Kulang-kulang kalahating oras din ang nilakbay nila bago niya nakita ang guard house ng subdivision. Napasulyap siya sa alarm clock ng driver at alas-kuwatro kuwarenta y singko na! Papasok na sila ng harangin ng mga guards. Ibinaba naman ng taxi driver ang bintana. Nakangiting sumilip siya at hiningi ang i.d. niya. Binitawan niya muna si Jane at kinuha ang wallet sa likod. Nasusuka na siya dahil naamoy niya ang mabahong amoy na kumapit sa braso niya. "Kalilipat ko lang diyan sa malaking bahay," sinabi niya ang address. Napatango-tango ang guard at kinausap pa ang isang guard habang salit-salitang nakatingin sa kaniya at sa i.d. niya. Inis na inis namang pilit na ngumingiti si Rick kahit gusto na niyang sigawan ang mga ito. Tumatakbo ang oras niya! Sumilip pa ang driver sa loob at ka