Trouble Boiling

2646 Words
3rd Blood: Trouble Boiling “THIS school is quite massive, noh?”             Tumatango si Jesse habang sinusubukan nitong lunukin ng buo ang malaking hamburger na binili nito kanina sa cafeteria ng school samantalang siya’y tinitipid ang kanyang cheese tort. Dahil nga limitado ang oras nila dahil may susunod pa silang klase, isinabay na nila ang paglilibot sa school sa pagkain.             Huminto siya pansamantala na ginaya ng binata. Taka niyang pinanood ang ginagawa nitong pagpapasok ng burger sa buo nitong bibig. “Anong ginagawa mo?”             Tinignan siya ni Jesse na parang ngayon lang nitong na-realize na naroon siya. Seriously? “Eh… n-nag-e-experiment?”             Ngiwi siyang napamaang. “Huh? You’re weird, Jesse.”             “I was just thinking kung kaya kong lumunok ng ganito—”             “H’wag mo nang ituloy, ang panget lang i-imagine. Feeling ko iba ‘yang nilulunok mo kaya utang na loob, h’wag na.”             Natigilan ito’t kataka-takang nag-iwas ng tingin. Ngunit hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mild blush na um-appear sa mukha ni Jesse. Napangisi siya. In fair view, matagal na rin siyang walang napapa-blush!             Maglalakad na sana silang muli nang mamilog ang kanyang mga mata nang makita niya kung sino ang nag-iisang nilalang na makakasalubong nila sa pasilyong iyon. Mukhang nagliliwaliw din ang kupal…              “Oh no,” sabay hila niya sa balikat ni Jesse. “Liko tayo sa kabila.”             “Huh? Bakit?” litong tanong ni Jesse sa kanya.             “Kasi may makakasalubong tayong impakto kaya dapat dumistansya na tayo kasi sigurado mawi-windang ‘yang sistema mo.”             “Did I just heard my twin calling me impakto?”             Napairap siya pataas. Speaking of…             Kunot-noong binalingan ni Jesse si Edge na nakarating na sa kanilang kinatatayuan. Nagpapalit-palit ang binata ng tingin mula kay Edge at kay Cattleya. Ilang beses sila nitong tinignan bago ito nakahuma sa pagtataka. “You’re twins?”             “Fraternal,” Cattleya answered, slightly bitter na kambal nga sila.             “E-eh?”             Pabuntong hiningang napairap si Edge. “Slow. What are you anyway?” maangas na tanong ng kanyang kambal na inangilan ni Jesse.             Cattleya was amused. Jesse sounded a bit like an Alpha when he growled. Hindi niya napigilang ngumisi kay Edge na umingos at umangil din.             “Stand down!”             “Why would I stand down?” matapang namang asik din ni Jesse na isasarado sana ang distansya nila ni Edge kung hindi pumagitna ng tuluyan si Cattleya.             “Okay, kalma lang tayo, mga brad. Jesse,” baling niya sa binata na binigyan naman siya ng atensyon. Mas madali pa yatang kausap ito kaysa sa kapatid niya, ah. “H’wag mo nang pansinin ‘yang si Edge. Calm down, you guys. Panget namang tignan kung bigla na lang kayong magshi-shift dito at magsasakmalan ‘di ba? Kalma lang, may bukas pa.”             “Sino ba ‘to?” nguso ni Edge kay Jesse habang si Cattleya ang binabalingan. “H’wag mong sabihing bago mong suitor ‘to? Seriously, Cattleya? ‘Di ka pa ba napapagod? Ako pagod na pagod na, tumigil ka na.”             “Kailan ka ba mamamatay, Edge?”             Ngumisi ang kanyang kapatid. “Prob’ly kapag nauna ka.”             “Well, hold your breath, brother. Werewolf ka lang, mutt, I can turn you into a frog orrrr…” she smirked at binigyan ng pataas-babang tingin si Edge. “seal your wolf instead!”             “Conceited she-wolf!”             “Inggit ka lang kasi ‘di ka special.”             “Kesa maging special child gaya mo, thank you very much, saksak mo sa baga n’yo ‘yang pagiging special n’yo.”             Bumunghalit ng tawa si Cattleya nang bigla’y tumalikod si Edge at nag-walk out. Amused namang nanonood si Jesse at takang nagtanong: “What on earth was that?”             Natawa lalo si Cattleya. “Wala ‘yon, naglalambingan lang.” BEEP-BEEP! Beep-beep!             Kasalo niya noon si Edge sa pagkain nang tumunog ang kanyang telepono na nasa bulsa ng pantalo niya. Inilabas niya iyon at tinitigan ang caller ID. Tumatawag ang kanyang Kuya Rain. Nakakapagtaka. Ang alam niya’y may pack business si Rain sa bayan malapit sa Alexandria. She couldn’t remember exactly where but it baffled her that he’d call her while on the middle of pack business.             Hindi naman kasi ugali ng kapatid niya ang ganoon. Unless urgent ang sasabihin nito sa kanya.             “Cattleya!” Edge groaned. “Sagutin mo ‘yan, hindi magsasalita ‘yan sa titig mo.”             Inirapan niya ang kakambal at saka sinagot na agad ang tawag. “Yes, Kuya?” sabay subo niya sa huling slice ng melon fruit sa kanyang plato.             “Hey, Cattleya. Can you do me a little favor, sweetheart?”             “Yes, sure. May problema ba, Kuya?”             “Something happened, we need you here at Cameron. We need your powers, can you go? Wala ka namang ibang gagawin ngayon, ‘di ba?”             Saglit lang siyang nag-isip. “Wala naman so far. Saan ba sa Cameron?”             “At the Shadow pack.”             Oh, great.             Sa dinami-dami naman kasi ng lugar na pupuntahan niya, kailangan ba talagang sa pack pa ng dating mate niya? Meron bang signboard sa kanyang noo na nakasulat na “SIGE LANG, ILAPIT N’YO LANG AKO KAY SEIGE GRAY, OKAY LANG!”             The last time Cattleya checked, wala naman.             Eh ba’t sila ganyan? Nananadya, nananadya? Kainis, ah. Kapag ako napuno, gagawin ko na talaga silang palaka lahat!             Pero dahil wala naman siyang choice at legit namang call of duty ang kanyang sasadyain sa pack ni Seige, pinili na lamang niyang isantabi ang kanyang inis sa sitwasyon.             “Okay. I’ll be there in thirty.”             “Thanks, Cattleya.”             The call ended. Binalingan niya si Edge na nakatingin sa kanya at blangko ang ekspresyon. Alam niya namang narinig nito ang pinag-usapan nila ni Rain. He’s a werewolf after all.             “Sama ka?”             Tumango ang kapatid niya. “Just to make sure you won’t kill the guy, let’s go.”             “Hindi ko siya papatayin,” nakasimangot niyang tanggi.             “How sure are we?” sabay ngisi nito bago tumayo. “Pareho naman nating alam kung gaano kalaki ang galit mo kay Gray.”             “Talaga lang, ah? ‘Di ka ba natatakot, Edge? Mas malaki kasi ang grudge ko sa ‘yo kaysa sa grudge ko kay Seige.”             Ngumisi si Edge at nanunuyang sumipol-sipol. “There’s a she-wolf in disguise, coming out, coming out, coming out!”             Inis na hinabol niya ng bread knife si Edge hanggang sa garahe.             Pagkatapos ng lambingan nila ng loko-loko niyang kambal, they drove to the hills of Alexandria upang makalabas ng border nito at makarating naman sa bayan ng Cameron. Nakiangkas lang si Edge sa sasakyan. Hassle kasi kung convoy pa silang magkapatid. Matapos ng dalawang beses nilang pagkakaligaw, narating nila ang teritoryo ng Shadow pack.             Namataan niya na kaagad ang mga lalaking nagbabantay ng perimeters nito sa unahan nang ihimpil niya ang sasakyan sa tabi. Lumapit sila sa isang mukhang mas bata. Cattleya was silently praying na hindi ito biglang mag-shift at dambain sila ni Edge ng. Matatapang pa naman ang mga werewolf sa Shadow pack.             “Hi, I’m Cattleya Jensens! Nand’yan ba si Kuya Rain sa loob?”             Tinignan siya ng lalaki mula baba paitaas. Naringgan niyang umangil ang aso sa kanyang likuran. “Her face is up here, not down there. And for the record, my dear twin, I am a werewolf and not a dog.”             Cattleya amusedly looked at Edge. “Wow. Nabasa mo ang nasa utak ko?”             “Hindi, hindi! Narinig ko. Sira ulo, natural! Kambal nga kita, eh.”             Nanghaba ang nguso niya. “Ang hayblad nitong taong ‘to. ‘Di na mabiro!”             “Tama na nga ‘yan,” sabad na ng lalaking pinagmamasdan ang kanilang pag-aaway. “Pumasok na tayo. Kanina ka pa hinihintay sa loob.”             Sinamahan sila ng lalaki sa loob. Nagpalinga-linga sila ni Edge sa pack territory ng Shadows. Hindi pa naman kasi nakakapunta ang kakambal niya rito kahit na minsan. Ni hindi pa nga rin nito nakakausap si Seige kahit na isang beses lang, eh. But ironically, kumukulo ang dugo ni Edge kapag nakikita ang Alpha na iyon. Pwede namang dahil sa nangyari sa kanila ni Seige. But her Kuya Rain got over that eventually.             Huminto sila sa entrance ng pack mansion. Palihim na huminga siya ng malalim bago sundan ang werewolf na pumasok doon. Nakasunod sa kanyang likuran si Edge.             Nakita niya na kaagad sa malayo palang si Spade na nakasandal sa railing ng hagdanan. While Raphael and Rain are in their wolf form surrounding a big mutt who is bleeding profusely. They are growling to the wolf na inaangilan din sila pabalik. Napansin niyang walang tao sa living room kundi sila-sila lang kasama sina Seige at ang Beta nitong si Dex.             “What’s going on?”             Kay Cattleya nabaling ang atensyon ng lahat maging ang werewolf na parang pinapatay siya sa tingin. Agad na humarang si Edge sa unahan niya, which is normally what her twin does when he senses danger that threatens her safety. Ngunit ang nagpawindang sa kanya ay ang paglalagay sa kanya ni Seige sa likuran nito at ang pag-angil ng binata sa lobo na para bang binabalaan nito iyon.             Nagkatinginan sila ni Edge, parehong lito sa ginawa ng Alpha. But she chose to ignore that. Sa halip ay nagkomento siya sa inaasta ng ‘di kilalang lobo.             “That’s weird. Ba’t parang gusto niya akong patayin? Wala pa naman akong ginagawang masama.”             “Ayaw niyang mag-shift, Cattleya,” wika ni Spade na nakasandal pa rin sa railing pero mukhang alarma rin sa maaaring maganap. “We need you to force him to shift into his human form so we can gather informations on him.”             “Oh okay, that’s easy.”             Pinagmasdan siya ng lobo, ang angil nito’y nagba-vibrate sa dibdib nito. Cattleya took a deep breath before bringing her hands together under her chin. She pictured him in her brain as she close her eyes. Naririnig niya ang mga buto nitong nababali. The constant whimper of  pain. Unti-unti, his human form showed up. Pagdilat niya ng kanyang mga mata’y nakahiga ang lalaking nasa mid-thirties na at hubo’t hubad.             “Done.”             Spade threw the man a blanket. May sugat ito sa mid-section, isang malalim na hiwa na sa tingin niya’y kagagawan din naman ng Black Beasts.             “Dex,” bumaling si Seige kay Dex and by the sound of it, naka-Alpha mode ang loko. “Get the others, tell them to tie this bastard down the basement. I’ll deal with him later.”             Tumango si Dex at tumalima.             “Cattleya?”             Napalingon si Cattleya sa gawi ng hagdanan. Napakunot siya ng noo nang makita si Jesse pumapanaog.             “What on earth are you doing here?” tanong niyang namimilog ang mga mata.             “Hindi ba dapat ako ang nagtatanong n’yan? Anong ginagawa mo rito? You’re not a member of this pack, are you?” pagkatapos ay biglang nanlaki ang mga mata nito na tila may napagtanto “Or are you? Tell me, bago kang member? Oh finally! There’s somebody that isn’t as annoying as Seige in here!”             Bago pa man makapagsalita si Cattleya ay tumakbo na si Jesse para yakapin siya. Kasabay ng pagngisi ni Edge ay ang biglang pag-angil ni Seige mula sa kanyang likuran. “Don’t touch her!”             Agad na kumalas si Jesse at tinapunan ng matalim na titig si Seige. “I can touch Cattleya whenever and however I want to.”             “You piece of s**t!” Naririnig ni Cattleya kung gaano kagalit si Seige noong mga oras na iyon. She can even seriously hear the wolf inside him howling in agony and anger. Luh. What’s going on?             Jesse smirked. “After all, not all women will throw themselves to you like Sharmel and these other tramps in this pack does. Ibahin mo si Cattleya. Hindi siya kagaya ng iba.”             Aba infairness may punto siya ro’n.             “You don’t know what you’re sayiing, little brother. You don’t know Cattleya at all.”             Namilog ang mga mata niya nang marinig ang isang salitang iyon na nagpawindang sa sistema niya. Little brother? Kapatid ni Seige si Jesse? Susmaryosep, bakit hindi niya naisip na posible iyon?             Huli na nang mapansin ni Cattleya ang pagtataka ni Jesse nang bumaling sa kanya. Saka lang noong narinig na niya ang tanong nito.             “What is he saying, Cattleya?”             Nangunot ang kanyang noo. “Huh?” Inalala niya ang sinabi ni Seige. “Ay, iyon ba? Ang ibig sabihin ni Seige, hindi mo ako kilala kasi hindi mo alam kung gaaanoo kalaki ang galit ko r’yan at gaano katagal na akong galit sa kanya. ‘Wag kang nakikinig d’yan sa kuya mong may tama sa utak.”             Seige’s face fell. Tinignan pa siya nito na para bang ibig pang umapela sa kanya. Nagkibit lamang siya ng balikat. Samantalang si Jesse ay ngumisi pa na tila nagmamalaki sa kapatid.             “See that? Just back off, Seige.”             Bumuntong hininga si Cattleya’t babalingan sana si Edge para silipin kung nakangisi ba ito sa amusement sa nagaganap o tumatawa na ngunit sa halip ay nag-alala siya nang makita niyang nakatulala ang kapatid at nakatingin sa sahig na parang nakikipag-usap ito roon.             Napakunot si Cattleya ng noo. “Edge? Okay ka lang? Inaaway ka ba ng sahig? Sabihin mo sa akin, papaluin natin ‘yan.”             “I-I’m alright but can we go now? I don’t feel well.”             “Why? Anong—”             “Seige! Hey, baby!”             Nagulantang na lang ang inosenteng mga mata ni Cattleya nang sumulpot ang isang babae na yumakap sa baywang ni Seige mula sa likuran.             She heard the internal groan of almost everybody in the room. Nakakunot lang siya ng noo sa pagtataka. And then she saw the mark. Kupas iyon ngunit hindi maitatangging marka iyon ni Seige.             Napatalon siya sa gulat nang marinig niya ang malakas na angil ni Edge mula sa  kanyang tabi. Parang galit na galit ito. Nang tignan niya ng mabuti ang kapatid, nakita niyang unti-unti nang nagiging itim na ang hazel brown nitong mga mata, senyal na malapit nang angkinin ng lobo nito ang anyo ni Edge.             What the hell?             “Edge! Calm your ass down, what’s going on?”             Nakatingin lang si Edge kay Seige na nagtataka pero mukhang galit din dahil sa paraan ng pagtitig ng kanyang kakambal. He’s still an Alpha although weak, but nevertheless an Alpha. He’s still capable when provoked.             “Edge?” untag niyang muli sa kapatid.             “No…” nadinig niyang bulong ng babae sa tabi ni Seige na anyong gulantang din at nakatitig kay Edge. May kakatwa sa mga mata nito, sa ekspresyon. Cattleya felt like she’ve seen those things before.             Hindi nagtagal, a light bulb seemed to flash at the top of her head. Namilog ang kanyang mga mata.             Oh for heaven’s sake! Don’t tell me…             “Mine!” And Edge confirmed Cattleya’s suspicion as he muttered those four letters letting his wolf took over him.             Cattleya groaned at napatingala na lamang sa langit. “Dear Mom, seryoso? May galit ka ba sa akin no’ng ipanganak mo ako?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD