"Okay ka lang?"
Lalo pa nitong inilapit ang mukha sakin. Nagtataka siyang tumitig sa mga mata ko, parang hinahanap niya kung san galing ang pagkabagot dito. I gave him a thumbs up.
He raise an eyebrow. Tiim bagang itong napahawak sa noo ko. "You look stressed. Are you sick?"
Napansin ata nito ang pagiging tahimik ko. Wala akong ganang magsalita o gumalaw man lang. Hindi din ako pumasok dahil sa sakit ng katawan ko. He texted me kaya naman nagreply na ako. Pupuntahan pala ako nito sa condo after school hours.
Napakunot noo ito. "You're sick. Did you drink some medicine?"
Napailing ako.
"Ibibili kita ng paracetamol or bioflu, just wait here. Inumin mo para gumaling ka. I'll buy some foods." napahawak ako sa braso ni Xeno.
Alam kong useless lang ang mga gamot na bibilhin nito para sakin.
"Hindi ako umiinom ng gamot kung hindi syrup. Okay nako sa tubig Xeno. Please. Hindi ko rin malulunok 'yon."
At my age, syrup lang ang kinakaya ng liit ng lalamunan ko. Ilang beses akong sumubok ng tablet and capsule pero hindi talaga pumapasok. Natutunaw nalang ito sa bibig ko, sobrang pait pa naman ng mga ito. Kaya nga sakit ako sa ulo ng mga magulang ko kapag nagkakasakit ako, alam kasi nilang kelangan syrup ang gamot ko. Mas mahal pa naman ito kesa sa tingi tinging benta sa pharmacy.
"Water therapy's not enough. Kelangan mo ng mainit na sabaw and medicine. I'll be fast, babalik ako agad Athena." napabitaw nalang ako sa braso ni Xeno.
"Aalagaan kita kaya behave ka lang ha." napatango nalang ako. Lalong sumakit ang ulo ko sa kilig ng sinamahan niya ng kindat bago ito lumakad palayo.
Napasandal nalang ako sa sofa.
Aalagaan ako ng lalaking mahal ko.
Hindi ko maiwasang hindi mainlove lalo sa kanya. Ibang iba ka talaga Xeno. Ibang iba ka talaga sa mga lalaking nakilala ko.
"I don't know what kind of syrup is it kaya binili ko na lahat ng gamot na pwede sa lagnat. Lahat ng flavor and best brand."
Napapanganga ako sa dami ng gamot na nasa harapan ko, flavored and unflavored syrups. Lahat ng ito binili ni Xeno para sakin? Hindi ako makapaniwala. Hindi ko inaasahang magagawa niya ang mga bagay na ito.
Bumalik siya sa condo kong dala dala ang isang paper bag. May kasama pa itong mainit na nilagang baka at mga water med. drinks. Ilang beses akong nagpasalamat sa kanya. Panay naman ang welcome nito.
Tumango lang si Xeno as reply sa huling thank you ko. Tumayo siya mula sa pagkakaupo, alam kong kukuha siya ng kutsara and bowl kaya I instructed him kung nasan ito nakalagay sa loob ng mini kitchen ko. Dali dali naman siyang pumunta dito. He cared a lot. He smiles more than before.
Possible kaya talagang ma-in love sa dalawang tao sa iisang pagkakataon? At sana ganun si Xeno. Mahal niya si Summer simula pa noon, at mamahalin niya din ako ngayon. Handa akong magkaroon ng kahati sa puso niya. Alam ko namang parte na si Summer ng nakaraan niya.
Nakita ko ang nilapag niyang Cool fever sa mesa kanina. I shrugged my shoulders. Sana tumagal pa ng 2-3 days ang lagnat ko para hindi kaagad matapos ang pag aalaga niya sakin.
Bumalik siya ng may dala dalang planggana, bowls and spoons. Sa loob ng pail ay may kaonting tubig. Nakita kong kumuha siya ng face towel. Tatayo na sana ako. I want to help him kahit sa paglalagay man lang ng nilagang baka sa bowl habang naghahanda siya ng ipupunas sa katawan ko.
Kunot noo itong napatingin sakin. Natatakot ang mga mata niya. Napaka intimidating ng mga ito. "Just rest there and let me do the job." he said with authority.
Isa nga siyang guro at sa mga oras na ito. Nagmukha akong studyante niya. Natatakot na sumuway sa utos dahil umiiwas na mapagalitan.
Napayuko nalang ako. It took him 10 minutes bago ito lumapit sa kinauupuan ko. Kinabig ako nito para mahawakan ang magkabilang braso ko. Kinakabahan ako ng pinunasan niya ito gamit ang bimpong may tubig at alcohol.
"Ginagawa din ito ng mama ko dati sakin." sambit ko sa harapan niya. I saw him gasped. Biglang lumungkot ang reaksyon ng mga mata nito.
Lumipat siya sa mga balikat ko hanggang sa pinunasan niya ang magkabilang sintido ko. "Hindi ko naranasang alagaan ng Mom ko because she passed away so early. Natutunan ko lang ito sa kakabrowse sa internet."
Tipid itong tumawa. Sunod na pinunasan niya ang mga paa ko. Walang malisya niya itong ginagawa kahit na alam natin may pagkanaughty si Xeno.
Pigil hininga din ako sa ginagawa niya.
"Sorry to heart that Mr. Fierro. May konting alam din naman ako sa death ng mom mo and sa naranasan mong trauma." Just as I said it with sympathy.
Sobrang sakit ng karanasan ni Xeno simula ng bata pa ito hanggang sa nagbinata at nagkaron ng nobya. Naipon lahat ng sakit, dahilan kaya hirap itong makapag move on sa tuwing nasasaktan.
Hindi nga naman pwedeng daanin sa paspasan kapag durog na puso na ang pinaguusapan.
It takes decades to heal. It takes time to mend a broken heart.
[Nasa s*x Sinner's Serendipity po ang past ni Xeno at ang nangyari sa mom niya. Nandun din po si Summer at ang dahilan kung bakit siya nasaktan. Must try din po 'yon. Okay. Nagpromote ako. Haha.]
Hinawakan niya naman ako sa magkabilang balikat. Inayos ang upo ko. "Ayan okay na. Humigop ka ng mainit na sabaw para hindi ka na maging stalker ko. Nagbabackground check ka din pala." natawa ito ng bahagya habang nililipat ang kaonting sabaw sa maliit na bowl.
Nabawasan na din ang lungkot sa mga mata niya.
"Kelangan ko bang matakot sayo?"
"Huh?" nagtatakang reaction ko. Matakot? Bakit naman siya matatakot sakin?
"You're an Admin. Officer. Baka maghire ka ng private investigator para manmanan ang kilos ko."
Natawa ako sa sinabi niya. "Baliw ka na Xeno."
"Nakakabaliw ang ganda mo kapag tumatawa ka." tatawa pa sana ako pero napahinto ako. Napalitan ng blush ang tawa ko.
Siya naman tawa pa rin ng tawa. Ito ang unang beses na makita ko siyang masaya. Kinakaya niya nga lahat ng sakit na naranasan dahil nagagawa niya pang tumawa.
It's 9 o'clock in the evening. Still, Xeno's in my place. Hindi pa rin bumaba ang lagnat ko, napakainit pa rin ng mga mata ko at ang sakit pa rin ng kalamnan ko.
Pinalipat na ako nito sa kama after naming kumain ng dinner. Napaupo lang siya sa harapan ng higaan ko. Hanggang sa pareho kaming napaidlip. Nagising nalang din ako after an hour. Nakatulog ito sa upuan, habang nakasandig ang kamay sa kama. Napaka-amo niyang tingnan.
"Salamat sa pag-aalaga sakin Xeno."
I gently touch his cheeks. Pinkish ang mga ito. "I'll endure every pain just to heal your heart."
Saglit siyang napahilik, mukhang napagod talaga ito sa pag-aalaga ng may sakit. Maliban pa doon, alam kong napagod din siya sa load niya. Hindi ko man alam kung ilang class ang hawak niya sa araw na ito. Alam ko namang hindi madaling magturo sa mga kabataang 5-6 years younger.
Dinagdagan ko pa ang paghihirap niya.
I want to wake him up pero hindi ko na ginawa. Napahaplos nalang ako sa noo at buhok nito.
"Napakaswerte ni Summer at minahal mo siya. Napakaswerte ko naman dahil nakilala kita."
I gave him a kiss on his forehead.
"I love you Xeno Fierro."
Sana wag muna akong gumaling bukas para makasama kita. At sana kasabay ng paggaling ko ay ang paghilom din ng sugat sa puso mo.