I chase his glimpse. Malungkot itong tumitig sakin as he pressed his lips more, napapikit nalang kaming pareho ni Xeno.
Sana ginagawa namin ito ngayon ni Xeno sa ilalim ng cherry blossoms, kasabay ang mala-musikang ihip ng hangin at iba't ibang kulay ng bulaklak sa paligid para naman pwede kong sabihin that my wishes did come true at hindi lang puro sa fairytales ang nagkakaroon ng happy ending.
I want him to stop pero inaamin kong gusto ko ang nangyari. Matagal kong hiniling na siya ang maging first kiss ko.
Sulitin ang sandali bago pa ito tuluyang makalimutan ng tadhana. Tuluyan na akong bumigay sa mahika ng sandali. Kusa na akong tumugon sa malumanay na halik ni Xeno.
Sana tumigil ang oras. Sana wag munang mag umaga. Ayoko ng matapos ang gabing 'to. Baka kasi pagkatapos ng halik na ito ay bumalik na ang Xenong hindi man lang kilala ni pangalan ko.
"Gusto kitang tulungang makamove-on, Xeno. I insist." napayukom ako. Umaasang papayag siya sa offer ko.
"Tss. You don't know me." may halong doubt ang boses ni Xeno.
"Hindi mo ako kilala pero kilalang kilala kita. Athena pala." I offered my hand to him. Hindi pa nakakabawi ang pisngi ko dala ng halik na iginawad niya sakin kanina.
Napangiti siya sakin as he handed me another glass of drink. "Your hopeless." napailing ito.
"Your hopeless too. Pareho lang tayo." gusto kong idagdag na oo, hopeless ako.
Pathetic ako pero hindi ako sumusuko dahil alam kong balang araw magugustuhan rin ako ng taong gusto ko. Umaasa akong darating din ang oras na magbubukas na muli ang puso mo Xeno.
He combed his hair using his fingertips as he took his next shot. Habang lumalalim ang gabi ay lalo siyang gumagwapo sa paningin ko. Gusto kong sabunutan ang sarili dahil sa katangahan ko, I can't help myself from badly falling for him.
"Avid customer ka ba ng bar na'to?" I seize the moment na magkausap kaming dalawa. Gusto kong marinig ang boses niya hanggang sa tamaan ako ng alak.
"Yup. Simula nang mawala si Summer ng tuluyan sa buhay ko. Naging suki na ako ng mga alak dito." tinitigan nito ang baso na hawak saka napangiti. "Alak lang ang naging karamay ko, ito lang ang nakakaintindi sa sakit na nararamdaman ko."
Summer nga talaga ang pangalan ng first love nito. Siya din ang babae last night. At ang mga sinabi ni Xeno, nag-aalala akong baka lunurin niya sa alak ang sarili niya.
"Gusto ko kasing makalimutan ang sakit pero hindi ko magawa, araw araw kong sinisisi ang sarili ko. Pinipilit kong maging masaya pero hindi ko kaya. How stupid right?"
Kumikirot ang dibdib ko habang sinasabi niya ang mga katagang ito. Gusto ko siyang icomfort ngunit hindi ko alam kung paano.
"Siya lang ang babaeng minahal ko. At siya lang ang babaeng mamahalin ko hanggang mamatay ako."
Napakapait ng sinabi nito. Sapat na sapat para durugin ang puso ko.
Kukuha pa sana si Xeno ng isang bote ng alak pero pinigilan ko siya. Tinapik ko ang kamay niya. Dinig ko napasigaw siya ng aray.
Natawa nalang ako sa ikinilos niya. "Naughty ka pala." kumunot ang kilay nila. Umigting ang panga nito at lumabas ang dimples sa cheeks niya.
"Ayoko ng makarinig ng kahit anong tungkol sa ex mo o kay Summer. Kaya hindi ka makamove-on e. Dahil hindi ka marunong makalimot." Inurong ko palapit sa kanya ang kinauupuan ko. Napansin kong lasing na ito kaya sinamantala ko na para mapapayag siya sa gusto ko.
Wala namang pakialam ang ibang tao sa bar na ito dahil busy din sila sa pagsasayaw at pag-inom. Mabaho na din ang paligid dahil sa iba't ibang amoy ng taong nasa loob dagdag pa ang alak at sigarilyo. Hinawakan ko si Xeno sa braso niya at pinilit kong tumayo. Sumunod naman siya dala na din ng kalasingan.
"Gusto mong makamove-on di'ba?" malakas na ang loob ko. Alam kong hawak ko si Xeno sa mga oras na ito. Kahit pa matangkad siya at mabigat sa pasanin ay hindi alintana sakin. Kahit pa amoy alak na siya at may tama ay hindi din problema sakin.
Tumango ito at hilong napaupo sa bench. Ewan ko ba sa kabaliwang pumasok sa isip ko, gusto ko lang namang makamove-on siya.
Dinala ko siya sa diversion road malapit sa park. Malamig ang dampi ng hangin sa mga balat ko, mayayabong ang puno, boulevard lights lang ang ilaw sa paligid ang alam kong minsan lang namang may dumaang sasakyan dito.
Tahimik itong nakaupo ng binulungan ko siya. "Hindi mawawala ang sakit na 'yan kung si Summer lang tao sa mundo mo. Imulat mo ang mga mata mo Xeno para magising ka sa realidad na hindi ka na parte ng buhay niya." tinuro ko ang kinaroroonan ng puso niya. "Naging manhid ka na at walang pakialam sa iba. Hindi mo matanggap na wala na siyang pakialam sa'yo. Puso at hindi utak ang pinapairal mo. Lumabas ka na sa rehas ng nakaraan at imulat ang mga mata sa kasalukuyan."
He stared at me blankly.
Tama ako. Kelangan kong ilabas ang totoong Xeno, ang lalaki nakakulong sa nakaraan niya.
I sighed habang dahan dahang naglalakad papuntang center road. My eyes we're on him, gusto kong makita niya ang gagawin ko. Gusto kong matuto siyang ibaling ang attensyon niya sa iba. Gusto kong matuto siyang mag-alala at mamulat ito na may ibang pang taong gustong magkaron ng puwang sa mundo niya. Baliw man pero, nahiga ako sa gitna ng highway.
Pinikit ko ang mga mata ko. I let my soul touch his consciousness. I let my heart connect with his. I rested my body kasama ang matinding pag-asang mapapansin niya ako.
Kadiliman lamang ang naaninag ko hanggang sa unti unti itong napapalitan ng pula. Iba't ibang kulay kasabay ang mahinang businang naririnig ko.
Inaamin ko na natatakot ako sa mga oras na'to. Takot ako pero it feels so right to risk my life for my Mr. Right. Kaya kong ibangon ang sarili ko pero iniisip ko si Xeno. Alam kong hindi siya makakapag move-on hangga't walang maglalakas loob na tulungan siya.
Lumalakas ang busina ng sasakyan kaya alam kong malapit na ito sa kinahihigaan ko.
Tanga na kung tanga pero aasa ako. Masarap umasa. Nakakamatay umasa. Masarap umasa sa...
"Athena!"
Someone lifted me from the rough road.
"Are you insane?! Magpapakamatay ka ba?!"
Naluluha kong minulat ang mga mata ko.
"Sorry." I just smiled at him. Iniligtas ako ni Xeno. Nakahiga ako ngayon sa kandungan niya habang nag aalala siya sakin. Gusto kong mag diwang sa loob loob ko.
Nagtagumpay akong gisingin ang pag-aalala at concern niya sa ibang tao. Kahit pa buhay ko ang isinugal ko.