Para akong naalimpungatan. I sat upright. Hindi panaginip ang lahat! Humigpit ang yakap ni Xeno sa 'kin. His left arm was wrapped around my midsection. He was sleeping close to me, napakagwapo niya. Napakaperfect niya talaga.
I even brushed the tendrils of wavy hair away from the side of his face kaso may nakain siyang buhok. Siguro dahil puyat ito sa pagbabantay sakin kagabi kaya napakasarap ng tulog niya. Tanggalin ko ba? Kaso kelangan kong hawakan ang lips niya kung ganun?
Oh! Don't act innocent Athena. Nagawa ka na ngang halikan ni Xeno di'ba? Kung aarte kang pabebe ngayon eh 'di sana sinamahan mo na ng kaartehan para siguradong nawawalan na sa'yo pakialam si Xeno. Nagawa ka nga niyang alagaan ngayong may sakit ka tapos buhok lang hindi mo kayang alisin. I draw a deep breath while staring at him. Napakagat labi pa ako dahil sa pag-iisip. I blinked my eyes and swore.
Oh, God no. I specifically remembered how our lips met that time.
Hinawakan ko ulit ang labi niya. Para akong naglaway bigla habang hinihila ko ang buhok sa loob. "How's my lips? Kumusta na ang pakiramdam mo?"
My mouth dropped open wide. Okay. Nagpapanggap nalang pala itong tulog sa harapan ko. Nagpacute pa ang loko saka pinikit-pikit ang mga mata niya. I glared at him.
"Kanina ko pa hinihintay kung anong gagawin mo Athena." Care ko? I pouted and made a face.
I buried my face into the pillow. I screamed when I felt Xeno's arms around me. Sasabog ata ang puso ko, for Pete's sake! Hiling ko lang na yakapin niya ako ng ganito pero wag naman sanang palagi.
"Sabi na nga ba. Hindi mo lang ako mahal. May pagnanasa ka na rin sakin." I bit my lower lip and stood up.
"San ka pupunta?" He hissed. Hindi pa rin nagbabago ang expression nito. Sobrang cute niya. Kaso kelangan kong umarteng naiinis ako, bakit? Minsan kelangan mo ring umarteng medyo awkward ang lahat para isipin niyang pagmamahal at hindi kahibangan ang nararamdaman mo. You need to act like you don't care or you don't miss him minsan.
"Magccr. Tapos magtitimpla ng kape. Sasama ka?" Inis kong sabi.
Inalis ko sa pagkakahawak ang kamay niya. I stood up. To be honest, nagugutom na din kasi ako at hindi porket mayron pa akong lagnat ay hindi na ako kakain. Kelangan kong lumakas para sa darating pang mga araw. I need to win Xeno's heart.
Kasama ko siya ngayon pero malay natin bilang kapatid o kaibigan lang pala ang turing niya sakin. I need to fight and get an assurance.
"Sasamahan na kita." Sumunod din siya. Kukuha na sana ako ng dalawang cup and saucer ng narinig ko ang tawa nito. Hinawakan niya ako, he wrapped my arms around his neck. He pulled me close.
"Bakit ganyan ka makakatingin? Bumibilis ba ang t***k ng puso mo?" He whispered. Tapos unti-unti niyang hinihipan 'yung mga mata ko. Gusto kong kiligin. At magtitili kaso parang hindi nagpa-function 'yung brain cells ko.
"Baliw ka kasi." Sabi ko. "Paano kung may lamang mainit na tubig ang mga basong hawak ko? Eh di masisira yang gwapong mukha mo? Tsk. Ingat ingat din kasi pag may time." Syempre minsan na nga lang ito lulubus lubusin ko na! Sasabihin ko na kung gaano siya kagwapo sa paningin ko. Kumbaga, babatuhin ko na siya ng bigating pick-up line.
"Tinatamad na tuloy akong maglakad Xeno. Buhatin mo 'ko papunta dun." I pouted. Nakita kong natawa siya, nakuha ko na ang kiliti ni Xeno at wala ng hiyang namamagitan samin ngayon.
Siguro nagkaroon ako ng sakit dahil sa sobrang stress ko. Kulang ako sa tulog. Wala akong ibang inisip kung hindi paano ko mapapahilom ang mga sugat sa puso ni Xeno. Napakaraming sinasakitan ng ulo ko kaya pati katawan ko bumigay na din. My knees might give out.
"Eh di wag nalang muna tayong pumunta doon." Then I felt a hand wrapped around my middle. He hugged me from this position. I felt his breath on my nape kaya kinapa ko ito sakto namang mukha niya ang nahawakan ko.
He cracked an indulgent smile at me.
"Gusto mo bang pumunta sa tabing dagat? It's good for you para naman mawala lahat ng iniisip mo." sabi niya habang nagkakape kaming dalawa. Si Xeno ang naghanda ng sandwich na kinain namin, and he even promise me na dadaan nalang kami sa isang fast-food chain for breakfast. Wala akong nagawa but to nod at his idea. Matagal na din akong hindi nakakapunta ng tabing dagat at syempre jacket ang magiging kakampi ko laban sa lamig.
Kumuha ako ng kahoy kanina habang naglalakad kami papuntang dalampasigan. I guided my hands on it, drawing our names on the white sand. Sana hindi matulad sa mga pangalang ito ang tadhana naming dalawa. Sana hindi isang hampas lang ng tubig dagat ang magbubura sa mga memories na binubuo naming dalawa ngayon. I pray for it to last for a lifetime and I hope the Creator would grant my prayer.
Nakita ko si Xenong naglalakad na sa mababaw na parte ng tubig. Nakatayo at nakalatag ang dalawang kamay sa ere. He's smiling, walking as if he owned the world. The water was too good, sinasalamin nito ang kulay asul na kalangitan.
"Like it?" he shouted. At mabilis na kumaway sakin. Para akong batang tumayo at tumalon-talon.
Tumalikod siya. I pouted then umupo akong nakatalikod sa dagat.
Napakasama talaga ng ugali nito, tinalikuran ako?
"Athena!" I bite my lower lip. Ayoko siyang lingunin. Pinagpatuloy ko nalang ang pagbaon ng paa ko sa buhangin. The sand and the view, it's so refreshing dagdag pa dito ang napakagandang sikat ng araw.
Pero nagulat nalang ako dahil umangat na ang pwetan ko sa lupa. Bitbit ako ng mga bisig ni Xeno at tuwang tuwa siya naglalakad kami palapit sa tubig. Bridal carry, ito ang paraan ng pabuhat na pangarap kong maranasan sa araw ng kasal naming dalawa. Natuwa ako sa ginawang ito ni Xeno sakin.
"Wag ka ng magkasakit ulit, nagiging matampuhin ka kapag nagkakasakit ka." he pinched my nose.
Ngumiti lang ako sa kanya. Kumapit na ako sa braso niya dahil konti nalang ay nasa tubig na kaming dalawa. "I should be the on telling you this. Wag ka ng iiyak dahil sa ibang babae, magkakasakit talaga ako kapag nakita pa kitang nasaktan ulit."
He just smiled at me and gave me a heart-warming look.