Kabanata 2: Alaala ng Kahapon
PANGITI-ngiti lang si Denzel habang kausap si Lumino. Ito na ang nagsisilbing ama niya dahil maaga siyang naulila. Sariwa pa sa kanyang isipan ang mga pangyayaring hindi maalis sa kanyang utak. Walang gabi na hindi niya naiisip ang kawalang hiyaang ginawa ng mga taong iyon sa kanyang mga magulang. Ang hindi niya matanggap ay pinatay ito sa harap ng kanyang inosenting mga mata.
Mabuti na lamang at nagawa siyang itago ng mga magulang sa dingding na mayroon palang pintuan at lagusan palabas ng kanilang bahay. Sa murang edad niyang iyon ay hindi siya tumakbo. Nakasilip lang ang dalawa niyang mga mata habang nakatingin sa naghihinalo niyang mga magulang. At ang logo? May nakita siyang logo sa suot ng isang lalaki! Hindi iyon logo ng brand ng mga damit. Kakaibang logo iyon! At iyon ang kanyang aalamin.
"Kumusta ang school mo ngayong araw?" tanong sa kanya ni Lumino sa baritono nitong boses.
"Okey lang naman po Tito, walang gaanong ganap," hindi niya puwedeng sabihin kay Lumino na may bagong video na nakuha si Lauriate. Siguradong mawiwindang ang mundo nito. Kababae nilang tao ay puro milagro ang pinapanood.
"Iyong mga grades mo? Gusto kong may award kang makukuha sa school ninyo kapag nag-graduate ka na ha."
"Po?" nanlaki ang mga mata ni Denzel. "Eh, Tito Lumino. Malaki na po iyong grades ko pero may maraming pang malalaking grades kaysa sa akin."
"95% yong grades mo. May nakahabol pa sa'yo?"
"s**t!" mahina niyang wika.
"May sinasabi ka?"
"Ha? Wala po," pilit siyang ngumiti. Ano ang kanyang gagawin ngayon? Iyong grades niya ay nasa 80-85% lang naman. Sila lang ni Lauriate ang gumagawa no'ng 95%. Kailangan niyang makausap ang kaibigan! "Tito, puwede po bang special award lang?"
"Special award? Like perfect attendance?"
Tumango lang si Denzel bilang sagot.
"No, hindi ako kontento sa ganyang award. Pumapasok nga ang estudyante mentally absent naman."
Napangiwi si Denzel dahil natamaan siya sa sinabi ni Lumino. Mas lalo pa siyang nag-aalala ngayon.
"Ano po ang acceptable na ward para saiyo Tito?"
"Hmm," sandaling napa-isip si Lumino. "Prankly, hindi naman ako choosy pero ang pinaka-acceptable na ward na gusto kong makuha mo ay makasali ka sa top 5 honors."
"Po?" nalaglag ang panga ni Denzel. Hindi pa po kayo choosy no'n?
Kumunot ang noo ni Lumino, "hindi? Hindi mo ba kaya makuha ang ganoong rank? Iyong training mo Saturday at Sunday lang. Tapos half day. Kapag Monday to Friday naman wala kang ibang inaatupag kundi pag-aaral. Malaki ang allowance mo, hinahatid at kinukuha ka pa ng kotse. Pag-uwi mo sa bahay may masarap kang kinakain. At higit sa lahat senorita ka."
"Pinapakonsensya mo ba ako Tito?"
"Hindi naman. Pinapaalala ko lang saiyo na ang pagiging agent ay nagsisimula sa pagdi-disiplina sa sarili. Paano ka magiging magaling na agent in the future kung hindi mo kayang disiplinahin ang sarili mo? Hindi ba't gusto mong maghiganti sa mga taong pumatay sa mga magulang mo? I'm giving you the advantage Denzel. At huwag mo itong sayangin. Kapag wala kang nakuhang award sa graduation mo ay ipapadala kita sa America. No training for agent, walang magluluto saiyo at walang maglalaba sa mga damit mo. Mabubuhay kang independent doon habang nag-aaral sa kolehiyo."
"Tito?"
"Bakit? Guilty ka hindi ba?"
"Tito?"
"Ayaw mo sa America?"
"Tito, ang haba-haba ng sinabi mo. Hindi lungs ko ang hinihingal. Utak ko na po."
"Ikaw talagang bata ka. Sige na kumain ka na. Basta tandaan mo iyong mga sinabi ko."
Walang nagawa si Denzel kundi ang tumango nalang. Bukas na bukas din ay kakausapin niya si Lauriate. Baka may maibigay itong tulong sa kanya!
"ANO?" nanlaki ang boses ni Lauriate. "Mama ko diploma lang ang hinihingi, top 5 pa kaya?"
"Eh, ano ang gagawin ko? Ipapadala ako ni Tito sa America?" nag-aalala talaga si Denzel. Kilala niya si Lumino at may isang salita ito. Ito ang masusunod palagi!
"Gaga ka!" nagliwanag ang mukha ni Lauriate. "Ayaw mo no'n? Unlimited afam ka doon sis!"
"Gaga," napatawa siya. "Ayokong pumunta sa America. Gusto ko dito lang ako sa bansa natin. At isa pa, wala akong hilig sa mga kano na 'yan."
"Eh ano ang trip mo?" pilyang ngumiti si Lauriate.
"Alam mo na 'yon. Siyempre tangkilikin ang sariling atin," nagtawanan silang dalawa.
"Denzel, Lauriate! Ano na naman ba iyan?" nag-ekis ang dalawang kilay ng guro nila. Namumula ito sa galit, "ma'am, affected po kami sa aming binabasa. Ang ganda pala ng kuwentong ito," mabilis na nakahanap ng dahilan si Lauriate.
"Ay," nahihiyang tumawa ang guro. "Maganda talaga ang istoryang iyan. Sige... bumalik na kayong dalawa sa pagbasa dahil magkakaroon tayo ng quiz after ninyong mabasa ang maikling kuwento."
Sabay silang tumango dalawa at mahinang tumatawa, "ang galing ko di'ba? Mabuti nalang talaga at nakabukas itong ating libro."
"Sira ulo ka talaga. Magbasa na tayo baka ma-zero pa tayo sa quiz natin." Medyo inusog ng kaunti ni Denzel ang kanyang upuan. Madali lang niya iyong natapos. Palibahasa'y maikling kuwento nga lang.
"Here," naglagay ng one-forth na papel si Lauriate sa upuan. Basa pa ng laway ang isang gilid ng papel. "Kahit kailan talaga ay kadiri ka!"
"Eh? Anong gusto mo? Wala akong ruler at gunting."
"Wala ka bang papel na one-forth na?"
"Wala, eh. Ang papel ko puro one whole. At marami kaya iyong nagagawa."
"Sabagay," sumang-ayon si Denzel. Hindi bale, sanay na siya rabies ni Lauriate. Everytime na may quize sila ay ito na talaga ang nagbibigay ng papel sa kanya. Kulang nalang ay ibigay nito ang mga sagot.
Pagkatapos ng klase a kaagad silang dumiritso sa paborito nilang tambayan. Ang cafeteria! Wala pa si Crim. Mas mabuti dahil ayaw niyang malaman ng lalaki ang kanyang plano. May naisip na siya kung paano remedyuhan ang hinihingang award ni Lumino.
"Order na muna ako na pagkain, ha."
"Huwag," mabilis niyang pigil kay Lauriate. Napahinto ang babae at nakakunot noo itong tumingin sa kanya.
"Bakit? Gutom na kaya ako. Late na akong nagising kanina sa kakapanood ng video."
"Mamaya na iyang kain-kain na 'yan. Samahan mo muna ako." Pinanood naman niya talaga ang video na ipinasa ni Lauriate ang kaso hindi niya natapos dahil nakatulugan na niya ito.
"Saan?"
"Kay Ma'am Vasquez," kailangan niyang kausapin ang guro. Iyon ang kanina'y ideya na naiisip niya.
"Ano naman ang gagawin natin kay Ma'am?"
"Siyempre," napahinto siya, "Basta, halika na."
Hinila niya si Lauriate. Ayaw sana nitong sumama kasi gutom na gutom na ito. Ngunit hinawakan niya ito ng mahigpit. Lalandi naman kasi ito sa cafeteria, eh. Hindi lang pagkain ang habol ng gaga!
Malapit na sila sa office ng adviser nang makasalubong nila si Crim. Katatapos lang ng klase nito at mukhang stress.
"Hi, saan kayo pupunta?"
"Magsi-cr lang," si Denzel ang sumagot. "Hintayin mo kami sa cafeteria kung gusto mong sumabay sa amin ng pagkain."
"Naku, uuwi ako ngayon, eh."
"Halos araw-araw ka namang umuuwi, eh," bulalas ni Lauriate.
Ngumiti si Crim, "gusto mo ng chowking?"
"Bwesit ka," naunang naglakad ang babae.
"Ikaw naman kasi, eh? Alam mo namang hindi gusto ni Lauriate na tawagin siyang chowking," aniya sa lalaki.
"Eh, nagbibiro lang naman ako."
"Basta, huwag mo nalang asarin ang kaibigan ko, okey?"
"Yes, ma'am...by the way, wala ako sa training ngayong sabado"
"Bakit?"
"May out of town kami ng family, eh. Anyway, alam na naman iyon ni Lumino."
"Ahh... sige," ngumiti siya. "Enjoy kayo, ha." Mabilis na tumalikod si Denzel.
"Den," napahinto si Denzel nang tawagin siya ni Crim. Mabilis niya itong hinarap. "Gusto mo bang sumama? Masaya sa pupuntahan namin?"
May sayang naramdaman si Denzel, "puwede ba?"
"Oo naman. Actually si Mama ang nag-utos sa akin na ipatanong ka if gusto mong sumama."
"Ganoon ba? Sige... pakisabi kay Tita na sasama ako sainyo."
Tuluyan nang umalis si Denzel at sumunod sa papalayong si Lauriate.