HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 37 BEGGED SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. HININTAY KO na makauwi si Aiden hanggang sa makatulog na lang ako sa couch kahihintay sa kanya. Muli akong nagbabakasakali na makakabalik siya sa condo unit kapag nakauwi na ako. Maaga akong nakauwi dahil isa lang ang schedule ko sa araw na ito at parang binigay na rin ito na bonus ng management sa akin dahil straight na akong nagtatrabaho. Kaya ngayon ay nandito ako sa may couch habang nakaharap sa pintuan at naghihintay na makauwi si Aiden. Hindi ko mapigilan na mapaklang mapatawa sa aking sarili dahil nag fefeeling asawa ako sa kanya ngayon. Hindi ko nga siya boyfriend eh. Wala nga kaming label dalawa. Ano ba kaming dalawa? Live in partners? Eh hindi naman kami partners eh. Housemate with benefits? Pati ako