Episode 02
Avyanna “Neri” Nesryn Alcazar
“I cannot accept this,” sabi ni Gabriella sa akin. “Change the ending, Avy,” dagdag niya pa.
Inisod niya ang manuscript kong pinaprint pabalik sa akin. Nakaupo ako ngayon sa harap ng desk niya. She asked me to send her the manuscript a few weeks ago tapos eto siya at irereject na naman ang istoryang ginawa ko.
Sa table niya ay may malaking screen ng monitor, isang system unit na nakalagay sa ibabaw ng drawer na kasing-tangkad ng kanyang table. May keyboard din at isang mouse. Sa gilid no’n ay may telepono na maya’t maya ang ring. Sa gilid na rin na ‘yon nakalagay ang mga iba’t ibang manuscript na ipinasa sa kanya ng mga writers na hawak niya rin.
“Gab, you know that I don’t write romance anymore,” giit ko sa kanya. I hate romance. I hate everything about it. I used to love it but now? No.
Gabriella Marquez is my editor under Miracle Publishing Company. I am full-time writer under them and I used to be a romance writer but when shits happened, I stopped writing romance and shift on writing tragic or horror. Pero hindi iyon nagiging mabenta sa mga bookstore ngayon dahil ang hinahanap nila ay happy ending.
And I don’t believe on that fvcking sht anymore.
“Because what? Because your ex-boyfriend cheated with your step-sister Alice? Avy. Hindi porket sinaktan ka, wala ka ng karapatan na magmahal ulit. Marami pa namang isda dyan,” sermon niya sa akin.
Right. Carlos cheated on me because of her. Umalis ako sa bahay para manahimik pero hindi pa rin niya ako tinitigilan. I decided to live alone a few months ago para iwas gulo tapos eto ang nangyari. I explained my side to my parents, unfortunately, kumampi na sila kaagad kay Alice kahit hindi pa naririnig ang side ko.
Bilang mas nakakatanda sa kanya, ako na lang iyong nagpasensya kahit ako iyong nasaktan. I tried my best to make myself calm dahil ayokong magmukhang mahina. Hanggang ngayon nga ay tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung saan ako nagkulang para gaguhin ako noong lalaking ‘yon. I did everything I could pero dahil lang sa malakas na tawag ng laman, natalo na ako.
“Hindi ba pwedeng hindi na lang ako magsulat ng romance?” Dismayadong tumingin sa akin si Gab at saka umiling.
“Alam mong hindi na nagiging mabenta ang mga libro mong sinusulat sa bookstore. Everyone is asking where’s the popular author of Forever in Love with You and I said that you’re here, busy on writing your masterpiece, Avy. But you know? This isn’t a masterpiece.”
“Porket ba hindi ako nagsusulat ng romance eh hindi na ako magiging kilala? I joined horror workshops!” giit ko sa kanya. I took an effort para tapusin ang workshop na ‘yon kahit na may pagkaboring iyong nagtuturo.
“Oo pero balewala iyon kung iba ang hinahanap ng readers mo. The only choice you have right now is change the ending of your manuscript or find another publishing house that will publish your work. Pero duda ako na may magpapublish ng work mo dahil mas mabenta pa rin ang romance. O kung mayroon man, mababa pa rin ang sales,” tuloy-tuloy niyang wika sa akin.
“Gab naman.”
“I am serious, Avy. Ikaw na lang ang hindi pa nakakapagpasa ng manuscript sa lahat ng writers na hinahawakan ko. Kung hindi ka makakapagpasa on the next three months, then I don’t have any choice but to cut your contract.”
Dismayado akong umalis doon sa pub house habang iniisip kung saan ako kukuha ng pera ngayon para sa araw-araw na gastusin. Wala akong binabayarang renta dahil bayad na mismo iyong condo nang bilhin ko iyon.
I have part time job on a café pero kailangan ko pa ng isang trabaho na stable ang income. Kung hindi ako makakapagpasa ng manuscript ayon sa ibinigay ni Gab na limit para sa akin ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.
I cannot go back to that house. Hinding-hindi ako babalik doon dahil kapag bumalik ako, siguradong wala akong kakampi. Mas lalo kong mararamdaman na mag-isa ako.
“Oh? Anong nangyari sa’yo?” tanong ni Cana sa akin pagkatapos ko manggaling sa pub house. Cana is my best friend. We’re already together since grade school. Siya ang kasama ko rito sa condo. Mas mabuti na iyong may kasama para atleast may kahati ka sa gastusin sa bahay. Kaya lang, may kinakasama na siya ngayon na Jake ang pangalan at doon siya umuuwi sa bahay nila. Pinupuntahan niya lang ako rito kapag wala si Jake sa kanila.
Photographer kasi ang propesyon ng kasintahan niyang si Jake at minsan ay may malalayo itong photoshoot kaya hindi kaagad nakakauwi. Kapag nangyayari ‘yon, sa akin nakikitulog si Cana dahil wala siyang kasama roon sa bahay.
“Hindi natanggap ang manuscript mo no?” tanong ni Cana sa akin. Tamad akong humiga sa sofa pagkatapos ko itapon ang gamit ko sa kung saan.
Tumango ako sa kanya. “Ang kunat talaga niyang si Gab,” naiiling na wika niya sa akin. Iisa kami ng eskwelahan na pinapasukan ni Gab at nitong si Cana simula nung grade school hanggang college. Ang kinaibahan lang ay ahead sa amin si Gab ng dalawang taon kaya mas nauna siyang grumaduate sa aming dalawa ni Cana.
“Binigyan niya ako ng sapat na oras para tapusin on time iyong manuscript. But I don’t want to change the ending. Mas gusto ko na hindi sila nagkatuluyan kesa sa paasahin ang readers ko na totoo ang mga happy ending.”
Umupo ako at saka siya tinignan. “Hindi ko alam kung bakit may mga taong naniniwala sa happy ending kahit hindi pa nila nararanasan ma-inlove.”
“That’s the point. Love is happiness.”
“What if someone break your heart? Hindi ba hindi na happy ending ‘yon?” tanong ko sa kanya habang nakasimangot pa rin. Ang dami kong pinoproblema at isa na roon ang manuscript ko. I used to love those romance I have seen on movies. I am sucker for a romance and happy endings katulad noong iba. Pero nagbago iyon nang makilala ko si Carlos. Carlos is my first boyfriend. I did everything for him. Ipinakilala ko siya sa magulang ko kahit alam kong wala silang pakialam.
I stopped working on a company just to be with him. Marami akong itinigil na bagay sa sarili ko para sa kanya tapos puro panloloko lang pala ang makukuha ko? And now, kung hindi ko lang kilala si Gab, literal akong jobless ngayon kung hindi dahil sa kanya.
It was a stupid move to resign on a company who pays you a big salary just because you want to spend time with him.
“Alam mo kase, may parehong side ‘yan. It can be a heartbreak for someone you broke up with and can be a happy ending to someone like you who left.”
“Isipin mon a lang, kung nagtagal kayo ni Carlos, malamang ay niloloko ka pa rin niya.”
“But I can still write romance.”
Carlos is the main reason why I hate writing romance. Simula nang lokohin niya ako, parang lahat ng romance na librong nababasa ko ay kinaaayawan ko na. Sabi nila, side effect daw iyon ng heartbreak dahil ilululong moa ng sarili mo sa kalungkutan hanggang sa maging okay ka na ulit pero hindi iyon nagwork sa akin. I tried to drown myself on sadness and pain to make myself okay as soon as possible but it didn’t work. Nandito pa rin iyong sakit na nararamdaman ko kahit apat na buwan na ang nakakalipas simula noong naghiwalay kaming dalawa.
“Pero niloloko ka pa rin. Para sa akin mas okay na iyong nasaktan ka kesa manatili sa relasyon na puno ng panloloko. It’s not your loss Avy.”
Huminga ako ng malalim at saka umiling. “Kung hindi ako makakapagsulat, tiyak na mawawalan na talaga ako ng trabaho,” naiiyak at dismayado kong wika sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag nangyari ‘yon. Hindi ko na rin makikita si Sir Carrick. Nakakaiyak. Bukod pa roon ay tiyak na kapag bumalik ako sa bahay na ‘yon ay pagtatawanan nila ako dahil sa sinabi ko na kaya ko mamuhay mag-isa.
“Bakit hindi kaya sumali ka sa Love Line?” nakangiting wika sa akin ni Cana.
Love Line? Ano naman ‘yon?