CHAPTER 1: Ang Simula
NAPAPIKIT ako nang marinig ko ang hiyawan at iyakan nang mga batang pinapalo ngayon ni Madam.
“Ate Frances, ayos lang kaya sila? Saan kaya nila dinala iyong pera?” saad sa akin ni Angel.
Nakatingin lamang kami sa limang bata na pinapalo ngayon ni Madam. Si Madam ang nag-aalaga sa amin na nasa edad dalawang taon gulang hanggang sa disi-siyente na ayos. Kinse na ako ngayong taon at dalawang taon na lamang ay magdi-disi-siyente na ako. Kapag tumuntong ako ng 18 years old ay maaalis na ako rito sa lumang bahay na tinitirahan namin.
Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kamay nina boss Weng and Madam. Ang alam ko lang ay simula ng tatlong taong gulang ako ay nandito na ako at sila ang nag-alaga sa akin, katulad ng mga ginagawa ng ibang bata na nasa edad kong tatlong taong gulang ay namamalimos na ako sa daan, sa tapat ng simbahan o sa iba pang lugar na maraming tao.
Iyon na ang naging buhay ko. At, inaasar pa nga ako ng mga ibang bata na, iniwan daw ako ng mga magulang ko dahil may balat daw ako sa aking likod, malaki iyon sa may kanang side ko. Kaya sobra akong nagalit sa mga kasamahan ko rito at lalo na sa mga magulang ko na inabandona ako.
Kung hindi man nila akong kayang buhayin sana hindi na lang nila ako pinanganak dito!
Napakapit sa akin si Angel and Lili nang lumakas ang mga hiyaw ng limang bata. Patuloy pa rin kasing pinapalo sila ni Madam.
“Hindi kayo tatanda kung hindi namin kayo papaluin! Matuto kayong sumunod sa amin dahil sa amin ay may tinitirahan kayo at may kinakain kayo! Mga bobo at boba!” malakas na sabi ni Madam sa limang bata.
Kita namin dito sa pʼwesto namin ang pagkakanginig ng limang bata. Naaawa na ako sa kanila, sabi ni Joy sa akin kanina ay bumili raw ang limang bata ng tinapay sa halagang bente pesos dahil gutom na raw ang mga ito at tatlong piso para sa ice tubig na nabibili sa mga tindahan. Si Joy pala ay isa sa mga ka-edaran ko rito. Sa iba ang lugar nila kaya nakikisagap lang kami ng balita.
Kaya naaawa tuloy kami sa kanila, gutom lang naman sila kaya nabili nila ang perang napagbentahan ng basahan.
“M-maawa po kayo!”
“H-hindi n-na po n-namin uulitin!”
“T-tama n-na p-po!”
paulit-ulit na hingi nila ng paumanhin kay Madam pero pusong buto ito. Kaya patuloy pa rin ang pagpalo sa kanila.
“Ate Frances, t-tulungan natin sila... K-kawawa naman po,” mahinang sabi ni Lili sa akin.
“Hindi natin sila pʼwede tulungan, Lili! Mapapahamak din tayo kapag tumulong tayo sa kanila,” madiin na sabi ni Franco at hinawakan niya ang kanang kamay ni Lili.
“P-pero, ate Frances, n-nakakaawa po sila... N-nagugutom lang naman po sila kaya nagastos nila iyong perang pinagbentahan ng mga sampaguita at basahan po,” mahinang sabi ni Lili sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay at umiling sa kanya. “Tama si Franco, Lili, baka pati kayo ay mapahamak. Masʼwerte na lamang tayo dahil may nagpapakain sa atin doon sa karinderya ni Aling Florida kaya hindi natin nagagastos iyong pera natin,” mahinang sabi ko sa kanilang dalawa ni Angel.
Napapikit ako nang marinig muli ang payahaw ng mga bata na hanggang ngayon ay pinapalo pa rin sila.
Huminga akong malalim at pinakalma ang aking sarili. “Angel and Lili, matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas,” sabi ko sa kanilang dalawa at inayos ko na ang karton na ginagawa naming higaan dito sa malamig na sahig.
Tabi-tabi na kami rito sa isang haba ng karton at natulog na kaming apat. Bukas ay kailangan muli namin makipagsapalaran sa may kalsada para may makain na namin kami ng isang araw.
Ganito lagi ang nangyayari sa amin rito at wala ng bago.
Pasado alas-k'watro ng umaga nang may marinig ko na ang tunog ng bell. Hudyat na kailangan na naming gumising para mag-trabaho na muli. Bumangon na ako at nakita ko si Joy na kagigising lamang din. Nagkatinginan kaming dalawa.
Magkasing-edad kami pero mas nauna siya sa akin ng dalawang buwan. Kaya pareho na kaming natatakot kapag tumuntong kami ng disi-otso.
Naputol ang tingin ko sa kanya at tinignan ang tatlong bata na kasama ko. Si Lili ay limang taong gulang, bago lamang siya rito sa amin at wala pang isang taon. Dinala siya rito dahil ginawa siyang pambayad sa kanyang mga magulang sa tanong nila kay boss Weng. Si Angel naman ay pitong taong gulang, katulad ni Lili ay ginawa siyang pambayad utang. Si Franco na labing-isang taong gulang, nasa apat na taong gulang si Franco nang dalhin siya rito. Napulot daw siya sa daan kaya inuwi nila boss Weng pero hindi ako naniniwala dahil todo iyak si Franco nang dalhin siya rito. Malamang ay dinukot siya.
“Lili, Angel and Franco, gising na! Kailangan na nating mag-igib para makaligo na!” sabi ko sa kanila at tinapik ang kanilang mga braso.
“Ate Frances, inaantok pa po ako!” mahinang sabi sa akin ni Lili at kinusot-kusot pa ang kanyang magkabilang mata.
“Pasensya na, Lili, kailangan na nating bumangon, ha? Baka mapagalitan tayo ni Madam kung hindi pa tayo babangon,” sabi ko sa kanila at tumango sila sa akin.
Nagising na rin sina Angel and Franco. Kaya iyong karton na ginamit namin ay tinupi na muli ni Franco. Tinabi niya iyon para may magamit kami mamaya, pero hihingi ulit ako kay Aling Florida na makapal na karton dahil numinipis na ang karton namin.
“F-Frances...” Nagulat ako nang hawakan ni Joy ang aking kamay. “M-may nakatago ka bang gamot?” nanginginig ang boses niyang tanong sa akin.
Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “B-bakit? May sakit ka ba?” tanong ko sa kanya.
Umiling siya sa akin. “Hindi ako, Frances. I-iyong isang bata lalaki kahapon na pinalo ni Madam ay nilalagnat. N-naubos na iyong gamot na tinago ko,” mahinang sabi niya sa akin.
Napatingin ako kay Franco at tumango siya sa akin. Kumuha ako ng gamot sa pinagtataguan namin. “Heto, Joy, painumin mo na siya habang hindi pa nagche-check si Madam sa atin,” mahinang sabi ko sa kanya at palihim na inabot ang gamot sa palad niya.
“S-salamat, Frances! Papalitan ko na lamang ito,” sagot niya sa akin at tumango ako sa kanya.
“Sige lang, Joy, painumin mo na siya!” sabi ko sa kanya at lumayo na ako sa kanya.
Ganito rito sa amin. Nagtatago kami ng gamot para sa sarili namin dahil kapag nalaman nilang may sakit kami ay wala rin silang pake sa amin. Hahayaan lang din kami hanggang mamatay kami. Kaya simula noon ay nagtatago na kami ng gamot para sa sarili namin, iniinom din namin iyon nang walang tubig.
Sanayan na lamang para gumaling kami.
“Ate Frances, hindi po ba natin sila tutulungan?” tanong sa akin ni Lili.
Ngumiti ako sa kanya at umiling. “Si Joy na ang bahala roon, Lili! Siya ang nagbabantay sa kanila kaya hindi natin kailangan na mangialam. Mapapagalitan lang tayo nila Madam,” paliwanag ko sa kanya at tumango siya sa akin.
Lumakad na kami papunta sa igiban ng tubig, poso iyon at kailangan namin makaigib para makaligo pero minsan ay hindi na kami nakakaligo dahil ginagamit din nina Madam and boss Weng ang mga tubig na naiigib namin.
Nakapila na kami rito at may kanya-kanya kaming timbang. Sa timba nina Lili ang angel ay tig-isa kaming bumubuhat doon para hindi na mapagod ang dalawang bata.
“Magiging ayos lang kaya iyong bata na iyon, ate Frances?” tanong ni Franco sa akin. Tinutukoy niya iyong kay Joy.
“Sana nga lang, Franco! Sana gumaling agad siya dahil need pa rin niyang mag-trabaho kahit may sakit siya,” mahinang sabi ko at tumingin sa paligid namin.
Nakabantay kasi ang mga tauhan nina boss Weng and Madam, baka marinig nila kami.
Nang matapos na kaming pumila sa poso ay binuhat na namin ang timba at lumakad pabalik sa tinutuluyan namin. Napahinto kami ni Franco nang may marinig kaming sigaw.
“Bobo! Nagsasayang ka ng tubig! Sinasabi ko sa inyo na huwag kayong tatanga-tanga kapag nagbubuhat kayo timba! Sayang ang tubig!” malakas na sabi ni Madam.
Napapikit na lamang ako sa kinatatayuan ko ngayon. Narinig ko ang takot sa boses ni Lili ang Angel.
Binuhat ko na muli ang timba at lumakad kami sa gilid nila Madam, hindi namin pinapansin ang pagngudngod ni Madam sa batang babae.
Hindi namin pinansin iyon at ayaw naming madamay sa kanila.
Nilagay namin ang tubig na nakuha namin sa malaking container at bumaba na muli para makaligo na.
Pasadong alas-singko ʼy kʼwarenta nang matapos kaming maligo at kumain, tig-dalawang pandesal ang binigay sa amin at kape na pinaghati-hati sa amin ang naging pang-umagahan namin ngayong araw.
Kulang para sa maghapon naming pagta-trabaho sa labas. Hinatid na kami ng mga tauhan nila boss Weng sa lugar kung saan kami nagbebenta.
“Huwag kayong magtatangka na tumakas, ha? Papatayin namin kayo! Tandaan niyo iyan!” madiin na sabi nuʼng John sa amin.
Tumango kami sa kanya at bumaba na kami rito. Sampu kaming naka-assign dito. Hawak ko ang kamay nina Lili and Angel habang si Franco naman ay humiwalay na agad sa amin. Magbebenta na agad siya ng basahan sa gitna ng daan at kaming tatlo naman ay sampaguita at basahan dito sa gilid ng kalsada.
“Bili na po kayo ng sampaguita! May basahan din po kaming tinda!” malakas naming sabi nina Lili and Angel.
Ang dalawang bata na kasama ko ay parehong nakahawak sa aking damit.
“Ale, bili na po kayong basahan?” sabi ko sa matandang babae na pinupunasan ngayon ang kanyang paa.
Tinignan niya ako na may pandidiri sa kanyang mga mata. “Sampung piso na po sa apat na piraso,” alok ko pa rin sa kanya.
“Oh siya, pabili!” pabalang na sabi niya sa akin at binigyan niya kami ng bente pesos na papel. “Twenty pesos na, ineng! Nasaan ba ang mga magulang niyo at kayo ang kumakayod, ha? Hindi niyo ba alam na delikado rito?” galit na sabi niya sa amin.
Binigyan ko siya ng walong basahan at ngumiti sa kanya. “Kailangan po, Ale! Kung hindi po kami magta-trabaho wala po kaming kakainin! Maraming salamat po sa pagbili ng basahan namin!” sabi ko sa kanya.
“Teka, magkano iyang sampaguita niyo? Fresh ba niyan?” tanong niya at tinuro ang hawak na sampaguita ni Angel.
Tumango ako sa kanya. “Opo, bagong gawa lamang po, Ale! Tatlong piraso ay labing-limang piso lamang po!” sabi ko sa kanya.
Sa totoo lang ay tatlong piraso ay sampung piso lamang. Tinutubuan namin para may pera kaming pangkain at pambili ng gamot.
“Ang mahal naman! Pero, bigyan mo na rin ako ng tatlong ganyan!” masungit na sabi niya sa akin.
Tumango ako sa kanya at kinuha kay Angel ang sampaguita. Binilang ko iyon at nilagay sa supot na hawak naman ni Lili.
“Heto po, Ale! Maraming salamat po!” saad ko sa kanya at binigay ang plastic.
“Huwag mo na akong suklian, ineng! Sa iyo na iyan pandagdag sa pagbili niyo ng pagkain,” sabi niya sa akin at tumango ako sa kanya.
“Maraming salamat po, Ale! Sana po dumami pa po kayo!” masayang sabi namin sa kanya at muling lumakad sa kahabaan ng kalsada.
Kailangang maubos namin ang aming paninda bago gumabi. Kasi kung hindi namin mauubos ito ay paniguradong magagaya kami sa mga batang pinapalo ni Madam.
Ayokong maranasan nina Lili and Angel ang mapalo. Masakit pa naman ang patpat na ginagawa ni Madam at paniguradong magkakasugat ka talaga.
Kaya po-protektahan ko sina Lili, Angel at Franco.