Chapter 3

1342 Words
Nagustuhan niya kaya? I bought him some pink tulips with white ribbons on it. Sinamahan ko pa ng chocolate and quote. Alam ko kasing sirang sira ang mood niya with what happened last night. He saw his ex and mood swings happened. Should I consider this my first day? Alam mo na. Unang araw ng panliligaw ko sa prince charming ng buhay ko. Hindi naman masama di'ba? As long as hindi ako lumalampas sa limit ko at wala akong ginagawa para masira ng buhay niya. Isa lang naman akong hopeless romantic na umaasang sagutin ng langit ang kaisa-isang hiling ko. Wala akong natanggap na thank you card or kahit post it sticker man lang hanggang uwian. Alam kong natanggap niya ang pinadala ko because may kaibigan akong napadaan doon kanina. She saw him holding the flowers and kinain niya din ang chocolates na bigay ko. Siguro sapat na 'yun para malaman kong nagustuhan niya. The bell rang. Sakto namang natapos ko ang officework ko kaya nauna na ako sa biometric. I don't have backlogs so I don't have to go home late. "Hey! Bes, sorry kagabi ha. Akala ko kasi tinakasan mo na ako e. So I stayed in the dancefloor na." So she stayed there dancing habang nagpapanick ako sa loob. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko nilingon kung sinoman ang nagsalita. Kung alam niya lang kung anong kamalasan ang nangyari sakin dahil pinapasok niya ako sa rest room ng mga lalaki. "Tss. I'm not your bestfriend. Okay?" "Sorry na nga. Pero ang alam ko hinatid ka ng Foule mo kagabi di'ba? Nagkalapit naman kayo ng forever mo. Please." Napaisip ako sa sinabi niya kaya napatigil din ako sa paglalakad. Tama nga noh? May maganda namang nangyari sakin dahil dun. Napangiti nalang ako saka ko siya nilingon. "Okay, okay. Pero libre mo muna ako ng shawarma and ice cream." She showed me a thumbs up. Gabi na ng makauwi ako sa unit ko galing sa fastfood house at kinainan naming Japanese cuisine. *** Ganito ang routine ko araw araw, nagluluto ako sa umaga at kumakain ako sa labas tuwing gabi. Minsan kapag tinatamad ako, bread nalang ang kinakain ko sa gabi. Mayron akong sariling lunchbox na dinadala sa office pero hindi uso ang diet sakin. Two cups of rice is good for me. Kukunin ko na sana ang baonan sa bag ko when I notice a sticky note inside. Kulay blue ito at naipit sa gitna ng wallet ko. 'Thanks. =)' From: Xeno Ilang beses akong napatili ng mabasa ko ang nakasulat. Susko! Nagpasalamat siya sakin! Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang lumiliit na ang mundo sa pagitan naming dalawa. Nagkakalapit na kami. Pero... Kahit naman magkalapit kaming dalawa alam kong hindi niya pa rin ako magagawang mahalin dahil sa ex niya. Hanggang sa hindi pa tuluyang humihilom ang sugat ng nakaraan sa puso niya, kaya hindi pa nito kayang mag move-on. Hindi ito pwedeng ipagkaila ng mga kilos niya kagabi. Parte pa rin ng buhay ni Xeno si Summer at paulit ulit na bumabalik sa isipan nito ang mga bagay na pinagsamahan nila. After I washed my face. I took a deep breath. I'm not giving up on you Xeno Fierro. Kung pwede kong palitan si kupido para lang mapana ko ang puso mo, gagawin ko. ---------------------------- "Why are you smiling? Don't tell me kayo na? Bilis naman." Napalakas pa talaga ang boses ng bruha. Tinakpan ko ng kamay ang bibig nito. Pasalamat siya tapos na akong kumain, kundi kutsara ang gagamitin ko. Pinagpatuloy ko pag-inom ng mango shake na nasa harapan ko. Lunch break namin dito sa cafeteria at syempre may baon ako. Panulak lang naman ang binibili ko dito at para makita siya dito habang kumakain. "Hindi ah. I started courting him already. Ngayon nagpagawa naman ako ng customized coffee cup and saucer para sa kanya. I hope gamitin niya 'yon palagi." I whispered to her pero nakatuon ang mga mata ko sa left side ng cafeteria. Busy kasi si Xenong kumakain sa pinakadulong table. Its my fifth day of courting him. May weekend na naman ako para makapag isip ng bagong pakulo. Wala pang sahod kaya nagtitipid ako para lang may mapambili ng small gifts. "Sus, akala ko naman kung ano na. Nagtataka na silang lahat oh." tinuro niya ang mga faculty staffs sa paligid. Nahuli ata nila akong sumusubo nang nakangiti. "Tumatawa ka daw kasing mag-isa sa table mo kanina. Weird mo bes. Alam mo na sign ng pagkabaliw yun di'ba?" "Adik. Iba naman ang baliw sa inlove." pinandilatan ko siya ng mata. Tinapos ko ang iniinom ko ng makitang tumayo na si Xeno sa kinauupuan nito. Tahimik lang siyang nag-ayos ng lunch box niya. "Ang mahalaga sakin magkalapit kaming dalawa. Balik tayo sa bar na 'yon mamayang gabi." Sinundan ko ng tingin si Xeno hanggang sa mawala ito sa paningin ko. "Naniniwala ka na talagang nandun ang forever mo?" Tumango ako at napangiti. "Oo, alam kong nandun si Xeno." 9pm nang makarating kami sa bar, mas lalo pang lumakas ang music at dumami ang taong sumasayaw sa dance floor. Alam kong mahihirapan akong hanapin siya pero I don't mind. Tulad last time, crowded at amoy smoke pa rin ang paligid. Inikot ko na ang bar pero wala akong makitang Xeno. Napaupo nalang ako sa matataas na upuan sa harapan ng bartender. Busy ito sa pagmimix at paminsan minsa'y may apoy na kasama ang ginagawa nitong stunts. Imbes na mabored ay naintertain ako sa ginagawa niya. Wala din namang kwenta ang pagpunta ko dito. "Try this. My wine intended for moving on." Pamilyar ang boses na 'yon. Nilingon ko at halos tumalon ang puso ko ng makitang si Xeno ito. Inilapag niya sa harapan ko ang isang blue and white mix wine. Inamoy ko ito at ibinalik sa mesa. Naupo naman si Xeno sa tabi ko habang hawak ang baso niyang puno ng mixture na yun. Medyo namumula ang pisngi nito at mukhang nakainom na ng konti bago pumunta dito. "Don't you like it? Alam mo bang dahil sa alak na yan, nakakalimot ako sa sakit nang di niya pagpili sakin?" He smiled at me. Pero malungkot pa rin ang expression niya. Ngayon ko lang napansin na iba ang style ng pananamit niya kapag nasa bar ito. Hindi ito ang conservative na Xeno. Hindi siya mukhang teacher. Ang hindi lang nagbago sa kanya ay ang mga mata niya. Masasalamin dito ang lungkot at sakit na dinadanas niya pa rin hanggang ngayon. "Paano ba kita matutulungang mag move-on?" Natawa lang ito sa sinabi ko. Nagpakibit balikat siya. Pareho pala kaming walang alam kung paano siya makakapagmove on. Uminom pa ito ng isa pa bago naging seryoso ang titig sakin. Hinubad nito ang jacket na sout revealing his v-neck shirt. Napalunok naman ako ng mapadako ang titig ko sa ibaba parte. Umiwas ako ng tingin. Nakita ko nalang ang sarili kong iniinom ang alak na ibinigay niya. Shocks! Halos maduwal ako sa lasa. Ang pait! "You're so cute." he smirked at me. "Kaya siguro blue ang binigay mong cup sakin." So, alam niya talagang ako ang nagbibigay sa kanya ng regalo. "Ang swerte ko naman." muli itong napangiti. Napaatras ako nang mapansin kong lumalapit siya ng bahagya sa kinauupuan ko. Sobrang siya kung makatingin sakin. Kaonting parte nalang ng pwet ko ang nakaupo, konting konti nalang at mahuhulog na ako. "Ang malas mo nga lang kasi nagkagusto ka sakin." his expression changed again. Ang bilis ng kamay niya. Hawak hawak na nito ang cheeks ko. He's tracing my skin, slowly moving his thumb on it. Halos hindi naman ako makahinga sa ginagawa niya sakin. Gosh! He traced my lips. Sobrang lapit na ng mukha niya sakin. Amoy alak siya pero nangingibabaw ang amoy ng mouth wash sa bibig niya. Parang binabalot ako ng amoy ni Xeno. Nakakahumaling. "Hindi mo dapat minahal ang tulad ko. I'm still in pain." Napabitaw siya sa pagkakahawak sakin. Pinigil ko ang panghinga ko when he's lips touched mine. Sa tanda kong 'to. Siya ang first kiss ko. Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD