Episode 07

1053 Words
Episode 07 PAGKATAPOS ng kaguluhan na nangyari roon sa bahay ay lumayas na ako ng walang pasintabi. Naririnig ko pa ang pagtawag sa akin ni mama sa pangalan ko at pilit akong pinapabalik doon. I didn’t want to hate my own mother just because she keeps on siding with Alice but I can’t help it because she’s using me for her own benefits. Kaya nga ako nagpakalayo para hindi ako magalit sa kanila pero sadyang ayaw nila ako patahimikin. Hindi ko alam kung anong problema nila gayong sinabi ko na noon pa na huwag na nila ako papakialaman dahil wala na ako sa puder nila. “Avy!” dinig kong tawag sa akin ni Carlos. Napayukom ako sa aking palad habang nakatigil sa kinatatayuan at nakatalikod sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kinakailangan niya pa sabihin iyon sa kanila? At isa pa, sino ba ang nagbigay sa kanya ng karapatan na pakialaman ako? Naramdaman ko ang pagtatangka niyang paghawak sa braso ko. Kaagad akong humarap sa kanya at sinampal siya ng malakas sa kaliwa niyang pisngi na ikinagulat niya. “Avy…” “Huwag ka ng lalapit sa akin pa, Carlos. Kung ayaw mo magpantay iyang sampal ko sa pisngi mo,” galit na banta ko sa kanya. “Wala kang karapatan na kontrolin ang buhay ko, naiintindihan mo?” “Kaya tigilan mo na ang paglapit sa akin. Don’t make me hate you, Carlos. Just don’t,” naiiling na wika ko sa kanya at umalis na sa harapan niya. Umuwi ako ng pagod. Pakiramdam ko ay naubos lahat ng enerhiya na mayroon ako dahil sa pagpunta ko sa bahay na ‘yon. Maaga ako natulog. Nadatnan ko rin si Cana na tulog na sa sofa habang nakabukas ang TV. Pinatay ko iyon at saka siya kinumutan bago pumunta sa aking kuwarto at doon natulog. KINABUKASAN, maaga akong gumising dahil napagpasyahan ko na pumunta sa malayo para magsulat. Pero hindi rin ako magtatagal at uuwi rin dahil na-move ang totoo kong schedule sa live interview sa love line. Bukas na raw ang interview ko. Medyo nakakainis nga dahil nagpaschedule pa sila kung mamomove lang din naman pala. Gusto ko na talaga ulit magsulat kaya pupunta ako sa tahimik na lugar upang makapagsulat kahit paano. Baka sakaling kapag may nakita akong bago sa paningin ko ay makapagsulat ako. “Hindi ka pa ba maghahanda para sa live interview mo bukas?” tanong sa akin ni Cana. “Like bibili ng damit para magmukha ka namang presentable.” “May mga damit naman ako dyan.” “It’s not going to work, Avy. Magmumukha kang katawa-tawa roon kapag iyong mga lumang damit ang susuotin mo. Hindi ko rin ba malaman sa’yo, may savings ka naman pero hindi ka bumili ng gamit mo.” “Fine. Point taken. Samahan mo na lang ako sa mall,” wika ko na naiiling. Imbes tuloy na magsulat sa malayo ay pupunta ako ngayon sa mall kasama si Cana para bumili ng bagong damit. Kapag umayaw kasi ako, sigurado naman akong hindi niya ako titigilan sa kakasabi na kinakailangan ko ng bagong damit lalo na at variety show ang sasalihan ko. Eh di ayun nga, pumunta kami sa mall dahil nga bibili nga kaming dalawa ng damit. Humiwalay ako kay Cana dahil mas madaling makakahanap kapag naghiwalay kami sa loob ng department store. Marami rin tao sa loob no’n. Kung tutuusin ay ngayon lang napuno ng husto ang department store kaya para tuloy may artistang darating dahil sa dami ng tao. “Nahanap niyo na ba siya?” dinig kong wika ng lalaki. Matangkad ito at nakabusiness suit. Mapapagkamalan mong may-ari ng mall dahil sa lakas ng presensya niya pero dahil nakakunot ang noo niya ay parang may problema. May kasama siyang mga tao na parang mga bodyguard. Siguro ay pinapahanap niya nga ang taong hinahanap niya kung sino man ‘yon sa mga bodyguard. Kung sabagay, kung dito siya nawala, mahihirapan nga sila makita iyon dahil sa dami ng tao at sa laki ng mall. Sana lang ay mahanap na niya iyong tao na pinapahanap niya sa mga bodyguard niya. Mukha kasing importante iyong tao na ‘yon. Nakita ko pa nga ang pagkamot ng ulo nito habang may tinatawagan. Mukhang problemado na siya dahil hindi pa rin niya nakikita ang taong kanina pa niya pinapahanap. “Where the hell are you?” sigaw ng lalaki sa telepono. Mukhang sumagot ang lalaking kanina pa niya hinahanap. Hay. Dapat talagang umalis na ako rito. Wala naman akong makitang damit para sa akin. Nakikiusosyo lang ako sa mga taong nasa paligid ko. Bakit ba kasi naging habit ko ang pag-obserba sa paligid? Huminga ako ng malalim at aalis na sana sa pilian ng mga blouse para hanapin si Cana dahil wala akong maisip na bilhin. Wala akong magustuhan na mga damit sa shop at kung meron man ay masyadong mahal para sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at saka tinawagan si Cana. Nasaan kaya ang babaeng ‘yon? Nagriring lang ang telepono niya kaya nagdesisyon akong maglakad-lakad sa loob ng store dahil baka mahanap ko siya. Pero sa paglalakad ko ay hindi ko sinasadyang may mabunggo akong lalaki. Hindi lang ‘yon. Nadulas pa ako at narinig ang mahinang pagbagsak ng aking cellphone sa sahig. Bakit ba ang lampa mo Avy? Dahil sa pagkakadulas ko ay mahina akong napatili at napapikit. Hinihintay ko na bumagsak ang aking puwetan sa matigas at malamig na simento pero hindi iyon nangyari. “Are you okay, miss?” Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. His arms were holding my waist while looking at me using his grey eyes. Napakurap ako habang nakatitig sa kanya. At nang ilapit niya ang mukha niya sa akin ay doon ako natauhan kung kaya’t mabilis akong umalis sa pagkakahawak niya sa akin na hindi ko man lang iniisip kung ano pwede ang mangyari sa aming dalawa. Nauntog ko pa siya sa bandang noo kaya lalo akong nataranta. “S-Sorry!” nauutal kong wika at dali-dali kong kinuha ang aking bag at cellphone. Nararamdaman ko ang pagtitig niya sa akin kaya hindi ko na nagawang lumingon sa kanya dahil kabado ako. Kung sino man siya ay sana huwag ko na siyang makita pa dahil hindi ko kayang alalahanin ang kahihiyan na nangyari sa araw na ito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD