Episode 06

1400 Words
Episode 06 HINDI ako makapaniwala na nakapasa ako sa ipinasa kong registration at ngayon ay inaanyaya na ako para sa live interview. Syempre ay pumayag kaagad ako at binalita iyon kay Cana. Pareho kaming tuwang-tuwa dahil hindi ko akalain na makakapasa ako. Ngayon naman ay kinakabahan ako sa live interview na sinasabi nila. Sabado sa susunod na linggo ang kinuha kong schedule. Pupunta ako sa opisina sa sabado para roon. Hindi ko alam kung anong klaseng live interview ang mangyayari pero sisiguraduhin kong makakapasa ako roon. Habang hindi pa sabado ay nagpasa rin ako ng mga resume sa iba’t ibang company. Hindi kasi ako iyong tipo ng tao na walang back-up plan. At eto nga ang back-up plan ko kung sakaling hindi ako makapasa sa interview ng Love Line. At isa pa, wala namang kasiguraduhan na mananalo nga ako sa Love Line kaya kinakailangan ko pa rin maghanap ng aaplayan. Hindi ko rin pala sinabi kay Cana na nagkita kaming muli ni Carlos sa baba kahapon at dinala ako sa parking lot para lang tanungin ako kung sino ang kasama ko. Tiyak kasing mas lalo lang iinit ang dugo niya sa lalaking iyon. Hindi ko rin naman kasi makuha kung anong gusto niya. Siya na nga etong nanakit pero parang sa inaakto niya ay siya pa ang naagrabyado ko dahil lang sa nakita niyang kasama ko si Arrow. Simula nang makita ko silang dalawa ni Alice na niloloko ako at patuloy na naglalaro sa kamunduhan ay doon na rin natapos ang lahat sa amin. Kahit gaano ko pa siya kamahal ay hindi ko magagawang ipagpilitan ang sarili ko sa taong niloko ako. Hindi ako kukuha ng bagay na ipupukpok ko lang ulit sa ulo ko dahil hindi naman ako ganoon katanga. Hindi ko lang alam kung anong ikinapuputok ng butsi niya ngayon. Lalo na at matagal na akong walang pakialam sa kanya. Pinatawad ko naman na siya sa kahayupan na ginawa niya sa akin pero hindi ako iyong tipo ng tao na kaya makalimot ng kasalanan nila sa akin. Nagpasa ako ng resume sa DMMC bilang game editor nila dahil recruiting daw ito ngayon. Sana ay makapasa ako dahil kung hindi ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Samantala ay sinubukan kong ayusin ang manuscript ko na ipapasa ko kay Gab. Ito iyong manuscript ko na kaagad niyang nireject matapos niyang basahin ng limang araw. Marami akong nakita na notes sa comment section sa mismong word. Pero ang pinakaproblema ko talaga ay iyong feelings dahil hindi raw siya kinilig nang basahin niya ang story ko. Sa totoo lang ay naiistress na rin ako. Bakit ba kasi hindi na ako makapagsulat ng romance? Ah? Maybe because I already gave up the thought that I could fall in love again? Or maybe, I am scared about falling in love again because of what happened to me? Na sa sobrang takot ay pati ang paggawa ko ng istorya ay naaapektuhan na. Bumuntong-hininga ako. Tama nga si Cana. Siguro ay makakatulong nga ang Love Line sa akin para makapagsulat ng romance kaya kinakailangan ko talaga makagawa ng paraan para makapasa roon. Wala nga lang akong ideya kung anong klaseng live interview ang gagawin nila. Sigurado naman ako na hindi nila ako tatanungin na parang sa ginagawa nila sa office. Nawala ako sa malalim kong iniisip nang marinig ko na naman ang pagtunog ng aking telepono. Lumitaw doon ang pangalan ni mama. Bumuntong-hininga ako at napailing bago sinagot ang tawag. “Bakit?” unang bungad ko pagkasagot sa tawag. “Go home tomorrow. We need to talk.” “No need, Ma. I will go home today,” wika ko at saka kinuha ang gamit ko para umuwi sa bahay. Nagpaalam ako kay Cana at sinabi ang nangyari sa kanya. Tinanong niya ako kung kailangan ko ba ng kasama pero sabi ko ay huwag na. Si Cana lang ang nakakaalam ng totoo kong sitwasyon sa bahay at nagpapasalamat talaga ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad niya. “Live with us,” mariing wika ni mama sa akin. Nakatitig siya gamit ang malalamig niyang mata sa akin. Marahan akong napailing at napatawa ng bahagya dahil sa gusto niyang mangyari. Bakit ngayon niya ako gustong patirahin sa bahay nila samantalang siya nga ang nagpalayas sa akin. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung ano ang nangyari noong araw na ‘yon at ayoko na maulit pa ang bagay na ‘yon. “No,” mariin kong wika sa kanya. “Pagkatapos mo ako palayasin, pababalikin mo ako?” marahang sagot ko sa kanya. “Avy!” suway ni tito pero hindi ko siya pinakinggan. Sigurado akong sinabi ng Carlos na ‘yon sa kanila ang nakita nila sa studio. This is probably the reason why they wanted me to go home. Tinignan ko si Carlos ng walang emosyon habang si Alice ay nakangisi. Sigurado akong natutuwa siya ngayon dahil nakikita niyang nag-aaway na naman kami ni mama dahil sa kanya. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay. Kaya nga ako umalis para magawa ‘yon kaya bakit pilit nilang ginugulo iyon? “How dare you! Wala kang utang na loob!” sigaw sa akin ni mama. “Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay, Mama. Kaya nga ako umalis sa bahay na ito dahil alam kong hindi ako matatahimik. Kaya bakit niyo ako pilit na ginugulo?” kalmado kong wika sa kanya. Pagod na ako umiyak sa tuwing nag-aaway kami ni mama. Simula nang makilala niya si tito at magpakasal sila ay para na rin akong nawalan ng in ana gagabay sa akin. Palagi na lang si Alice ang kinakampihan niya. She never asked if I am okay. “I am asking you to stay here because I am concern to you as a mother, Avy! Bakit hindi mo maintindihan ‘yon?” “Are you really concern about me, Ma? O kaya niyo lang ako pinapauwi ngayon ay para hingian ako ng mga kung anu-anong pabor sa magaling niyong anak na hindi marunong tumayo sa sariling paa?” seryosong wika ko sa kanya. Nanlaki ang mat ani mama dahil doon at hindi nagawang makapagsalita. Marahil ay narealize niyang tama ako. Ganito rin ang ginawa nila sa akin noon. Pinauwi nila ako dahil nagtatrabaho pa ako no’n sa malaking kumpanya. Hiningian ako ni mama ng pabor na ipasok si Alice doon dahil may tiwala siya na makakapasok. Ako naman etong si sunod-sunuran na anak, pinasok nga si Alice doon. Kaya lang hindi nakapasa si Alice sa interview. Sinisi nila sa akin ang bagay na ‘yon. Na hindi raw ako gumawa ng paraan para pilitin ang management na makapasok si Alice. Syempre wala akong kakayahan para gawin iyon kaya nanahimik na lang ako at kay Cana na ulit umuwi. “Don’t be like that to our mom, sis. She’s just concerned as a mother. Carlos saw you in a studio with a man and told us that it might be your boyfriend.” Tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi at napailing. “Oo nga. Nakita ko nga siya. Iyon lang ba ang sinabi niya sa’yo? Hindi ba niya nasabi sa’yo na nag-usap kami? Na nagawa niya akong daragin papunta sa parking lot para lang tanungin kung sino ang lalaking kasama ko? Galit nag alit pa nga siya eh. May mga sinabi pa nga siya sa akin. Gusto mo bang malaman kung ano ‘yon?” Hindi nakapagsalita si Alice sa sinabi ko at marahang napatingin kay Carlos. “Oh? Bakit parang nagulat ka? You stole my boyfriend who is already a cheater. Are you expecting that he’s going to be loyal to you just because you stole him from me?” “Bi— “Enough Alice! Huwag ka ng sumagot pa,” suway ni tito. “Pero dad!” angil ni Alice na siyang ikinailing ko na lang. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at huminga ng malalim. “Just to be clear. I don’t want to live with anyone of you so don’t expect me to do that nonsense request of yours. Dahil ipapaalala ko lang ulit, kayo ang nagpalayas sa akin. Bakit ako babalik sa mga taong nagpalayas sa akin noong mga panahong sila ang kailangan ko?” Tumingin ako kay Alice. “And please, sawayin mo naman iyang jowa mo na huwag lumapit sa babaeng single lalo na at hindi naman siya single.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD