MALAPAD ang ngiting nasa labi ko habang naglalakad kami ni Aeious. Panay ang pagsulyap ko ng tingin sa kanya at mas lumalawak ang ngiti sa labi ko sa tuwing nakikita ko ang blankong emosyon sa mukha niya. Hindi sang-ayon si Aeious sa kagustuhan kong magkahawak kami ng kamay habang naglalakad pero wala siyang nagawa sa kakulitan ko. Kaya sa huli ay napapayag ko siyang magka-holding hands kami habang nililibot pa rin ang village nila. "Are you tired? Thirsty?" tanong ni Aeious. Nasa kinse minutos na rin kaming naglalakad sa loob ng village nila. Tumango ako nang nakangiti pa rin. Lumibot ang tingin ni Aeious sa paligid at nakahanap ng sari-sari store na malapit lang sa covered court na nasa harapan namin. "Bibili lang ako ng maiinom natin," paalam niya at ibinalik ang tingin sa akin. Si