Kabanata 4: Huling Pagsubok
IPAGHIHIGANTI ni Denzel ang kanyang mga magulang! Hindi iyon sa salita lang! Sisiguraduhin niyang pagbabayaran ng mga taong iyon ang kasalanang nagawa.
“Ano ang iniisip mo?” biglang tanong ni Crim.
Napabuntong hiningang tumayo si Denzel at nagtimpla ng kape, “naaalala ko lang noong nasa sekondarya pa ta tayo. Alam mo ‘yon? Masarap kayang balikan ang mga panahong wala pa tayong gaanong mga trabaho. At mga pag-aaral nalang ang ating inaatupag,” wika niya habang hinahalo ang black coffee sa mainit na tubig.
“Alam mo, Babe.” ani ni Crim at nagtungo ito sa kanyang likuran para yakapin siya. “Nakaka-miss nga ang ganoon minsan naiisip ko rin ang mga buhay natin noon, e.” Yumakap ito sa kanya at hinalikan ang kanyang buhok.
Hinarap niya ang nobyo at iniwan ang kape. “Saan na kaya ngayon si Lauriate?” Matagal na silang walang komunikasyon sa kaibigan. Nagkahiwalay sila pagkatapos ng high school graduation at simula no’n ay wala na siyang balita rito.”
“Hindi ko rin alam, e. Ang huling balita ko sa kanya ay kumain sa chowking.”
“Sira.” Natawa siya at niyakap ni Denzel si Crim. “Hindi mo pa pala nakakalimutan ‘yon? Ikaw kaya ang number one na tagakutya sa kanya.”
“Paano ko ba iyon makakalimutan gayong sainyo lang naman umiikot ang high school life ko?”
“Sabagay, parati mo nga pala kaming nakakasama.”
Paano nga ba naging sila ni Crim Carl? Ang natatandaan niya ay nagyaya ito ng dinner. Sila lang dalawa at wala ng sinamang iba. Ang buong akala ni Denzel ay frienship dinner lang iyon kasi marami na silang natutunan sa pakikipaglaban. Hindi niya inakala na magtatapat pala ito ng totoong nararamdaman. Siyempre, siya naman itong matagal nang may nararamdaman sa lalaki ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.
“Oy.” Kinurot siya ng nobyo sa pisngi.
“Ano? May sinasabi ka?”
“Ano na naman ang iniisip mo?”
“Wala naman,” sagot niya. “Naalala ko lang ang panahong naging tayo.”
“Naalala mo pa iyon?” nagulat ang mga mata ni Crim Carl.
“Oo naman, kahit limang taon na tayo ay sariwa pa rin ang lahat ng iyon.”
“Sabagay, maging ako ay hindi ko rin iyon nakakalimutan haggang ngayon. Hindi ko puwedeng kalimutan ang araw at oras kung saan sinagot ako ng napakagandang dilag sa balat ng lupa.”
“Ay sos, bolero ka talaga. Paano kung naaksidente ako? Paano kong nasira itong mukha ko o nasunog? Mamahalin mo pa rin ba ako?”
“Ano sa tingin mo ang sagot?” Kinindatan siya ng nobyo.
“Hindi ko alam.” Ininguso ni Denzel ang kanyang labi. “Hindi ko hawak ang panahon at hindi ko rin hawak ang pag-iisip mo,” dagdag niyang wika.
“Well kung ganoon nga ang mangyayari saiyo... wala akong choice kundi iwan ka.”
Nanlaki ang mga mata ni Denzel. “Gagawin mo ‘yon?” Tinitigan niya ang nobyo hanggang sa tumawa ito.
Hinaplos ni Crim ang kanyang pisngi. “Siyempre joke lang. Hindi ang mukha o katawan mo ang aking minahal. Siyempre dito.” Itinuro ng nobyo ang kanyang puso. “Dito kita minahal.”
“Ay sos, pinapakilig mo na naman ako.
“Maganda ‘yan. Sabi ng iba nakapagpapabata ang parating kinikilig.”
“Ikaw talaga.” Muli niyang niyakap ang nobyo at napasubsob siya sa malapad na dibdib nito.
Nasa ganoon silang ayos nang biglang dumating si Pulga. Kasamahan nila sa grupong Luminos. Magaling si Pulga sa bakbakan iyon ng lang ay hindi pa puwedeng isabak dahil may marami pa itong kailangan na matutunan. Ngayon, naka-assign pa ito sa kanilang base, sa Luminos Society.
“Nahiya naman ako sainyo. Pati ang kape biglang lumamig.” Kinuha ni Pulga ang kanyang itinimplang kape. “Akin na ito.”
“Iinumin ko pa iyan.” Sinimangutan niya ito ng mukha.
“Hindi mo na rin ito maiinom kasi pinapatawag kayo ni Lumino.”
“Bakit raw?” tanong ni Crim.
“Mayroon kayong panibagong misyon. I mean si Denzel lang pala. Last major mission ito ni Denzel upang tuluyan na siyang magiging ganap na agent at makuha ang unang badge.”
“Ang ibig mong sabihin ay ito na ang huling assignment ko upang magkaroon ng badge?” nanlaki ang mga mata ni Denzel sa tuwa.
“Kaya mo iyon, Babe.”
“Sana nga... kinakabahan ako.” Nakuha na ng nobyo ang badge nito noong nakaraang taon pa. Masuwerte ito dahil mahihinang sindikato ang kanyang kinalaban.
“Sa lagay mong ‘yan kinakabahan ka?” natatawang wika ni Pulga. “Baka ang sindikato ang kakabahan sa’yo.”
“Sira ka talaga... nasaan ngayon si Lumino?”
“As always nasa kanyang office.”
“Sige. Maraming salamat, Pulga.”
Lumabas na sila ng lobby ni Crim at magkahawak kamay na nagtungo sa opisina ni Lumino. Labis na kinakabahan si Denzel. May saya ngunit nandoon ang takot sa kanyang puso. Ayaw niyang mabigo dahil isa rin iyong kabiguan kay Lumino.
Pagpasok nila sa oposina ay naabutan nila si Lumino na may kausap sa telepono. Nang mapansin sila nito ay kaagad ding ibinaba nito ang tawag.
“I’m glad... nandito na kayo,” nakangiting wika nito. “Siguro sinabi na sainyo ni Pulga ang dahilan kung bakit ko kayo pinapatawag?”
“Sinabi lang po niya ang tungkol sa huling pagsubok ni Denzel. Medyo nagtaka ako kung bakit pati ako ay inyong pinatawag.”
“Dahil oras na Crim para na ipagkaloob ko saiyo ang pangalawang badge.”
“Po?” nanlaki ang mga mata ng lalaki. “Ano ang ibig ninyong sabihin?”
“Nang mag-retiro ang iyong ama ay hindi niya ito nakuha. Kaya kakailanganin niya ng tagapagmana at susunod sa kanyang yapak upang makuha ang badge na ito.”
“Sigurado po kayo?”
“Oo naman, Crim. Marami ka nang pinatunayan sa Luminos Society kaya nararapat lang na makuha mo ito.” Saglit na tumalikod si Lumino at may kinuha itong maliit na kahon. Hindi nila ito napansin kanina nang pumasok sila.
Binuksan ni Lumino ang kahon at kinuha roon ang badge. Napaawang ang labi ni Denzel nang makita ang magandang badge. Ang pangalawang badge ay isa sa pinakamataas na gantimpala at ranggo na makukuha nila sa Luminos Society.
“Ngayon dahil nakuha mo na ang ikalawang badge. Tungkulin mong sanayin ang mga batang agent. Ikaw na ang tatayo nilang trainer at bukod doon, puwede kang mamili ng iyong misyon na gagampanan.” Idinikit ni Lumino ang pangawalang badge sa kaliwang bahagi ng dibdib ni Crim.
“Maraming salamat po.”
Kitang-kita ni Denzel ang namumulang mga mata ng nobyo. Sobrang saya nito. Ang kaibahan kasi kapag unang badge palang ang hawak mo ay sina Lumino ang magdidikta kung anong misyon ang iyong gagampanan mahirap man o madali. Ngayon ay puwede ng makapamili si Crim at bukod roon ang ay maging trainer ng kanilang bagong mga agent.
“Ikaw naman, Denzel.” Ibinaling ni Lumino ang atensyon nito sa kanya. Napalunok ng laway si Denzel dahil ang kaninang kaba ay biglang bumalik.
“Ano po iyon Tito... esti, Lumino.” Naipikit niya ang kanyang mga mata. Bawal itong tawaging Tito kapag oras ng trabaho. Sa bahay lang ito puwedeng tawaging Tito.
“Matagal mo na itong hinihintay hindi ba? Ngayon lang uli nagkaroon ng bakanteng misyon sa Society dahil wala ng gaanong pinapagawa sa atin ang otoridad. Ang grupong Skull ay muli na namang naghasik ng lagim sa buong bansa at ngayon... nandoon sila sa bayan ng Lawis, may namataang aktibitad roon. Gusto kong ikaw ang gagawa ng misyong ito. Kunin mo ang lahat ng impormasyon at kumuha ka ng maraming ebidensya.”
“Iyon lang po ba?” parang kulang pa iyon. Sa isip ni Denzel ay kayang-kaya niya itong gawin.
“Hindi mo sila babarilin at hindi mo sila puwedeng labanan. Mga otoridad pa rin ang puwedeng gumawa no’n.”
Bahagyang tumaas ang kilay ni Denzel. “Bakit ang ibang agent ay sila mismo ang tumatapos sa sindikato? Tulad ni Crim.” Napatingin siya sa kanyang nobyo. Medyo nagulat ito dahil ginawa niya pang halimbawa.
“Magkaiba iyon Denzel. At isa pa, babae ka. Mga lalaki ang iyong kakaharapin. At sanay ang mga iyon sa bakbakan. Lage mong tatandaan na pagsubok palang ito. Wala ka pang karapatan na makipagbakbakan sa mga sindikato. Malalagay sa panganib ang ating Society at possibleng ikakapahamak mo pa iyon.”
Gusto pa sanang magsalita ni Denzel ngunit itinikom na niya ang kanyang bibig. Mas makabubuting hindi na lamang siya magsalita.
“Are we all clear?”
“Yes, Agent Lumino,” sabay nilang wika ni Crim at lumabas na.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Denzel nang isinara ni Crim ang pinto ng opisina.
“Para saan ‘yon?” tanong ng nobyo.
“Ang daya ni Tito. Bakit sa akin lang pinagbabawal ang ganoon?”
“Hayaan mo na. Siyempre nangingibabaw pa rin ang pagiging magulang ni Tito Lumino saiyo. Mahal ka niya at ikaw lang ang natitirang pamilya niya.”
“Hindi naman kami magkadugo, e.”
“Kahit na, hawak mo ngayon ang kanyang apelyido at tuluyan ka na niyang inampon. Magkadugo o hindi anak pa rin ang turing niya saiyo.”
“Sabagay. Nararamdaman ko nga iyon sa kanya at napapasalamat ako roon.”
“Kaya ikaw... kilala ka naming nagdi-desisyon ng sarili mo lang. Hindi ka minsan nakikinig sa aming sinasabi. This time ay sumunod ka para makuha mo na ang badge.”
“Ano pa nga ba? Wala na akong magagawa... iyon na ang kanyang utos. Gusto ko nang makakuha ng badge.”
“Galingan mo, Babe.” Inakbayan siya ni Crim.
Nang makabalik sila sa lobby ay nandoon pa si Pulga. Hawak-hawak nito ang cellphone at mukhang may tinitingnan.
“Oy, lumapit kayo rito. Tingnan niyo itong photos,” ani ng babae. Seryosong-seryoso ang mukha nitong tiningnan sila.
Nauna siyang nakalapit kay Pulga at tiningnan ni Denzel ang screen ng phone. Napangiwi siya nang makita ang babaeng walang saplot sa katawan at puno ng pasa. Mabilis na pumasok sa kanyang isipan na ginahasa muna ang babae bago pinatay.
“Saan ‘yan? Kailan lumabas ang mga photos na ‘yan, Pulga?” tanong ni Crim.
Tumingin si Pulga sa lalaki at nagulat ito nang makita ang bagong badge na nakadikit sa uniporme ni Crim.
“Oh my gosh? Nakuha mo na ‘yan?”
“Oo, pero huwag mo munang pagdiskitaan itong badge, sagutin mo muna ang aking tanong.”
“Oo nga pala,” bumungisngis si Pulga. “May friend kasi akong agent rin ngunit hindi sa society na ito. Ayon binigyan niya ako nitong mga pictures. Wala pang impormasyon na ibinigay ang mga otoridad. Ngunit hinala nila ay isang mayamang lalaki lang ang possibleng gumawa no’n.”
“Sino naman?” kumunot ang noo ni Denzel.
“Hindi niya pinangalanan, e. Kahit anong pilit kong tanong ay hindi ayaw paring sabihin. Kahit na ililibre ko pa siya ng mga fishball, kwek-kwek at lahat ng street foods... ayaw pa ring sabihin sa akin kung sino.”
“Sino ba namang matinong agent ang papayag sa ganoong offer? At isa pa, sobrang mura ng mga street foods. At alam mo kung magkano ang presyo kung may nakuha silang concrete na information? Six digits money,” mahaba niyang bulalas kay Pulga.
“Sabagay, tama ka riyan, Den...pero haler... weakness kaya ng friend ko ang mga ganoon.”
“Hayaan niyo na ‘yan. Mukhang hindi naman mapupunta sa atin ang misyon na ‘yan. Ang dapat nating pagtuunan ng pansin ngayon ay ang mga bagong aspirant agent.”
“Naku, trabaho mo na ‘yon, Crim Carl. Labas na kami ni Denzel,” bulalas ni Pulga.
“Alam mo, Pulga. Nakita ko ang mga aspirant agents natin,” nakangiting wika ni Crim.
“O, tapos?”
“Ang daming poging baby boys.”
“Oy, talaga?” lumaki ang mga mata ni Pulga. “Isama mo naman ako minsan sa training ground, Crim... nami-miss ko na roon. Hindi ako makapunta roon dahil ang daming trabaho rito. Kung may free time naman ako, thirty minutes lang.”
“Akala ko ba, trabaho ko lang iyon?”
“Oy... joke lang naman iyon. Siyempre tutulungan din kita.”
“Ikaw talaga, Pulga... pagdating sa mga baby boys na ‘yan ay bumibigay ka na. Binibiro ka lang naman nitong si Crim,” aniya sa babae.
“Totoo?” hindi pa rin ito convince.
“Oo, kilala mo naman itong si Crim na mapagbirong tao.”
“Haist, ano ba ‘yan. Akala ko pa naman ay totoo,” sumimangot ito.
“Kaya wala kang jowa, e. Hinahanap mo baby boys. May marami namang lalaking kasing edad mo lang,” biro ng nobyo.
“Tse! Inspiration lang naman. And excuse me, may crush na ako,” kinikilig nitong wika.
“Sino?” sabay na tanong ni Denzel at Crim.
“Bakit ko naman sasabihin sainyo? Secret ko lang iyon. At saka ko nalang sasabihin sainyo kapag naging akin na siya.” Napapikit ng mga mata si Pulga at kinikilig ito.
“Hay naku, si Pulga dot nag-assume na naman,” natatawang wika ni Crim. Maging si Denzel ay napatawa rin.
“Litse ka talaga, Crim. Huwag mo nga akong tawaging Pulga dot.”
“Ikaw talaga, Crim. Parati mo nalang pinapasama ang loob ni Pulga.”
“Ayan, pagsabihan mo iyang nobyo mo Denzel, ha. Kapag hindi ako nakapagtimpi ay ipapakulam ko ‘yan.”
Malakas na tawanan ang kanilang nagawang ingay sa loob ng lobby. Napahinto lang sila nang pumasok sa lobby si Agent Debil. May pangatlong badge na ito.
“Naparito ka Agent Debil?” tanong niya.
“Ibibigay ko saiyo ang brown envelope na ito. Nandito na lahat ang mga kakailanganin mo saiyong misyon, Agent Den. Nandiyan na rin ang address ng lugar, hotel na iyong tutuluyan at budget mo throughout the mission.”
“Ilang days ang allocated sa misyon ko, Agen Debil?” tanong ni Denzel nang tanggapin ang brown envelope.
“Ang budget mong ‘yan ay good for one month. Huwag kang mag-aalala. Ang hotel mismo ang magli-libre sa accomodation. At hanggang kailan mo roon gustong manatili.”
“Kung ganoon po ba ay matatagalan ako sa aking misyon?” may lungkot sa boses ni Denzel.
“Hindi natin alam, Denzel ngunit gusto ni Lumino na bigyan ka ng mahabang panahon. Hindi pa established ang bagong aktibidad ng Skull sa lugar na iyong pupuntahan. Mas mainam kung ito’y kukumpirmahin mo muna. Kapag nakumpirma mo na ay doon ka palang gagawa ng hakbang. At pinapasabi ni Agent Lumino na huwag na huwag kang gagamit ng baril kung hindi kailangan.”
“Masusunod, Agent Debil... maraming salamat rito.”
“Walang anuman, Agent Den. Sa susunod na araw na pala ang iyong biyahe.”
“Po?” nanlaki ang kanyang mga mata.
“May reklamo ka ba, Agent Den?”
“Wa-wala po, Agent Debil. Sa katunayan nga po ay sobrang excited na ako. Hindi na ako makapaghintay, sobra.” Pilit na ngumiti si Denzel kay Agent Debil.
“Mabuti iyan, Agent Den. We can’t wait na mapagtagumpayan mo ang huling misyon, aalis na ako.” Nakangiting wika ng Agent at tumalikod na ito sa kanila.