‘Come home.’
Evelyn sighed after reading her father’s message. Ang tanong bakit naman kaya siya nito pinapauwi? Medyo naging tahimik ang buhay niya mula ng umalis siya sa poder ng mga ito. Ano naman kaya ang nakain ng pamilya niya at pinapauwi siya?
Pero hindi pa man siya nakakapasok sa bahay nila naririnig na niya ang boses ng kapatid niya.
“Bakit ako, mommy?! I don’t want to marry him!”
Kumunot ang nuo ni Evelyn saka pumasok sa loob ng bahay. “Anong nangyayari sa inyo?” tanong niya sa mga ito.
Jessica, Evelyn’s mother, raised her eyebrows to her. “At anong ginagawa mo sa pamamahay na ‘to? Hindi ba umalis ka na? Bakit ka pa bumalik?”
Emily sneered at Evelyn. “Hihingi ka siguro ng pera ‘no kaya ka nandito?”
Napailing na lang si Evelyn. “Si dad ang nagpapunta sa akin dito. Nasaan siya? Gusto ko siyang makausap para makaalis na ako rito.”
Umirap si Emily.
Jessica just tsked.
“Evelyn, you’re here.”
Napatingin si Evelyn sa ama na pababa ng hagdan. “Anong sasabihin niyo?” tanong niya.
“Umupo ka muna.”
“Hindi na po kailangan.” Walang emosyong saad ni Evelyn. “Sabihin niyo na po ang gusto niyong sabihin. May trabaho pa po akong pupuntahan.”
Ronaldo looked at his daughter, Evelyn. “You will marry Maverick Salazar in your sister’s place.”
“Ano?” Nagulat si Evelyn. “Bakit ako? Si Emily ang naka-engaged sa kaniya at hindi ako.”
Emilyn smiled. Halata ang saya sa mukha nito. “Oo nga ‘no. Dad,” she looked at her father, “siya ang dapat na magpakasal kay Maverick Salazar. I don’t want to suffer.”
Agad naman na sumang-ayon si Jessica. “That’s right, Ronaldo. Ilayo mo si Emily sa kapahamakan.”
“Kaya ako ang ipapahamak niyo?” Evelyn said in a low voice. Low but disappointed voice. Pero ano pa nga ba ang aasahan niya sa pamilya niya. Umasa siya noon na kapag nagsumikap siya, magbabago ang turing ng mga ito sa kaniya pero walang nangyari. They humiliated her even more.
Ronaldo sighed. “I don’t have any choice, Evelyn. I…”
“Right, you don’t have a choice.” May himig ng panunumbat ang boses ni Evelyn. “Si Emily lang ang mahalaga sa inyo. Hindi na baleng ipahamak niyo ako basta maging ligtas si Emily. Minsan ba hindi kayo nakunsensiya dahil gumagamit kayo ng ibang tao para sa kapakanan niyo?” Natawa siya ng mahina dahil walang imik ang mga ito. “Pero may konsensiya nga ba kayo?”
“Walang modo!” Biglang sinampal ni Jessica si Evelyn.
Evelyn endured the pain. “Diyan! Diyan kayo magaling! Ang saktan ako sa tuwing may hindi kayo nagustuhan.”
“Hindi ka pa ba tatahimik?!” Sasampalin ulit sana ni Jessica si Evelyn nang pumagitna si Ronaldo.
“Tama na, Jessica!” Anito.
“Walang modo ang anak mo kung magsalita.”
“Tama na!”
Lahat ay natahimik.
Itinaas ni Evelyn ang kamay. “Hindi ba kakalabas lang ni Maverick Salazar sa kulungan?” tanong niya. She heard the news last night.
“Yes. He’s a dirt bag and a loser.” Sabi ni Emily. “Ang katulad mo bagay lang sa kaniya.” Pangungutya pa nito.
Evelyn looked at her father. “I don’t want to marry him.”
Ronaldo smiled. “You don’t have a choice, Evelyn. You have to marry Maverick Salazar.”
Kumuyom ang kamay ni Evelyn. Hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng galit na nararamdaman niya. “Ever since, I was looked down by the people of this house. They made me suffer but not this time!” Tumalikod siya at aalis na sana pero humarang ang tauhan ng kaniyang ama.
“Hindi ka makakaalis sa bahay na ‘to, Evelyn. You will stay here until your wedding.” Seryosong saad ni Ronaldo. “Dalhin siya sa kwarto at bantayan. Huwag niyo siyang hayaan na makalabas.”
“Yes, sir!”
Hinawakan si Evelyn sa magkabilang braso.
“Dad! Please, no!”’
But Ronaldo didn’t listen to his daughter’s cry. His face remained serious and stoic.
Ngumiti si Emily. “Yeah, she should be the one who will marry such a dirtbag and a loser.” Aniya.
Ngumiti naman si Jessica. “Thank you, Hon. You didn’t let Emily marry that guy.” Sabi niya sa kaniyang asawa.
Ronaldo just nodded his head. He has a plan for why he wants Evelyn to marry Maverick Salazar. He knew that he neglected Evelyn. Mas marami ang atensiyon na ibinigay niya sa panganay niyang anak na si Emily kaysa kay Evelyn. In this way, babawi siya sa bunso niyang anak.
Evelyn was crying inside her room. Nagsisisi siya na pumunta pa siya sa bahay na ‘to. This place is already hellish to her. Sana hindi na lang siya bumalik. Ngayon napahamak pa siya.
She clutched her head. Inisip niya kung paano siya makaalis sa bahay na ‘to. Ayaw niyang manatili rito. Kung mananatili siya rito, siguradong matutuloy ang pinaplano ng ama niya na ipapakasal siya sa taong hindi naman niya mahal.
With a determined mind, Evelyn walked towards the balcony and tried to open it. Only to find out that it was locked. She yelled in anger. Now, she lost her hope to escape from this house.
Kumuyom ang kamay ni Evelyn. Simula pa noong bata siya, ganito na ang trato sa kaniya. She lacks attention from her parents. She didn’t live in luxury, unlike her sister who always lived with jewelry, elegant clothes, always went to parties and everything luxurious. Habang siya, she needed to earn money for herself.
Evelyn sighed. She looked around the room. This is her room when she was in this house before. Pero alam niyang may nagbago sa dati niyang kwarto.
Her phone was confiscated earlier. Pero na-realize niya na kahit hawak niya ang cellphone niya hindi rin lang siya makakahingi ng tulong dahil wala naman siyang kaibigan. May mga kakilala siya pero wala siyang naging kaibigan sa mga ito. Lumalayo siya sa mga tao dahil pakiramdam niya gagamitin lamang siya ng mga ito.
Umupo si Evelyn sa gilid ng kama. In this world, she had no one to rely on. Her family is her family, but they aren’t actually.
The wedding preparations of the two families are being prepared by their own parents. The bride and groom aren’t interested, reluctant and just obeyed. They both submit to their parent’s wishes.
Habang hinahanda ang kasal, kinuha naman ‘yon ni Emily na pagkakataon upang asarin si Evelyn. Hindi niya pero sa tuwing nakikita niya si Evelyn, naiinis siya. Mainit ang dugo niya kay Evelyn kahit pa kapatid niya ito. Gusto niyang maghirap si Evelyn kaya naman bagay lang rito na magpakasal sa taong kapareho nitong talunan.
Evelyn was reading books in her room since she wasn’t allowed to go out. Kailangan niya ng pangpalipas ng oras kaya siya nagbabasa. Abala siya sa pagbabasa nang pumasok si Emily sa loob ng kwarto niya.
Hindi pinansin ni Evelyn ang kapatid niya.
“Hi, sissy.” Bati ni Emily kay Evelyn pero halatang plastic.
“Wala akong panahon para makipag-usap sa ‘yo, Emily.”
“Oh, don’t worry. I’m here to tell you that your fiancé is here to visit you.” sabi ni Emily.
Natigilan naman si Evelyn. I thought I would see him on the wedding day.
Ngumiti si Emily. “He’s really ugly. Nakasuot ba naman ng maskara.” Tumawa siya na parang nang-uuyam. “Ang swerte mo, Evelyn. He’s a dirtbag and a loser. He is fit for you.”
Napabuntong hininga si Evelyn saka itiniklop ang librong binabasa. “Tapos ka na ba? Kung wala ka ng sasabihin pwede ka ng umalis.” Aniya saka itinuro ang pinto.
“Don’t worry aalis naman na ako.” Sabi ni Emily. “You will marry a loser guy. He’s also an ex-con.”
“He was originally your fiancé.” Seryosong sabi ni Evelyn saka muling binuklat ang librong binabasa at nagpatuloy sa pagbabasa. “Pinasan mo lang sa akin.”
Emily sneered and turned her back to her sister. Nagmartsa siya palabas ng kwarto ni Evelyn pero hindi niya inaasahan na makikita niya sa labas ng kwarto ni Evelyn ang talunan na papakasalan ni Evelyn. Nagtaas siya ng nuo saka ito nilagpasan. “Loser…” she murmured.
But what Emily said, Maverick heard it. Napailing na lang siya saka inayos ang suot na maskara saka pumasok sa kwarto kasama si Mateo. He saw his bride sitting in the bed and reading. Bahagya siyang natigilan nang makita ang bride niya. He didn’t expect it to be her.
Maverick and Mateo looked at each other.
Maverick looked at his bride. Tumikhim siya.
Evelyn looked at the door and saw two men standing. One with a mask and one without a mask. Tinignan niya lang ang dalawa.
“You are Evelyn Alcantara, right?” The man with a mask asked her.
Tumango si Evelyn. “And are you?”
“Maverick Salazar. Your fiancé.”
“Oh.” Nasabi lang ni Evelyn saka muling bumalik sa pagbabasa.
While Maverick couldn’t believe that the woman he saw the other night was his bride. Pero nagtatrabaho ito bilang waitress. They’re rich, right? Why would she need to work as a waitress?
Maverick walked towards Evelyn. “Is that your way to greet your fiancé?”
Evelyn smiled and looked at Maverick. “Yes. Why? Is there any problem?”
Umiling si Maverick. “I came here to talk to you.” Fierce.
Isinara ni Evelyn ang binabasang libro. “Anong pag-uusapan natin? Are you here to cancel the wedding? Don’t worry, I want the wedding to be cancelled too?”
Natigilan si Maverick saka napatingin kay Mateo na nanatiling nakatayo sa may pintuan.
Mateo shrugged his shoulders and took a step back.
Maverick sighed. “I’m not here to cancel the wedding.”
Nawala ang pekeng ngiti ni Evelyn. “Kung ganun ay wala na tayong pag-uusapan. After all, I’m not your real bride.”
“Uh?”
“Your real bride is…” Before Evelyn could finish her words, her father interrupted.
“Mr. Salazar, you’re here.”
Parehong napatingin si Maverick at Evelyn sa taong nagsalita. Inayos ni Maverick ang suot na maskara. “I will remove my mask on the day of the wedding.”
“Whatever. It’s none of my business.” Sabi ni Evelyn saka nagkibit ng balikat.
Tumaas ang sulok ng labi ni Maverick saka lumabas ng kwarto ni Evelyn.
When Maverick stepped out of the room and the door closed, Evelyn dropped the book she was holding. Hindi niya namalayan na napahigpit na pala ang hawak niya rito. She has just met the man she will marry. Mabilis ang t***k ng puso niya dahil sa kaba.
Nagpapanggap lamang siyang kalmado kanina pero halos manginig na nga siya dahil hindi niya inaasahan na makikilala ang fiancé niya. He’s not my fiancé, though. He is Emily’s fiancé. But that good sister of mine passed her responsibility to me.
Now that she had met him, Evelyn got suspicious. He doesn’t look like a loser at all.
‘But he just came out from jail.’
Humugot ng malalim na hininga si Evelyn. His aura is the same with those powerful men in society.