"HEY, stop playing. Baka mamaya, sobrang mapagod ka," pasigaw kong sabi para marinig ni Aeious. Ngayong hapon ay naisipang maglaro ng basketball ng tatlong magkakapatid at nagsali ng isa pang kakampi para magkampihan. Si Aeious at Cillian ang magkakampi, ang naging kakampi naman ni Hraevne ay si Jester na kaibigan nila. Simula na kasi ng bakasyon nina Aeious at Cillian kaya sinusulit na nila ang mga araw. "I'm fine, Laurent," pasigaw rin na tugon ni Aeious. Wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga na lang. Bumalik na lang ako mula sa pagkakaupo sa bleacher at pinanood ang laro nilang apat. Higit kalahating oras pa silang naglaro ng basketball bago tumigil nang may nanalo ng team, ang team nina Aeious at Cillian. Pare-parehong hinihingal na lumapit sa kinauupuan ko ang magkakapat