HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 47 PAGLIPAT SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. TAMA ITONG ginagawa ko ngayon… kailangan ko na talagang lumayo kay Aiden. “Okay lang ba sayo itong condo unit mo, Sierra? Parang ang liit kasi,” sabi ni Lloyd nang matapos kami sa aming pag-aayos dito sa condo ko. Oo, nag rent na ako ng condo unit na sarili ko. Dito na ako titira. Umalis na ako sa condo unit ni Aiden dahil kapag nagpatuloy na nandoon ako, hindi ko magagawa ang paglayo ko sa kanya. “Okay na okay lang ‘to, Lloyd! Ang laki nga nito eh. At isa pa, ako lang naman mag-isa,” nakangiti kong sabi sa kanya. “The end na talaga ang sa inyo ni Sir Aiden, Sierra?” napatingin ako kay Charmaine nang itanong niya iyon sa akin. Napaisip ako nang itanong iyon ni Charmaine. “Siguro?” mahina kong sabi. Narin