BUNSO

1880 Words
NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 9   “Ingat ka ha?” ginagap ko ang kamay niya. Pinisil ko iyon. Na-miss ko ang kaibigan ko. Bago ako bumaba ay niyakap ko siya ng mahigpit. Nagpasalamat ako dahil sa haba ng panahon, nakalabas ako. Nakapag-enjoy. Nabawasan ang mga dinadala kong mga aalahanin sa buhay.   Pagpasok ko sa bahay ay agad akong binato ni Cathy ng kahit anong mahawakan niya. Natamaan  man ako pero hindi ako gumanti. Kahit anong pagbubunganga niya hindi ko na lang pinatulan. Kahit pa sinampal niya ako. Sinabing walang kuwenta. Paulit-ulit na ipinapamukhang wala akong silbi. Iyon ang tingin niya sa akin e. Wala akong magagawa kundi ang tanggapin. Manahimik nang hindi na hahaba pa. Tumabi ako sa aking mga anak. Niyakap ko sila. Itinago ko ang aking pagluha. Kung alam lang ni Cathy na sobra na akong nasasaktan. Nagtitiis na lang ako. Paulit-ulit ko na lamang ipinapaalala sa sarili ko kung sino ako at kung ano pa ang pwede kong magawa. Lumipas pa ang ilang araw hanggang sa nakatanggap ako ng tawag mula kay Mandy. Ang sabi niya sa akin, wala pa siyang nahahanap na trabaho para sa akin dahil gusto ng mga employer na naroon na ang kukunin nila. Dapat sila ang mismong mag-iinterview sa akin. “Pero paano ‘yan? Baka hindi ako makuha sa trabaho.” “Huwag kang mag-alala. Tatlong buwan ang kukunin kong visa mo kaya sure ako na bago pa mag-expire ang visa mo, may mahahanap ka nang trabaho.” “Sige. Sabihin mo lang ang mga dapat kong gawin para maayos ko ang papeles ko papunta diyan.” Kahit pa sagot na ni Mandy lahat at wala akong ginastos kundi ang pagkuha ko ng passport at kailangan ko pa rin naman ng panggastos.  Sinubukan kong umutang sa mga kapatid ni Mama ng kahit pocket money ko lamang at hindi naman ako pinagdamutan lalo pa't nakikita nilang nagpupursige din ako para umangat. Sa tuwing gusto nilang ibalita ang tungkol kay kuya, sinasabi kong hindi ako interesado. Ganoon katindi ang galit ko sa suwail na kuya ko. Siya kasi ang ugat ng paghihirap namin ngayon. "Mag-aabroad ako." Paalam ko kay Cathy isang araw. Hindi na iyon paghingi ng kaniyang permiso. Sinasabi ko lang iyon sa kaniya para mabigyan siya ng katiting na pag-asa na maiaangat ko rin sila ng mga anak ko. Pagod na kasi ako pangmamaliit niya sa akin. Ito na lang kasi ang tanging paraan para maibigay ang kanyang gusto. Alam ko namang pera lang ang kailangan niya at hindi ako. Iyon kasi ang ipinaramdam niya sa akin. "Kita mo nang magulo ang buhay natin ngayong magkasama palang tayo, tapos balak mo pa akong iwan sa pag-aalaga ng mag-isa diyan sa mga anak mo?” “Akala ko ba gusto mong kumita ako ng malaki. Na pera ang mas kailangan mo ngayon? Sa akala mo ba madali para sa akin ito? Na masaya akong iwan kayo ng mga bata? Na tuluyan akong malayo sa inyo?” “Talaga ba? Hindi ka naman pala masaya. Hindi mo naman pala talagang gustong iwan kami, bakit kailangan mong umalis? Oo pera ang pinag-aawayan natin kasi nga salat na salat. Pero hindi mob a magagawan ng paraan nang hindi tayo kailangang maghiwalay.” “Paano Cathy? Wala akong natapos. Walang tanggap sa akin dito sa sahod na gusto mo.” “Ewan ko, James. Wala akong tiwala sa’yo.” “Wala akong tiwala sa akin? Bakit Cathy? Kailan ba kita niloko? Kailan ba ako nambabae para pag-isipan mo ako ng ganyan.” “Huwag mo akong lokohin James. Oo maaring wala rito. Maaring hindi moa ko niloko pero paano kapag nasa ibang bansa ka na. Paano kung hindi na kita nababantayan. James, pinagdaanan na naming ng pamilya ko ‘yan. Akala naming, nag-abroad si Papa para sa amin pero iyon pala may babae na siya ro’n. Hindi na kami binalikan at alam ko, nakikita ko sa nangyayari sa ibang pamilya. Nasisira dahil sap ag-aabroad na ‘yan. Kung wala ako do'n sigurado maghahanap ka ng kalinga ng iba." “Hindi ako kagaya ng Papa mo. Sa tagal natin, hindi mo man lang ako pinagkatiwalaan kahit man lang sana sa isyu ng pambababae. Itaga mo sa bato Cathy, tandaan mo ang sasabihin ko. Hindi ako gagaya sa Papa mo, hindi ako gagaya kay Papa.” “Huwag kang magsalita ng patapos, James. Ayaw kong umalis. Hindi ako papayag.” Hindi ko na muli pa siyang sinagot. Napupuno na din ako. Saan ba ako lulugar? Kung dito lang ako, paano ko maibibigay ang buhay na gusto niya? Ngayong, aalis ako, iniisip naman niyang mambabae ako roon. Ang hirap na niyang intindihin. Nagpalit ako kahit pa hindi siya pumapayag. Desidido na akong umalis ng bansa kahit pa anong mangyari. "Sa'n ka pupunta?" tanong niya bago ako umalis. "Puntahan ko si Vicky. Baka kasi hindi na kami magkausap bago ang flight ko." "Ituloy mo talaga ha!” “Cathy naman. Dalawang taon lang akong mawawala. Pangako. Babalik agad ako kapag may ipon na tayong pwede nating pagsimulan. Hindi tayo uunlad dito. Ito na lang yung alam kong paraan para makaahon. Malay mo, andon ang swerte ko. Makakabili tayo ng bahay. Makakaipon ako ng pang-negosyo natin.” “Talaga? Hindi ka pa nga nakakaalis antaas na agad ng pangarap mo. Singtaas ng pangarap mo nang niligawan moa ko at naging tayo. Andami mong pangako noon sa akin. May natupad ba?  Ngayon, mangangako kang muli. Para saan? Para sirain na naman?” “Alam ko. Hindi ko natupad ang lahat ng ipinangako ko sa’yo. Hindi kita nabigyan ng maalwang pamumuhay ngunit Cathy, hindi naman ako tumitigil na maghanap ng paraan. Hindi naman ako sumuko na ibigay sa’yo ang buhay na ipingako ko. Pero alam mo naman, sinisipagan ko. Minahal kita ng kahit hindi ko na maramdaman pang mahal moa ko. Bigyan mo naman ako ng chance na makabawi. Bigyan mo naman ako ng pagkakataong mangarap at umangat.” “Naku James. Dalang-dala na ako sa’yo. Ayaw ko. Hindi mo na ako mabobola pa. Kung gutso mong mag-abroad, bahala ka sa buhay mo! Pero sinasabi ko sa’yo, huwag na huwag mo akong sisisihin!" sigaw niya. Hindi ko na lang muna siya pinansin. Kung maging maayos ako sa ibang bansa at maibigay ko ang mga kapritso niya sa buhay, sigurado maintindihan din niya na ginagawa ko ang pagsasakripisyong ito ay para sa kanila ng mga anak ko. Baka kapag makahawak na siya sa unang sahod ko, naiintindihan na niya ang dahilan ng ginagawa kong pagsasakripisyo. Pinuntahan ko si Vicky na noon ay buntis sa kanilang panganay. Naawa ako sa kapatid ko. Napakabata pa niya para mag-asawa. Wala pa siya sa sapat na edad para pagdaanan ang lahat ng ito. Kaya kahit hindi ko ugaling maiyak ay namula ang mga mata ko. Kung may magagawa lang sana ako para tulungan siya. Kung kaya ko sanang isabay siya sa aking pamilya. Ngunit sahod ko pa lang kulang na kulang na sa akin. Ang kahirapan naming ito na magkapatid ang dahilan kung bakit gusto kong lumayo. Kaya kong isakripisyo ang aking pamilya para makaahon kami sa pagdarahop. Alam kaya ni kuya ang hirap na aming pinagdadaanan ngayon? "Kuya, uuwi na kami sa Davao ng asawa ko pagkatapos kong isilang ang aming panganay." “Ano? Vicky naririnig mo ba ang sinasabi mo? Davao ‘yon. Ang layo mo na sa amin.” “Kuya, bakit ikaw? Sa Qatar ka pupunta kamo, hindi ba? Sa tingin mo, sino sa atin ang mas malayo ang gustong marating?” “Pero iba yung sa akin bunso. Pupunta ako ro’n para magtrabaho. Paano kung aalilain ka ro’n ng asawa mo. Kung sasaktan ka o iiwan. Sino ang dadamay sa’yo?” “Kuya kahit naman nandito ako kung aalis ka na, kanino naman ako hihingi ng tulong. Buo na ang desisyon naming kuya. Uuwi na lang kami roon dahil sa hirap ng buhay dito.” Huming ako ng malalim. Ayaw ko sana. Hindi sana ako papaya pero hindi ko magawa sapagkat buhay naman niya iyon. Pero nagawa ko pa rin siyang tanungin uli sa bumabagabag sa akin. "Kung uuwi ka na sa Davao, paano si Papa rito?" "Kuya, ayaw ni Papa na inaalagaan siya saka hindi na siya nakakausap ng matino. Laging galit sa mundo. Ni ayaw na nga yata niya akong makita.” Huminga ako nang malalim. Matagal nan ang huli kong nakita ang Papa naming. “Napakalaki nang pinagbago niya, Kuya. Saka kung nakikita ko siya, kumukulo lang ang dugo ko. Siya ang dahilan kung bakit nawala si Mama at tuluyang nawala sa atin si kuya. Kung hindi dahil sa kahigpitan niya, hindi sana nagkaletse-letse ang buhay natin. " "Hindi si Papa ang may kasalanan sa pagkamatay ni Mama." "At sino Kuya, sino ang may kasalanan sa lahat ng nangyari? Si Kuya Daniel ba?" "Oo, sino pa ng aba? Ang putang inang suwail na kuya natin ang dahilan ng lahat." Namumula na ako sa galit. "Pareho lang kayo ni Papa. Dapat kayo ang magsama kasi ang kikitid ng mga utak ninyo. Walang kasalanan si Kuya Daniel kuya. Hindi niya kasalanan kung bakit namatay si Mama. Alam mo ba kung ano at sino na si kuya ngayon, Kuya?" "Hindi ako interesado. Kasi wala naman na rin naman tayong kuwenta sa kanya eh. Naisip ba niya tayong balikan? Naisip ba niya tayong silipan man lang? Inalam ba niya kung anon a ang buhay natin  ngayon? Vicky, kung gusto mong lapitan siya, puntahan mo pero kamilutan mo na ring Kuya mo ako.” "Napakababaw ninyo mag-isip ni Papa Kuya. Sana hindi mo na rin lang ako pinuntahan dito dahil pareho lang kayo ni Papa. Hindi kayo nakakatulong at kubg gusto mong mag-abroad. Mag-abroad ka. Wasak na rin naman ang ating pamilya kaya wala nang kuwenta pang magpaalam ka sa akin." "Hindi naman ako pumunta dito para makipagtalo sa iyo e. Pumunta ako dito para magpaalam na muna ako sa iyo. Baka bukas na kasi ang alis ko papuntang Qatar. Hinihintay ko lang ang kumpirmasyon ni Mandy. Kilala mo siya hindi ba?” Huminga nang malalim si Vicky. Pinipilit niyang mawala yung galit niya sa akin. “Kinukuha ako sa Qatar. Sana makahanap ako matinong trabaho dun para mapag-aral ko mga pamangkin mo at ikaw. Gusto kong matulungan kita bunso. Gusto kong umayos ang buhay mo kahit papaano." "Ganoon ba? Ako, wala naman akong natapos kaya siguro hanggang sa bahay na lang ako. Ilang araw na rin lang iuuwi na ako ng kinakasama ko sa Davao. Baka doon na lang din kami titira." Nagbuntong-hininga siya. Alam kong pangarap niyang maging nurse at makapagtrabaho sa ibang bansa ngunit ang pangarap na iyon ay hanggang sa balintataw na lang naka-ukit. Pagkaalis ko ay niyakap ko si Vicky at hinayaan kong umagos ang butil ng luha sa aking pisngi. Naawa ako sa kaniya ngunit wala naman akong magawa. Nang magpaalam ako ay nakita ko ang lungkot sa mukha ng bunso namin. Alam kong may gusto siyang sabihin ngunit ayaw na niyang ituloy pa iyon. Nakita ko ang pagyugyog ng kaniyang balikat. Minabuti kong tumalikod na lang dahil ayaw kong makita niyang umiiyak rin ako kagaya niya. Ayaw kong ipakita na sobrang lugmok ko na at wala man lang akong magawa para mapagaan ang buhay niya. Sana hindi ako mabibigo sa aking pangingibang-bansa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD