HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 38 AKO NA LANG SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. “TRY ME, Aiden… subukan mo akong mahalin,” mahina kong sabi at napatingala ako kay Aiden. Katatapos lang ng pagtatalik naming dalawa at nakahiga kami ngayon dito sa kanyang kama. Nakapikit ang kanyang mga mata ngayon habang pinaglalaruan ng kanyang kamay ang aking buhok. Nakahiga naman ang ulo ko sa kanyang malapad na dibdib ngayon at pareho pa rin kaming hubo’t hubad at tanging comforter lang ang nakatabon sa aming mga katawan. Iminulat ni Aiden ang kanyang mga mata at napatingin siya sa akin gamit ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. “Bakit ako?” Bahagya akong nagtaka sa naging tanong niya sa akin. “Anong ibig mong sabihin?” Hinaplos siya ang aking pisngi. “Bakit ako ang minahal mo?” tanong niya