Episode 05
KITANG-KITA ko ang gulat sa mukha ni Carlos nang gawin ko iyon. Hindi niya siguro inaasahan na itatanggi ko siya sa harap ni direk. Gayun pa man ay hindi ko mawari kung anong karapatan niya na tanungin ako kung sino ang kasama ko. Base sa nakita kong reaksyon niya ay parang sinasabi niya na wala akong dapat kausapin na lalaki. He;s acting like he has the right to be jealous just because I am with a friend.’
Seriously? Ano bang gusto nitong lalaking ito? Siyan a nga itong nagloko tapos siya pa ang may gana na tignan ako ng ganoon.Kung ako sa kanya ay mananahimik na lang ako sa isang tabi. At isa pa, ano bang ginagawa niya rito?
“Really? I thought you know him,” wika sa akin ni direk. Mabilis akong umiling. “Tara na. Doon tayo umupo oh?” wika ko sa kanya. Ako na mismo ang humila sa kanya at dinala siya roon. Hindi ko na pinansin pa si Carlos at nagkunwari na hindi talaga siya kilala. Hindi na ako magtataka kung ipapatawag na lang ako bigla sa mansion dahil sa ginawa ko.
Marami kaming napagkwentuhan ni direk. Halos hindi na nga naming namalayan ang oras. Kung hindi pa siya tinawagan ng assistant niya ay hindi pa kami babalik sa itaas. Siguradong aasarin din ako ni Cana dahil kanina pa kami magkasama nito.
“Avy,” tawag niya sa akin. Napalingon naman ako roon. Paakyat na kaming muli sa itaas at naglalakad.
“Can you call me by my first name instead?” tanong niya sa akin. Nagulat naman ako roon. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha. “You’re being too formal and I don’t like it.”
“O-Okay.”
Eh di ayun nga, umakyat na kaming dalawa sa itaas. Nasa likuran ko siya. Pakiramdam ko nga eh, inaalalayan niya ako kaya nasa likod ko siya. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi pamulahan lalo na at siya ang kasama ko ngayon.
Pagkabalik naming dalawa sa studio ay kaagad ko naman nakita ang nakakalokong ngiti ng kaibigan ko. Kaagad naman niya ako nilapitan. “Kamusta ang date niyo? Sulit na sulit ah?”
Umirap ako sa kanya kaya natawa siya sa akin. Kinuwento ko naman kaagad ang mga nangyari habang magkasama kaming dalawa ni Arrow.
“Nakita ko rin pala si Carlos doon sa baba kanina. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya roon,” wika ko sa kanya. “Ano na naman ang sinabi ng lalaking iyon sa’yo? Hindi pa ba talaga siya nadadala?” tanong niya sa akin. Tinulungan ko siyang ayusin ang mga camera na gagamitin niya para sa shoot. I even prepared the lenses for her. Sa tagal ko na siyang kasama ay alam ko na ang mga lenses na ginagamit niya tuwing shoot.
“Wala naman siyang sinabi sa akin bukodsa tinanong niya kung sino si Arrow. Nagkunwari lang ako na hindi ko siya kilala.”
“Arrow?” kunot-noo niyang tanong sa akin. Nanlaki ang mata ko. Doon ko lang narealize ang sinabi ko sa kanya. Hindi ko nga pala sinabi sa kanya na ayaw ni Arrow na maging formal ako masyado sa kanya. “Lumabas lang kayo, first name basis na kaagad kayo?” tanong niya sa akin.
“F-First name basis ka dyan! A-Ayaw niya lang na maging formal ako masyado sa kanya kaya hinayaan ko na,” nauutal kong sagot sa kanya. Tumawa naman ang magaling kong kaibigan at napailing na lang sa sagot ko. Hindi siya naniniwala na hinayaan ko lang iyon dahil ang totoo ay ginusto ko rin na tawagin siya sa totoong pangalan niya at hindi sa tawag na ‘direk’.
I only met him because of Cana. Pagkatapos no’n ay nasundan na ng nasundan ang pagkikita naming dalawa. Even my editor, Gab knows him too. Ang pangalawang pagkikita namin ay doon sa pub house. Ipinakilala ako ni Gab sa kanya pero dahil kilala na niya ako noong una pa lang ay naging madali na ang lahat sa amin na magkwentuhan.
We already exchanged phone numbers pero bukod doon ay wala na. Hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko dahil nang makilala ko si Arrow ay iyon ang oras na naghiwalay kami ni Carlos dahil sa pangloloko niya. I decided to distance myself around people who are close to me. I thought I succeed but it’s getting me nowhere because of Arrow. He keeps on approaching me even though I am giving him a cold treatment. I know that I need some time alone but that time… he keeps on pursuing me in every way he knew. He keeps on talking and talking hanggang sa ako na mismo ang bumigay at hinayaan siya sa gusto niya.
I thought distancing myself from people I loved would bring me good and peace of mind but it only makes the situation worst. Kaya nagpasalamat ako na nandoon sa panahong ‘yon si Arrow. Hindi niya ako hinayaan na maging mag-isa kahit na wala siyang alam sa nangyayari noong mga panahon na ‘yon.
Because of that, I had a crush on him.
And it is developing to something that I am afraid of.
Bumaba muna ako at bumili ng tubig. Abala na rin naman si Cana roon dahil kanina pa nagsisimula ang shoot para sa apat na actors na gaganap sa movie. Sa pagbaba ko ay nakita ko roon si Carlos na tila may hinahanap. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito pero mas mabuting umakto na lang ako na hindi ko siya kilala para sa ikatatahimik ng lahat.
I can’t deny that Arrow helped me to move on from him. But the pain is still there. Kaya pinipilit ko rin na ilayo ang sarili ko sa kanya dahil ayoko na maramdaman ulit ang sakit na ‘yon.
Lalampasan ko na sana siya nang hilahin niya ang kamay ko at dinala ako sa mas pribadong lugar. Pilit akong nagpupumiglas sa kapit niya. “Bitiwan mo nga ako!” sigaw ko sa kanya.
Akon a mismo ang humila ng kamay ko mula sa kanya dahil ayaw niya akong bitiwan kanina pa. Anong karapatan niya na daragin niya ako basta-basta? He’s not even my boyfriend!
“Who is that guy, Avy?”
“What?”
“Ang sabi ko, sino ang lalaking ‘yon?” tanong niya sa akin. Halos matawa ako sa inaakto niya. Talaga bang galit siya ngayon? Pwes, sino ang nagbigay sa kanya ng karapatan na magalit?
“It is none of your business, Mr. Reyes.” Tinignan ko siya na walang bahid na emosyon. Nagulat naman siya sa sagot ko. “It is my business because I cared for you, Avy.”
“Not enough reason for you to dragged me here like I am still your girlfriend, Carlos. Baka nakakalimutan mo lang na ikaw ang nagloko sa ating dalawa?”
“Akala ko ba ay napatawad mo na ako?” mahina akong napatawa at napailing. “Nagpapatawad ako pero hindi ako marunong makalimot, Carlos,” malamig kong wika sa kanya. Sa tuwing naaalala ko lahat ng mga pangagago na ginawa niya sa akin ay bumabalik ang galit sa dibdib ko. Kaya mas mabuting hindi ko na siya makita pa.
“Is he your boyfriend?”
“As I said, its none of your business,” malamig kong wika sa kanya at saka lumayas sa harapan niya. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya akong dalhin dito sa parking lot nang dahil lang doon. Kinakailangan kong bumalik kela Cana dahil baka hinahanap na ako no’n ngayon.
Naglakad ako pabalik. Habang naglalakad ay biglang tumunog ang cellphone ko. Unregistered ang number kaya nagdalawang-isip ako na sagutin pero nang makita ko na ilang beses na ito tumatawag ay doon ko naisip nab aka emergency ito.
“Hello?” magalang kong wika.
“Hello! Good afternoon, Ms. Madrigal. I am Lorenz Corpuz from Love Line. I would like to inform you that you passed on the screening. Are you available for a live interview next week?”