CHAPTER 1
CHAPTER 1
“Braddd!!!”
Kasabay ng palahaw niya’y ang nakabibinging pagsalpok ng nakasalubong na delivery truck sa malaking poste ng kuryente at ang pagkahulog ng kotseng hinahabol niya. Halos mabingi siya sa lakas ng bayo ng kaniyang dibdib.
Napuno ng takot at pighati ang kaniyang puso. Lulan ng kotseng nahulog si Brad, kasama ang ama nito at kapatid. God, she can't forgive herself.
"Brynn, what happened? Brynn?" Boses ni Henry ang gumising sa kaniyang pagkakatulala. Nanginginig ang mga kamay na pinulot niya ang cellphone na nalaglag sa sahig ng kotse dahil sa biglang pagpreno niya.
"H-Henry…" hikbi niya, “Please come. I need your help.”
"Nasaan ka?"
Sinabi niya ang eksaktong lokasyon. May mga sinasabi pa ang binata pero hindi na niya narinig pa. Lutang ang isip na pinatay ang tawag at lumabas ng kotse.
"Brad!" Hagulgol niya at nagmamadaling sinundan ang sasakyang dumeretso sa bangin.
Ilang minutos din ang lumipas ay dumating na si Henry.
"Brianna," lumapat ang kamay nito sa kaniyang balikat, “I called the ambulance. Huwag kang mag-alala, they’ll be safe. "
Umiling siya. “Henry…” paos ang tinig dahil sa kaiiyak habang yakap ang duguan at walang malay na si Brad. “Tulungan mo akong buhatin si Brad. Tulungan mo akong ilayo siya bago dumating ang ambulansiya at mga pulis. You're a doctor. Doctor tayo pareho. Hindi natin siya hahayaang mawala kahit di siya ipunta sa ospital. I have my own clinic. Kompleto ang pasilidad doon. I will do everything to revive him. Pero… pero gusto ko ako ang kasama niya habang wala siyang malay. I cause the accident, Henry. Kung di ko siya hinabol kahit na alam kong iniiwasan niya na ako. Kung di ako mapilit sana… sana—”
Hinatak siya ni Henry at mahigpit na niyakap. “Calma, Brynn. Calma, amor.”
"Please, Henry, " sumamo niya sa kaibigan. “One day I will repay you, I promise.”
"Y-yes. " Napapikit nang mariin ang binata. Hindi ito dapat. Pero hindi niya matitiis si Brianna. He doesn't want to see her like this. “Just promise me one thing, Brie.”
Naramdaman niya ang pagtango nito sa kaniyang balikat. “Don’t cry anymore. At kapag dumating ang araw na…” bumuntong-hininga ito, “huwag mong hayaang masaktan ang sarili mo. Ayaw kong makita kang nasasaktan. Hindi ko kaya.”
Umigting ang panga nito. Masakit para sa kaniya na pagbigyan ito dahil isa lang ang ibig sabihin niyon — ipapaubaya niya sa iba ang dalaga. He felt the pang in his heart. Pero kung ito ang kasiyahan niya, ibibigay niya.
"Thank you." She whispered, and hugged him tightly.
“ You love him so much that you are going to do everything for him. ” Napapikit nang mariin si Henry.
“ He's so lucky. Kung ako na lang sana siya, ” bulong niya pero hindi na yata narinig pa ni Brianna dahil okupado na ng isipan ang kalagayan ni Brayden.
“ Hey, sweety, if ever you received my voice mail, please call me. ” — Mom.
Napabuntunghininga si Brianna nang marinig ang boses ng ina sa kaniyang phone. Siguradong nag-aalala na ang kaniyang mga magulang. Dalawang linggo na kasing hindi siya kumontak sa,mga ito.
Pinatay rin niya ang kaniyang cellphone para makapagpokus sa pag-aasikaso kay Brad. Hindi pa ito nagkakamalay simula noong maaksidente. Hindi rin siya umalis sa tabi nito at nanatili sa kaniyang klinika.
Hinaplos niya ang naputlang mukha ng binata at dinampian ng magaang haliksalabi bago idinayal ang number ng kaniyang Mommy.
Ilang ring lang ng kabilang linya at agad nang sumagot ang Mommy niya.
“ Brie baby, are you okay? Nasaan ka? ”
Malungkot siyang ngumiti nang marinig ang nag-aalalang tinig ng ina
“ Mom, okay lang ho ako. N-nasa bakasyon lang po. Kasama ko si Henry, ” pagsisinungaling niya.
“ Oh God, Brianna. Alalang-alala kami sa iyo ng Dad mo. Hindi ka man lang nagpaalam sa amin. Pinuntahan namin ang clinic mo pero sarado. ”
“ Sorry, Mommy. Wala lang ho akong gana para magtrabaho ngayon. Gusto kong magpahinga muna, ” matamlay niyang sagot. Ang totoo ay sinarado niya ang klinik para walang gagambala sa kanila ni Brayden.
“ Hija, huwag mong gaanong isipin ang nangyari kay Brayden at sa family nito, okay? Pasasaan ba't magliliwanag din ang kaso, anak. ”
Biglang binundol ng kaba ang dibdib niya sa tinuran ng kaniyang Mommy. Ano na lang ang sasabihin at gagawin ng mga ito kapag nalaman nilang siya ang dahilan ng aksidente? At kung malaman ng pamilya na siya ang nagtago kay Brayden?
They will hate her forever. Masasaktan niya ang damdamin ng mga ito. Ngayon pa lang ay hindi na niya kayang tanggapin ang galit mula sa sariling pamilya sakaling mabunyag ang ginawa niya.
“ Hija, are you still there? ” untag ng ina.
She cleared her throat. “ Ah, yes, Mommy. Hayaan po ninyo. Kapag nagsawa ako sa bakasyon ko, uuwi po ako diyan, ” saad niya para di na nag-alala pa ang ina. “ Sige po, Mom, may pupuntahan po kasi kami ni Henry. Regards po kina Daddy at Reign. I love you. Muah! ” Sinadya niyang pasayahin ang tinig nang sa ganoon ay mapaniwala ang kna na wala siyang problema at nang di ito magpumilit na puntahan siya o pauwiin.
“ Okay, baby. I love you, too. Ingat ka lagi diyan. ”
“ Opo, Mommy. Kayo din ho. ”
Ilang minuto nang natapos ang tawag pero nakatulala pa rin si Brianna. Titig na titig siya sa walang malay na si Brad.
“ Kailan ka ba gigising, Brayden? I missed you so much. ” Hindi niua napigilan ang luhang umagos mula sa mga mata.
“ Kung alam ko lang na magkakaganito ka, hindi na sana kita hinabol. Hinayaan ko na lang sanang lumayo kang may galit sa akin. I’m really really sorry, Brayden. Parang-awa mo, gumising ka na. Pangako, gagawin ko ang lahat, makabawi lang sa lahat ng kasalanan ko sa iyo. ”
“ Humihinga pa siya. Stable ang kalagayan ng pasyente, Brie. Mugtong-mugto na naman ang mga mata niyan. ”
Napalingon siya sa bumukas na pinto. Dumating na si Henry. Nagpaalam ito kanina para bumili ng pagkain nila.
“ Hey… ” aniya, at pilit ngumiti.
“ Kahit di pa nagkakamalay ang lalaking iyan, sumisidhi ang inis ko sa kaniya, Brianna. Kapag nakikita kitang umiiyak ng ganyan, gusto kong alisin ang oxygen… ”
“Henry! ” sawata niya rito.
“ Okay, I'm sorry. Huwag ka kading umiyak. Araw-araw na lang nagsasayang ka ng luha. I'm worried about you, Brie. Sobra na ang ihinulog ng katawan mo. ”
“ Bumili ka ng pagkain? ” pag-iiba niya ng usapan.
Tumango ito at inilapag sa lamesa ang dalang mga supot.
“ Kakain ako nang marami para bumalik ang dating katawan ko. ” Pinilit niyang pasiglahin ang tinig.
“ Dapat lang. Mas gusto ko ang dati mong katawan, may konting baby fats ka, kaysa ngayon. Para ka nang kalansay. Tapos ang lalaki pa ng eyebags mo. ”
Nangingiting lait ni Henry.
Malakas itong hinampas ni Brianna sa braso.
“ You and your sharp tongue, Henry! ”