pa Senyorito. Dinala ni Lia ang iba sa kubo.May mga tsokolate pa nga na ibibigay niya raw sa mga kapatid na maliliit ni Kristoff.Hindi naman kasi masyadong mahilig si Lia sa matatamis." .
"That's good!" wika niya." Mas mabuting ipapamigay na lang at baka may gayuma pa ung mga tsokolate na yun ." bulong niya sa hangin.
"Sinong mas gwapo,Aling Natty.Ako po ba o 'yung bisita kanina na si Fuentebella?" tanong niya sa matanda.
"Ah kayo po, Senyorito.Mas gwapo po kayo pero mas bata ng kaunti sa inyo si Fuentebella!" sagot naman ng matanda.
He greeted his teeth secretly.Mukhang napakaseryoso ng matanda sa sinabi nitong mas bata si Fuentebella sa kanya .
"Aling Natty naman,hindi lang ako nakaligo kaya nasabi niyong mas bata ang lalakeng yun kaysa sa akin.Teka po,yang salamin po ba ninyo ay bago lang o luma na?"
"Bago lang po bigay ng libre ng punong barangay sa mga senior citizens."
"Mabuti naman po kung ganun."
"Teka iho,nakikipag kunpetensya ka ba kay Fuentebella?" nagtatakang tanong ng matanda sa kanya.
"Aling Natty naman,hindi po ." wika niya rito
"Mabuti naman dahil ,alam niyo naman po na napakahirap po namin.Hindi po bagay ang apo ko sa inyo kung sakaling nagustuhan niyo po siya " direktang sambit nito.
Nakatingin siya sa mukha ng matanda.Bagsak na yata siya sa Lola ni Lia.Ni hindi pa nga niya sinabi rito na liligawan niya ang babae ay binara na siya ng matanda.
"Sige na po Aling Natty,pupuntahan ko na muna si Lia sa kubo."
"Sige Senyorito,magdala na po kayo ng ahas.Malalaki ang mga cobra sa kagubatan ."
"Okay lang po,may alaga po akong king ng mga cobra .I mean di po ako natatakot sa cobra Aling Natty .Sila po ang takot sakin."
Natawa naman ang matanda sa kanya ."Napaka pilyo nitong batang to! Sige na ,ang mga cobra na ang mag-iingat sa'yo Senyorito."
Tumalikod na siya sa matanda habang dala ang paper bag na ibibigay niya kay Lia.Putragis talaga ang Greg Fuentebella na yon.Kilala ng pamilya nila ang pamilya nina Greg,ang pinakatanyag na mga heredero sa Zamboanga.Sa katunayan ay tumawag sa kanya ang kapatid niyang si Valerie Mondragon na nagpapasabi raw ang daddy niya na siya na lamang ang dadalo sa kaarawan ni Greg dahil nasa Zamboanga naman raw umano siya .
Siya dadalo?Kung burol pa iyon ni Greg ay una pa siyang darating .