NAGISING ako nang bandang alas-singko nang hapon. Nakatulog din ako ng dalawang oras. Nakakapagod pala maging estudyante pero kailangan kong labanan ito dahil may pangarap ako. Inayos ko muna ang aking kama. Wala naman akong assignment kaya maluwag pa ang schedule ko after ng class namin. Lumabas na ako sa room ko, pababa na sana ako nang makita ko si Collete na pa-akyat naman. Nakita kong naka-uniform pa siya mukhang kauuwi lamang niya. Si kuya Leo ang driver niya. “Kauuwi mo lang, Collete?” nakangiting tanong ko sa kanya. “Hindi kita nakikita sa campus? Siguro dahil nasa bandang east ang building niyo!” dagdag na sabi ko pa sa kanya. Tinignan lamang niya ako at tinaasan ng kanang kilay niya. “Ano naman ang pakealam mo? And, mabuti nga iyon na hindi tayo nagkikita, eh, at least, doon