Kabanata 3: Struggle
MAY sayang naramdaman si Denzel dahil may pagkakataon pa siyang masali sa top 5 kung pag-iigihan pa niya ang pag-aaral. Sinabi sa kanila ni Ms. Vasquez na puwede pa niyang maiangat ang kanyang grado dahil first grading pa naman iyon. At kung may malaki siyang makukuha sa mga exam, assignments at quizzes. Hindi siya mahihirapang humabol.
"Mabuti nalang talaga sis ay may pag-asa ka pa. Naku, hindi na natin puwedeng gawan ng fake grades iyang Tito mo. Baka magtaka pa 'yon na ang lalaki ng grades mo tapos wala ka man lang kahi isang award?" sobrang daldal ni Lauriate. Kung may makakarinig talaga sa kanya na hindi kaibigan ay iisipin ng mga itong lasing ang babae.
"Kaya nga, eh. Iyon ang ikinatatakot ko. Iyong pinagagawa natin ay sigurado akong malalaman iyon ni Tito kung gugustuhing malaman ang totoo. Kung kaya't kailangan ko ngayong magtino hangga't may oras pa."
"So ayaw mo na ng videos?"
"Hmm," napaisip si Denzel. "Bawal na muna ako niyan." Naimpluwensyahan lang naman talaga siya ni Lauriate. Ngunit wala pa silang karanasan sa pakikipagtalik. Noong una ay medyo curious lang talaga ngunit naglaon ay parang normal na sa kanya ang manood ng ganoon.
"Ayaw ko na rin munang manood."
"Bakit naman?" kumunot ang noo ni Denzel. Napaka-imposibleng hihinto itong si Lauriate.
"Eh, pinapanood ko lang naman iyon dahil curious ako. Lalo na sa mga position. Haler, habang tumagatagal ay boring na."
"Ang mabuti pa'y mag-aral na muna tayo ng mabuti. Bumalik nalang tayo sa dati nating gawi kapag graduate na tayo ng high school, okey?"
"Mabuti pa nga," ngumiti si Laruiate sa kanya.
Bumalik sila sa cafeteria at mabilis na silang nag-order ng pagkain. Mabilis lang silang natapos dalawa at pumunta sa panghapong asignatura.
Dumating ang uwian. Natatanaw na ni Denzel ang kotse na susundo sa kanya. Tatawid na sana siya nang daan nang may biglang humintong itim na van sa kanyang harapan. May mga naka-bonnet na kalalakihang bumaba. Pati mukha ng mga ito ay natatakpan rin kaya hindi niya makilala. Napaatras si Denzel dahil ang lalaking mga tao ng mga ito.
Akmang hahawakan na sana siya ng mga ito nang mabilis siyang pumalag. Itinapon niya ang kanyang mga gamit sa kung saan. Una siyang nanlaban sa lalaking nasa kanyang likuran. Sinuntok iyon ni Denzel ngunit hindi tumalab ang suntok niya. Siya pa ang nasaktan sa kanyang ginawa! May alam na siya sa pakikipaglaban ngunit kulang pa siya lakas at puwersa.
"Huwag ka nang manlaban pa, sige na kunin niyo na ang babaeng 'yan," napaatras si Denzel. Wala man lang tumulong sa kanya kahit ni isa! Pati mga guwardiya ng kanilang paaralan ay tila nagtatago ito!
Akmang tatakbo si Denzel nang mahawakan ng isang lalaki ang kanyang uniform. Muntikan na itong mapunit. Nagpupumiglas siya. Siniko niya ang tiyan ng lalaki at natablan ito. Nabitawan siya!
Sa malas niya ay nakalapit na pala ang isa pang lalaki. Nadaplisan siya ng suntok nito. Masakit iyon para sa katulad ni Denzel na babae. Hindi pa siya nakahuma nang tuluyan na siyang mahawakan.
"Let her go!" biglang dumating si Crim. Ibinaba nito ang kanyang bag at mabilis na sumugod sa mga lalaki. Ilag ng ilag lang ang ginawa ng lalaki. Nang makahanap ito ng tiyempo ay nakuha na nitong sumuntok. Napatumba ang ilan ngunit mabilis ring nakatayo.
Labis na nag-aalala si Denzel. Hindi niyon kakayanin ni Crim. Napapikit siya ng matamaan ng suntok ang matalik na kaibigan. Mabilis na dumugo ang labi nito.
"Crim!" sumigaw na si Denzel. Mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng lalaking naka-bonnet. Kinaladkad na siya nito papalapit sa van. Nagpupumiglas na naman si Denzel. Ngunit malakas ang mga lalaki. At may alam ang mga ito sa pakikipaglaban.
"Mga hiyupak kayo! Bitiwan mo ako!"
Napatingin siya kay Crim, kasalukuyan na itong binubugbog! Kaagad na naaawa si Denzel. Hindi niya kayang makita ng ganoon si Crim! Tila kinukurot ang puso niya habang nakikitang naghihirap ang lalaki.
"Ang hirap sa inyong mga sindikato kayo ay hindi ninyo alam kung paano mag-ingat. Ginagawa ninyong normal ang pagdukot."
Nagulat si Denzel nang may nagsalita. Nagulat nalang siya nang natumba na ang lalaking humihila sa kanya. Nakita niya ang isang lalaking may suot na jacket at hood na itim. Nakatilikod ito sa kanya dahil kasalukuyan nitong tinutulungan si Crim.
Sobrang bilis nitong kumilos at sanay sa pakikipaglaban. Napaawang lang ang labi ni Denzel. Ngayon palang siya nakakita ng lalaking balwarte ay ang pakikipag-karate! Wala pang limang minuto nang mapatumba nito ang anim na didnapper!
"Maraming salamat sa tulong mo," mabalis na lumapit siya rito.
Tumingin ang lalaki sa kanya. Naka-mask lang ito habang suot ang hood. Ngunit, laking gulat ni Denzel nang makilala niya ang logo. Kaagad na nanumbalik sa kanya ang alaala ng kahapon! Hindi siya maaaring magkamali! Logo iyon ng ibon na kapareho ng logong nakalagay sa mask ng lalaking tumulong sa kanila.
"A-ang logo na iyan?" itinuro pa niya ito. Hindi talaga siya maaaring magkamali.
"Sa susunod ay mag-iingat ka," wika ng lalaki at nagmamadaling umalis sakay ang isang itim na kotse.
Mabilis na nagsidatingan ang mga guwardiya. Kaagad nilang tinulungan si Crim at dinala ito sa clinic. Sumama si Denzel dahil sa labis na pag-aalala sa kaibigan. Hindi niya lubos maisip na mabugbog ito.
"Ayos ka lang ba Crim?" pinisil-pisil niya ang kamay ng lalaki.
"Ayos lang ako," nakuha pa nitong ngumiti. "Wala to sa mga pinagdaanan nating training."
Tipid na ngumiti si Denzel. Mahirap nga ang training nila ngunit hindi pa iyon sapat. Kagaya kanina. Muntikan na siyang ma-kidnap at si Crim naman ay bugbog sarado pa.
"Sa tingin ko kailangan na talaga nating seryosohin ang mga training Crim."
"Tama ka Den. Nakilala mo ba iyong lalaking tumulong sa atin kanina?"
"Ha? Hi-hindi, bakit mo natanong?"
"Wala lang. Ang galing niyang makipag-away."
"O-oo, ma-magaling nga siya," garalgal ang kanyang boses.
"Ayos ka lang ba?" kumunot ang noo ng lalaki.
"Oo," tumango siya at tipid na ngumiti.
Naikuyom ni Denzel ang kanyang kamay. Muling nabuhay ang galit sa kanyang puso. Ang apoy na matagal nang nananahimik ay bigla itong nagliyab!
Ipaghihiganti ni Denzel ang kanyang mga magulang! Hindi iyon sa salita lang! Sisiguraduhin niyang pagbabayaran ng mga taong iyon ang kasalanang nagawa.