CHAPTER 2
NAKATANAW na naman si Brad sa dagat. Pero ramdam ni Brianna na wala roon ang atensyon nito kundi nasa malayo. Isang buwan na ang lumipas simula ng maaksidente ito.
Pagkagising nito matapos ang isang linggong pagkakatulog ay bibihira itong umimik. Malamang ay iniisip nito ang kalagayan— pilit inaalala ang mga memoryang nawawala.
Napabuntong-hininga siya. Nang magising ang binata, binago niya ang lahat dito. Binigyan niya ng bagong bersiyon si Brayden San Roman, kasama siya.
She told him they were husband and wife. Katatapos lamang ng kasal nila nang maaksidente ito. At sobrang natakot siya na baka iwan na siya nito ng tuluyan. Those lies she created just to have him for a while. Dahil alam niyang hindi magtatagal ay babalik din ang alaala ng binata.
Agad niyang pinahid ang mga luhang naglandas sa kaniyang mga pisngi nang di niya namamalayan.
She has to be strong. Makakaya niyang panindigan ang mga kasinungalingang hinabi niya para sa binata, makasama lang ito at maipadama ang pagmamahal niya sa kahit kaunting panahon lamang. At kapag dumating na ang deadline na ibinigay ng Dios sa kaniya…
"No. I don't want to think of it yet. Not now." Saway niya sa isipan.
"Love, come here!"
Napapitlag siya nang marinig niya ang boses ni Brad. Nakatingin na pala ito sa kaniya.
Agad siyang lumapit dito, ipinagkit ang matamis na ngiti para sa lalaki.
"Ang aga nandito ka na naman sa aplaya."
Hinapit siya nito sa baywang nang makalapit at niyakap mula sa likod.
"Just watching the sunrise, my love." Naramdaman niya ang paghalik nito sa tuktok ng kaniyang ulo.
“You’re not fully recovered yet, love. Baka mamaya mabinat ka.”
"It's been a month, Brynn. Malakas na ako."
“Nakatulong sa mabilis mong paggaling ang atmosphere dito. Ang magandang tanawin, ang dagat, ang sariwang hangin, ang mga halaman, ang katahimikan—”
"At ang Misis ko," dugtong nito.
She gasped. Kahit na siya ang may ideya ng kasinungalingang iyon, nabibigla pa rin siya kapag si Brad na ang nagsasabing mag-asawa sila. Nagi-guilty siya. Pero dahil sa pagmamahal, mas pinangibabaw niya ang saya sa puso niya. She should be. Because everything will going to end.
“I love you, Brad. Lagi mong tatandaan iyan. I will do everything for you. Ganoon kita kamahal.”
Saglit na natahimik si Brad. Sa loob ng ilang linggo nilang pagsasama, hindi siya nagliwat sa pagsasabi at pagpapadama ng pagmamahal dito. Kahit na wala siyang naririnig na sagot mula rito, masaya na siya. Basta kapiling niya ito, she will not ask for more. Dahil alam niyang hindi niya deserve ang masuklian ng pagmamahal.
"Thank you, love. Thank you for taking care of me.” Muli niuang naramdaman ang paghalik nito sa kaniyang ulo.
"Don't thank me, love. Asawa mo ako. Tungkulin kong alagaan ang asawa ko."
"Masuwerte ako sa iyo, Brynn. Kahit wala akong alaala, I'm so grateful to have you in my life."
Tumingin siya sa dagat. Ang sinag ng papasikat na araw ay tumatama sa asul na tubig-alat. Ang mahinang hampas ng alon ay lumilikha ng musika sa dalampasigan. Ang mga tagak ay nagsisiliparan na sa baybayin para manghuli ng mga isda sa dagat. An amazing view early in the morning. And here they are — watching the beautiful scenery, habang nakakulong siya sa mainit nitong yakap.
"Would you still say the same when your memory comes back?" Mapait siyang ngumiti.
"Why not? You're a wonderful wife, Brianna."
Sana nga, Brayden. Sana nga, sa isip niya.
"Baka gutom lang iyan, love. Hindi ka pa yata nagkape. Tayo na’t maipaghanda ko na rin ang agahan natin."
"Uhm… Let's go then."
Magkahawak-kamay nilang tinalunton ang daan patungo sa kanilang bahay. It's a modern bungalow house na tama lang sa isang maliit na pamilya. Napundar niya iyon mula sa sariling pera, nang makapagtrabaho sa isang private hospital sa Quezon City. Ginawa niyang bahay-bakasyunan once or twice in a year. Nagustuhan niya ang lokasyon at magandang tanawin sa lugar kaya naman hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa noon at agad binili ang piraso ng lupang malapit sa dagat at pinatayuan niya agad ng bungalow house.
Ngunit heto at kasama niya na sa munting paraiso niya ang lalaking itinatangi ng kaniyang puso. Destiny is unpredictable. Pero ginawan niya ng paraan para makuha ang destiny na gusto niya.
May mag-asawang katiwala siyang binabayaran, nag-aasikaso at nagmementena sa kalinisan ng bahay nang matapos ito. Tagaroon din at naging malapit na sa kanila ni Brad nang pumirmi sila roon. Kaya naman hindi na siya nahirapang magpanggap kay Brad na tagaroon sila bago pa ito maaksidente.
Hindi rin naman mahirap palabasin sa mga tao sa baryong iyon na mag-asawa sila. Ilang beses pa lamang siyang nagbakasyon noon doon, kaya hindi pa siya gaanong kilala ng mga ito.
Totoong nakukuha niya ang lahat ng gusto sa buhay, she's not the daughter of Shane Brian De Riva and Daphne Drew Samonte De Riva if she wasn't be as stubborn as her parents — but even though she's a brat, responsable siya. Lalo na pagdating sa sariling pera. Hindi siya basta nagwawaldas nang walang kabuluhan. She may be a brat but spoiled. Pinalaki siyang mabuti ng mga magulang, sila ni Reign — ang bunsong kapatid.
Daddy's girl din siya. Walang hindi ibibigay ang ama basta gusto at hilingin niya. Just one thing she can't ask her father, because she doesn't have enough courage to ask him. It’s Brayden. Hindi lingid sa kaniya na tunay na anak ang turing ng mga magulang kay Brad. Hindi man nila ibinigay rito ang apelyidong De Riva, bilang pagsunod umano sa kahilingan ng namayapa nitong ina, minahal at inaruga ng mga magulang si Brad na parang galing sa sariling dugo at laman.
Batid niyang masasaktan niya ang damdamin ng mga magulang kapag ipinaalam niya rito ang pagtingin kay Brad. At ang masaktan ang damdamin ng mga magulang ang hindi niya kailanman gugustuhing mangyari.
“You know what, Love. I dreamt last night. Noong engagement party natin.”
Biglang nalaglag sa sahig ang hawak niyang kutsara nang marinig ang tinuran ni Brad. Hindi siya makaimik. Pinanlamigan siya.
Ang asawa ang mabilis na yumuko at pumulot roon.
“We’re both happy. It's just annoying that I can't see your face clearly, but I know you are very happy. Tayong dalawa.”
Tumikhim siya at mabilis na dinampot ang baso at nagsalin ng tubig mula sa glass jag. Sobrang lakas ng kabig ng kaniyang dibdib.
“O-ofcourse, Love. M-asayang-masaya ako noon.”
Hindi niya alam ang akmang sasabihin sa asawa.
“I wonder how happy you were on our wedding day. Kung ano'ng hitsura mo suot ang traje de boda, nakalulungkot na hindi ko matandaan.”
“You don't have to remember those moments, Brad.” Dahil puro kasinungalingan lang ang lahat. You don't wish to know every lies I made for you to be mine. “Ang mahalaga ay ang damdamin natin. We are much in love.” She forced a smile.