Episode 01
Sylvestre Lee Del Marcel
“Nandito ka?” tanong sa akin ni Drew. Tumango ako sa kanya. Sandali lang naman ako. Sigurado kasi akong magtatampo si Kareene kapag hindi ako pumunta. I made a promise to her that I will be here on her wedding day.
He’s wearing a blue-three-piece suit because he’s the best man on their wedding. I should be in a meeting right now but I told Caius to move the meeting on the other day because I need to be here.
Hindi pa nagsisimula ang kasal. Nagsisidatingan pa lang ang mga imbitado para sa church wedding. Iginala ko ang tingin ko sa buong lugar. The preparation for this wedding totally exceed my expectation. Kung ako nga rin naman ang papakasalan ni Reene, hindi ko siya titipirin. I am ready to give whatever she wants. Unfortunately, I am not what she wants.
I can only help her to be happy but I am not the reason of her happiness.
“Reene invited me here,” sagot ko sa kanya. Tumango naman sa akin si Drew. “Sabi nga sa akin ni Alon, aatend ka raw.”
Tumahimik ako sa sinabi niya. “Aattend ka rin ba ng reception?” tanong niya sa akin.
“Baka hindi na. I still have important clients I need to meet,” sagot ko. Tumango naman siya sa akin at saka sinagot ang tawag sa kanyang telepono na kanina pa nagriring.
Dumating na rin si Wave. Nakipag-usap muna siya sa ibang bisita at nakipagpicturan sa mga tao bago ako nagawang kausapin. I know that he’s just doing his soon-to-be-wife a favor. I know that he doesn’t want me to be here. Sino ba naman ang gugustuhin na makita ang karibal mong umatend ng kasal niyong dalawa diba? But I am still here because I cannot say no to her. I will never say no to her. Not even once because I hate her seeing sad.
“You’re not changing your mind just because you’re here, are you?” tanong niya sa akin. Napangisi ako at napailing.
“No. You might regret it later,” mabilis kong wika sa kanya. I love Kareene as much as he loves her. That fact won’t change kahit ilang beses pa pagbaliktarin ang mundo.
Mananatili akong nasa tabi niya palagi kapag kailangan niya ng tulong. Iyon na lang ang bukod tanging magagawa ko matapos ko siyang ipaubaya sa lalaking kaharap ko ngayon.
Wala naman akong pagsisisi. Ipinaubaya ko si Kareene ng bukal sa loob ko dahil alam kong doon siya sasaya. I know that Wave can make her happy than I could.
I could give her everything she wants. Kaya ako nagsikap at makamit ang lahat nang ito ay para sa kanya. The truth is, before we separate our ways when we’re still a child, I told myself that she’s the only girl that I want to marry. Pero kahit na siya pa ang gusto kong pakasalan, iba naman ang gusto niya makasama habang buhay.
Nang makita ko si Kareene sa party na ‘yon, alam kong huli na ako. But of course, I still tried my luck. Sinabi ko sa sarili ko na baka pwede ko pa siyang bawiin. Na baka pwede ko pa mabago ang nararamdaman niya sa akin. Pero nang makita ko kung gaano siya nasaktan nang makita niyang naghalikan si Tanya at Wave noong gabing ‘yon, alam kong talo na ako.
Hindi na ako lumaban. Hindi ko na ipinilit pa.
Kung ako nga ang masusunod, kaya ko naman siyang agawin. I could steal her away from him but I didn’t because I don’t want to do something that will make her cry. I don’t want to look desperate just because I love her.
“As if I would let you to steal her away from me,” sagot naman niya sa akin. Kinulbit siya noong camera man kaya wala akong nagawa kundi ang magpapicture kasama siya. Napilitan pa tuloy ako ngumiti sa camera.
Pagkatapos ng mga nangyari ay nakahinga na rin ako sa wakas. Wala na sa kapahamakan si Kareene. Para akong nabunutan ng tinik nang makita ko na pumapasok mismo si Orson sa kulungan. Iniisip ko pa lang na pupwede niya ulit masaktan si Kareene ay nagagalit na ako. Mabuti na lang at tapos na. Sana.
Huminga ako ng malalim. Hindi na ulit kami nakapag-usap ni Wave dahil pinapunta na siya sa dulo ng altar dahil papasok na raw ang bride maya-maya Lahat ng bisita, kasama ako ay umayos na rin at pumunta na sa kanya-kanyang pwesto.
Kasabay ng pagtugtog ng wedding song nila ay ang dahan-dahan na pagpasok ni Kareene suot ang pinakamagandang gown. The wedding gown looks simple but it looks very good on her. Kung sabagay, kailan pa siya pumangit sa mga suot niyang damit?
Hindi maintindihan ng mga kasama ko sa opisina kung bakit ko nakuha pang pumunta rito dahil suicide raw ang dating sa kanila. Maybe. Pero kaya lang naman ako nandito ay para tuparin ang pangako ko kay Reene na aattend ako ng kasal niya kahit anong mangyari.
And maybe, this is also a sign that I should let her go, finally.
Kasabay ng palitan nila ng singsing at exchange ng vows ay dahan-dahan akong tumayo. Lumabas ako ng simbahan pagkatapos ng magarbong palakpakan at anunsyo ng pari na kasal na silang dalawa. bago tinawagan si Caius.
“Sir?”
“Buy me a plane ticket.”
“Okay, sir.”