Wolves And Cradles

3532 Words
2nd Blood: Wolves And Cradles JETLAG. Iyan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin napipikit si Cattleya.             It’s impossible. Anim na oras lang naman silang nasa byahe. Gustong gusto na niyang matulog. Ala-una na ng gabi este madaling araw, dilat na dilat pa rin ang mata niya.             “Isang tupa, dalawang tupa, tatlong tupa…” usal niya sa sarili habang nakatitig sa blangkong kisame ng kanyang silid. “Apat na tupa, limang tupa, anim na tupa, pitong put—”             Napatigil siya’t natawa sa sarili. Ngunit ilang saglit din ay nawala ang ngiti at napangiwi. Pabuntong hiningang bumangon siya mula sa pagkakahiga. Naboboring na siya. Ano bang pwede niyang gawin para dalawin naman siya ng antok?             Ilang saglit siyang nag-isip. Pero ilang segundo lamang ay napahilamos siya sa mukha’t napausal sa sarili. “Hopeless case ka na, Cattleya. Gumawa ka ng paraan para palipasin ang gabi.”             Tumayo siya mula sa kanyang kama. She figured she has to use the smallest car her Dad has in the garage to attract lesser attention. Ayaw naman kasi niyang matawag ang atensyon ng kung sinumang opinsyal ng kolonya eh kadarating lang niya sa bansa. Baka maligwak siya kaagad kapag nagkataon.             Maingat na lumabas si Cattleya ng mansyon at nagtungo sa garahe. Nakahilera ang sobrang daming sasakyan doon. She selected one, placed her extra clothes in the compartment and silently drove off. She went around above the speed limit. Gabi naman na, she doubted may mga machine enforcers pang makaka-track sa kanya.             Noon niya lang na-realize na nakalimutan niyang dalhin ang kanyang cell phone. Napabuga siya ng hininga. Parang sunod-sunod naman yata ito.             Ugh. Really, Cattleya? Ba’t nagiging tanga ka ngayon? May virus ng katangahan sa DC?             Dibale na. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kanya. In any case, Cattleya’s pretty sure she can handle saving herself.             She noticed later on that she was in a trail of highway na pataas sa isang bangin. May barrier sa gilid at sapat na liwanag para sa mga sasakyan na baka hindi makita ang daan at magderetso sila sa bangin. Konti lang ang nakasalubong niya habang bumabaybay panaog. Mukhang rare daanan ang highway na ito.             Cattleya ended up parking her car beside a tree. Hindi pa naman iyon ang dulong kalye. Nakita lang kasi niyang tila doon nagsisimula ang mga hanay ng puno na maaari niyang pagpahingahan. So she locked the car door. Tinalon niya ang maliit na slope pababa ng madilim na bahagi ng maliit na gubat na iyon. Tahimik, kaunting ingay lang ng kuliglig at kaluskos sa pagkakatapak ng mga nahulog na tuyong dahon sa ibaba ay maririnig na kaagad.             Nagpatuloy siya sa paglalakad. Pinakikiramdaman niya pa rin kung may iba pang kaluskos ng mga paa bukod sa kanya. Ano bang malay niya? Baka mamaya r’yan ay may biglang nakakatakot na multo ang dumamba sa kanya.             Sayang naman ang kagandahan ko. Eh ano na lang ang mangyayari sa sangkatauhan n’yan? End of the world ang tawag ro’n.             Napangiwi siya nang mapagtantong sarili na naman niya ang kanyang kausap. Her brain sure has the knack of conversing with herself.             “Awwwooooo!”             Napahinto siya’t halos mapatid sa narinig. Was that a howl?             No s**t sherlock! You got to be kidding the hell out of me!             Pero s’yempre, dahil ika nga nila, curiosity killed the cat, sinundan niya ang alulong na iyon. Humantong siya sa pinakadulo ng maliit na gubat. There was a cliff. And surprisingly, three huge wolves.             Wow, what are the odds? Sa dinami-dami ng makikita niya, lobo pa. Ang dami namang mga nilalang sa mundo ang maaari niyang makasalubong sa paglabas niya, bakit naman mga lobo pa?             They  all turned around, probably sensing her arrival. Two wolves are gray, the one was black. The one gray wolf has black eyes, the other gray wolf and the black wolf both possessed ocean green orbs.             Hindi niya kilala ang mga lobong ito. She briefly wondered where these wolves came from.             “Err… hello?” nag-aalinlangan siyang kumaway.             They all growled at her at umakmang lalapit sa kanya. Lihim siyang napabuntong hininga. Why do these people always felt like it was so easy to threaten her?             Wolf lang kayo, sorceress ako. Waley kayong laban. Bakit ba trip n’yo akong laging takutin?             “Chill, okay? If you’re a werewolf then so am I. Chillax. Hindi naman siguro kayo rogue wolves, ‘di ba? You don’t look like one so I’m assuming you’re not one.”             Noticeably, they backed down. Napabuntong hininga ulit siya. Dear Mom, nang ipanganak mo ba ako, bukod sa namana kong kapangyarihan, pinamana mo rin ba sa akin ang mga kamalasan mo?             Halata naman, eh. Lumabas lang siya ng mansyon minalas na agad. Seriously? Saan ba siya ipinaglihi ng nanay niya? Bakit siya lang? Bakit hindi si Edge? Kambal sila, hindi ba?             “Kalma lang tayo, ha?” pagpapatuloy niya. “Now… what are you guys doing in an open place like this? I’m sure as hell na walang malapit na pack dito. Iyong amin lang.”             Nagpokus siya sa pagbabasa ng mga isipan ng lobo na iyon. As a sorceress, she has the ability to read minds.             “What’s your pack?” A voice she tried to single out said. “The Midnights or the Autumn Knights?”             Naalala na niya ngayon. Parehong nasa Alexandria nga pala ang pack ni Spade na Midnight pack at ang kanilang Autumn Knight pack. Makes sense. “Autumn Knights. Where were you from?”             “Uhm…” She heard the hesitation at agad-agad ay na-pique ang kanyang curiosity.             Mukhang may kagat ang conversation na iyon. “Are you guys a rogue?”             “No.”             “What are you then”?             “We are from the Shadow pack.”             Nanlaki ang mata ni Cattleya. S’yempre’y baka mahalata kaya’t bigla niyang binawi. Hindi naman… siguro nila siya makikilala, hindi ba? She merely set foot on that pack once or twice then never again. Once was when she had to drive Rain for his meeting there then twice was when Seige brought her there only to find him in a room with a naked lady in his lap. At isa pa, syam na taon na ang nakalilipas.             If these three should recognize Cattleya as the unwanted, rejected, unmarked mate of their stupid annoying one hell of a big asshole that is their Alpha, she’d swear to heaven she’ll shoot herself right here and right now.             “And what are you doing here?”             “Nothing. Just wand’ring.”             Wandering. Fair enough.             Lumapit si Cattleya sa bangin at tumanghod doon. Agad siyang namangha nang makita niya ang kabuuan ng syudad mula sa ibaba. City lights. And the wind… very refreshing. Now she finally felt the whole day catching up on her as she began to feel sleepy. “CATTLEYA! Utang na loob, get your ass up! We’re going to be late!”             Tinakpan niya ng unan ang kanyang mukha at umungol doon. Kahit kailan talaga, nakakabwisit ang boses ni Edge lalong-lalo na kung iniistorbo nito ang kanyang tulog.             “Ano bang kailangan mo? Natutulog ako hindi mo ba nakikita?”             “Pwes gumising ka na dahil may klase tayo! It’s your first day in school, idiot! Get up! Now!”             “Will you stop screaming, Edge?” dinig niyang wika ng tinig ni Rain na naging sanhi rin ng pagmulat ng kanyang mga mata. Saka mayamaya’y nakarinig siya ng tatlong katok sa kanyang pintuan. “Get up, sweetheart. Shower up then take the uniform in the couch that I laid there last night. Take your time, no problem. I’ll give you a lift. And Edge can… prob’ly manage on his own.”             “Yeah, right. Biased asshole,” Cattleya heard Edge murmured before the heavy steps started fading away from the room.             She literally dragged herself out of her bed para lang bumangon. Agad niyang namataan ang naka-ziplock pang uniform niya na nakalatag sa couch. Lumapit siya para silipin iyon. It was a nice black dress that stopped just above the knee. Fitted ang mula sa balikat pababa sa dibdib, sa belly at sa waist ngunit biglang naging wavy iyon na nang nasa legs na hanggang sa may itaas lang ng tuhod. Then it was topped with a red blazer na may simbolo ng pakpak sa parte ng kanang balikat.             The symbol was a wing colored in half black and half red. Sa ibaba niyon ay nakalagay ang salitang ‘Black Blood Academy’.             Oh. So she’s enrolled at this massive school for black bloods. Pupwede ba iyon eh isa na siyang Red Blood. Ang ipinagkaiba lamang ay may lahi siyang manggagaway.             Matapos niyang maligo’t mag-ayos ay dumeretso na siya sa ibaba kung saan niya natagpuang nagtsa-tsaa ang kanyang Kuya. Edge is nowhere in sight. Pabor at mainam para sa kanya. She wouldn’t want to ruin her morning with an eyesore.             “Kuya! I’m done!”             “Right,” saka ibinaba ni Rain ang tasa at kinuha sa center table ang nakalagay na susi ng sasakyan. “Let’s go.”             “Uh… hindi ba ako magdadala ng bag?” taka niyang tanong dahil kahit kwaderno’t panulat at walang ibinigay sa kanya ang kapatid.             Napangiti ng saglit si Rain at tinapik ang kanyang likuran. “You won’t need it, trust me.”             Ooo-kkaayy?             Sumakay sila sa isa sa mga mahiwagang sasakyan ng Kuya niya sa garahe. Mahiwaga ang tawag niya kasi maraming hiwagang nangyayari sa sasakyan ni Rain. Sabi nga nila, Black Beasts aren’t Saints. That’s why the five of them are called beasts for a reason. Because they are one. Literally and figuratively.             They aren’t saints because they are the only capable men who can take down millions of beasts and humans all put together. And they are called beasts because they don’t need a reasonable thing to do so. Kung gusto nila, gagawin nila. Exhibit A in this case: Seige Gray, Rain Jensens and Kill Schneider.             Two: they aren’t saints because for the love of everything that is holy, they already have their share of women—you can whether it with professionals, nice girls, tramps, bitches, sluts, and whores. Just everything. Parang pagkain lang. Lahat ng putahe tinikman. Exhibit B in this case: Raphael Strides and Spade Arden.             Sa limang iyon, si Kill lang yata ang masasabi niyang malapit nang lumagay sa tahimik ang puso. He’s completely smitten by this mysterious girl whom he met years ago before Cattleya’s Mom sent her to the middle-of-nowhere-Switzerland with Edge as her baby sitter.             “We’re here,” anunsyo ni Rain nang humimpil ang sasakyan sa parking area ng eskwelahan.             Umibis si Cattleya mula sa kotse. Naglakad sila papasok sa malawak na entrance ng school kasabay ang ilang red bloods na nakasuot ng itim na blazer at pulang dress—the compelete opposite of their uniform kung kaya’t madaling ma-distinguish ang humans sa abnormals—este sa super humans. Nakakatuwa nga kung gaano kung ka-gullible ang mga mortal. Hindi ba sila nagtatakang may kategorya ang red blood at black blood?             The girls gaped at her brother, the boys drooled over Cattleya. Napangiwi siya. Hanggang dito’y may mga mangmamanyak pa rin pala sa kanya.             Gosh, bakit ba lagi na lang akong target ng mga ganito? Hindi ba talaga ako mukhang nakakatakot?             “Jeez, snap out of it! Alam kong maganda ako but come on!” bumaling siya sa kuya niyang parang sanay na sanay sa atensyon. “They don’t have to drool like a mad dog or somethin’!”             “Mad wolf is the right term, my dear sister.” Then Rain growled at the guy na kanilang madadaanan. He was already drooling while staring at Cattleya’s legs na parang nakikipag-usap ng masinsinan doon.             Natakot kaagad ang lalaki at nagtatatakbo. Hindi niya alam kung taga-saang pack ito pero sigurado siyang isa kina Spade o Raphael o Seige iyan. He’s around nineteen though. Young.             And speaking of the devils… there they are.             “Hey, Cattleya, good morning!” nakangising bati ni Spade sa kanya.             Ngumisi rin siya sa binata at halos pantayan na ang lapad ng ngiti nito. “Good morning to you too, Spade.”             “Did you have a good time last night?” then he wriggled his eyebrows up and down.             Bumunghalit si Cattleya ng tawa. “Yeah, I did. Late na nga ako nakatulog, eh.”             “Are we missing something?” pagtataka ni Raphael.             Nahuli niyang patagong ngumisi sina Rain at Kill. Tumawa lang naman si Cattleya. Raphael can be so slow sometimes. Ngunit natigil ang katuwaang iyon nang makarinig sila ng mahinang angil mula kay Seige. Spade looked satisfied and amused.                   Wala naman kasi talagang nangyari. Paandar lamang ni Spade iyon para pagselosin si Seige—iyon ay kung magseselos nga. Well, Cattleya guessed they just wanted to torture their ‘friend’.             “Uhm… I have to go,” mayamaya’y paalam niya na bumasag sa nagdaang katahimikan. “Kailangan ko pang kunin ang sched ko. See you later, guys. Byiee!”             “Later, gorgeous,” pahabol ni Spade habang sina Kill at Rain ay humalik lamang sa kanyang pisngi.             Lumakad na siya palayo ng may pagmamadali.             Sa totoo’y hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang kakatwang dikta ng kanyang subconscious na iwasang manatili sa presensya ni Seige ng matagal. Napatunayan naman niya na walang kahit na anong espesyal na koneksyon ang namamagitan sa kanila kung pisikal at emosyonal na aspeto ang pag-uusapan. She was never in love with Seige Gray. Naunawaan na niyang ang hatak lamang talaga ng kanilang mga lobo at ang udyok ng mating bond ang kumikilos upang makadama siya ng koneksyon sa Alpha. Nang mamatay ang kanyang lobo at may markahang iba si Seige, naglaho iyon.             Kaya’t hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang takot niyang may mangyaring hindi maganda. Na may mangyaring hindi niya inaasahan. Maayos na ang lahat sa kanya, salamat s’yempre sa bloodline ng mga orihina na manggagaway na nananalaytay sa kanya. But seeing as Seige kept his wolf intact, breathing and alive, kahit medyo nawawalan na talaga ng connection ang lobo nito kay Seige, nababahala pa rin siya. How did he kept his wolf intact sa haba ng panahong iyon? Sa pagkakalkula ng nanay niya, buwan lang ang bibilangin bago tuluyang mamatay ang isang taong-lobo na tumanggi sa katipan nito.             Imba naman itong si Seige. Dapat pala tinanong ko siya tungkol do’n. Baka may na-advise siya sa akin de sana buhay pa ang wolf ko ngayon.             “Bago ka rito?”             Napatingin siya sa lalaking sumabay sa kanya. Napahinto siya agad kasabay ng pagngiti nitong nakakahawa. He has jet black short hair and a familliar green eyes. He looked familliar. Iyong mata nito, pamilyar sa kanya. Pakiramdam niya’y nakita na niya ito. Who’s this… tall man with an agonizingly handsome boyish features?             “Yeah? What are you?”             He chuckled. “You mean who?”             “No, seriously, what are you? You’re clearly a black blood so what are you?”             Namula ang lalaki, nawala ang ngiti at napakamot sa ulo, tila napahiya. “Uh… I’m a werewolf. You?”             “Dating werewolf, dyosa na.”             Tumawa ito. Inakala yatang nagbibiro siya. Ah, how I wish.             Sinabayan siya ng paglalakad ng binata. “Hindi nga? ‘Yong seryoso.”             “Seryoso nga. I am a non-shifting werewolf, don’t ask why, long story. Sorceress din ako. Bale… sorceress na lang kung technicality ang pagbabasehan.”             “Oh then you’re in the werewolf section too?” Tumango siya dahil naalalang sinabi nga pala ng Kuya niya na by category daw ang mga section sa Black Blood homerooms.             “By the way,” Huminto ang lalaki at naglahad ng palad sa kanyang harapan. “I’m Jesse.”             Cattleya took the hand and shook it cassually. “Cattleya. Uh… I’m Section Adrenaline.”             “Cool! I’m from Section Cluster. One room apart lang yata tayo?”             Tumango siya bilang kumpirmasyon. “One room apart nga. But since… ikaw yata ang labas-pasok sa school na ‘to, why don’t you give me a quick tour during lunch break?”             “That’s cool with me,” ngiti nitong pagsang-ayon sa kanya na nginitian niya rin naman.             “Later, Jesse!”             Huminto sila sa tapat ng homeroom ni Cattleya. Biglang nawala ang ngiti ni Jesse at binalingan nito ng matalim na titig ang loob ng homeroom. Taka siyang napalingon. Nakita niya si Seige na nakatingin din ng matalim sa kanyang kasama. Halos mapa-facepalm siya dahil sa nangyari.             Sa dami ng magiging kaklase niya, si Seige pa. Bwisit na buhay ito.             “Be careful, Cattleya,” wika ni Jesse na pumukaw ng kanyang atensyon nito. Nang balingan niya ito’y nakatingin pa rin ang binata kay Seige at may angil nang kalakip sa tinig. “There’s a beast in your homeroom.”             Not surprising that he knows. “Oh, do you mean Seige Gray?”             Maang na napabaling ang tingin ni Jesse sa kanya, nagtataka marahil na kilala niya ang tinutukoy nitong halimaw. “You know him?”             Nagkibit siya ng balikat. “Brother’s friend—a dangerous liason that for everything that is holy, will never be—I mean ever, like ever—be the definition of ‘safe’ to me so you warning me about it is an understatement. I already know,” derederetso niyang pahayag, aware na dahil sa super senses ni Seige, naririnig nito ang kanilang pag-uusap ni Jesse.             Mahina ngunit dinig nilang pareho ang angil ni Seige na tila nagbabanta. Napangisi lamang si Jesse.              “Good to know, Cattleya. Well I’ll see you at lunch break later. Hope you’re still in pieces by then.”             Tumawa siya at napailing-iling bago tumalikod para pumasok ng homeroom. “I’ll still be. I kick ass—and unquestionably assholes.”             Si Jesse naman ang natawa roon. Pagkatapos ay umalis na rin ang binata. Hahanapin niya palang sana ang plaque na may pangalan niya sa mga silya, ang kaso’y napansin na niya iyon sa tabi ng upuan ni Seige.             Cattleya groaned secretly. “Ugh. Great. What a way to start the year!”             Alam niyang narinig iyon ni Seige. Wala itong sinabi, wala ring reaksyon. Sabagay. Why would he even care?             Naupo siya sa kanyang silya matapos hilahin iyon ng may layo mula sa silya ni Seige. She dragged it the farthest she could upang hindi aksidenteng mabunggo si Seige kung sakali. No physical contacts is safe. Mainam nang sigurado siya.             “You kick ass, huh? In that state of yours?” dinig niyang tuya ng binata nang makaupo siya ng maayos.             Lihim siyang napairap. “Lobo ko lang ang namatay, Seige, hindi ako. That makes a huge difference. Nakakalimutan mo yatang isa akong makapangyarihang manggagaway. Hell, I can even kill you in a snap without you knowing!” saka siya ngising bumaling sa katabi. Ang angas nito’y biglang nawala nang humarap siya rito, ang mga bagang nito’y tumiim at may kung anong emosyon ang nagdaan sa mga mata ng binata.             “At least hindi na ako magiging kagaya mo,” pagpapatuloy niya  sa sinasabi, unfazed by Seige’s sudden change of expression. “When your wolf finally had enough and it completely separated from you, your own pack will turn your back on you, Seige. Oust you from being an Alpha, label you as an impotent leader and worst… you might even die from terrible terrible depression. So I’d say don’t underestimate what an original sorceress can do. Rejection isn’t even enough to kill me.”             Bubuka sana ang bibig ni Kill at akmang magsasalita nang pumasok ang kanilang guro sa klase. Ang atensyon ng lahat ay doon na natuon.             Something pulled the grin from Cattleya’s face and inside, she felt like shooting herself. That was harsh, she admit. At parang pinagsisisihan din naman niya ang sinabi. Aaminin niyang hindi niya kilala si Seige, ang lahat ng alam niya’y hear says lamang. Na walang puso ito, matapang, malupit. She had a taste of that when he turned his back on her, his own mate. Pero hindi iyon sapat na dahilan upang pagsalitaan niya ng ganoon ang binata.             Ah, ewan. Bakit ba kasi niya pinag-aaksayahan ng isip ang taong hindi naman siya pinag-aaksayahan ng isip?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD