I just did the most stupid thing I could do for love. Mahiga sa gitna ng kalsada para lang masubukan kung magdadare siyang iligtas ako.
And with that stupid deed? I felt the best feeling in the world, he saved me from death.
At ngayon ihahatid niya na naman ako pauwi ng condo ko. Bawas ang tama ng alak sa kanya at mukhang natalo pa ang kapeng barako sa lakas ng pampagising na ibinigay ko kay Xeno.
Alam kong wala siyang balak kausapin ako. Sobrang kinabahan ata sa nangyari kanina.
"If you won't mind. Pwede ba tayong maging magkaibigan simula ngayon?" Hindi ko mapigil laruin ang mga daliri ko while waiting for his answer.
Gusto ko kasing gumising bukas ng umaga na magkaibigan na kaming dalawa. Kilala ko siya at kilala niya din ako. Not just the typical kind of acquaintance kundi magkakilalang may care sa isa't isa. Gusto ko lang namang paasahin ang sarili kong magkakalapit kami sa ngayon, kahit bilang magkaibigan lang.
Seryoso pa rin ito sa pagmamaneho.
Naging kasing lamig na naman siya ng gabi. Tila nabingi ng katahimikan ng paligid. Wala na naman siyang pakialam sa nasa paligid niya.
Tahimik akong bumaba ng kotse pagkarating na pagkarating palang namin sa harapan ng towers. Bumaba rin siya akala ko may aayusin lang pero tumayo siya sa harapan ko. He smiled at me sweetly.
"Mag iingat ka."
Ginulo niya ang buhok ko.
"Friend."
Hindi ko napigilang hindi magblush.
Napakaganda ng araw na'to para sa pangarap kong maging akin ka Xeno Fierro.
I know the best way to win his heart is through friendship. With the simple gestures, sweet smiles and chitchats, lahat ng moments would seem so special. Lalo na kapag kasama ko si Xeno.
Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong he's in my condo at nagkakape siya? Sa gitna ng malamig at madilim na gabi ay nasa iisa kaming silid at masayang nagkakape? Yes. Hindi nga ako makapaniwala kanina ng pumayag siya sa paanyaya ko.
I blush as I secretly stared at him. Pati ba naman sa paghigop ng kape sobrang gwapo niya? Para siyang model ng NESCAFE at Coffee Blanca, ang ganda ganda kasi ng kutis niya. Ibang iba siya sa Xenong nakita ko dati. Umiiba ng umiiba habang tumatagal siya sa harapan ko.
Napaubo siya bigla
.
Napaiwas tuloy ako ng tingin. "By the way, thanks for the gifts. Hindi mo naman kelangang gawin yun para lang pasalamatan ako with what happened in the bar." napangiti ito, kanina pa lumalamig ang toasted bread sa harapan naming dalawa. Ginawa ko 'to ng mabilisan kaya naman nakakahiyang medyo umitim ng konti.
Uhg! Palpak talaga akong magluto. Wala talaga akong talent sa kusina kung wala akong kaharap na menu. Pero sabi ng mga officemates ko masarap naman daw ako pagdating sa Japanese and Italian dishes, hindi nga lang sa toast and fry.
Hayaan na, bubusugin ko naman siya ng pagmamahal ko.
Gusto kong paluin ang kamay niya ng bigla niyang pinulot ang tinapay at kinagat ito. I don't know kung namamalikmata lang ako ng makita kong nanlaki ang mata niya sa kinain.
"Masarap ka palang magluto ng toasted bread."
"Wag ka ngang magbiro. Alam kong sunog yan." pagtanggi ko sa papuri niya.
Niloloko lang ako ng taong 'to.
"Ma'am, hindi po yan toasted bread kung hindi yan sunog. It smells and taste good. Walang halong biro."
Mapait akong ngumiti sa kanya. Siguro napansin niya ito kaya kumuha pa siya ng isang bread. Halos nangangalahati palang ang kapeng nasa harapan niya, nabaling na ang focus nito sa tinapay.
"Hindi ba masama na may kasama kang lalaki sa condo mo? What if malaman ng boyfriend mo?"
"I don't have a boyfriend and unang beses ko pong nagpapasok ng lalaki sa condo ko." Mabilis ang naging pagsagot ko sa kanya.
Sa loob loob ko, gusto kong sabihin na okay nga yun para isipin nilang ikaw ang boyfriend ko. Chos.
Wala namang masama di'ba. Doon din naman mahuhulog 'to. Alam kong kahit mahal pa niya ang Summer na 'yon ay darating ang araw na magbubukas din ang puso nito para sakin.
I closed my eyes as I sip my coffee.
"Did you enjoyed my kiss?"
Muntik na akong mapaso sa dila dahil sa tanong niya. Napakagat ako ng labi ko.
"Wag mo sanang masamain. I just wanna ask it." Ibababa ko na sana ang hawak kong mug ng hinawakan niya ito sa harapan ko. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na siya.
Seryoso itong nakatingin sakin while biting his own lips. Napakagwapo niya sa gulo gulo at medyo wild na aura.
Siya na mismo ang nagbaba ng mug na hawak ko at dahan dahan hinawakan ang baba ko.
Gusto kong yumuko pero nahihiya ako sa kanya. "You're my admirer right?" parang may bumarang laman sa aking lalamunan sa sinabi niyang 'yon. "Or shall we say manliligaw?"
Napalunok ako ng laway when he started tracing my lips again. Unti unting bumaba ang palad niya sa collarbone ko. Napakahirap huminga sa suot kong blouse. Alam ko kung saan papunta ang mga kamay ni Xeno.
"Gusto mo ba talaga akong tulungang makamove-on?"
Napasinghap ako when he unbuttoned the upper part of my polo.
"Wait Xeno."
Pinigilan ko siyang tanggalin ang pangalawang buttones ng blouse ko.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ang likurang parte nito.
"Ouch!"
Kinagat ko ang kamay niya. Mas lalong sumidhi ang kagustuhan ng mga mata niyang akinin ako.
Handa na ba ako sa ganitong klase ng sacrifice?
~Having bad times with you seems better than having good times with someone else.~ Jasmine Trias ❤ I'd rather
Yan nalang ang nasabi ko sa sarili ko after that night. Pagkatapos niyang subukin ang kahinaan ko bilang isang tao. Alam ko marupok ako, nagbibigay ako ng motibo sa kanya, pinaparamdam ko na gusto ko siya but it doesn't mean that I'm willing to sacrifice my body just for him to move on.
Hindi ko kayang lunukin ang pangako ko sa sariling, sa taong makakasama ko lang habambuhay isusuko ang kabirhenan ko. I know it looks odd at hindi uso. Hindi na uso pa generation na itong maging close-minded when it comes to s*x. Ngunit mas hindi usong maging padalos-dalos pagdating sa kung kanino isusugal ang buhay mo.
It reflects my whole life. My destiny and my future.
He's my friend and I'm still courting him. Kung tutuusin nga sa araw na ito I left on his table something for breakfast. Maaga pa akong dumaan sa Jollibee dahil napagalaman kong hindi siya kumakain kapag pumapasok sa office. Minsan dahil sa hangover at kadalasan ay dahil late na siyang nagigising. Sinamahan ko na din ng kape para mas magising siya.
Muli kong binalikan ang mga trabahong naiwan ko last time. Records, DTR'S and Payroll. Madami dami pa ang paperworks sa harapan ko when my phone beeps.
'Athena, let's have dinner. My treat.'
Napaatras ako sa kinauupuan ko. Muntik ko pang mahalikan ang phone ko sa sobrang saya. Gusto kong tumalon talon.
Nung una he got my first kiss and ngayon naman he's my first date. Hindi ko alam kung paano ko pa kokontrolin ang sayang nararamdaman ko.
Magrereply ba ako?
Anong sasabihin ko?
Shocks! Mas mahirap pa'to kesa sa tambak na paperworks ko e.
Binalikan ko nalang ang papel sa harapan ko. Pag iisipan ko muna kung anong irereply ko sa kanya.
"Hi, Summer. How are you? Ang cute naman ng baby niyo."
Summer?
Napalingon ako sa nagsalita. Si Dean pala na nasa may front door at may kinakausap. Isang babaeng may hawak hawak na baby. Pamilyar sakin ang golden brown curly hairtips nito at kurba ng balakang.
"Thanks Dean. Sobrang saya ko nga at nakabalik ako dito. Gusto ko lang po sanang kunin ang diploma ko. Alam mo na, para naman po ipagmalaki ako ng anak ko balang araw." tumawa ito at saglit na napahalik sa pisngi ng baby niya.
Isa palang masayahing tao ang ex ni Xeno. At maganda siya. Mas maganda siya kesa sakin. Maputi at mas matangkad lang ako ng konti sa kanya. Mahaba ang buhok nito na kulot at ako naman straight na shoulder length. Napakaseksi ng katawan nito kahit nanganak na. I can't stop myself from comparing. Lalo na at siya ang standard ni Xeno pagdating sa babae.
Napapisil si Dean sa pisngi nito dahilan para umiyak ang bata. Nagpanic naman si Dean kaya tinawag ako. Sinabi niya pang magaling ako pagdating sa mga bata.
Tumayo ako at lumapit sa kinatatayuan nila. Pakiramdam ko nanginig ang tuhod ko sa presensya niya. Kaharap ko ngayon ang babaeng dahilan kaya hindi pa ako pwedeng mahalin ng lalaking pinapangarap ko.
I smiled at her and offered a handshake. Pinagbigyan niya naman ito kahit medyo hirap dahil may buhat na baby.
"Summer Sandoval Rendoza."
Magka-apelyido pala kaming dalawa.
What a small world.
"Magkamag-anak siguro tayo sa father side. Athena Sandoval. Kamukha mo ang baby mo. Ang ganda niya. Sobrang cute." hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang maging plastic sa kanya. Napakagaan ng loob ko dito. Kahit na mas matanda siya sakin childish pa rin itong makipagusap. Jolly at masaya.
Natawa ito ng bahagya. "Mahal na mahal kasi ako ng father niya kaya ganyan. Mahal na mahal ko din yun e."
Saglit pa kaming nagkausap at nagtawanan ng biglang dumating si Mrs. Rafael, siya ang assigned sa issuance ng diploma and TOR. Napatingin nalang sakin si Summer at nagpaalam na pupunta dun. I said okay and move back to my place.
Sakto namang pagbalik ko ay may nakaupo sa harapan ng mesa ko. Tila naghihintay, he's cupping his face while staring at my table. Sa baba nito ay may paper bag na hindi ko alam kung anong laman. Hindi pa rin ito tumitigil sa kakatitig sa mesa ko. Napatutop ako ng labi ko. May mga pictures nga pala ako sa table.
Kabado akong napaupo sa table, nilatag ko ang mga papel kaya natakpan ang tinitingnan niya.
Napatingala si Xeno. "Hindi ka kasi nagreply kaya naisipan kong dalhan ka ng meryenda." Meryenda pala ang laman ng paperbag na 'yon.
Napangiti ako, may halong kaba na baka magkita na naman silang dalawa. Nasa kabilang cubicle lang si Summer at maya maya ay lalabas na'to.
Ano bang dapat kong gawin?
Kilig at takot ang nararamdaman ko. Hamburger ang dala ni Xeno, mukhang masarap at jumbo pa talaga. Akmang hahatiin niya na ito sa harapan namin when I grab him by the arm.
"Walang panulak. Tara, sa canteen nalang tayo may coke doon."
Nagtataka itong napatingin sakin pero hinila ko pa rin siya. Hawak ko pa ang paperbag na may lamang hamburger.
I know this move's pathetically stupid. Wala akong magagawa dahil para naman ito sa ikabubuti niya. Hindi siya makakapag move on hanggang sa nakikita niya pa rin ito.
"Magdidinner tayong dalawa mamaya ha." natetense pa rin ako kahit nandito na kami sa canteen. Baka kasi biglang mapadpad dito ang ex niya para makapag meryenda.
Konti lang ang tao sa mga oras na ito. May class ang mga students and sakto namang free time niya. Wala na daw siyang subjects para sa araw na ito. Ako naman nagmukha free dahil may iniiwasan.
Ngumiti ito sakin sabay kagat sa burger.
"Yup. Babawi lang ako sa pagtulong mo sakin kahit na pagpapakatanga na ang ginagawa mo." napakamot ito sa ulo niya. "Kung bakit pa kasi ako ang nagustuhan mo."
Gusto ko siyang suntukin sa narinig ko pero hayaan na. Normal lang namang maging honest siya sakin.
"Malay mo mainlove ka sakin." mas nilapit ko ang sarili sa kanya. "Hinalikan mo nga ako di'ba." mahina kong sambit.
Kinindatan ko pa si Xeno na ikinatuwa naman niya. Sa ginagawa niyang 'to. Mas lalo tuloy akong nagkaroon ng lakas ng loob na mapasakin siya.