TUMIGIL ang motor ni Aeious sa harapan ng isang gimikan. Mula rito sa labas ay makikita ang pangalan ng gimikan na Night With Me na pinapailaw pa ng iba’t ibang kulay ng ilaw. Sa gilid naman ay may parking space. Doon nag-park ng motor si Aeious. Maangas na naglakad si Aeious papasok ng Night With Me na dali-dali kong sinundan. Masasabi kong pamilyar na siya sa lugar na ito o madalas siyang magpunta rito dahil nang makita siya ng bouncer ay nagtanguan silang dalawa na tila magkakilala na. Nakasunod lang ako kay Aeious hanggang sa makarating kami sa isang table na para sa dalawang tao. Sinenyasan niya akong maupo roon na ginawa ko naman, siya naman ay naupo sa kaharap kong upuan. “Madalas ka ba rito?” tanong ko agad kay Aeious at iginala ang tingin sa paligid. Kapansin-pansin sa paligid