“BOSS, sigurado ba kayo sa desisyon niyo na dito kayo titira kasama si Madam?” tanong ni Mateo na hindi makapaniwala habang tinitignan ang kabuuan ng apartment na pinili ng Boss niya kung saan dito ito titira kasama ang asawa nito.
Tumango si Maverick. “I’m sure.”
“Bakit hindi na lang kayo sa penthouse mo, Boss?” Mateo suggested.
Umiling si Maverick. “Hindi pwede. Though she’s my wife but I already told her that I will work in my father’s company which I told her that I couldn’t give her what she wants.”
Nagulat si Mateo. “Anong sinabi ni Madam, Boss?”
Maverick just smiled and continue reading the paper that Mateo gave him. He sighed as he was reading the paper. “Evelyn Alcantara… mukhang hindi naging maganda ang buhay niya sa poder ng kaniyang pamilya. She even has to find a job to support her studies while her sister is living in luxury life.” Aniya. “What kind of family she has?”
“And maybe, Boss, siya rin ang pinilit na ipakasal sa ‘yo since the Elder Sister was doted by the parents.” Sabi ni Mateo.
Napatango si Maverick. “You’re right.” Aniya. Naalala niya ang sinabi ni Evelyn kagabi. Evelyn replaced her sister. But that’s okay. Evelyn is much better than her sister.
Tumayo si Maverick. “Where are you going, Boss?”
“Sunduin ang asawa ko.” Aniya. “It’s already five in the afternoon.”
“Boss, nakalimutan niyo na yata na nagtatrabaho pa si Madam sa gabi. Baka pumunta na ‘yon sa restaurant na pinagtatrabahuan niya.” Ani Mateo.
Kinuha ni Maverick ang susi ng kotse. “Well, she has me now. She doesn’t need to work at night.”
“Boss, she doesn’t know your real identity.” Paalala ni Mateo.
Nagkibit lamang ng balikat si Maverick saka lumabas ng apartment. He walked towards his car and went inside. Pinaandar niya ang makina ng kotse saka ito pinaharurot patungo sa restaurant na pinagtatrabahuan ni Evelyn. Maagang umalis si Evelyn kaninang umaga kaya hindi sila nakapag-usap.
It’s clear that they are only arranged marriage but since Evelyn is his wife now, he needs to take care of her. After all, they are now husband and wife. At isa pa, he needs Evelyn.
Pagdating niya sa restaurant na pinagtatrabahuan ni Evelyn. Ipinarada niya ang kotse sa harapan ng restaurant. Salamin ang dingding ng restaurant at nakikita niya ang mga tao sa loob, nakita niya si Evelyn na abala sa pagse-serve sa mga customer.
Mag-asawa sila pero hindi nila mahal ang isa’t-isa. Maverick was clear to that. But seeing his wife working so hard and looks tired, he felt concerned. Hindi niya alam kung ano ang pinagdaanan nito sa pamilya nito. But he’s sure that she had a rough life. Sino ba naman ang mayamang anak[NRR1] ang magdodoble kayod para sa sarili nito kung maganda ang buhay nito sa poder ng kaniyang sariling pamilya? No one.
Maverick stared at his wife. Nang hindi siya makatiis dahil nakikita niyang pagod na ito, bumaba siya ng sasakyan at pumasok sa loob ng restaurant. Nilapitan niya agad si Evelyn.
“Evelyn.”
Mahinang napasinghap si Evelyn at nagulat nang makita si Maverick. “A-anong ginagawa mo rito?”
“Sinusundo ka. Baka nakalimutan mong mag-asawa tayo.” Walang emosyong sabi ni Maverick. “Ayaw kong masisi kung may masamang nangyari sa ‘yo diyan sa daan.”
“Hindi pa tapos ang oras ng trabaho ko.” Sabi ni Evelyn.
Tinignan ni Maverick ang mga hawak ni Evelyn. She was holding dirty dishes. Kumuyom ang isa niyang kamay. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. He felt frustrated and he doesn’t know why.
“Hintayin na kita sa kotse.” Agad na tumalikod si Maverick saka naglakad palabas ng restaurant.
Nagpatuloy naman si Evelyn sa kaniyang trabaho. Nagulat man siya kay Maverick pero hindi na niya ‘yon pinansin pa. Dalawang oras pa ang nakalipas bago natapos ang oras ng trabaho ni Evelyn.
Nagpalit siya ng damit saka lumabas ng restaurant. Hindi niya alam kung alin ang kotse ni Maverick sa mga kotse na nakaparada sa labas ng restaurant. Hindi naman pwedeng kakatukin niya ang lahat ng bintana. Tatanungin niya sana si Maverick pero wala pala ang number nito sa kaniya.
Nanghuhula siya sa mga kotse na nakaparada kung alin doon ang kotse ni Maverick nang may umilaw na kotse saka bumukas ang bintana nito.
“Dito.” Tawag ni Maverick kay Evelyn.
Lumapit naman agad si Evelyn kay Maverick at sumakay sa passenger seat.
“Ang aga mong umalis kaninang umaga.” Sabi ni Maverick habang minamaniobra ang kotse palabas ng parking lot.
“Ahmm, I have work.” Tugon naman ni Evelyn.
Maverick looked at his wife. “Uwi na tayo.”
“Saan?” tanong ni Evelyn. “Ihatid mo na lang ako sa apartment ko.” Aniya.
Itinigil bigla ni Maverick ang kotse. “Anong ibig mong sabihin?”
Umiling si Evelyn. “Wala. Naisip ko lang baka ayaw mo akong makita o makasama kaya pakihatid mo na lang ako sa apartment ko. I’m tired and I want to rest.”
Maverick sighed and shook his head. “Sa tingin mo ba ay susunduin kita rito kung ayaw kitang makasama? Mag-asawa tayo, Evelyn. We will live on the same roof. Uuwi tayo sa apartment natin. Kunin mo na lang ang mga gamit mo bukas sa apartment mo.”
“May trabaho ako bukas. Hindi ako pwedeng lumiban. May mga kailangan akong tapusin kung hindi masasabon ako ng Department Head namin.” Sabi ni Evelyn.
“Ako na lang ang kukuha sa mga gamit mo.”
“Ah?”
“Ako na lang ang kukuha sa mga gamit mo. Tapos ang usapan.” Seryosong sabi ni Maverick.
“Pero…”
Maverick looked at Evelyn as he drives the car.
Tumahimik si Evelyn nang makita ang ekspresyon ni Maverick. “Okay.” Sabi na lang niya.
Napailing si Maverick saka binilisan ang takbo ng kotse. Pagkatapos ng labinlimang minuto nakarating na sila sa apartment. Tinignan ni Evelyn ang apartment. Ito ang nagustuhan niyang apartment dati dahil bukod sa malapit ito sa kumpanyang pinagtatrabahuan niya, kompleto at maayos ang mga gamit dito pero mahal nga lang kaya hindi niya kinuha.
“You…”
“Don’t worry, afford natin ang rent dito. Ibibigay ko sa ‘yo ang lahat ng sahod ko ikaw ang bahalang mag-budget.” Sabi ni Maverick saka bumaba ng kotse. “Let’s go.”
Hindi na lang nagsalita si Evelyn at bumaba na rin ng sasakyan.
Sa ikalawang palapag ang kwarto na kinuha ni Maverick.
Maverick opened the room’s door. Pinauna niya si Evelyn na pumasok.
“This will be our home.” Ani Maverick.
Tumango si Evelyn. Dalawang pinto lang ang nakita niya sa kabuaan ng flat. May kusina at maliit na salas. Binuksan niya ang isang pinto at ito ang banyo. Then the other door, the bedroom.
Kumunot ang nuo niya saka tumingin kay Maverick. “Bakit iisa lang ang kama?”
“Ah?” nagtaka naman si Maverick. “Saan ka naman makakakita ng kwarto na dalawa ang kama? Why are you asking? Are you afraid that I might cross the line?” he asked.
Nag-iwas ng tingin si Evelyn. Iyon kasi ang pumasok sa isipan niya.
“Anyways, kumain muna tayo. Pinagluto ko kanina ni Mateo.” Sabi ni Maverick. Nauna siya sa kusina sumunod naman si Evelyn.
Habang kumakain sila hindi napigilan ni Evelyn na magtanong kay Maverick. “Why did you agreed to the arrange marriage?”
“Ano sa tingin mo?”
“Wala kang pagpipilian.” Tugon ni Evelyn.
Umiling si Maverick. “I want to have a family. I’m already twenty-nine and of course, I want to settle down.”
“Wala kang girlfriend?” Evelyn asked.
“Sa tingin mo ba papayag ako sa arrange marriage na ‘to kung may girlfriend ako?” balik na tanong ni Maverick.
“Nagtatanong lang naman.” Sabi ni Evelyn. “Flings? I’m sure marami ‘no.”
Napabuga ng hangin si Maverick. “Hindi ako mahilig.”
Hindi naman naniniwala si Evelyn. Sa hitsura ni Maverick, sigurado siyang maraming babae ang naghahabol rito at sigurado rin siya na marami na itong napaiyak. Mukha pa lang ni Maverick hindi na ito mapagkakatiwalaan, eh.
Pero mali pala ng akala si Evelyn dahil wala naman talagang naging babae si Maverick.
“Bakit nakasulat sa mukha mo na hindi ka naniniwala?”
Evelyn shrugged.
Napailing na lang si Maverick. “Kung ayaw mong maniwala wala na akong magagawa. But okay, I will tell you the reason why I agreed to this marriage. Yes, I want to have a family. I want an heir.”
Natigilan si Evelyn. “Heir?”
“Yep.”
“Why?”
“I’ll tell you in the future.”
Napalunok si Evelyn. “But we are not a real couple. This is just a fake marriage, Maverick.”
Maverick smiled, showing his cute dimples. Pero hindi nagpadala roon si Evelyn. Gwapo man ang nilalang na nasa harapan niya hinding-hindi siya magpapadala.
“This is a real marriage and it’s not fake. You are my wife now, Evelyn. Whether you like it or not, you will bear my heir.”
Namilog ang mata ni Evelyn. “You said that you won’t cross the line.”
“I did say it but I didn’t promise,” Maverick said.
Biglang namula si Evelyn saka nagbaba ng tingin.
Maverick chuckled and shook his head.
The atmosphere suddenly became awkward especially to Evelyn. Sa sitwasyon nila ni Maverick. Parang siya ang dehado.
THE NEXT MORNING. Tinotoo ni Maverick ang sinabi nitong ito ang kukuha sa mga gamit ni Evelyn sa apartment nito. At isinama niya si Mateo para may kasama siyang magbitbit. Pero inaayos ni Maverick ang mga gamit ni Evelyn sa kwarto nito, may isa siyang napansin. Walang larawang naka-display sa apartment. Kahit ni isang larawan ay wala.
She’s not really in good terms with her family. He thought.
“Anong ginagawa mo?”
Napalingon si Maverick sa may pintuan nang may nagsalita. Nakita niya doon ang kapatid ni Evelyn na nakapamewang.
Hindi siya sumagot.
“Wala kayong ilalabas sa apartment na ‘to dahil kukunin ko ang lahat ng gamit na nandito. All of this were bought by my dad. Kailangan ng ibalik ni Evelyn ang mga ito.”
“Did Mr. Alcantara asked you to bring this back?” Walang emosyong tanong ni Maverick.
“No.” Tugon ni Emily. “But I’m sure it’s what he wants.”
Napabuntong hininga si Maverick. “Mateo!”
After few seconds, Mateo appeared behind Emily. “Boss?”
“Palabasin mo siya at baka ‘yang pinto ang ibalibag ko sa mukha niya. Kasuhan pa ako. It’s better if I stay out of trouble.” Sabi ni Maverick saka nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit ni Evelyn sa may karton.
“Sige, Boss.”
“Huwag mo akong hawakan!” Inis na sabi ni Emily sa lalaki saka tinignan si Maverick Salazar. “Sino ka ba sa tingin mo? Wala kang karapatan sa mga gamit ng babaeng ‘yon. All of this were brought by my father!”
“Evelyn supported her own studies and graduated without the support of her own family. While you were living in luxurious life. Wala siyang kinuhang pera sa ama mo simula noong nag-aral siya ng kolehiyo. Nakakuha siya ng scholarship dahil matalino siya. Unlike you umaasa ka lang sa pera ng ama mo.” Malamig na saad ni Maverick.
Kumuyom ang kamay ni Emily. “Sinabi ba sa’yo ni Evelyn ang mga ‘yan? At nagsumbong pala ang loka.”
“Walang sinabi sa akin si Evelyn. I investigated it.”
Nawalan ng kulay ang mukha ni Emily.
“Kaya naman lahat ng gamit na nandito sa apartment na ‘to ay binili ni Evelyn sa sarili niyang pagsisikap. Wala kayong ambag kaya huwag mong angkinin ang hindi naman sa ‘yo.” Malamig na saad ni Maverick. Ang isa sa pinakaayaw niya sa lahat ay ang mga taong umaangkin sa gamit na hindi naman nila pag-aari.
Nagpadyak si Emily. “Isa ka lang na talunan. Bagay kayo ni Evelyn. Parehong talunan.”
“I can accept that but I can’t accept when you call my wife a loser.” Tumaas ang sulok ng labi ni Maverick. “Mabait ako sa araw na ‘to kaya palalagpasin ko ‘to pero oras na gumawa ka ng bagay na ikakapahamak ng asawa ko, kaya kong pabagsakin kung anong mayroon kayo.” Banta niya.
Pero hindi nadala si Emily. “Hmph!” Nagmartsa siya paalis. Naniniwala siya na ang isang talunan na kagaya ng isang Maverick Salazar ay walang alam na gawin. Wala ring kwenta ang mga sinasabi nito.
Napabuntong hininga na lang si Maverick saka napailing. “Iba talaga kapag lumaki ka sa luho. Walang respeto sa matanda.”
“Boss, matanda na kayo?” tanong ni Mateo.
Maverick suddenly aimed his fist to Mateo.
“Just asking, Boss. Ang seryoso niyo kasi.” Sabi ni Mateo.
Maverick rolled his eyes.
Pagkatapos ng kalahating araw, nakuha nila ang lahat ng gamit ni Evelyn sa dati nitong apartment at inilipat sa apartment nilang mag-asawa. Hindi naman ganun karami ang gamit ni Evelyn.
“Mateo.”
“Boss?”
“Imbestigahan mo ang kapatid ni Evelyn.”
“Interesado ka ba sa kaniya, Boss?” tanong ni Mateo pero nagbibiro lamang ito.
Maverick looked at Mateo.
Agad namang lumayo si Mateo sa amo dahil ayaw niyang mabatukan.
“Kailanman hindi ako magkaka-interes sa ganoong klaseng babae.” Seryosong sabi ni Maverick. “I just want to know her strength and weakness. I wanted to plan in advance. Baka may gawin siyang hindi maganda kay Evelyn. I just wanted to protect my wife.”
“In love, Boss?” Nakangising sabi ni Mateo.
“Mateo, isa pa.”
Tumawa lang si Mateo saka umalis.
Kumuyom ang kamay ni Maverick. I just want to protect Evelyn.