Episode 04
NAG-APPLY ako sa Love Line katulad ng suhestisyon ng kaibigan kong si Cana. Hindi ko naman dapat sana papatulan ito kung hindi lang ako nawalan ng trabaho. Kinakailangan ko ng pera dahil hindi naman pupwede na iyong nasa savings ko ang gastusin ko palagi. Mahirap kapag walang ekstrang pera dahil hindi mo alam kung kailan magkakaroon ng emergency na may kinalaman sap era.
“Ano? Nakapag-register ka na?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako. Kanina pa siya excited dahil natitiyak daw siya na magiging maganda ang experience ko sa Love Line. Para naman sa akin ay hindi naman experience ang kailangan ko kundi pera. Nang malaman ko na mahigit nasa kalahating milyon ang ibibigay nilang papremyo sa mananalo ay hindi kaagad ako nagdalawang-isip na magregister sa site bilang manlalaro.
Ayon sa instruction na nabasa ko kanina ay mamimili ang mga staff kung sino lamang ang makakasali. Limang lalaki at babae lamang ang tatanggapin. Ang bawat manlalaro ay magiging kapartner ang isa’t isa hanggang sa huling part ng laro.
Ang goal ng Love Line ay para maging match-maker ng dalawang tao. Iyon ang purpose ng variety show na ito. Kung ganoon pala ay para ito sa mga taong naniniwala sa ‘love’ o nawalan na ng pag-asa sa larangan ng pag-ibig. Pero wala naman ako sa dalawang iyon eh. Nasa gitna ako ng dalawang iyon,
Hindi naman sa hindi na ako naniniwala sa love. Naniniwala lang ako na hindi siya para sa akin talaga. Carlos isn’t my first boyfriend. Nakipaghiwalay sa akin iyon ay dahil pagod na raw siya sa akin. Syempre umiyak ako pagkatapos no’n dahil wala akong natanggap na maayos na paliwanag mula sa kanya bukod doon sa dahilan niya na ‘yon. Pagkatapos ng ilang buwan ay nakilala ko si Carlos. Siya ang tumulong sa akin na makalimot at bigyan ng pangalawang pagkakataon ang sarili na magmahal.
Inabot kami ni Carlos ng taon. Naging masaya naman ang relasyon namin. Kung tutuusin ay mabibilang sa kamay na nag-away kami ng malala. Puro mga tampuhan lang na inaayos naming kaagad ang madalas naming hindi pagkakaintindiha. Pero bukod doon ay wala kaming problema.
Nagbago lang ang lahat nang magpakasal na si mama sa ibang lalaki. Ang lalaking iyon ay may anak na rin sa una niyang asawa. Ang anak niyang si Alice ay naging legal kong kapatid nang magpakasal silang dalawa ni mama. Noong una ay tutol ako sa pagpapakasal nilang dalawa dahil nasa murang edad pa lamang ako nang maghiwalay sila mama at papa. Bago sila magpakasal ay umaasa akong magkakabalikan pa ang mama at papa ko pero nang makita ko na masaya talaga si mama kay tito ay hinayaan ko na silang dalawa.
Ayaw sa akin ni Alice. Ramdam ko iyon noong una pa lang kaming nagkita bilang magkapatid at nagsama sa iisang bahay. Pinagbigyan ko siya sa lahat ng bagay dahil ako iyong mas matanda sa kanya kaya kailangan ko magbigay.
Pero may nangyaring gulo sa bahay. Pinalayas ako ni mama dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi saktan si Alice. May project kami no’n sa isang subject at magkaklase kami ni Alice roon. Sinira niya ang project na gawa ko pero wala akong sapat na ebidensya noon para patunayan na siya nga ang sumira no’n. Isa pa ay inakala ng professor na wala talaga akong ipinasa kaya nagkaroon ako ng bad record sa card ko no’n kaya nagalit si mama.
Pinalayas ako ni mama dahil kay Alice ko isinisi ang lahat. Akala ko ay maiintindihan ako ni mama pero si Alice ang napili niyang kampihan. Umuwi ako kay Cana no’n at kinabukasan ay napagdesisyunan na tumira kasama si Cana sa isang apartment. Akala ko ay hindi papayag si Mama kaya ganoon na lang din kalaki ang gulat ko nang pumayag siya sa gusto ko. Simula no’n ay bihira na ako umuwi sa kanila dahil kay Alice. Pero hindi pa roon natapos ang kalbaryo ko sa kapatid kong ‘yon dahil si Carlos naman ang sunod niyang kinuha sa akin.
Carlos cheated on me with her.
Syempre, ginawa kong big deal iyon. Nagalit ako pero katulad ng inaasahan ko ay ipinagtanggol na naman ni mama si Alice laban sa akin. Na kesyo wala raw siyang kasalanan dahil ako raw iyong may kasalanan kung bakit nagloko si Carlos. Pagkatapos no’n ay parang doon ako nasampal ng reyalidad na kahit anong gawin kong paliwanag ay hindi nila ako papakinggan kaya nanahimik na lang ako at isa-isang pinilit na marating ang pangarap ko na maging writer.
Wala sila roon nang maging writer ako. Pero okay lang iyon sa akin dahil alam ko naman na meron akong kaibigan na katulad ni Cana na nandyan para tulungan ako na makamit ang pangarap ko.
Ngayong naabot ko na ang pangarap ko ay ang maging movie ang isa sa kwento ko ang gusto kong gawin ngayon. Kaya lang nahihirapan akong abutin iyon ngayon dahil hindi ako makapagsulat ng romance.
“Hindi naman halatang excited ka ano? Ang sabi ay 48 hours pa bago malaman kung papasa ako para sa live screening nila.”
“Oo nga. Pero nakakatuwa lang na nagawa mo talagang patulan ang suhestisyon ko,” natatawang wika ni Cana sa akin. Napasimangot naman ako dahil doon. “Oo ng apala, kailangan ko ng tulong mo bukas, Avy.”
Kumunot ang noo ko sa kanyang wika. “Saan? Sa shoot?”
Tumango naman siya sa akin. “Photoshoot para sa upcoming movie na Just Benefits.”
Nanlaki ang mata ko na ikinangisi ni Cana. “Yes. Direk Arrow will be there.”
Namula naman ako at umiwas ng tingin sa kaibigan kong si Cana. Alam niya kasi na may crush ako roon sa tao at lumalala ang feelings ko sa kanya. Sino ba namang hindi lalala ang feelings sa isang mapag-alagang lalaking katulad ni direk? Bukod doon ay natuwa talaga siya nang malaman niya na pangarap kong maging movie ang ginagawa kong mga kuwento. Iyon nga lang ay alam kong mahigpit siya pagdating sa pagpili katulad na lang nitong Just Benefits. Nabasa ko ang aktwal na libro nito at masasabi ko ngang karapat dapat siya na maging movie.
“Saan ba ang shoot?”
“Ui, excited siya.”
“Heh,” irap kong sagot sa kanya. “Saan nga?”
“Sa may studio lang.” Hindi ako umimik at tumango na lang. “Huwag kang mag-alala, ipapahatid kita kay direk after ng shoot dahil may gagawin pa ako pagkatapos no’n. Siguraduhin mo lang na masusulit mo dahil minsan lang dumating ang pagkakataon nag anito.”
Napailing ako kay Cana pero tumango na lang din ako dahil gusto ko rin naman makasama si direk. At isa pa, katulad nga ng sinabi ni Cana ay minsan lang dumating ang ganitong pagkakataon.
Eh di ayun nga, maaga ako ginising ni Cana dahil nga sa shoot. Wala pa rin akong email na natatanggap galing sa Love Line kung tanggap ako sa screening kaya medyo kinakabahan ako dahil wala akong ideya kung saan ako kukuha ng pera ngayon.
Malapit lang iyong studio. Isang sakay lang mula sa apartment kaya mabilis lang ang byahe. Pagdating naming doon ay tinulungan ko siya magset-up para mamaya ay wala ng poproblemahin pa.
“Good morning, Cana.” Napatunghay ako nang marinig ko ang pamilyar na baritonong boses mula sa aming likuran. Taman ga ang hinala ko dahil si direk iyon. Nakangiti siya kung kaya’t kitang-kita ang dimples nito sa magkabilang pisngi. “Oh, Avy. Kasama ka pala. Good morning din s aiyo.”
Nagsikuhan kaming dalawa ni Cana bago sumagot. “G-Good morning din, direk.”
“Kumain ka na ba, Avy?” tanong ni direk sa akin na siyang ikinagulat ko. Napatingin ako kay Cana at hindi alam ang isasagot. “Naku, direk. Hindi pa kumakain ‘yan. Ang totoo niyan ay kanina pa kumakalam ang tiyan mo.”
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Binebenta baa ko nitong babaeng ito kay direk? Sasagot pa lang sana ako na hindi totoo iyon nang sikuhin muli ako ni Cana at bigyan ng tingin na ‘sumakay ka na lang’ look. Wala na akong nagawa kundi ang tumango.
Pero ang mas ikinagulat ko ay nang hawakan ako ni direk sa braso bago nagsalita. “Kung ganoon pala ay halika na at kumain. Naghahanap kasi ako ng kasama dahil hindi pa rin ako kumakain ng agahan.”
Hindi na ako nakaangal pa nang hilahin na niya ako dahil tumango nan ga ako kanina. Doon kami kumain sa ibaba ng studio. Hindi ko na rin namalayan pa na kanina pa niya ako hawak sa braso hanggang sa pumunta kami sa counter kaya napagkamalan kaming magkarelasyon noong nasa counter. Ngumiti lang din si direk at hindi itinama ang babae na siyang nagpakabog sa dibdib ko.
Pagkatapos namin umorder ay nagsimula na kami maghanap ng mauupuan. Pero hindi pa man kami nakakaalis ay tumambad na sa aming harapan ang nakakunot na noo na lalaki na sobrang pamilyar din sa akin.
Anong ginagawa nito rito? Hindi ko rin nagugustuhan ang tingin na ibinibigay niya sa aming dalawa lalo na nang bumaba ang tingin nito sa magkahawak naming kamay ni direk.
“Who is he, Avy?” tanong sa akin ni Carlos. Hindi ako sumagot. Tinignan naman ako ni direk at siya na ang nagpakilala, “I am Arro—“Direk,” tawag ko sa kanya. Nilingon niya naman ako. “I don’t know him. Please don’t give your name to a stranger.”