NAPAHINTO si Evelyn sa pagtawid sa kalsada at agad na umatras saka tumayo sa may sidewalk. Pupunta sana siya sa waiting shed na nasa kabilang kalsada para maghintay ng bus para pumunta siya sa restaurant na kaniyang pinagtatrabahuan. Pero naalala niyang tumigil na pala siya sa pagtatrabaho roon.
Pinatigil siya ni Maverick dahil masyado raw siyang napapagod. May trabaho naman raw ito at kaya nitong tustusan ang pangangailangan nila at hindi na niya kailangang magtrabaho sa gabi bilang isang waitress sa restaurant.
Tinupad ni Maverick ang sinabi nito na siya ang hahawak sa pera nito. The other day, Maverick gave him his credit card. Gamitin niya raw ‘yon kahit saan niya gusto. Syempre nahiya naman siya lalo na at hindi naman niya pinaghirapan ang pera na laman ng credit card na ‘yon kaya itinabi na lamang niya. Maverick also told her to budget their expenses. Since she’s the wife, it’s her job to budget the money.
It’s been one week since she and Maverick got married and live on the same roof. Masasabi naman niyang maayos kasama si Maverick pero hindi pa rin siya gaanong komportable rito. Masasabi niyang mabait naman ang lalaki pero syempre hindi pa naman niya ito gaanong kakilala kahit pa sabihing mag-asawa silang dalawa. They are just an arranged marriage though.
She is still adjusting to her married life. Minsan nga nakakalimutan niyang kasal na siya kung hindi pa niya nakikita ang suot niyang wedding ring. Siguro dahil sa hindi siya sanay. Kunsabagay isang linggo pa lang naman silang mag-asawa.
Naglakad si Evelyn pauwi dahil medyo malapit lang naman ang apartment nila ni Maverick sa kumpanyang pinagtatrabahuan niya. Pero habang naglalakad siya nakatanggap siya ng mensahe galing kay Maverick.
‘Can you buy some cake and ice cream?’
Kumunot ang nuo ni Evelyn saka isang kalokohan ang pumasok sa kaniyang isipan. ‘Bakit? Buntis ka ba? ’Biro niya sa text, then she hit send.
Natatawa na lang siya sa kolokohan niya.
Her phone beeped. Agad naman niya itong tinignan. ‘I’m not. But it will be you in the future.’ Aniya.
Nawala ang ngiti ni Evelyn saka seryosong nagreply. ‘What flavor?’
‘Any flavor for cake, but as for the ice cream…maybe, buy the Rocky Road flavor. Of course, buy what you want also.’
Eksaktong may nadaanan na cake shop si Evelyn at sa tabi ng cake shop ay may ice cream shop. Hapon na pero bukas pa rin ang mga ito at mula sa labas ng shop, nakikita niya ang mga naka-display na cake.
Pumasok si Evelyn sa loob ng cake shop.
“Yes, Ma’am?” tanong ng nagtitinda.
Tinignan niya ang mga naka-display na cake sa loob ng lalagyan na gawa sa salamin. “Ahmm… the red velvet cake please.”
“Okay, Ma’am. Sandali lang po.”
Tumango si Evelyn at bahagyang ngumiti.
The saleslady packed the cake and she paid for it. Lumabas siya ng cake shop at pumunta sa ice cream store. Bumili naman siya ng Rocky Road ice cream. Pagkabili niya ng mga pinapabili ni Maverick, umuwi na siya.
Pagdating niya sa apartment nila, natigilan siya nang madatnan niyang nagluluto si Maverick. Maaga ito ngayon na umuwi at hindi niya inaasahan na alam nito ang magluto.
“Here’s your cravings.” Sabi ni Evelyn. Inilapag niya sa lamesa ang mga binili niya.
Maverick looked at his wife. “Don’t try me, Elyn.”
Kumunot ang nuo ni Evelyn. “Elyn?”
“Yeah.” Maverick smiled. “Short of your name. Ang habang bigkasin ang pangalan mo.”
“Wow, ah. Nahiya naman ako sa pangalan mo. M-A-V-E-R-I-C-K. Mas mahaba pa ang pangalan mo kaysa sa akin ‘no.” Sabi ni Evelyn saka tinignan ang niluluto ni Maverick. “What’s for dinner?”
“Fried Chicken and Salad.”
“Wow.” Evelyn’s lips formed an ‘o’. “Marunong ka pa lang magluto.”
“Yeah. Hindi nga lang ako kasing galing kagaya mo.”
Kumunot ang nuo ni Evelyn. “I’m not a good cook.” Aniya.
Ngumiti si Maverick. “You are.”
Evelyn shook her head. “Para saan pala ang mga pinabili mo?” she asked.
“For dessert. Hindi ako makakatulog ng maayos kapag hindi ako kumain ng cake o ice cream. It’s my favorite.” Maverick transferred the fried chicken on the plate.
Evelyn stared at Maverick. Umupo siya sa upuan saka nangalumbaba sa lamesa. “You’re handsome but you like that childish food.”
Tinignan ni Maverick si Evelyn ng masama. “It’s my favorite. Huwag mong tawaging isip-bata ang mga ‘yon.”
Evelyn raised both of her hands. “Okay. Okay. Wala na akong sinabi.” She wanted to smile but she restrained herself.
Pero hindi niya pa rin talaga mapigilan ang sarili na ngumiti kaya naman umalis na lang siya ng kusina saka pumunta sa kwarto upang magpalit ng damit. After she changed her uniform into a comfortable one, she went back to the kitchen. Tinulungan na lamang niya si Maverick na ihanda ang dinner nila.
Habang kumakain sila, napapangiti na lang si Evelyn dahil kay Maverick. Habang kumakain kasi ito ng kanin ay kumakain rin ito ng cake. Pero natigilan na lang siya nang marealize niyang nakangiti siya. She lost her smile and looked at her food.
Parang ngayon lang yata siya ngumiti ng totoo. She had never smiled genuinely before. Wala siyang makitang rason upang ngumiti ng totoo dahil ganun ang nararanasan niya sa mismong pamilya niya pero sa simpleng mga galaw ni Maverick, napapangiti siya.
“What’s the matter?” Maverick asked. “Ayaw mo ba sa pagkain?”
Napakurap si Evelyn. “Hindi… ang ibig kong sabihin masarap ang dinner. Pasensiya na may iniisip lang ako.”
“Would you mind if you told me?” Maverick asked.
Umiling si Evelyn. “Not at all.” Ngumiti siya. “I’m just happy. Genuinely happy.”
Napatango si Maverick saka muling kumain ng cake.
Hindi mahilig si Evelyn ng cake pero naengganyo siyang kumain dahil kay Maverick kaya naman kumuha rin siya sa mismong platito ni Maverick. Baka kasi kapag kumuha siya ay hindi niya rin lang maubos.
Napangiwi siya agad. “Ang tamis.”
Tumawa ng mahina si Maverick. “Malamang. Cake ‘yan kaya matamis. Saan ka naman nakakita ng cake na maasim?”
“Kapag panis ‘yan.”
Umiling si Maverick. “Kahit panis na ‘yan matamis pa rin ‘yan.”
“Oh.” Evelyn continued her food. Then she realized, nakakain na siya ng panis na cake? Bakit alam niya ang lasa. Gusto niyang itanong pero pinili niyang itikom ang kaniyang bibig.
When they finished eating, Evelyn volunteered to wash the dishes while Maverick went to the living room with a cup of ice cream and watched the news.
Napailing na lang si Evelyn at tinapos ang paghuhugas.
“Hindi ka pa ba matutulog?”
Umiling si Maverick habang kumakain ng ice cream. “Mauna ka na lang. I have to finish my ice cream first.”
“Then enjoy.” Nasabi na lang ni Evelyn saka pumasok sa kwarto.
Sa loob ng isang linggo nasanay na rin siyang katabi si Maverick sa kama. Humiga si Evelyn sa kama saka napatitig sa kisame. Para mas madali siyang makatulog nagpatugtog siya ng mga pampatulog na kanta hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog siya.
After checking and locking the windows and door, Maverick entered the bedroom. Natigilan siya nang makita si Evelyn na mahimbing na natutulog. Mukhang pagod ito sa trabaho dahil hindi nito napansin na unan niya ang gamit nito.
Napailing na lang si Maverick saka pinatay ang cellphone ni Evelyn na tumutugtog. Then he put the quilt on her.
Umupo siya sa kabilang gilid ng kama saka sumandal sa headboard ng kama. He opened his laptop and looked for Mateo’s email. Si Mateo ang inutusan niyang tumingin sa kumpanya niya dahil nagtatrabaho siya sa kumpanya ng kaniyang ama.
He does earn lots of money on his own, but his father doesn’t know about him having his own company. Itinago niya ang pagpapatayo niya ng sarili niyang kumpanya. Hinayaan na lang niya ang ama niya na isipin nito na isa siyang talunan at walang alam. Actually, that was an advantage for him.
He looks at his sleeping wife. Sa loob ng isang linggo na kasama niya si Evelyn sa iisang bubong masasabi naman niyang masaya siya. Hindi niya alam pero ‘yon ang tunay niyang nararamdaman. Masaya siya sa hindi malamang kadahilanan at ang saya na ‘yon ay hindi niya naramdaman sa mismong pamilya niya.
Maverick smiled and continued his work.
When the next morning came, the daily and normal routine of the couple continued. Evelyn was the first one to wake up and prepare their breakfast. Eksaktong kakatapos niyang magluto kapag gigising na si Maverick. They will eat breakfast together. Maverick would do the dishes while Evelyn took a bath.
Unang umaalis si Evelyn at susunod naman si Maverick.
Arriving at the company where he works, Maverick is called to the CEO’s office.
“Bakit niyo ako pinatawag rito?” tanong ni Maverick sa ama.
“Kumusta?” tanong ng kaniyang ama na siyang ikinagulat ni Maverick. Parang ngayon lang yata niya narinig na tinanong ‘yon ng kaniyang ama sa kaniya. Kaya naman pakiramdam pinaglalaruan siya ng kaniyang pandinig.
“Kumusta kayo ni Evelyn?” muling tanong ng kaniyang ama.
“We’re good.” Tugon ni Maverick sa kabila ng gulat na kaniyang naramdaman.
Napatango ang kaniyang ama. “That’s good. I hope that Evelyn can make you a better person. Ayaw ko ng talunan na anak.”
“You have Marius.” Walang emosyong sabi ni Maverick. “Huwag na kayong umasa sa akin. Tutal lagi niyo namang sinasabi na isa akong talunan kaya lahat ng tao na nakakakilala man sa akin o hindi. Tinatawag akong talunan.” Dagdag pa niya saka lumabas sa opisina ng kaniyang ama.
Maverick sighed and shook his head. He went back to his work.
When lunch came, Maverick went to his own company, MS Cars. MS Cars deals with the car business. Since mahilig siya sa kotse noon pa man kaya ito ang naisipan niyang ipatayo. Hindi niya pinalagpas ang pagkakataon noong gusto siyang tulungan ng kaniyang lolo na hindi naman alam ng kaniyang ama.
Nagsimula siya sa maliit lamang na capital hanggang sa napalaki niya ito at ngayon kumikita na ito ng bilyon ngayon. Sa totoo lang may tatlo na itong branch sa bansa at bawat branch ay may CEO na pinagkakatiwalaan niya and looking forward siya na makapagpatayo ng branch ng MS Cars sa ibang bansa.
“Mr. Salazar.” The three CEOs greeted him.
Umupo siya sa upuan sa loob ng conference room. “I have only one hour to listen.” Ani Maverick. “I hope that we can finish on time.”
“Yes, Mr. Salazar.” Said the CEO of MS Cars B1. ‘B’ stands for ‘Branch’ but Maverick attached to its name.
Their meeting started.
The CEO’S reported their accomplishment to the company, the capital of the business, the new product to be launched and everything. Pero hindi kinaya ng isang oras ang meeting at inabot ito ng tatlong oras.
Maverick didn’t go back to work at his father’s company and focused on MS Cars. After the meeting, the CEO left and went back to their work. While he rested for a bit.
“Boss, okay lang kayo?” tanong ni Mateo.
“Pagod na ako.” Tugon ni Maverick.
“Massage, Boss?”
Isinenyas ni Maverick ang kamay na huwag na. “I don’t need it.” Aniya.
“Boss, sa tingin ko mas lalo lang kayong mahihirapan dahil bukod sa hands-on kayo sa pag-supervise sa MS Cars. Nagtatrabaho pa kayo sa kumpanya ng ama niyo. Bakit hindi niyo na lang kaya sabihin sa ama niyo ang totoo?” Suhestiyon ni Mateo.
“My father will ask me for sure. At isa pa hayaan mo na isipin ng ama ko na isa akong talunan para wala siyang asahan sa akin.” Maverick closed his eyes. “Mateo.”
“Boss?”
“Sabihan mo si Marius na puntahan niya ako sa apartment kapag may oras siya tuwing weekends. I need to teach him. If dad sees his potential, then he will look forward to Marius to inherit his company in the future.”
Tumango si Mateo. “Sige po, Boss.”
“Ayaw kong makialam sa negosyo ni Dad.”
“Naiintindihan ko, Boss.”
Maverick sighed. After all, that company will belong to Marius someday. And I don’t want to have any connection to it. Kumuyom ang kamay niya. Naalala niya tuloy ang mga panahong buhay pa ang kaniyang ina.
His mother died because of an illness. At itinago ‘yon ng kaniyang ina. Wala itong pinagsabihan kahit kanino. Nabigla na lamang sila nang mamatay ito at malaman nila ang sakit ng kaniyang ina.
Bata pa lamang siya noon at wala pa siyang gaanong alam. Pero natatandaan pa niya na laging abala ang kaniyang ama at konti lang ang oras na binibigay nito sa kanila. Hindi niya maintindihan kung bakit. Abala ito sa kumpanya niyo. Iyon ang rason kung bakit ayaw ni Maverick na magkaroon ng koneksiyon sa kumpanya ng kaniyang ama.
That company got his father’s attention and, until his mother died, his father was unaware of it.
Maverick sighed. Gusto man niyang kalimutan ‘yon pero kahit anong gawin niya hindi niya talaga makalimutan ang lahat ng nangyari noon. Sariwa pa rin sa alaala niya ang lahat. “Mateo, give me the car keys.”
Agad namang ibinigay ni Mateo ang susi ng kotse. Tinignan niya ang oras sa suot na wrist watch. “It’s time to fetch my wife.”
“Husband duties.” Ani Mateo. Teasing his Boss. His boss looks devoted to his wife.
Yeah, husband duties. Maverick thought.