"HRAEVNE!" asar na asar kong tawag kay Hraevne at mabilis itong hinabol. Tatawa-tawa naman siyang tumakbo patungong first floor ng bahay para takasan ako. Paikot-ikot kami ni Hraevne sa buong bahay habang patuloy sa paghahabulan. Dahil maliksi si Hraevne ay hindi ko siya mahuli-huli. Ang lalaki pa ng hakbang ng loko! "Don't let me catch you," banta ko habang hinahabol pa rin si Hraevne na dumaan sa harapan ni Cillian. Natigilan ako sa pagtakbo at nanlaki ang mga mata ko nang mabangga ko si Cillian na may hawak-hawak na maruming kurtina dahilan para mabalot ako roon. Nagpapalit ito ng kurtina sa malaking bintana dito sa salas nang matamaan ko siya. Mas lalong nag-init ang ulo ko nang malanghap ko ang alikabok ng maruming kurtina. Salong-salong ko! "Cillian!" naiinis kong tawag kay Cill