CHAPTER 3

1689 Words
SA LAHAT ng ikakasal si Evelyn na yata ang hindi masayang nakasuot ng wedding gown. Walang emosyon ang mukha niya habang nasa loob siya ng bridal car na ayon sa kaniyang ama ay pinadala ng magiging asawa niya. Tumingin siya sa labas ng kotse at nakita niya doon si Maverick Salazar na kausap ang ama niya. Sandaling nag-usap ang dalawa kapagkuwan pumasok na ito sa loob ng simbahan. Pero bago pumasok si Maverick sa loob ng simbahan ay sumulyap ito sa kinaroroonan niya. Nakasuot pa rin ito ng maskara. Sumunod naman ang daddy niya na pumasok. Napatingin si Evelyn sa lalaking lumapit sa kotseng kinaroroonan niya. Ito ang kasama noon ni Maverick nang pumunta ito sa bahay nila. Pero hindi niya alam ang pangalan nito. Binuksan nito ang kotse. “Madam, magsisimula na po.” “Ikaw ang wedding organizer?” tanong ni Evelyn pero binibiro lamang niya ang kausap niya. Umiling agad ang lalaki. “Hindi, Madam. Gusto lamang ni Boss na maging ligtas kayo.” “Boss?” Kumunot ang nuo ni Evelyn. “Si Sir Maverick.” “Oh.” Napatango si Evelyn. Ayaw niyang bumaba pero wala naman siyang magagawa. Bahala na kung ano ang mangyari sa kaniya pagkatapos ng kasal na ‘to. “Ahmm…” Evelyn didn’t know the man’s name, so she asked. “Ano pala ang pangalan mo?” “Mateo, Madam. Ako ang kanang-kamay ni Boss.” Napatango si Evelyn saka bumaba ng sasakyan. Tinignan niya ang simbahan saka siya tumingin sa paligid. Nakabantay ang mga tauhan ng kaniyang ama. Binabalak niyang tumakas pero may dumagdag pang bantay. “Madam, alam ni Boss na gusto niyong tumakas pero marami ang nagbabantay. Maliban sa akin may mga iba pang tauhan si Boss na nagbabantay sa paligid.” Sabi ni Mateo. Bumagsak ang balikat si Evelyn saka itinuro ang mukha. “Halata ba sa mukha ko? Linaw naman ng mata mo. Nakasuot na nga ako ng belo, nakita mo pa rin.” Sabi niya saka napailing na lang. Evelyn walked towards the church. Sinalubong naman siya ng kaniyang ama. “Dad, let me ask you one thing.” “What?” “Why did you force me to marry Maverick Salazar? Alam kong business partners kayo pero may hinahangad ba kayong makuha?” Tanong ni Evelyn. “Ano bang sinasabi mo, Evelyn?” Evelyn shook her head. “Dad, I know what business means to you. Gagawin mo ang lahat para sa negosyo. Maybe the Salazar promised you something.” Aniya. Ronaldo sighed. “Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Evelyn. Halika na. But don’t ever think of escaping. Maraming mga nakabantay sa ‘yo.” “Hindi ko alam, Dad. Pero hindi ko kailanman naramdaman na naging ama kayo sa akin.” Aniya. Nawalan ng imik si Ronaldo. “Wow. My sister is so beautiful.” Lumapit si Emily saka pinuri si Evelyn. Nginitian niya ito ng peke. Hindi umimik si Evelyn dahil halata naman na nakikipagplastikan sa kaniya ang kapatid niya. “Your groom’s family must have really hated a loser guy like him. Tignan mo nga. Tanging ang ama at ang stepmother kasama ang stepbrother niya ang dumalo sa kasal niyo.” Pang-aasar ni Emily. “Marami ang mga dumalo na kamag-anak natin. They’re not here to witness your special day. They are here to witness who miserable you will be, my dear sister.” Evelyn just rolled her eyes. “Emily, tama na ‘yan.” Awat ni Ronaldo sa panganay na anak. Kapagkuwan nakita ni Evelyn si Maverick na naglalakad palapit sa kaniya. Akala ko ba tatanggalin niya ang maskara niya? “Hi.” Maverick greeted Evelyn. Tinanggal niya ang suot na maskara. Mahinang napasinghap si Evelyn nang makita ang mukha ni Maverick. “I-ikaw…” Maverick smiled. “Yeah, it’s me. So, shall we?” he offered his arm. Hindi lang si Evelyn ang nagulat kundi maging si Emily. Emily didn’t expect that Maverick Salazar was such a handsome guy. “Hmp!” Nagmartsa siya paalis. Tinignan ni Evelyn ang braso ni Maverick. “Go, Evelyn. This is the only thing that I could do for you.” Sabi ni Rolando. Nagtaka si Evelyn sa sinabi ng ama. Magtatanong sana siya pero nagsimula na ang wedding song at kailangan na nilang maglakad sa aisle. The wedding ceremony proceeded. Kung may hindi man masaya sa kasal, isa na doon si Evelyn. But as for Maverick, hindi mabasa ni Evelyn ang ekspresyon ng lalaki dahil blanko ang mukha nito. Medyo nailang pa siya noong kiss the bride. Napansin yata ni Maverick ang pagkailang niya kaya sa gilid na lang ng labi siya nito hinalikan. Habang nasa reception sila, napapailing na lang si Evelyn habang nakatingin sa pamilya niya na halatang nakikipagplastikan sa mga bisita nila. Evelyn sighed. Never in her dream had she dreamed of getting married but it happened. Ang boring naman pala ng ikasal. Aniya sa kaniyang isipan. Evelyn looked at the man beside her, Maverick, her husband now. “Bakit ka nakatingin sa akin?” tanong ni Maverick saka sinulyapan si Evelyn. Umiling si Evelyn. Tumingin siya sa mga bisita na nagsasayaw sa dancefloor. Napansin niya lang na kanina pa hindi umiimik si Maverick pero wala naman siyang alam na sasabihin rito kaya tumahimik na lang rin siya. For sure, pareho lang silang napilitan sa kasal na ‘to. After the wedding, Maverick takes her to the hotel room where they will spend their 'honeymoon'. Biglang nakaramdam ng kaba si Evelyn. Kaba na hindi niya maintindihan. After they both entered the room, Evelyn sat in the living room. She didn’t dare to explore the whole room. Alam naman niya kung ano ang susunod sa wedding reception. It’s the wedding night but she’s not ready for that. Will Maverick force her? “Anong ginagawa mo diyan? Hindi ka ba pagod?” tanong ni Maverick sa kaniya nang lumabas ito ng banyo. Nag-iwas ng tingin si Evelyn dahil nakatapis lang ito ng tuwalya. “P-pagod…” Mahinang tugon ni Evelyn. “Then get a change and sleep. I’m tired too. Bukas na lang tayo mag-usap.” Sabi ni Maverick saka kumuha ng damit sa travelling bag na nasa gilid ng kwarto. Kinuha naman ni Evelyn ang sariling bag saka pumasok sa banyo. She locked the bathroom door. Hinubad niya ang suot na wedding gown saka naligo. Ginhawa ang naramdaman ni Evelyn nang mabasa ang katawan niya. After taking a bath, she wore her favorite pajamas and stepped out of the bathroom. Paglabas niya ng banyo agad na napatingin sa kaniya si Maverick pero sinulyapan lang siya nito. “Let’s talk.” Sabi ni Maverick habang may ginagawa ito sa laptop nito. Maverick was sitting on the bed and leaning on the headboard while his laptop was on his lap. Umupo naman si Evelyn sa couch. Ayaw niyang lumapit kay Maverick kahit pa asawa na niya ito. For her, they are still strangers to each other. “Even though I was born from a rich family, I can’t guarantee that I can give you what you want,” sabi ni Maverick. “I will work in my father’s company to support us. And I’m telling you, we will not live in a mansion but in an apartment. I will bring you there tomorrow.” Pinagmasdan niya ang mukha ni Evelyn pero hindi nagbago ang mukha nito. Maverick expected that Evelyn would throw a fit about what he said, but it didn’t happen. Tumango si Evelyn. “Don’t worry hindi naman ako aasa sa ‘yo. I have work too.” “And about Mateo, he was under my father’s orders. Tinatawag niya lang akong ‘Boss’.” Pagsisinungaling ni Maverick. Evelyn nodded again. “To tell you honestly, my sister said that you’re a loser but, looking at you right now. I think she’s not right.” Kumunot ang nuo niya. “Maybe because you left bad impressions on other people, so they call you that.” Tumaas ang sulok ng labi ni Maverick. “And you still marry me?” “They force me.” Nagkibit ng balikat si Evelyn. “Like I have any other choice. I don’t have a choice but to marry you.” Napabuntong hininga siya. “I just hope that this marriage will work but I doubt it.” Aniya. “Why?” “Hindi natin mahal ang isa’t-isa.” Deretsong sagot ni Evelyn. “Paano kung mahulog ang loob natin sa isa’t-isa?” tanong naman ni Maverick. Umiling si Evelyn. “That was impossible to happen.” Aniya. “At bakit naman? You know they say that love works in mysterious ways. Malay mo.” “I’m not your real bride. They forced me to marry you in place of my sister. So, let me go.” Maverick stilled. As I expected. He thought and looked at his wife. “I don’t care. I only care about you. From now on, you are my legal wife.” Si Evelyn naman ngayon ang natigilan. “Anong sinabi mo?” Maverick smiled. “I said you are my legal wife.” Aniya. “Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita pipilitin na gawin ang bagay na hindi mo gusto. I will respect you,” he said, sincerely hoping that his wife would believe him, but Evelyn was just looking at him. Isinara ni Maverick ang hawak na laptop saka inilagay sa bedside table. “Let’s sleep.” “You’re not mad that I replaced your real bride?” Evelyn asked. Inaasahan niyang magagalit ito. Iyon pa man sana ang alas niya para i-anull nito ang kasal nila pero baliktad yata ang mangyayari. Natawa ng mahina si Maverick. “If I had to choose between you and your sister, I would rather choose you.” “Bakit?” Nagtatakang tanong ni Evelyn. Why would he choose me? Ngumiti lang si Maverick. “Let’s sleep.” Napatitig si Evelyn kay Maverick. She felt tired. Kaya naman humiga na rin siya sa kama hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. But when Maverick wakes up the next day, his wife is gone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD