HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 48 RIGHT DECISION SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. I’D SAY I made the right decision. Naging okay naman ang buhay ko na lumayo ako kay Aiden. Oo, inaamin ko na minsan ay namimiss ko siya at parang gusto ko nang bumalik doon sa condo unit niya at magmakaawa sa kanya na mahalin ako at tanggapin sa buhay niya. Buti na lang at napigilan ko ang aking sarili kundi ay ako na talaga ang magagalit sa sarili ko. It’s been four months at ang dami ng nangyari sa buhay ko. Ngayon ay patuloy ako sa aking trabaho kasama si Felix at sa mga individual ko rin na mga schedules. Tinanggap ko na rin ang hamon na maging bida sa isang movie kasama si Felix. Sinabi naman ni Lloyd na papasok ako sa acting lessons upang hindi ako mahirapan at magawa ko nang tama ang trabaho ko. Nakaka