Episode 08
“Anong nangyari sa’yo? Bakit hingal na hingal ka?” tanong sa akin ni Cana nang makita niya ako na hingal na hingal habang naglalakad. Sinamaan ko siya ng tingin at saka inirapan. Hindi ko sasabihin sa kanya ang nangyari dahil tiyak na aasarin niya lang ako. I don’t even know that guy! Pero aaminin kong gwapo siya kahit na hindi ko siya natitigan ng maayos.
“Wala,” iritableng sagot ko. Sana hindi na kami magkita noong lalaking ‘yon. O kaya kung magkita man kami ay hindi niya maalala na nabangga ko ang noo niya dahil sa kalikutan ko.
“May napili ka ba?” tanong sa akin ni Cana. Tinignan niya pa ako kung may hawak ba akonmg damit. Nang makita niya na wala akong hawak ay napailing siya at hinila ako papunta sa fitting room.
“Sukatin mo bawat damit tapos ipakita mo sa akin,” utos niya. Sumunod naman ako dahil alam kong wala namang magagawa ang pag-ayaw ko sa kanya lalo na at nandito na kami sa mall.
Sa pagsunod ko sa kanya ay himala na may tatlong damit na bumagay sa akin sa mga pinili niya. Binili ko iyon dahil may tiwala naman ako sa taste niya pagdating sa mga damit. She’ more stylish than me when it comes to clothes.
Pagkatapos naming mamili ay kumain na rin kami roon sa fast food at nagpatake-out na rin para hindi na kami lalabas if ever na magutom dahil malayo ang karinderya sa bahay na tinutuluyan namin. Nasa loob pa kasi kami ng eskinita at bago ka makarating roon ay kinakailangan mo pang maglakad at dumaan sa tatlong kanto. Sa madaling salita, mahaba-habang lakarin. Hindi mo pa sigurado kung makakabili ka ng maayos dahil sa dami ng mga taong naggala sa daan tuwing gabi. Wala kasing rumorotonda na mga pulis doon kaya maraming nakakalusot kahit na oras ng curfew.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Cana sa akin. Kakauwi lang namin galing sa mall. Napagdesisyunan kong baguhin ang mga characters ko dahil sa mga notes na ibinigay sa akin ni Gab noong nakaraan.
“Binabago itong mga information ng mga characters ko kaya kinakailangan ko ulit magresearch.”
“Bakit hindi kaya gawin mong game developer iyong leading man?” tanong niya sa akin. “Tingin ko ay mas madadalian ka roon tutal hindi lang naman pagsusulat ang hilig mo, hindi ba?”
Tumango naman ako. “Sige. Agree ako riyan sa sinabi mo. Paano naman iyong heroine? Anong occupation niya?”
“Gawin mo kaya siyang doctor?” Kaagad akong umiling. “Wala akong alam sa medical terms at isa pa, wala rin akong mapapagtanungan. Magkakabutas ang story. Alam mo naman si Gab,” wika ko sa kanya.
“Kung sabagay. Ano bang maganda?”
Tumahimik ako ng ilang segundo at nag-isip nang marinig ko ang boses niya. “Aha! Editor kaya?”
“Oo tama! Editor na lang sa babae. Tutal writer ka, kayang-kaya mo ‘yan,” sagot niya sa akin. Pumayag naman ako sa ideya niya dahil kung tutuusin ay kayang-kaya ko nga iyon. Mas madaling magsulat kapag pabor sa akin ang trabaho ng character ko.
Nagtuloy-tuloy ang ginagawa naming ni Cana hanggang sa mapunta na ako sa pag-eedit ng chapter one para sa story ko. “They should hate each other first kasi iyong lalaki, malandi tapos iyong babae, ayaw sa ganoon. Tapos iyong babae naman, reklamador na minsan ay tahimik tapos ayaw din nung lalaki ng ganoon kasi he knows how to express himself through words and actions na sobra namang nagpapabigla roon sa babae.”
After a few hours, nabuo ang chapter one. Pinabasa ko iyon kay Cana pero kagaya ng problema ko kay Gab ay ganoon din ang problema ko sa kanya. “The woman is too cold-hearted. Kulang na lang maging corpse siya sa sobrang cold, sis.”
“Tapos eto namang lalaki, hindi ko ganoon ka-feel ang ugali niya katulad ng sinabi ko sa’yo. Siguro, mas kailangan mo mag-add ng emotion?” wika ni Cana sa akin. “But plot is getting better compared sa pinabasa sa akin ni Gab na plot mo last time.”
Medyo nainspired ako sa sinabi ni Cana kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Ipinagpatuloy ko rin ang pagri-research sa iba ko pang characters para mas madefine iyong mga personality nila sa kuwento. Ang problema ko na lang talaga ay walang kaemo-emosyon ang mga characters ko. Kumbaga, para silang mga robot.
And that’s what I am lacking. I tried rereading my old works just like what Gab suggested to me but it seems normal to me. Iyong para sa akin ay wala naman silang pinagkaiba sa mga gawa ko ngayon kumpara sa dati kaya hindi ko malaman kung paano nila iyon nakikita.
Dinalaw ako ng antok. Alas-dose na pala ng madaling-araw. Interview ko pala bukas sa Love Line kaya kinakailangan ko gumising ng maaga. Ang sab isa akin ni Cana ay sasamahan niya ako papunta roon. Si Cana ay nauna na rin natulog sa akin dahil maaga pa nga kami bukas.
Naglinis na rin muna ako ng katawan at nagpalit ng damit. Hinanda ko na rin ang mga gamit ko para bukas bago humiga sa aking kama.
KINABUKASAN ay maaga nga kami pumunta sa Love Line. Maddy Entertainment ang naghahawak sa Love Line. Noong nabasa ko ang tungkol sa kanilang variety show ay nalaman ko rin kung sino ang pasimuno ng project. Si Carrick Salazar ang director ng show na ito. Medyo pamilyar ako sa mga ginagawa niyang project dahil ilang variety show na niya ang pinanood ko at masasabi konng maganda ang mga variety show na naproduce niya. Balita ko ay palaging 4.5 pataas ang rating ng mga show niya kaya lahat ay excited sa Love Line lalo na at ang purpose ay mabigyan ng chance na magkaroon ka ng love life at makaexperience ng romance.
Kagaya ng inaasahan ko ay maraming tao. Mabuti na lang at limang participants lang sa babae at lalaki ang nakasali para sa live screening at kabilang ako roon. Hanggang ngayon nga ay hindi ko alam kung sino pa ang magiging kapartner ko.
Wala pang sinasabi ang Love Line tungkol doon o kung paano ang gagawin. Hindi naman sa excited ako malaman kung sino ang kapartner ko dahil wala naman akong interes na magkaroon ng relasyon sa kanya. Ang habol ko rito ay ang perang papremyo kung tutuusin.
“Ms. Madrigal, pwede na po kayo pumasok sa loob,” wika sa akin noong babae. Ako ang huling pumasok sa loob ng kuwartong iyon. Ang sabi ay tatawagin daw kapag interview na kaya nang tawagin ako noong babae ay grabe ako kung kabahan.
Pumasok ako sa loob. Napalunok pa ako nang makita ko ang tatlong lalaki na nakaupo sa kani-kanilang upuan habang may malaking lamesa sa harap nila. May isang bakante ring upuan sa kabilang side kung saan ako uupo.
“Good afternoon, Ms. Madrigal. I am Carrick Salazar. The director of Love Line.”
Ngumiti ako at tumango sa kanya. “To make the interview short, I have a question for you. Why did you join Love Line?”
Huminga ako ng malalim at saka ngumiti muli sa kanila bago sinagot ang sagot na kanina pa nilang hinihintay.