Cattleya Jensens

2117 Words
1st Blood: Cattleya Jensens “MAY tanga, may tanga sa ilalim ng tulay. May tanga, may tanga sa ilalim ng tulay. May tanga, may tanga, may tanga, may tanga, may tanga, may tanga sa ilalim ng tulay!”             “Ugh!” Napapikit si Edge na kanyang katabi ng upuan sa van. Sumandal ito sa malambot na sandalan ng back seat na tila biglang na-stress sa narinig. “Hand me a gun please.”             Tinawanan ni Cattleya ng malakas ang kapatid. Nakita niya ang kanyang Uncle Ron na napangiti rin mula sa may rearview mirror.             Ang kanyang Uncle kasi ang sumundo sa kanila mula sa paliparan. Tinamad daw ang Daddy nila. Ewan ba niya. Baka nagkulong na naman sa kwarto kasama ang Mommy niya.             Rabbits… if ya’ll get my drift.             “Kesa kumanta ka ng kumanta ng walang katuturan d’yan, bakit ‘di mo tawagan si Rain at ipaalam mong nasa Alexandria na tayo? I want my room done when I get to the mansion,” nakapikit pa ring mando ni Edge.             Napairap siya. Ang hirap talagang magkaroon ng bossy na kapatid.             Cattleya grabbed her phone from her purse. Naghalungkat siya mula sa daan-daang contacts niya para sa apat na letrang pangalan ni Ulan. When she found it, kaagad niyang tinawagan ang nakatatandang kapatid.             “Yes, hello?” Halos mabilaukan siya sa sariling laway nang sumagot si Rain. Gosh, ngayon niya lang na-appreciate na maganda pala ang boses ng Kuya niya kapag matagal na hindi naririnig. Sana boses na lang si Rain.             “Yo’, Kuya. We’re on the way to the pack mansion.”             Naringgan niya itong parang natigilan. Napatingin si Cattleya kay Edge na tinaasan siya ng kilay. Nagkibit siya ng balikat. Hindi niya rin kasi alam kung anong eksena ni ulan. Hindi ba nito alam na pinabalik sila ng Daddy niya sa DC mula sa Switzerland? He should  know that, he’s their Alpha after all.             “Kuya? Okay ka lang?” untag niya matapos dumaan ang saglit na katahimikan. “Pinapasabi ni Edge na dederetso raw siya sa kama pagdating d’yan.”             “We… well… we have a pack meeting, Cattleya.”             Napangiwi siya dahil sa pagkalito. Hindi niya ma-gets ang koneksyon niyon. “Naubusan na ba tayo ng maids?”             “No, idiot. I mean all the nearby packs are here.”             “What packs?”             “The Archers, Midnights, and… uhm… Shadows.”             Saglit siyang natigilan, pinipilit pa ring ikonekta ang mga sinasabi ng Kuya niya but to no avail.             “Uh… Kuya, love kita at alam ko namang love mo ako. Pero h’wag mo akong sasabihang slow, ah. Ano ba kasing problema?”             Cattleya heard him groaned. Parang nais niyang matawa bigla. Kahit sino yata ang kausapin niya kina Edge at Kuya Rain ay pareho ng nagiging reaksyon.             “I wanna kill you right now, Cattleya. What is wrong with you? Gusto mo bang alugin ko ‘yang utak mo para—” Napahinto si Rain. Nakarinig siya ng mga shuffles. Na parang biglang humampas ang telepono ni Rain sa damit o kung saang malambot na bagay. “Dammit! Seige, didn’t I say take a rest? We need your strength!”             Someone growled from the other line. Kahit wala na siyang super senses, dinig niya pa rin iyon dahil sa lakas. Tila napakalapit nito sa telepono ng Kuya niya. O baka sadyang tahimik lamang talaga sa kinalalagyan ni Rain kung kaya’t dinig niya ang lahat ng nangyayari.             “I’m sorry, Cattleya, I got distracted,” mga ilang sandali pa’y balik ni Rain sa linya.” Ipapasabi ko na lang sa maids na ihanda ang kwarto n’yo. How far are you?”             Tumingin siya sa bintana, sinubukang tukuyin ang mga dinadaanan nilang kalye at establisyimyento ngunit sa huli’y napakamot na lamang siya sa ulo.             “Ewan ko, Kuya. ‘Di ko na kabisado ang mga lugar, eh. Ay kuya, pahanda ka pala ng chocolate roll. Nagugutom ako,” pahabol niya pa.             Narinig niyang bahagyang natawa si Rain sa sinabi. “Noted. I’ll see you later then.”             “Can’t wait, kuya. Bye!”             The phone call ended. Napatawa siya. Tumingin sa kanya si Edge at kumunot ang noo  na parang nagtataka. “Anong tinatawanan mo?”             “Kuya Rain. Kanina parang ayaw niya tayong patuluyin. Sabi niya may pack meeting daw and all the nearby packs are there right now.”             Something flickered in her twin’s eyes. Ang tawa niya’y naging ngisi. Si Edge naman ngayon ang napatawa bagama’t may pait. “The bastard is there then?” tanong nitong pinagkibitan niya lamang ng balikat. “Well, you know Rain, Cattleya. He’s just concerned.”             “If that’s the case then, I actually don’t mind. But isn’t it cool? I get to see Kill if they’re all there! Si Spade at si Raphael din!” tukoy niya sa mga barkada ng kanyang Kuya na naging malapit din naman sa kanya noon.             “Oh, yeah, I forgot they are Alphas.”             Tinaasan niya ng kilay ang kapatid ngunit mayamaya’y natawa rin. Alam naman kasi niya ang dati pang pinaghihimutok ni Edge.             Eh hindi naman kasi kasalanan ng kanilang Daddy at ni Rain kung mas bata silang dalawa kaysa sa mga iyon. Sinadya ng Mommy nila na magkaroon ng birth gap simply because ayaw naman nilang mapuno ang buong pack ng puro alagad lang ng maharot niyang tatay, hindi ba? Tatlo na nga sila, eh.             Ang kaso’y ibig naman ni Edge na maging Alpha. Pero dahil si Rain ang first born, ito ang naging Alpha ng Autumn Knight. Although Edge merely wanted the title because it sounds cool to him. Hindi naman kasi bagay sa kakambal niyang maging Alpha. He’s capable, yes, but not as capable as their Kuya Rain. Isa pa… self-centered si Edge.             Not exactly Alpha material.             “Alright, kids, we’re here!” nakangiting anunsyo ng kanilang Uncle Ron na bumaba na ng sasakyan.             Hinampas ni Cattleya si Edge sa dibdib upang gisingin ito. Napakislot kaagad ang loko at bumangon na tila ba naghahanap ng kaaway. Bumunghalit siya ng tawa. Doon ay tumingin sa kanya ng masama ang kapatid at napagtanto ang kanyang kalokohan.             “You…! Do you really have to do that?”             “Pasalamat ka nga ginising pa kita!” tatawa-tawa niyang sagot. “Patulugin kita forever, eh.”             Nginiwian siya nito’t akmang hahampasin. Nagmadali siyang bumaba ng van upang makaiwas.             Tinulungan ni Edge si Uncle Ron na magbaba ng gamit mula sa likuran ng van. Nagpatiuna silang pumasok ng mansyon. And right there at the front yard, nakaupo ang sooooobrang daming werewolves with their Alphas on the front na kasama ang kanyang Kuya Rain. At nang umentra sila sa gate, ang lahat ay napalingon sa kanila.             My, what an entrance, Cattleya. Sakto sa theatrics, ah!             “Oh my gosh! Cattleya!” someone from the crowd screamed. May pakiramdam siyang galing sa pack nila iyon.             “Si Edge, si Edge! Crush ko ‘yaaaan!”             Ngayon sigurado na siyang galing sa Autumn Knight pack ang mga nagsisigawan na iyon.             “They’re here, they’re here!”             Hindi alam ni Cattleya kung matutuwa siya o mamumula sa hiya dahil ipinagsisigawan ng mga miyembro nila ang kanilang pagdating. But nonetheless, kumaway pa rin siya ng may galak at bumati sa iilang lobo na malapit sa dinaraanan nila.             “Look who’s here,” a familiar voice mused from behind them. “The Jensens twins.”             Lumingon siya sa papalapit na mga lalaki. Ang kanyang Kuya Rain, sina Raphael, Spade, at Kill na nanggaling sa unahan ng bakuran nila. Napangiti siya agad at sinalubong ng yakap ang mga ito.             “Guys! Lalaki na kayo!” bulalas niyang umani ng tulak at matalim na titig galing sa apat. Tumawa siya. “I’m joking, relax!” sabay pakita sa mga ito ng daliri niyang kanyang iminuwestra upang bumuo ng peace sign.             Tumawa ang mga werewolf na nakarinig niyon. Doon umirap si Spade at nagpailing-iling ngunit nginitian din naman siya sa huli. “Welcome back anyway. You too, Edge.”             Nagtaas lang ng kamay si Edge at nilampasan sila saka pumasok ng tuloy-tulot sa mansyon. Hindi naman na nagtataka ang lahat sa asta ni Edge. Bastusing bata talaga ang kambal niya simula pa man. Nasa sinapupunan palang ‘yan ng nanay nila, bastos na talaga iyan.             “Hindi magiging si Edge ‘yan kung hindi siya bad mood. Default mode niya ‘yon, eh,” pangangatwiran niyang tinawan ni Rain.             Nagpahabol ng sigaw ang kuya niya kay Edge. “Knock on Mom and Dad’s before you go to rest! They’re expecting you!”             “Whatever!” sigaw pabalik ni Edge mula sa mansyon.             Ngumiwi siya sa asal ng kambal niya. Jeez. He’s such a girl.             Naglibot si Cattleya ng paningin. Ngayon niya lang na-realize kung gaano nga talaga kalaki ang Mistic mansion. Akalain niya bang magkakasya itong ganitong karaming mga lobo sa front yard nila? Gosh, we’re so rich!             “Pack members n’yo?” tanong niya kina Spade at Raphael.             “Merely the pack fighters,” boluntaryo ni Raphael. “About a hundred or two of them. Including Seige’s Shadow pack which is the biggest pack among the nearby packs.”             Napamaang siya. “But isn’t Shadow pack settling past Helena already?” Malayo na kasi kapag lampas pa si Helena ang isang pack. Kumbaga’y para nang probinsya iyon. At least, that’s what she knows.             “We’re settled at Cameron. Just around the boundary of Helena and Alexandria.”             Napatingin siya sa nagsalita. Nanggaling ito sa likuran ni Kill at papalapit na sa kanilang kinatatayuan. Nakapamulsa ang mga kamay nito sa suot nitong kupas na pantalon. Maangas kung titignan sa malayo. Ngunit kung isa pa rin siyang lobo, madali niyang masasabi na mahina ang Alpha na ito.             Magulo ang buhok ng lalaki. His eyes looked like he hasn’t been sleeping since forever. Ang laki na rin ng eyebag nito. Maging ang mukha ay putlang-putla na para bang may malubhang sakit.             Is this really Seige Gray? The Alpha Seige Gray?             Anyare sa good looks? hindi makapaniwalang tanong niya sa isip.             Naiilang na napakamot siya sa ulo. “Uh… what is Cameron before?”             Spade chuckled and pinched her cheeks for fun. Nawala ang fun na iyon nang marinig niyang umungol ang nasa likuran ni Kill.             Kung hindi lamang siya conscious sa kanyang paligid at sa mga nakamasid sa kanyang reaksyon, malamang ay kanina pa siya napanganga. Seige kept his wolf! Paano nagawa iyon ng kumag na ito samantalang siya’y halos mamatay-matay na ilang linggo pa lamang ang lumilipas noon? Anong kinain ng hayop na ito?             Napatingin si Spade sa kaibigan. Ngumisi lang ito na tila nanunuya saka muling bumaling kay Cattleya. “That’s Devon before, katabi ng dating Dahlia na Helena na ngayon.”             Interesting. This Dreasiana Colony can be interesting. Well minus that bad utilization of superhumans during attacks and invasion. That’s bad. Hindi naman kasi nila dapat ginagamit ang mga shifters, magicians o kung ano pang mga may kapangyarihan na nilalang para manakop ng bansa ng may bansa. Sinakop na nga nila ang Pilipinas, hindi pa ba sila makukuntento?             “I’ll leave you guys here,” paalam niya sa mga ito nang makaramdam ng gutom. “I’m starving na. Talk to ya’ll later.”             Yumakap siya kina Spade at Raphael. Hahalik sana siya sa pinsang si Kill ngunit agad nitong itinulak ang mukha niya kaya’t tatawa-tawa na lamang siyang umalis doon.             Bago tuluyang pumasok ng mansyon ay huminto siya’t lumingon. She caught Seige running a hand through his hair frustratedly. Kita niya ang panginginig ng mga daliri nito. Mapait na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.             Edge was indeed right. She’s lucky to have no wolf consuming her strength unlike Seige… Sooner or later, mamamatay na ang wolf nito lalo na kung hindi nito matututunang pakisamahan o mahalin ang bago nitong Alpha female—whoever the unfortunate she-wolf was.             That’s expected though. Cattleya Jensens will be Cattleya Jensens. And rejecting her is a sign that he’s refusing to multiply perfect specie homo sapiens.             Ganda ko talaga. Please cue pang-demonyong tawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD