CHAPTER 3
ISANG MAPANURING tingin ang ipinukol ni Henry kay Brianna. Ito ang sobrang nag-aalala para sa dalaga. This world Brianna made for herself and Brad won't last forever. He is freaking out with the consequences she may have in the future.
“Are you happy with this make-believe things, Bree? Are not worried when his memories back?”
“Brad will hate me, I know,” malungkot niyang sagot. “But I’m happy, Henry.”
“You are better than this, Brianna. Tell him the truth before it's too late.”
“I can't. Mahal ko siya, Henry. I can't imagine life without him by my side, or him with someone else.”
Napabuntunghininga na lamang ang binata. It is hopeless. Hindi na talaga nito mababago ang desisyon ng dalaga. All he can do is to be with her every time she needs someone to cry on.
“Fine. Ano'ng magagawa ko kung nakapagdesisyon ka na. Nandito na lang din, susuportahan na lang kita. You know I love you.”
Hindi binigyan ni Brianna ng ibang kahulugan ang huling sinabi nito. Batid niyang pagmamahal bilang kaibigan lamang ang turing ni Henry sa kaniya. O kung may iba mang ibig sabihin, hindi niya iyon gustong isipin. Pero masuwerte siyang may kaibigan siyang tulad ni Henry.
“Hindi tulad ng larong bahay-bahayan ang pinasok mo, Brianna. At hindi ka na bata para maglaro no’n. Suwerte lang ni Brayden, he got you.” May kung anong emosyong dumaan sa mga mata nito na mabilis ding nawala. Brianna could not name it.
“You have me, too, Henry. In this life, I will be your best friend.”
Mahina itong tumawa bago siya niyakap. “Of course, you are, my love.”
Isang malakas na tikhim ang nagpahiwalay sa kanilang dalawa, sabay na nilingon ang lalaking nakatayo sa bungad ng pintuan.
“Oh, honey, gising ka na pala. Tamang-tama, narito na si Henry para sa iyong checkup.” Brianna said as she walk towards Brad.
Hinalikan niya ito sa labi at hinila ang kamay para maupo sa sofa.
“Hey, Brad. Kumusta na ang pakiramdam mo?” si Henry, binuksan ang dalang medical bag at hinugot ang stethoscope.
“Getting better.” Walang kangiti-ngiting sagot ni Brad.
“Henry, ikaw muna ang bahala sa kaniya. Maghahanda lang ako ng lunch natin.”
“Sure, love. Sarapan mo. First time ko yatang matikman ang luto mo. Nagpraktis ka ba nang husto?” pang-aalaska ng kaibigan.
“You shut up, Henry. I know how to cook.”
Lalong uminit ang ulo ni Brad dahil sa pagbibiruan ng dalawa. Bakit parang may hindi siya alam tungkol sa kaniyang asawa at sa kaibigan nitong doktor? Or were they really friends? Sa nakikitang closeness ng dalawa parang gusto niyang pagdudahan, lalo itong si Henry.
“Don't look at me like you wanna murder me, Brad. I’m Brianna's best friend.”
“Maybe she looks at you as a friend, but how about you, Henry? Do you consider her as a friend?” binigyang diin nito ang huling salita.
“You’re jealous, man. Get over it. We are friends.”
“Hindi kaibigan kung titigan mo siya. Sabihin na nating hindi pa ako nakaka-recover dahil sa aksidente, Henry, but my senses are fine. Lalaki rin ako, you can not fool me.”
“Got me. You're right, I like Brianna. Pero may magagawa pa ba ako kung ikaw ang pinili niya? Wala, di ba? But I’m warning you, Brayden. Don't hurt her. Marahil ngayon wala akong ginagawa para maibaling ang damdamin niya sa akin, pero kapag nagkataong umiyak siya dahil sa iyo, I’ll make you regret it in this lifetime.” Nanatili ang coolness sa anyo ni Henry pero madiin ang bigkas niya sa bawat salita.
“Wait for Brianna in this lifetime, but I won't let you have her even in the second life if there is.” His jaw clenched as he contain his anger.
Unang pagkikita pa lamang nila ni Henry simula noong magising siya mula sa coma ay hindi na niya ito nagustuhan. At ramdam niyang ganoon din ito sa kaniya. Pareho silang lalaki, at pareho nilang alam na si Brianna ang dahilan ng hindi magandang tingin sa isa’t isa. Pero si Brianna rin ang dahilan kaya kailangan nilang umaktong walang tensyon sa pagitan nila.
“Hold onto your words, Brad. Don't make doubt your feelings for her. Because I don't believe you deserve her love.”
“I don't have to prove myself to you. She loves me, and only me. There. Is. No. You.”
“Okay,” he shrugged his shoulders.
“Now you do your work.” Pumuwesto nang maayos si Brad para masuri siya ni Henry.
BRIANNA'S EYEBROWS furrowed as she read Henry’s prescription. She looked at him in disbelief.
“Don't look at me like I committed a crime,” he raise his hands, as if stopping her from accusing on doing a grave crime.
“These are…”
“Drugs that slows down an amnesia recovery.”
“But why? Masyadong delikado itong mga gamot na ito, Henry. Memory loss will prolong, or he might not recover at all,” she exclaimed.
Hindi siya makapaniwalang may ganitong gagawin si Henry. She trusted him, and once hasn't crossed her mind that he will put Brad’s life in danger.
“I'm doing this for you, Bree. Gusto mo siyang makasama, puwes, ito na iyon. Hindi niya na kailangan pang maalala ang nakaraan, or else you will be…”
“Pero hindi ko ipupusta ang buhay niya, Henry. Gusto kong manatili siya sa piling ko, pero hindi ko gugustuhing manatili siyang walang maalala habambuhay. I want him to be happy, and I want him to recover his memory back. Hinihiram at pinagsasamantalahan ko lang ang pagkakataong ito, Henry, but it doesn't mean I’ll keep him forever. I can't, Henry. Ayaw kong magdusa siya habambuhay nang dahil sa akin.” Nilakumos niya ang hawak na reseta, at ibinalik kay Henry ang mga gamot.
“Fine. I'm sorry, Brianna. I just want to help.”
“Ang ilagay muli sa panganib ang buhay ni Brad ang hinding hindi ko kayang gawin, Henry. Don't do this again, or you’ll lose a friend.”
Napabuntunghininga na lamang si Henry at nag-iwas ng tingin.
Kung para sa ikabubuti ni Brianna handa siyang suungin ang impiyerno para dito.
Pero hindi niya kayang magalit ito sa kaniya at talikuran.
Nasa puso niya ang dalaga noon pa mang una silang magkakilala. Kahit na tanging kaibigan lamang ang turing nito sa kaniya.
Mahal niya ito at mamahalin anuman ang mangyari. Kahit na isang milagrong ituring kapag nangyaring maibaling sa kaniya ang damdamin kay Brayden. Kahit imposible, aasa siya.