Kabanata 5: Bayan ng Lawis
ABALA sa pag-aayos ng kanyang mga gamit si Denzel nang may kumatok sa pinto ng kanyang kuwarto. Inihinto niya muna ang pagtutupi ng mga damit at saka binuksan ang pinto. Si Lumino iyon at nakapambahay na ito ng bihis. Nauna siya umuwi rito dahil kailangan niyang iayos ang mga dadalhin.
“Kumain na po ba kayo, Tito?” tanong niya at muling ibinalik ang sarili sa pagtutupi.
“Hindi pa. Isang tradisyon na sa atin ang pagkain ng sabay kapag mayroon tayong kanya-kanyang misyon.”
Natigilan si Denzel. “Oo nga po pala,” mabuti nalang at kaninang tanghali ginawa nila ni Crim ang pagkain ng sabay. Will, parati silang kumakain ni Crim ng sabay ngunit mas espesyal iyon kanina kasi may pabigay ito ng bulaklak.
“Dalian mo na riyan, Denzel. Gutom na rin ako, e.” Marahang tumawa si Lumino ngunit nandoon sa mga mata nito ang lungkot.
“Sige, Tito. Susunod ako. Tatapusin ko na muna ang limang damit.”
“Sige, hihintayin kita sa komedor, hija.”
Hindi na isinara pabalik ni Denzel ang pinto. Tinapos na niya kaagad ang pagtutupi at inilagay na niya ang lahat sa kulay itim na back pack.
Nasa mesa na si Lumino at hadang-handa na itong kumain. May mga nakahanda ng pagkain sa mesa at mainit pa ang mga iyon dahil sa usok na sumisimoy sa ibabaw ng pinaglalagyan ng mga ito. Kaagad na nagliwanag ang mukha ni Denzel nang makilala ang mga pagkain.
“Umupo ka na... pinaluto ko kay Manang Inday ang lahat ng mga paborito mong pagkain.”
“Maraming salamat, Tito.” Umupo siya sa upuan, agaran na silang nagdasal at kumain ng sabay.
Naging masaya ang kanilang pagkain. Busog na busog si Denzel at pinilit ni Lumino na maging masigla. Ngunit sa kabilang parte ng isipan ni Denzel ay naiisip niyang magiging malungkot ito.
“Huwag kayong mag-alala, Tito Lumino.” Inabot niya ang kamay nito at pinisil iyon. “Mag-iingat ako at uuwi ako ng buo sa pamamahay na ito.”
“Kahit na agent ako Denzel ay hindi ko pa rin mapigilang kabahan at mangamba. Sa bawat misyon na ating hinaharap ay para na rin tayong nagpapakamatay.”
“Naisip ko na rin iyon, Tito. Ngunit ito ang landas na ating tinatahanak. At walang dapat tayong gagawin kundi magtiwala sa ating sarili at mga kakayahan.”
“Huwag mo pa rin kalimutan ang Diyos, Denzel. Siya ang mag-aalis sa kapahamakan na posible nating matamo.”
“Hindi ko kakalimutang manalangin ng mas madalas, Tito.” Muli niyang pinisil ang kamay ni Lumino at bumitaw na rito.
Bago paman sila matapos kumain ay sobrang daming ibinilin si Lumino. Hindi man lahat natatandaan ni Denzel ngunit sapat na iyong kanyang mga narinig upang maging successful ang misyon.
Madaling araw na siyang nagising. Mabilisan ang kanyang pagligo. Paglabas ni Denzel sa kanyang kuwarto na dala ang kanyang mga gamit ay naabutan niya si Lumino at si Crim.
Hindi sinabi ng nobyo na pupunta ito ngayon dahil nakapagpaalam na naman sila sa isa’t-isa kahapon.
“Hindi ko alam na pupunta ka rito?” tanong niya kay Crim at yumakap.
“Give me your things,” ani Crim at kinuha nito ang kanyang gamit.
“Pinapunta ko siya rito para siya ang maghahatid saiyo sa terminal.”
“Terminal?” kumunot ang noo ni Denzel.
“Sa ngayon ay ipinagbabawal gamitin ang ating mga kotse sa Society sapagkat kailangan pa itong pinturahan na naman para mabago. Kung iyon ang gagamitin mo ay madali kang makikilala ng Skull.”
“Mas mabuti nang mag-iingat, Babe. May kutob si Tito Lumino na may may ideya na ang Skull sa ating mga sasakyan. At doon pa lamang ay nalalaman na nilang may Luminos Society agent sa lugar.”
Tumango si Denzel. “Naiintindihan ko, pasensya na at hindi ko iyon naisip kaagad.”
“It’s okay, hija. Umalis na kayo bago paman lumabas ang araw.”
“Sige po.” Humalik sa pisngi si Denzel kay Lumino at lumabas na sila ng mansyon. Pinagbuksan na siya ni Crim ng pinto at sumakay na silang dalawa.
Kagaya ni Lumino ay marami ring ibinilin si Crim kay Denzel. Nagpapasalamat pa rin siya roon kahit alam niya ng kung ano ang dapat na gawin.
Pagdating nila ng terminal ay kaagad na niyang sinuot ang itim na sombrero at hood ng jacket. Bago paman siya bumaba sa kotse dala ang mga gamit ay naghalikan na muna sila ni Crim. Sobrang hahanap-hanapin niya ang lalaki. Mami-miss niya ang nobyo.
“Mag-iingat ka, Babe.”
“Kayo rin, I love you.” Muli silang naghalikan ni Crim. Medyo mapusok na iyon ngunit sandali lang nila ginawa. “Bye.” Tuluyan na siyang lumabas.
Kaagad na napansin ni Denzel ang isang puting van. Papunta itong Bayan ng Lawis kaya sumakay siya roon. Nang maupo ay tiningnan niya ang kotse ni Crim. Paalis na ito.
“Isang daan lang papuntang Lawis,” wika ng konduktor. Napansin ni Denzel na humugot ng pera ang mga kasamahang pasahero at kumuha na rin siya. Mabilis niyang ibinigay iyon sa konduktor.
Naghintay pa sila ng ilang minuto. At sa wakas ay umalis na rin sila. Nakaramdam ng antok si Denzel habang nasa biyahe. Minabuti niyang umidlip muna ng tulog. At nagising lang siya nang tumagos ang sinag ng araw sa salamin na bintana ng van.
Napatingin siya sa labas. Nakita niya ang isang karatola ng lugar. Nasa Bayan na siya ng Lawis. Bago paman huminto ang van na sinasakyan ay nakahanda na siyang lumabas.
Pinauna ni Denzel na lumabas ang ibang pasahero. Nang masigurong nakalabas na ang lahat ay sumunod na siya. Tiningnan niya ang paligid. Kaunti lang ang tao ngunit may mga istruktura sa paligid.
Kinuha niya ang brown envelope sa loob ng bag at kinuha ang isang papel. Nakasulat roon ang hotel na kanyang matitirhan. Inilibot pa niya ang kanyang tingin ngunit wala siyang makitang hotel sa paligid. Mayroong isang Aling nakatayo sa may sakayan ng dyip. Mabilis na lumapit si Denzel rito para magtanong.
“Magandang umaga po, alam niyo po ba ang Winston Hotel?” diretsa niyang tanong rito.
“Sa likod ng building na ito ay makikita mo ang wet market. Sa pinakalikod pa ng wet market mo makikita ang hotel na iyong hinahanap,” sagot ng Ali.
“Maraming salamat po.” Ngumiti siya rito at kaagad ng umalis.
Nagmamadaling binaybay ni Denzel ang daan papuntang Winston Hotel. Habang ginagawa niya iyon ay kanyang pinag-aaralan ang paligid. Sobrang simple ng bayang ito ay nakikita parin ni Denzel na may maipagmamalaking ekonomiya rito. Ang mga tao ay modernong-moderno kung manamit.
Kanya nang nadaanan ang wet market. Medyo nagulat si Denzel dahil sobrang daming tao pala roon. Nang makalagpas ay kanyan nang natatanaw ang maganda at malaking Winston Hotel. Hindi paman siya nakalapit sa hotel ay may narinig siyang sigaw sa gawing kanan niya.
Isang babaeng hinablot ang bag nito at tinakbohan ng magnanakaw. Papalapit sa kanya ang lalaki. Napangisi siya at sinalubong ito.
“Tabi diyan, Miss!” sigaw nito.
Nagmatigas si Denzel. Bago paman ito umiwas sa kanya ay binalibag niya ang brown envelope at tumama ito sa leeg ng magnanakaw. Masakit iyon kaya natumba ito.
Mabilis siyang lumapit at kinuha ang bag ng babae. May mga body guard ng hotel na kaagad na nagsilapit at nilagyan ito ng pusas.
“Naku, maraming salamat po, Ma’am.”
“Sa susunod ay huwag kang gumamit ng mga mamahaling bag. O kung gagamit ka man ay hawakan mo ng maigi.”
“Opo, maraming salamat ulit.” Hinarap ng babae ang magnanakaw. “Dapat kang makulong hayop ka.”
“Huwag na po muna kayong umalis, Ma’am. Kailangan ninyong mag file ng complain sa presento,” ani ng guard sa babaeng ninakawan.
Pinulot ni Denzel ang envelope at kaagad na pumasok sa loob ng hotel. Sinalubong siya ng lalaking crew at iginiya sa receptionist.
“Ano po ang pangalan nila?” nakangiting tanong ng babaeng receptionist.
“Karen Sebastian,” pagsisinungaling ni Denzel. Iyon ang nakasulat na instruction para sa kanya. At bawal din silang gumamit ng totoong identity. That’s one of the basic rules.
“Puwede ko po bang makita ang iyong ID, Ma’am?”
“Sure.” Hinugot ni Denzel ang ID sa brown envelope at kaagad iyong ibingay sa babae. Sandali lang itong tiningnan ng receptionist para i-confirm ang identity.
“Ma’am you have unlimited stays here. At free na po kayo lahat ng inyong foods from breakfast to dinner at pati na rin po ang meryenda sa umaga at hapon.”
“Thank you. Puwede ko na bang hingin ang aking breakfast?” kanina pa siya nagugutom dahil wala siyang kinain nang umalis sa bahay.
“Yeah sure... amin nalang po itong ihahatid sa room ninyo, Ma’am.”
“Thank you.”
“Your welcome, Ma’am.”
Nang ibigay ng receptionist ang susi ay kaagad siyang iginiya sa daan ng lalaking crew. Nasa sixth floor siya at hanggang sa elevator nalang ang crew.
“Enjoy your stay, Ma’am.”
“Thank you.”
Bumukas ang elevator at kaagad na hinanap ni Denzel ang kanyang room. Medyo malaki ang hotel na ito kasi ang daming kuwarto. Nang makita niya ang 227 na room ay kaagad na niya itong binuksan gamit ang susi.
Tumambad sa kanya ang magara at napaka-luxurious na hotel. Napangiti si Denzel dahil sobrang ganda sa loob. Nakikita pa niya mula sa salamin na dingding ang mga bahay-bahay at malaking bundok. Tiningnan niya ang comfort room; malaki ito at sa pinakadulo ay may bathub at shower area.
Inilapag niya ang bag sa ibabaw ng kama matapos makita ang buong room. Umupo siya at naipikit niya ang kanyang mga mata. Sobrang lambot ng kutson! Hindi niya alam na may ganitong ka-engrandeng hotel sa Bayan ng Lawis.
Mas lalo pang itong ipinagtaka ni Denzel. Ano ang mayroon sa bayan na ito? Bakit may mga ganitong hotel?
Una niyang naisip ay ang torismo. Hindi pa niya nalilibot ang buong malaking bayan kaya hindi siya sigurado sa roon. At ang pangalawa naman ay pagmimina dahil mayroong bundok. At pangatlo? Wala pa siyang naiisip. Minabuti niyang maghubad at sinuot ang nakahandang roba.
Inayos na muna ni Denzel ang kanyang mga gamit. Inilgay niya ang lahat ng iyon sa cabinet. Ang ang kanyang mga baril at kagamitan bilang agent ay inilagay nito sa maliit na drawer na kung saan may lamp na nakapatong.
Eksaktong natapos niya ang pagliligpit nang may kumatok. Sinilip niya muna ang eye lens ng pinto. Isa itong crew ng hotel na may dalang pagkain. At kaagad itong nakilala ni Denzel ng dahil sa uniporme.
Binuksan niya iyon ay ngumiti rito. “Maraming salamat,” aniya.
“Your welcome, Ma’am. If ever po tapos na kayong kumain o may mga kailangan kayo gamitin niyo po ang telepono upang tumawag sa ibaba. Nandoon na rin po ang numero sa contact book.”
“Thank you, again.” Kinuha ni Denzel ang mabigat na pagkain. Nang magpaalam ang crew ay kaagad na niyang isinara ang pinto at ini-lock iyon. Hindi paman niya kinuha ang takip ay naaamoy na ni Denzel ang mabangong pagkain. Kaya nang inilapag niya ito sa mesa ay bumanat na siya!
Nang matapos kumain ay tumawag na nga si Denzel. Namangha siya dahil nandoon ang lahat ng numero sa record books. Pati sa mga pulis, ambulance at iba pang ahensya ng gobyerno ay nandoon nakalista ang mga numero. Sobrang napaka-organize.
May kumatok naman at nang tingnan niya ito ay ang crew kanina. Ibinigay ni Denzel ang pinagkaianan at muling isinara ang pinto.
Mabilis niyang hinubad ang kanyang roba at nagtungo sa shower room. Naging mabilis lang ang kanyang pagligo at nag-ayos kaagad.
Minabuting matulog na muna ni Denzel dahil mamayang gabi ay kanya nang sisimulan ang misyon. Nakakabagot kung wala siyang gagawin buong araw at magdamag sa magandang hotel room na ito. At isa pa, wala siyang exact detail sa ilegal na aktibidad ng Skull rito. Sadyang hindi nila mahanap-hanap ang main base ng Skull kaya hindi nila mapuksa ang sindikato. Mula noon ay talagang Skull na ang tinik sa kanilang trabaho. Kapag naudlot ang plano ng mga ito sa isang bayan ay lilipat na naman ang mga ito! Napabuntong hiningang nakatulugan ni Denzel ang pag-iisip sa Skull.
Nagising siya nang mayroong kumatok. Pagkain niya iyon sa tanghalian kasabay no’n ang snacks na hinatid kanina tapos hindi siya nagising. Binilinan niya ang crew na huwag nang maghatid ng pagkain mamaya. Hindi siya sana na busog parati ang kanyang tiyan.
Kumain ng mabilisan si Denzel at natulog na muli. Hindi na muna siya tumawag. Mamaya nalang kapag lalabas siya ng hotel. Idadaan niya ang pinagkainan.
Hapon na nang siya’y magising. Biglang tumunog ang kanyang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Agent Debil. Mabilis niya itong sinagot!
“Hello Agent Debil? Napatawag ka? May impormasyon ka bang ibibigay?”
“Hi Agent Den, yes may ibibigay akong impormasyon saiyo na puwedeng makatulong saiyo.”
“Ano iyon po iyon?” bumangon si Denzel.
“Ang bayan ng Lawis ay masagana ito sa kanilang mga natatanging torismo. Karamihan rito ay mga mapuputing buhangin.”
“Ganoon po ba?” tama ang iniisip ni Denzel kanina.
“Oo at may isa pa akong sasabihin saiyo.”
“Ano po ‘yon?”
“Ang Bayan din ng Lawis ay kilala ito bilang taga angkat ng mga ginto. May malaking bundok riyan at doon kalimitan nagaganap ang pagmimina.”
Naisip na rin iyon ni Denzel. “Mayroon pa po bang iba, Agent Debil?”
“Oo, Agent Den... nag-aangkat din ang Bayan ng mga saging. Dapat mo rin itong pagtuunan ng pansin.”
“Ano po kaya ang possibleng ilegal na ginagawa rito ng Skull, Agent Debil?” ang hirap hulaan dahil karaniwang nahuhuli nilang aktibidad ng Skull ay ang mga droga na dahilan.
“Wala pa rin kaming ideya, Agent Den. Sanay mayroon kang makukuhang impormasyon at matigil na ang kanilang iligal na ginagawa sa tahimik na bayang ‘yan.”
“Makakaasa po kayo, Agent Debil. Hindi ko sasayangin ang oportunidad na ito upang maging ganap na akong agent katulad ninyo.”
“Hangad ko at namin ang iyong tagumpay, Agent Den. Gawin mo iyan ng mabuti para mas lalo pang magsumikap ang mga bagong tubong agent ng Luminos Society.”
“Makakaasa po kayo.”
May ngiting gumuhit sa labi ni Denzel nang maibaba niya ang tawag. Napabuntong hininga siyang tumayo at inayos ang sarili. Madilim na sa lugar at oras na para sa unang gabi ng kanyang misyon! Dalangin niya na mas maagang makakalap impormasyon parang makauwi siya kaagad!