SB 6

2372 Words
Kabanata 6: Mga Nakatagong Yaman PASADO madaling araw na nang magbalik si Denzel sa loob. Medyo nagtaka ang mga guard sa kanya na nakabantay ngunit pinili ng mga itong manahimik. Kaagad na siyang nagtungo sa sixth floor at nagphinga sa kuwarto. Kinabukasan ay ay tanghali na siyang nagising dahil sa katok. Binuksan niya iyon at ang pagkain niyang hinahatid. Medyo marami ang kakainin ni Denzel dahil wala siyang kinain kanina at maraming inilagay sa tray. Pagkatapos kumain ay the same routine lang ang kanyang ginagawa, kinuha ng crew ang mga pinagkainan niya. May napansin siyang isa pang book na katabi sa contact records. Hindi niya ito nabigyang pansin kahapon. Tumayo siya sa native chair na gawa sa rattan at kinuha ang aklat. Medyo umawang ang kanyang labi nang makita ang cover page no’n. Mga tourist destination iyon ng bayan. Isa-isa niyang tiningnan ang bawat pahina at nahumaling siya sa ganda ng lugar. Marami sa mga tourist spot ay related sa beach and resort. Kailangan niya puntahan ang mga ito upang mapag-aralan. Malaki ang duda ni Denzel na baka pag-aangkat na naman ng drugs ang ginagawa ng Skull. Hindi malabong mangyari iyon lalo pa’t nasa tabing dagat lang ang Bayan ng Lawis. Inabot niya ang telepono at tumawag sa receptionist. Tinanong ni Denzel kung may program ba ang hotel ng tour o hindi kaya nag-assist ang mga ina sa gustong pumunta sa bawat tourist destination. “Yes, Ma’am... we are organzing ng mga ganito. Baka po kung gusto ninyong pumunta sa ganitong beach ay may sasakyan kami para ihatid at susunduin ka.” “That’s great,” napangiti si Denzel sa sinabi ng receptionist. “Kailan niyo po gusto Ma’am?” “Gusto ko sanang mamayang gabi na.” “Puwede po naman ‘yon Ma’am. Ang kaso, hanggang 10 in the evening lang ang aming mga drivers. Kaya ina-advice po namin Ma’am na mag-over night doon o mas maagang pupunta para makabalik dito sa alas dyes ng gabi.” Sandaling napaisip si Denzel. Kung over night ang kanyang gagawin ay mahihirapan siya sa ganoong set up. Mauubos ang kanyang oras kapag ganoon ang kanyang ginawa. Paano nalang kung wala doon ang aktibidad ng Skull. “Ay Ma’am... kung gusto niyo lang po na mag-tour at pumunta lang saglit each destination ay may pa-renta kami.” “Alin?” “Nagpaparenta ang hotel ng mga vehicles. Kasi marami sa aming mga torista na gusto nilang mag-renta nalang para hindi na nila kailangan pa tumingin ng oras.” “Anong vehicles ang mayroon kayo?” medyo nagliwanag ang mukha ni Denzel. “Sa ngayon ay mayroon kaming motorsiklo.” “Sige, ganyan nalang din ang akin.” Pagkatapos ng tawag ay nag-ayos na si Denzel. Kanya nang inihanda ang maliit na mga cameras. Ang magiging plano nalang niya ay magtatanim ng mga camera sa bawat beach na pupuntahan. Hindi niya mababantayan ang lahat ng beach kaya mas mainam na camera nalang ang kanyang gagamtin. Nanatili pa siya ng matagal sa bathub kaya nang matapos ay nagmamadali na siyang kumilos. Simple lang ang kanyang susuotin. Mas mainam kung makikibagay siya sa mga tao para walang makakahalata sa kanya. Hindi rin puwedeng magsusuot siya ng agent suit. Mas lalo lang siyang paghihinalaan. “Ma’am, your key,” tawag ng babaeng receptionist. Kinuha ito ng lalaking crew at ibinigay sa kanya. “Samahan ko na po kayo Ma’am kung saan ang motosiklo na iyong gagamitin.” Ngumiti lang si Denzel at tumango sa lalaking crew. Nauna itong lumbas sa kanya at sumunod na siya. Dinala siya nito sa maraming motorsiklong nakahanay sa parking lot. Lahat ng mga iyon ay bagong tingnan. “Ito pa ang sainyo,” turo ng crew. “Thank you... magkano pala ang babayaran ko rito?” “Free na po iyan sainyo, Ma’am. Lahat po ng inyong hihingin at gagamitin sa hotel ay libre na lahat.” “Maraming salamat,” aniya. Kumuha ng limang daan si Denzel sa kanyang bag at ibinigay iyon sa lalaki. “Tips niyo ‘yan.” “Naku po... thank you, Ma’am.” Ngumiti siya at kaagad nang pinatanggal ang motor. Maya-maya pa’y umalis na siya. Ang una niyang destinasyon ay ang pinakamalapit na beach. Isang kilometro lang iyon mula sa hotel. Nang makarating si Denzel ay kanya munang pinag-aralan ang lugar. Wala masiyadong mga tao. Maganda ang tanawin ngunit wala siyang nakikitang possibleng daungan ng mga malalaking bangka o barko. Gayon paman ay nag-iwan siya ng tatlong maliliit na camera na kung saan malayo sa isa’t-isa. Pagktapos ay nagtungo na siya sa iba pang mga beach. Medyo malayo-layo ang iba kaya ngangangalay ang dalawang braso ni Denzel. May iba na mahirap hanapin dahil ngunit nagtatanong naman siya. Lahat ng beach ay halos ganoon. Sobrang normal at magagandang tingnan. Tila mga tagong yaman ito ng bayan dahil sa akin nitong ganda. At mukhang kaunti pa rin ang mga nakakadiskubre. Ang napapansin lang ni Denzel ay wala na gaanong mga istruktura at bahay-bahay. Puro tanim nalang iyon na saging at iba pang mga halamang maaaring pagkukunan ng hanap buhay. Natapos ni Denzel ang paglalagay ng mga camera. Nakabalik siya sa hotel ay hating gabi na. Muli na namang napatingin sa kanya ang mga guwardiya. Malamang nagdududa ang mga ito dahil parati nalang siya dis oras ng gabi umuuwi sa hotel. Buong araw siyang pagod kaya nang makapasok sa hotel room ay bumagsak ang kanyang katawan sa kama! Nakatulugan niya ang masakit na katawan! Dahil sa wala siyang gaanong gagawin ngayong araw ay tumawag siya sa Luminos Society. Si Pulga ang sumagot niyon at mabilis niyang itinanong kung saan si Crim. “Wala na siya dito sa hideout. Mas mapapadalas ang pagpunta ng iyong palalab sa training ground since doon na siya naka-assign.” “Ganoon ba? Sige tatawagan ko nalang siya sa kanyang cellphone.” “Sige, mag-iingat ka diyan, Denzel.” “I will, kayo rin.” Napabuntong hiningang ibinalik ni Denzel ang cellphone sa ibabaw ng drawer katabi ng lampshade. Hindi puwedeng tawagan ngayon si Crim dahil oras ng trabaho. Mamayang gabi pa niya puwedeng makausap ang lalaki. Sobra niyang nami-miss ang nobyo. Lalong-lalo na ang boses nito. Bumangon siya sa kama nang may kumatok. Napatingin siya sa orasan. Alas onse, malapit ng mag-alas dose. Binuksan niya ang pinto at kinuha ang pagkain. “Thank you.” “Your welcome, Ma’am.” Pagkalapag ni Denzel sa pagkain ay kinuha niya ang laptop at binuksan iyon. Mas mainam na habang kumakain siya ay tinitingnan niya ang mga kaganapan sa resort kagabi. Inisa-isa niya iyong tiningnan ngunit walang kahina-hinala. Mayroong mga nagna-night swimming at walang mga malalaking bangkang dumadaong. Isinantabi niya ang panonood at binilisan na ang pagkain. Ginugol ni Denzel ang buong maghapon sa pananaliksik sa internet. Gusto pa niyang makahanap ng mga impormasyon tungkol sa bayan. Eksaktong punta niya sa mga images ng internet ay nakita ni Denzel ang pamilyar na logo. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil ngayon niya lang muling nakita ang logo na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Iyon ang logo na nakita niya noong pinatay ang mga magulang at ang logo na nakalagay sa kasuotan ng lalaking nagligtas sa kanila sa eskwelahan. Napalunok ng laway si Denzel na tiningnan ang website. Isa iyong balita. At kakalagay lang ng article sa website. Kinakabahang binasa niya ito. Caption palang ay gulantang na siya. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa hanggang sa natapos niya ito. Halos panghinaan ng loob si Denzel. Paanong nangyari naging legal ang organisasyon na iyon? Binigyan ito ng permiso ng otoridad upang makapag-operate at makatulong sa gobyerno. Mamamatay tao ang organisasyong Phoenix, na ngayon palang niya nalaman ang pangalan niyon! At hindi niya matukoy kung sino ang mga agent nila at lider dahil walang inilagay! Dahil sa nakita ay kaagad siyang nawalan ng gana. Kinatulugan niya ang masamang loob. Muli na namang bumabalik ang kanyang alaala noon! Tuwang-tuwa ang batang si Denzel habang nakatingin sa kanyang Mama at Papa. Kaarawan ngayon ng ama kaya bumili ang mga ito ng pagkain. Nang matapos ang mga ito sa paghahanda ay agaran na silang kumain. “Kapag lumaki ka anak ay dapat maging agent ka, ha. Hulihin mo ang mga masasamang sindikato at iligtas mo ang mga batang nangangailangan ng tulong,” nakangiting wika ng ama. Kahit na musmos palang siya’y naiintindihan niya kung ano ang sinasabi nito. Sobrang maliwanag iyon na pagkasabi ng ama. “Alam mo Lawrence, hindi mo rin mapipilit itong anak natin na maging agent katulad ng kaibigan mong si Lumino at Rigo,” ani ng ina. “Sabagay, kung ano ang gusto mong maging paglaki mo anak ay amin kang susupurtahan, ha? Huwag kang mag-aalala dahil nandito lang kami sa tabi mo.” “Opo, Papa. Pero ano po ang ginagawa ng mga agent, Papa? Bukod sa mga nanghuhuli ng sindikato.” “Naku, ang mga agent ay magagaling din sa pakikipag-away. Magaling silang humawak ng baril.” “Baril? Hindi po ba bad ‘yon?” inosenti niyang tanong sa ama. “Naku, balang araw ay maiintindihan mo rin ang mga sinasabi ko. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masama ang isang bagay. Nakadipende lang ito kung paano gamitin ng isang tao,” paliwanag ng amang si Lawrence. “Kaya ika, Denzel, palagi mong titimbangin ang isang bagay. Isipin mong maigi kung paano, kanino at saan mo gaganapin ang isang bagay para hindi ka mapahamak.” “Opo, Mama. Mag-iisip po muna ako.” “Mabuti iyan, anak.” Ginulo ng ina ang kanyang buhok at marahang kinurot ang kanyang pisngi. “Pa-kiss nga,” humalik ang ina. NAGISING si Denzel nang mapaginipan ang tagpong iyon habang sabay silang kumakain ng mga magulang. May bigat sa kanyang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Hanggan ngayon ay nangungulila pa rin siya sa pagkamatay ng mga ito. Dahil sa alaalang iyon ay nagpupursige siya ngayon. Gusto niyang maipaghingante ang mga magulang at hahanapin niya ang mga pumatay sa mga ito. Hindi siya puwedeng mapagod. Ngayon pa na alam na niya kung anong pangalan ng logong iyon! Nang maggabi ay tinawagan niya si Crim. Sinabi niya dito ang tungkol sa logo at magsasagawa ito ng agarang imbestigasyon. Ang nobyo at si Lumino lang ang may alam sa kanyang hinanakit sa logong iyon. Natuto siyang sabihin lahat kay Crim noong naging nobyo niya ito. Matapos nilang mag-usap ni Crim ay lumabas na naman si Denzel. Mas maraming tao ngayon. May mga nagtitinda ng pagkain na rin sa gilid ng daan na kung saan dinadayo iyon ng mga tao. Mas madaming tao ngaon kaysa sa naunang dalawang gabi na kanyang pagro-ronda. “Ineng, halika ka dito... kumain ka,” tawag ng isang matandang babae. Napangiting lumapit si Denzel. May ibang kumakain na nakakamay lang dahil ang kanin at binalot sa dahon ng niyog. Sinasawsaw ng mga ito ang kanin sa isang sauce na hindi niya alam. “Ano po ang tinda niyo, Nanay?” wala siyang ideya sa ulam na sinasawsawan ng kanin. “Ang tawag dito ay tuslob, bisaya term ng sawsaw o sawsawan.” “Ganoon po ba? Ano po iyang sawsawan ninyo?” parang kaaiba kasi iyon. Parang dinurog na puting bagay ay may maliliit na karne. “Utak iyan ng baboy, Ineng. Tapos nilagyan na rin namin ng taba at karne ng baboy.” “Utak po?” medyo nanlaki ang mga mata ni Denzel. Hindi niya alam na nakakain pala ang utak ng baboy. “Oo, sige na... umupo ka na diyan.” Tatanggi sana si Denzel ngunit nakapaglagay na ng sawsawan ang matanda at pinunit na nito ang dahon ng niyog para lumabas ang kanin sa loob. “Bente lang ito, Ineng at kapag natikman mo ito ay siguradong mapaparami ka ng kain.” “Si-sige po, Nanay.” Mabuti na lamang at sana siyang magkamay. Naku, kung maarte siyang babae ay baka hindi niya maatim na tikman ang tuslob. Medyo nanginginig si Denzel at inamoy niya muna ang ulam. Mabango iyon at punong-puno ng spices. Kaunti pa lamang ang kanyang tinikman. Nang magustuhan niya ang lasa nito ay medyo nilakihan na niya ang pagkain. Tama nga ang matanda, masarap nga ito. Hindi mo malalasahan na utak pala ang tuslob dahil sa hinaloan iyon ng taba at karne ng baboy. “Lola Tibang, dalawa pa nga po para makauwi na kayo,” wika ng isang binatilyo na katabi niyang kumakain. “Isa ka talagang hulog ng langit, Boyet.” Napatingin si Denzel sa kanyang relo. Masiyado pa namang maaga para umuwi sa pagtitinda ng pagkain ang matanda. “Ang buong akala ko, Lola ay nandito kayo kagabi at noong nakaraang gabi. Pero ang tahimik rito.” “Naku, Boyet... pansamantala na muna kaming huwag magtinda ng dalawang gabi buhat noong nangyari.” Napahinto sa pagnguya si Denzel. Napatingin siya sa matanda sa binatilyo. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. “Nahuli na po ba ang mga nanggugulo rito, Lola Tibang?” “Hindi pa nga, e. Kaya natatakot akong magpagabi lalo. Gusto ko na sa pagpatak ng alas nuwebe at nakauwi na ako sa bahay.” “Paano po iyan, Lola? Marami ka pang tuslob at puso ng kanin?” “Iyon din ang problema ko. Ngunit mas mahalaga pa rin kung iisipin ang aking siguridad. Matanda na ako at pinapapaaral ko pa ang aking dalawang maliliit na apo.” “Huwag po kayong mag-aalala, Lola. Dadamihan ko pa po ang pagkain sa paninda niyo para naman mabawasan ang maraming tuslob.” “Maraming salama, Boyet. Regular costumer na talaga kita.” “Wala iyon, Lola.” “Puwedeng magtanong?” biglang wika ni Denzel. Ito na ang tamang oras na makisali sa usapan ng dalawa. “Ano po ang nangyari rito noon? Sino po ang mga nanggugulo sainyo?” “Naku, Ineng... mga trabahador ng minahan. Kapag uuwi na ang mga iyon ay tila mga lasing at dito nanggugulo sa amin. Marami ang kinakain at kulang naman ang bayad. Kung hindi na bibigyan ang mga ito ay nagiging agresibo,” paliwanag ng matanda. “Sinabi niyo po na parang mga lasing, maraming kinakain at agresibo?” “Oo, iyon ang aming naobserba sa mga trabahador na ‘yon. Hindi naman sila ganoon dati, e.” “Ang ibig niyo po bang sabihin Nanay ay matagal niyo silang mga costumer rito?” “Ang iba sa akin at ang iba naman sa ibang nagtitinda. At lahat ng mga kumakain rito ay mga bangag noong gabing iyon.” May agarang ideya na pumasok sa isipan ni Denzel. Ayaw niya munang gumawa ng konklusyon ngunit malaki ang hinala niya na may kung anong kinain o ininom ang mga trabahador. Kung wala man ay baka lasing talaga ang mga ito. Ngunit, lubhang nakapagtataka kung lahat sila ay ganoon. Hindi pare-pareho ang tama ng alak sa bawat tao. Maliban ng nalang kung dahil iyon sa droga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD