TORPE

1346 Words
NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 2 “Yown! Inakbayan ko siya.” Ganoon kami ni Mandy. Tropa. Kaya kahit ramdam kong parang may gusto siya sa akin, hindi ko pinansin kasi alam kong kalokohan lang din naman ang kanyang mga banat. Hindi ko sineryoso kasi alam ko namang wala lang ‘yon sa kanya at hindi kami talo. Hindi ko siya kailanman magugustuhan. “Alam mo pare, mga bata pa tayo. Dapat ini-enjoy natin muna ang ating kabataan,” pabida ni John habang nagpapahinga kami pagkatapos ng aming basketball. Kasama namin noon si Mandy na kahit katanghaliang tapat ay hindi paawat sa pag-dribble at pag-shoot ng bola. “Ako nga, maikama ko lang ang ang babae ay ayos na sa akin,” pagpapatuloy niya. “Hindi ko hilig magtagal sa isang relasyon. Madaming madaling makuha na virgin pa at meron naman yung sobrang tagal kung ligawan ngunit 'yun pala ay laspag na.” “Paano ‘yon? Kahit hindi mo mahal?” “Bakit kailangang mahal? Pare, ang usapan dito, yung dami nang naikakama mong babae. Kung hindi nga lang ganyan yang tropa nating si Mandy, tapos ‘yan sa akin.” “Gago! Huwag ‘yan. Tayo ang magkakabanggaan niyan pare.” Tumawa siya. “Tingin mo papatusin ko ‘yan? Mukhang mas lalaki pa sa akin ‘yan e. Kung siya na lang kaya?’ “Ano?” “Tama, siya na lang ang pagpraktisan mo.” “Hoy!” ibinato ni Mandy ang bola kay John. “Naririnig kita! Naririnig ko kayo nga ulol!” Natawa kami ni John. “Ayaw ko diyan. Barkada lang kami niyan. Pero seryoso pare, paano mo nagagawang makipag-s*x sa iba’t ibang babae na hindi mo naman talaga gusto.” “Meron naman. Hindi naman ako papatol sa kung sinu-sino lang at hindi kop gusto. Hindi ko alam pero mababaw akong magmahal e.” “Sus, mababaw magmahal o malibog lang! Malibog ka lang bro! huwag mong dinadamay-damay sa usapan ang pagmamahal,” banat ni Mandy. “Manahimik ka nga. Baka patulan kita diyan. Makakatikim ka agad ng luto ng Diyos.” “Yakk! Kadiri ka bro.” “Ano nga? Ang gulo mo kasi Mandy eh!” “’Yon nan ga. Mahal ko ngayon ang babae pero sa susunod na Linggo kapag nakakita ng bago at natikman ko na ang huli ay nawawala na ng kusa ang dating pagmamahal ko. Ako yung hindi mahilig makipaglokohan.” Tumungga siya sa hawak niyang mineral water. Gwapo si John pero malayong mas may dating ako at mas gwapo. Kaya lang, torpe ako at isa lang talaga ang gusto kong pormahan. Si Cathy pero nasaktan lang ako dahil naunahan na ako ng iba. “Paano dinidispatsa ang babae kung ayaw mo na?” tanong ko. “Kung ayaw ko na, sinasabi ko iyon ng diretsuhan na kahit gaano man iyon kasakit sa taong pagsasabihan ko. Hindi ko ugaling magtago o umiwas. Mas may maipakitang iba, mas maiinis ang babae sa akin at mas may dahilang iwanan at isuko ako.” “Tang-ina, Pare. High School pa lang tayo, ganyan ka na mag-isip.” “Binabawi ko na pala ang sinabi ko sa’yo kahapon,” si Mandy. Inagaw niya sa akin ang bote ng mineral water na dapat itutungga ko. Uminom muna siya. “Huwag mong gayahin itong mokong na’to. Masisira lang ang buhay mo. Narinig mo yung sinabi ng hinayupak na ‘to? Gagamit ng ibang babae para hihiwalayan siya ng present niya?” “E, ano naman. Sa gano’n ako e. Saka iyon ang pinakamadaling paraan para mam-break.” “Baliw ka lang talaga. May darating din na babae at kakarmahin ka!” Ibinalik sa akin ni Mandy ang said ng bote ng mineral water. Napailing ako. Nainis pero kinindatan niya ako at mabilis niyang pinalitan ng bago. Ibinato ko sa kanya ang plastic na bote. “Hindi ako naniniwala sa karma,” si John. “Kung may karma e di may karma basta alam ko sa sarili ko na naglalaro lang muna ako. Saka nang seryosohan kapag gusto ko na talagang mag-asawa. Kaya nga  kung magalit at iwan ako, marami naman diyang iba na magkakagusto sa akin.” Kibit-balikat lang ako. Hindi ko na siya sinagot pa. Kahit sabihing lalaki ako, hindi talaga ako pumapanig sa sinasabi niyang kalokohan. “Tara, Pare. CR muna tayo. Sama ka na rin, Mandy?” “Gago! Bakit ako sasama sa CR ninyo e may CR naman kami.” “CR ng tomboy?” Sabay kaming tumawa ni John pagkasabi niya doon pero nang makita kong namula si Mandy at mukhang hindi nagustuhan ang sinabing iyon ni John ay tumigil agad ako sa aking pagtawa. “Mga baliw! Sige na nga. Mag-CR na kayo!”  singhal niya sa amin. Tumingin ako sa salamin ng CR habang umiihi pa si John. Maraming nagsasabing guwapo ako, lalaking lalaki at bagay na bagay ang semi-kalbong buhok bukod sa maskulado kong katawan at tamang tangkad. Nakakadagdag sa aking pagkakalalaki ang tamang sukat ng ilong, maayos at may kakapalang kilay at ang expressive kong mga mata. Isa pa'y popular ako sa aming campus dahil sa ako ang pinaka-astig at pinakaguwapong star sa aming basketball team kaya lang, walang chicks. Paano ako magkaka-chicks kung hindi naman ako marunong dumiskarte at manligaw? Kaya nga hindi hindi pa ako nagkakarelasyon dahil sa kaseryosohan ko sa buhay. Gusto ko kasi, tulad ng paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Mama na igalang ang babae at magmahal lang ng iisa. Dapat kung sino ang piniling makasama sa buhay, kailangan panindigan sa hirap man o ginhawa. Iyon ang tumatak sa isipan ko at iyon ang gusto kong gawin hanggang sa pagtanda. Ayaw kong may ibang babae na kagaya ni Mama, umiiyak dahil sa nagmahal ng lalakig manloloko. Lumipas pa ang ilang buwan. Nagkahiwalay rin si Cathy at ang boyfriend niya. Ganoon naman sa High School, walang gaanong nagtatagal. Kinuha ni Mandy ang pagkakataon na iyon para lalo kaming mapalapit ni Cathy. Siya na ang gumagawa ng love letter. Siya ang kumuha ng number ni Cathy at siya ang unang nag-text. Natutuwa ako sa mga padiskarte niyang pagbibigay ng flowers na siya mismo ang bumili pero pinalalabas niyang sa akin galing. Ibang tropa talaga si Mandy. Maaasahan. Yung panliligaw na iyon ay nauwi sa isang nakakabiglang paglapit sa akin ni Cathy. “Sige, sinasagot na kita.” “Sinasagot mo ako?” “Oo, di ba nanliligaw ka?” Napalunok ako. Tumingin ako kay Mandy. Nag-thumbs-up siya sa akin. “Nanligaw na ba ako?” bulong ko sa aking sarili. “Ano? Ayaw mo ba?” “Tayo na?” “Sabihin mo muna sa akin na mahal mo ako.” Kumunot ang noo ko. Nalito. Mahinhin kumilos si Cathy. Maalumanay siyang magsalita pero yung ipinapakita niya ngayon sa akin. Iba. Hindi ang Cathy na nasa isip ko. Ang Cathy na siyang pinapangarap ko. “Ayaw mo yata e. Pabigay-bigay ka pa ng flowers. Alam mo kung anong mali sa’yo? Masyado kang torpe.” “Ako? Torpe?” “Oo. Andami-dami mong sinasabi sa text at sa mga love letters mo pero in person, iba.” “Eh, hindi naman sa akin galing ang mga text at love letters na ‘yon e,” Sa isip ko lang ‘yon. Hindi ko naman sasabihin sa kanya at aaminin na si Mandy ang may pakana ng lahat. “Ano? Tutunganga ka na lang ba?” Napakamot ako. “Eh ano ba dapat ang sasabihin ko?” “Hay naku! Bahala ka na nga!” Binitiwan niya sa harap ko ang isang tangkay ng red rose. Tumalikod na siya. Napailing at napakamot si Mandy na noon ay nakatingin sa amin. Pati siya halatang dismayado. Pinulot ko ang red rose. Hinabol ko siya. “Ahm, Cathy. Sandali lang.” “Yes?” humarap siya sa akin. Malapit ang katawan niya sa katawan ko. Amoy ko ang kanyang mabangong buhok. Ang cologne na ginagamit niya. Bumilis ang t***k ng aking puso. Napalunok. Kinakabahan na hindi ko na naman alam kung paano ko sasabihin ang aking niloloob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD