Talon Ng Mga Alaala (Last Part)

821 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ----- Noong nakarating na ako sa harap ng kubo, pinagmasdan ko ito at ang kanyang paligid. Tila isang talon sa aking isip ang biglang pagbuhos ng mga alalaala. “Halos walang ipinagbago...” sa isip ko lang. Naroon ang bangko kung saan palagi kaming umuupo. At pati na ang mga buko na hati na at wala nang laman, nakataob ang mga ito sa isang tabi. Halos ganoon pa rin ito simula noong huli kong nakita roon si Manuel. “Ganoon pa rin... maliban na lang sa isang taong nawala” bulong ko sa sarili. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Uupo na sana ako sa bangko sa harap ng kubo noong biglang may nalaglag mula sa puno ng niyog na nasa mismong gilid lang ng kubo. Tiningnan ko ang nasa itaas nito. At hindi ko pa man naaninag kung sino iyon, nagsalita na siya, “Lumayo-layo ka! Baka matamaan ka!” “Si Manuel!” Sigaw ng utak ko. “Ikaw ba yan Man?” sigaw ko. “Bakit? Ano ba sa palagay mo?” sagot niya. Pakiramdam ko ay mawalan ako ng ulirat sa di inaasahang pangyayari. Parang lumundag-lundag ang aking puso sa matinding kagalakan. Parang hindi ako makahinga sa sobrang saya. “Akala ko ba nasa Canada ka na?” ang tanong ko noong tuluyan na siyang nakababa at pinulot na niya ang mga bukong inilaglag niya. “Narealize ko na naiwan pala dito ang kaligayahan ko. Ayaw kong pumunta sa Canada na hindi siya kasama,” sabay bitiw ng nakakaklokong ngiti. “Weeehh! Di nga?” “Naalala ko kasi ang sinabi ko sa iyo... na ang tagumpay ko ay tagumpay mo rin. Kaya dapat, kasama kita sa tagumpay ko. At alam ko, nagtagumpay ka rin. At dapat... angkinin ko rin ang tagumpay na yan.” Hindi na ako nakapagsalita pa. Niyakap ko na lang siya nang mahigpit atsaka hinalikan sa labi. “At may regalo pala ako sa iyo...” “Ano iyon?” “Bago pumanaw ang inay, may sinabi siya sa akin,” sabay bukas sa pinto ng kubo, pumasok siya at may kinuha sa loob. Nanatili akong nakatayo sa harap ng pintuan ng kubo, excited na naghintay kung ano ang ibibigay niyang regalo. Noong lumabas na siya, ang kamay niya ay nasa kanyang likuran. “Naawa raw ang inay sa iyo noong nakita niyang pilit mong inakyat ang isang matayog na puno. Pinuntahan ko ito at tiningnan ang kung ano ba ang talaga iyong gusto mong akyatin doon.” at iniabot na niya sa akin ang kanyang regalo. “Wooowwwwww! Nakuha mo ang orchids!!!” sigaw kong nagtatatalon na. “Opppssss! Huwag muna!” sambit niya sabay layo rin ng kamay noong tangka ko itong kunin sa kanyang kamay. “May isa pa akong sinabi.” “A-ano?” “Liligawan na kita...” atsaka pa niya ibinigay ito. Napangiti na lang ako. At noong tiningnan ko siya, ang nasambit ko kaagad ay, “OO! OO!” “Hindi pa nga ako nakapag ‘i love you’, OO na kaagad?” biro niya. Sabay kaming nagtawanan. At iyon... Nagyakapan kami, naghalikan na parang kami lang ang tao sa mundo at nagmamay-ari nito. At muli, inangkin naming ang bawat isa, pinagsaluhan namin ang tamis ng aming pagmamahalan. Sa kasalukuyan, pino-proseso ko na ang aking visa para sa pagtungo sa Canada. Nag-apply kasi ako ng scholarship para sa MA studies doon at natanggap naman ako. Doon ako magpapatuloy sa pag-aaral habang si Manuel ay doon na rin magtatrabaho. Sinabi kasi niya sa kanyang kapatid na hindi siya pupunta roon kung hindi ako kasama. At pumayag naman ang asawang Canadian ng kanyang kapatid na hintayin daw ako at tutulungan nila. At dahil alam din nila ang aming relasyon, ang asawang Canadian ng kanyang kapatid din ang mismong nag-propose na magpakasal kami roon dahil legal naman daw ang pag-aasawa sa mga taong katulad naming nagmamahalan. At ang dagdag pa niya ay siya na raw ang bahalang tumulong sa amin upang mabigyan kaming dalawa ni Manuel ng Canadian citizenship. At madali lang daw ito sa Canada. At kapag nagtagumpay kami sa plano naming ito sa Canada, doon kami magsimula; doon namin buuin ang aming mga pangarap bilang isang tunay na mag-asawa. Ano pa ba ang mahihiling ko? May plano na kami at ang kailangan lang namin ay ang kaunting tiis at pagsasakripisyo. Iyan naman talaga ang tamang elemento upang magtagumpay. Sa buhay, walang instant na tagumpay. Kahit pa ang panalo sa lotto ay pinaghihirapan din; pinagsasakripisyuhan. Ang lahat ay dumaranans ng bagyo, baha, o kung ano mang pagsubok sa buhay. Ngunit kung matapang mong susuungin ang mga ito, malalampasan din ang lahat at hindi malayong makakamit din ang tagumpay. Lahat naman kasi ng tagumpay ay dumaraan sa pagtitiis, sa pagsubok, sa pagsasakripisyo, sa paniniwalang kaya mo, at sa paghintay na makita ang bunga ng iyong pagsisikap. Bahay-bahayan. Dito nagsimula ang lahat...   WAKAS.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD