Episode 03

1094 Words
Episode 03 “Bakit hindi kaya sumali ka sa Love Line?” nakangiting wika sa akin ni Cana. TUMAAS ANG KILAY ko sa kanyang sinabi matapos ng mahabang paliwanagan niya. “Alam mong hindi ako interesado sa pagsali sa mga ganyan. Sayang lang sa oras ko dyan,” iritadong wika ko kay Cana. Totoo naman talagang wala akong interes doon. Kakapaliwanag niya lang sa akin ng mga bagay-bagay tungkol sa Love Line at ni isa ay walang nagpainteres sa akin na sumali sa ganoong palaro. “Kahit na malaki ang papremyo?” tanong niya sa akin at saka tinaas-baba ang kanyang kilay na para bang kinukumbinsi ako na sumali. Sinimangutan ko siya at umiling. “Hindi ako sasali roon kahit ano pang pagpilit ang gawin mo sa akin.” Pumunta ako sa likod ng pintuan at kinuha ang aking tuwalya. “Saan ka pupunta?” “Sa coffee shop. May pasok pa ako,” sagot ko sa kanya at saka nagmadali na kumilos. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumeretso na ako sa coffee shop. Si Cana naman ay dumeretso na rin sa kanyang trabaho. She’s a photographer at ngayon ay may shoot siya sa isang lugar dito sa Metropolis. Balita ko ay gwapo raw ang model niya ngayong araw dahil ipi-feature iyon sa isang men’s magazine. Pagdating ko sa coffee shop ay naging abala ako dahil sa dami ng customer doon. Akala ko ay magiging maganda ang araw ko pero isang pangit na balita na naman ang aking natanggap dahil ngayon ay nasa office ako ni manager. “Pasensya ka na, Avi. Kailangan naming magtanggal ng empleyado dahil maliit na lang ang kinikita nitong shop.” Imbes na magtanong kung bakit ako pa ang natanggal samantalang matagal na akong nagtatrabaho rito ay tumango na lang ako at hindi na pinilit ang sarili ko. Marahil, sinabihan ni Carlos si manager na tanggalin ako sa trabaho para maayos siyang makapagtrabaho dito at para na rin mas maging maayos sila ni Alice. Si Manager Judy kasi ang auntie ni Carlos at ang may-ari ng shop. Dito sa shop na rin ito kami nagkakilala ni Carlos at dito rin natapos ang lahat matapos mangyari ang insidenteng nahuli ko si Carlos na niloloko ako. Binigay sa akin ni manager ang huling pasahod niya sa akin ngayong buwan at pagkatapos ay saka ako nagpasalamat sa kanya bago bitbitin ang mga gamit ko. Dapat ay sa bahay ako didiretso ngayon dahil sa kaugalian na tuwing biyernes ay doon ako kung saan nakatira ang mga magulang ko kasama si Alice pero wala na akong natitirang lakas pa para umuwi. Isa pa, masyado ng mahina ang loob ko para sumabak pa ulit sa gyera. Minabuti ko na lang muna umuwi sa apartment kung saan ako tumutuloy. Ala-sais pa lang naman ng hapon kaya may oras pa ako para maghanda ng hapunan naming dalawa ni Cana dahil dito rin siya tumutuloy. Nang lumayas ako sa amin, si Cana ang tumulong sa akin para makapagsimula ulit ng bagong buhay na malayo sa pamilya ko. Kung hindi dahil kay Cana ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon dahil siguradong kapag bumalik ako sa bahay na ‘yon ay si Alice pa rin ang kakampihan nila at hindi ako. Pagkauwi ko ay kaagad akong nagluto at hinanda ang lamesa sa pagdating ni Cana. Pero as usual ay gabi na naman natapos ang gig niya ngayong araw kaya mag-isa na naman ako kumain ngayong hapunan. Tinignan ko rin ang cellphone ko na kanina pa tumutunog. Nakita ko sa screen ang pangalan ni mama pero hindi ako nag-abalang sagutin iyon. Kinakailangan ko na talaga maghanap ng bagong trabaho bukas dahil hindi pwedeng ganito. Alangan naman na umasa lang ako sa savings ko, eh di hindi na ako nakapag-ipon. Pero natitiyak akong hindi ako makakahanap ng trabaho ng ganoon kadali. KINABUKASAN, maaga akong umalis ng apartment upang mag-apply sa mga kumpanya na gusto ko sanang pasukan. Sinubukan kong mag-apply bilang editor pero ni isa sa inapplayan ko ay walang tumanggap sa akin. Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa dahil sa sobrang disappointment na nararamdaman ko ngayon sa sarili ko. Tama nga siguro sila. Na walang mararating itong pagsusulat ko lalo na ngayon na hindi ako nakakapagsulat ng kwento nang maayos dahil sa nangyayari sa buhay ko. Baka siguro ay dapat ko ng ikonsidera ang binigay sa akin ni mama na posisyon doon sa kumpanya niya para hindi ganito. Pero ayoko naman makipagkumpetensya kay Alice at isa pa, may pangarap ako. Sigurado ako sa gusto ko at iyon ay maging kilala na writer at maging movie ang isa sa mga gawa ko. Hindi ko magagawa ang mga ‘yon kung magpapadala ako sa mga ganitong problema. Umuwi muna ako sa apartment pagkatapos ko maghanap ng trabaho. Kakarating lang ni Cana galing sa shoot niya kahapon. Hindi pala siya umuwi kagabi at doon natulog sa hotel dahil masyado na raw siyang pagod para magpahatid pa. “Ano? Tinanggal ka sa coffee shop?” gulat na wika ni Cana sa akin. Tumango ako. “Kaya ngayon ay naghahanap ako ng trabaho pero wala ni isang tumanggap sa akin sa mga inapplayan ko.” “Eh di ano na ang gagawin mo ngayon?” Bumuntong-hininga ako. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang plano ko ngayon. Ayokong itigil o isuko ang pangarap ko. Ayoko rin na makipagkumpetensya kay Alice kaya mas mabuting maghanap ako ng sariling paraan para magkapera na hindi umaasa sa magulang ko. “Hindi ko alam. Siguro ay pipilitin ko na lang na magsulat ng romance kesa sa tumunganga ako.” Iyon ang pumapasok sa isip ko ngayon dahil katulad nga ng sabi ni Gab ay ako na lang ang hindi pa nakakapagpasa ng manuscript sa mga writers niya. Baka matanggalan ako ng kontrata kapag nagpatuloy ito. “Na-consider mo na ba ang pagsali sa Love Line?” tanong sa akin ni Cana. “Malaki ang papremyo roon kung sakaling mananalo ka. At higit sa lahat ay baka iyong variety show na iyon ang sagot sa bago mong romance.” “Malay mo, magsisi iyang gago mong ex na pakawalan ka kapag nakahanap ka ng jowa roon,” dagdag pa niya. “Talaga bang kailangan ko sumali roon?” wika ko na hindi sigurado. “Wala namang mawawala teh kung sasali ka. At saka para rin naman sa iyo ‘yan at hind isa akin. Malay mo, makatulong ‘yan ng sobra sa’yo diba?” Bumuntong-hininga ako at saka tumango bago ibigay ang salitang kanina pa niya hinihintay. “Sige na nga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD