Marked Mate

3319 Words
4th Blood: Marked Mate MABILIS na umalis si Cattleya sa gitna ng dalawa when Edge shifted impromptu. He jumped at Seige’s human form and stepped on his throat. Seige is weak and they really don’t expect him to fight kaya’t hindi na siya na-disappoint nang hindi niya ito makitang lumalaban.             “Edge! Get off of Seige! Now!” pasigaw na utos ni Rain.             Napabuntong hininga na lamang siya. This drama. Cattleya’s brother being mates with the woman Seige marked in replace of her. Seriously? Bakit biglang naging komplikado? Iyong ibang werewolves na kilala niya lalo na iyong mga nasa pack ay ang simple lamang ng love story. Boy and girl meets, may sparks, nag-mate sila, nagpakasal, nagkaanak, happy ever after na.             Okay lang sana kung iyong sa kanya lang ang roller coaster ang takbo, eh. At least ay kaya niyang remedyuhan. Sorceress siya, eh. Pero kay Edge… anong magagawa n’yan eh tanga ‘yan?             “No! H’wag! Seige, h’wag!” narinig nilang sigaw ng babae na napagtanto niyang umiiyak na.             But that didn’t stop Seige from shifting into his wolf form and attacking Edge. Napa-facepalm si Rain. Pasimple naman itong si Jesse na tumabi kay Cattleya at nakitsismis. “What’s going on?”             “Pinag-aawayan nila si Harry Potter,” namimilosopo niyang sagot dahil sa inis.             “Eh? Talaga?”             Napangiwi siya’t napairap. “I’m joking, relax.”             “Hindi nga kasi? Anong nangyayari?”             “Edge and that woman, whoever she is, he’s his mate.”             Namilog ang mga mata ni Jesse. “Sharmel?”             Oh. Sharmel ang name. In all fairness, ang ganda ng name. Sana name ka na lang. “Yeah, siya nga. I don’t understand though.” Nagkunwari siyang nagtataka. “She’s marked. So paano niya naging mate si Edge?”             Tumawa si Jesse ng mahina habang sinusuklay nito ng kamay ang maikling buhok. “That’s because my brother is an asshole.” Naku sinabi mo pa. “He found Sharmel at some random wolf party before. He uh… had s*x with her gaya ng pang-karaniwan na niyang ginagawa. He told Dex na magaling sa kama si Sharmel and she satisfies him so he’s going to keep her. But one day nine years ago, we just saw Sharmel wearing his mark.”             “Oh. They… didn’t think na baka may mate si Sharmel or something?”             Nagkibit ng balikat si Jesse. “I don’t know. Both their mates are a mystery to us. Well not until now na kambal mo pala ang mate ni Sharmel. Sigurado akong walang nakahandang plano ‘yang dalawa tungkol sa kung anong mangyayari ngayon. We’re even thankful na hindi pa nakikita ni Seige ang mate niya. Paniguradong gulo ‘yan kapag nagkataon.”             Sus, hindi rin.             “Malay mo, natagpuan na ni Seige ang mate niya but being an asshole that he is, he rejected her and proceeded to marking Sharmel. Because from what I see with Seige, his wolf is not coordinating with him anymore, palatandaan na humihiwalay na sa kanya ang wolf niya because of his mate also drifting away from him,” paliwanag niya kay Jesse habang sinusundan ng tingin ang itim na lobo na inihagis ng kulay abong lobo ni Edge sa pader.             Nakita niyang tumango si Jesse. “May point ka. Pero hindi niya pwedeng i-reject ang mate niya, Cattleya. Being an Alpha, he’s too strong… at magiging kabaliktaran ‘yon kapag wala siyang mate. Magiging mahina siya kabaliktaran ng kung gaano siya kalakas ngayon.”             “Ngayon ba… hindi pa rin siya nanghihina?”             Saglit na nag-isip si Jesse ngunit sa huli’y nagkibit din ng balikat. “I don’t know. Hindi ko naman siya tsinetsek. Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya.”             Tumango lang si Cattleya bilang pagsang-ayon.             The fight continues. Umiiyak lang si Sharmel sa tabi. Nakikita niya na gusto nitong patigilin si Seige dahil baka masaktan ni Seige si Edge. Nagre-relax kasi ang babae kapag nakakabawi ng damba si Edge. Napaka-biased din pala nitong babaeng ito. May marka nga ni Seige, all out support naman kay Edge. Kaloka lang.             Mayamaya lang ay nagsawa na siyang tumingin. Hindi naman kasi titigil ang mga iyan, eh.             “Cattleya! Don’t!” pasigaw na warning ni Spade nang mag-umpisa siyang humakbang na hindi naman niya pinansin.             Akma nang sasakmalin ni Edge si Seige na nanghihina na sa kanyang palagay nang bigla siyang lumapit. Hahawakan niya sana si Edge sa balahibo nito ngunit sa kanyang sorpresa’y sinakmal nito ang kanyang palapulsuhan at kakagati. Mabuti na lamang at bago pa lumalim ng tuluyan ang pangil nito sa kanyang balat ay nahigit niya kaagad ang braso.             “What the hell, Edge!” pasigaw niyang bulalas. “Do you really have to do that, you idiot?”             Sinagot siya ng angil ni Edge. Sinuri niya ang kagat, nagdurugo iyon. Inakmaan niya ng sapak ang kapatid. “Gago ka! Hindi ka pa man din nagtu-toothbrush, paano kung magka-rabies ako?”             Bago pa man sila makahumang lahat ay biglang bumangon si Seige at naihagis nito si Edge sa hagdanan. Tumama ang kanyang kakambal sa railing. Susundan pa nga sana ng Alpha ito kung hindi lamang naharang nina Raphael at Rain ang kaibigan. Si Sharmel naman ay tumakbo patungo kay Edge na lalong ikinawindang ni Cattleya.             Susmiyo, para nang roller coaster ito. Hindi ko na mapagtugma-tugma ang mga kaganapan!             “Guys? Can someone give me an aid here? Maghihintay pa ba tayong mamatay ako rito?”             In an instant, nasa harapan niya na kaagad ang lobo ni Seige. Okay, with addressing the ‘guys’ hindi ko naman siya ininclude kasi it’s evident, wolf siya ngayon. Hindi siya guy. Tinawag ko ba siya?             “What?” mahinahon naman ang pagkakasabi niya niyon ngunit hindi niya pa rin naiwasang tanggalin ang inis sa kanyang tinig.             The wolf stared at her, its eyes looked like it was begging for something she didn’t understand. Sa sobrang katahimikan, dinig na dinig niya ang pagpatak ng dugo sa sahig na mula sa sugat niya sa kanyang palapulsuhan. Hindi niya maialis ang titig niya sa mga mata nitong kulay hazel blue na kulay rin ng mga mata ni Seige kapag nasa human form ang binata. Hindi ito makalapit sa kanya ng sobra sa rasong hindi niya rin alam. And as if it noticed that too, he whined at her na tila ba nagpapaawa.             “Ouch, kuya!” Bigla niyang hiyaw nang buhusan ng kung anong likido ni Rain ang sugat niya sa pulso.             Seige growled at Rain loudly na parang galit na galit. He must have felt her pain. Hindi nga lang alam ni Cattleya kung paano mangyayari iyon.             Nagpatuloy si Rain sa ginagawa. “Chill, dude. I’m nursing her wounds, just a bit of pain, she’s gonna be fine.”             Seige whimpered. Something stirred from Cattleya’s insides. Hindi niya tuloy alam kung anong mararamdaman. But she had to divert her attention so she turned to look for Edge on the stairs. Mukhang bugbog lang ito ngunit wala namang kahit na anong sugat. Sharmel is there and they were talking about something. Edge was looking like he wanted to rip somebody’s head.             This is probably going to get more ugly.             “Kuya…” malungkot niyang untag sa nakatatandang kapatid habang pinagmamasdan ang palitan nina Sharmel at Edge. “This is… unfortunate. This whole situation with Edge, I mean.”             “Think you can… uhm… perhaps do something?” pabulong na tanong ni Rain na malamang ay itinatago kina Edge at sa iba ang conversation. Ang lobo ni Seige lamang ang tanging nakakarinig niyon.             “Kuya… she’s marked.”             “Nothing you can do about it?”             “The mark is fading though…”             “What does that mean?” may himig ng interes si Rain.             “There’s no bond. It’s just that the mark is an Alpha mark so it’s hard to diminish. If Edge can claim her, overpower the Alpha mark, I think it’s going to be fine. That’s the only solution I can come up with.”             Rain narrowed his eyes on her. “Really?”             Nakasimangot na binalingan niya ng tingin ang nakatatandang kapatid. “Kung sisimulan nila ang mating process, the bond that the stupid mark created between her and Seige can vanish because the bond that Edge and her will have can overpower the fake one. Alpha rin si Edge, Kuya, he has a pure Alpha bloodline. Malakas rin ang magiging hatak ng mark niya not to mention that he is Sharmel’s original mate.”             “That’s the hard way, Cattleya. Alam kong may iba pang paraan.”             “That other option is disregarded. Kung hindi niya susubukan ang sinasabi ko, pasensyahan, pero wala nang ibang paraan.”             Napatingin si Cattleya kay Seige na nakatitig din sa kanya. His gaze pierced right through her. Like he’s telling her something. Like he’s begging for… freedom. “SERIOUSLY, Edge? First you fuckin’ bit me then you took my keys and now you’re asking me to stay here with you! Nababaliw ka na ba? Anong kagaguhan ba ‘yang pumasok sa utak mo? H’wag ka ngang haling!” bulyaw ni Cattleya sa kapatid na hindi alintana kung dinig sila ng ibang mga miyembro ng Shadow pack.             “Hindi ko pwedeng pabayaan si Sharmel dito! Anong gusto mong gawin ko? Iwanan siya? Sira ka ba?”             “But at least! Kahit ako na lang ang pauwiin mo! Hindi ko naman binalak na mag-overnight dito! Hindi ‘to resort, Edge! Pack ‘to ng pinakamarami at pinakamalalakas at pinaka-brutal na taong-lobo sa buong bansa! Wala akong balak magpalapa sa mga ‘yon!”             “Sino bang may sabing kailangan mong magpakain sa kanila? Gusto ko lang mabantayan si Sharmel, Cattleya. Makisama ka naman!”             Aish! Ang bobo! Ang bobo-bobo niya!             “Naririnig kita!” inis nitong sigaw sa kanya nang marahil ay marinig ang mga iniisip niya.             “Bobo ka naman talaga!” isinatinig niya ang kanyang ipinagngingitngit. “Alam mong hindi mo rin mababantayan ‘yang babaeng ‘yan dahil wearing Alpha Seige’s mark means being with him, being beside him, and sharing a room with him twenty-four seven!”             Mukhang nabuhusan ng malamig na tubig ang kapatid niya. Napangiwi siya’t napailing. Seryoso? Dapat alam na niya ‘yon kanina pa. “You know what, Edge? I better go.”             “What? Cattleya!”             Cattleya stormed out of the room at pababa ng mahabang hagdanan ng mansyon na iyon. Okay lang na mag-commute siya o kaya ay maglakad. Makaalis lang siya ng pack na ito. Hindi na niya kailangan ng susing kinuhaan ni Edge.             Kasi naman! Kailangan ba talaga siyang madamay sa sarili nitong problema? Hindi niya naman kasalanan kung nagkanda-buhol-buhol ang sitwasyon nang dahil sa kagaguhan ni Seige, eh! Biktima lang din naman siya!             “Cattleya!”             Naramdaman niyang kasunod niya ang kakambal kaya’t nagtuloy-tuloy siya sa mabilis na paglalakad hanggang sa may makasalubong sila. Hindi niya na tinignan kung sino iyon ngunit huminto ang mga ito sa gitna ng hagdanan.             “Cattleya! Hindi ka pwedeng umalis!”             “Ah ewan ko sa ‘yo! Kambal lang tayo pero hindi ibig sabihin no’n lulutasin ko ng lulutasin lahat ng gulong papasukan mo especially when it involves mating! Grow some balls!”             To Cattleya’s surprise, bigla siyang hinila ni Edge sa may baywang at hinatak pabalik. Ngayon ay kaharap na nila sina Seige, Sharmel kasama si Dex na parang gusto silang tawanan sa kanilang itsura. She glared at Dex na agad namang nagtikom ng bibig.             “Can we talk? Us four?” mahinahong tanong ni Edge kay Seige.             Binalingan niya ng matalim na titig si Edge. Bakit pati ako?             “Because you know how to remove the mark,” pabulong na sagot ni Edge na wala rin namang kwenta sa palagay niya dahil maririnig din iyon no’ng tatlo.             “Upstairs, in my office,” Seige answered, the Alpha’s tone full of authority.             “I know when I’m not needed,” Dex grinned before waving goodbye at them.             Naunang umakyat sina Sharmel at Seige. She briefly wondered kung bakit iyong sweetness na ipinakita ni Sharmel kay Seige noong umaga’y biglang nawala. Was it an act or something? They said she had Seige in her pretty little finger. What happened? That doesn’t seem to be the case now.             Pumasok sila sa isang kwarto sa third floor. Nginitian siya ni Sharmel nang manatili ito sa may pintuan upang i-lock iyon. Hindi alam ni Cattleya kung maiinis siya o hindi. Come to think of it, baka naman kasi wala itong alam?             Naupo sina Edge at Sharmel sa mga silyang opposite ng desk ni Seige. Si Seige ay naupo sa sarili nitong swivel chair. Si Cattleya’y pumwesto roon sa bintana na medyo malayo sa tatlo. She stared outside the window, watched as the trees swayed with the wind. Mukhang uulan pa.             Pambihira. Pakipaalala nga kung bakit ako nandito?             “State your need,” narinig niyang wika ni Seige.             Tumikhim si Edge. “The mark. My twin knows how to remove it.”             Ilang saglit na katahimikan bago mapait na napatawa si Seige. “Oh really? Then remove it.”             Napabuntong hininga si Cattleya, pilit na pinipigilan ang sariling suntukin ang bintana sa inis. “I said what you have to do, Edge. That’s it.”             “Hindi ko papatungan ang marka ni Seige, Cattleya. Nababaliw ka na ba? That would be freakin’  disgusting, okay! You know a werewolf’s territory when you see a mark, it is so very inappropriate to mark it!”             Cattleya spun around to look at them. Seige was just sitting in there with no emotion in his face. Samantalang kasalanan naman nito ang lahat!             Si Edge ay nag-aapoy na sa galit. Bumuntong hininga na naman siyang muli. “If you want to remove the f*****g mark then ask Seige to remove it so the mark won’t get back!”             “What?” naguguluhang tanong ng kanyang kapatid. “Hindi kita maintindihan.”             Siya na sana ang magpapaliwanag nang makita niya si Sharmel na kumilos at kinuha ang kamay ng kanyang kakambal. “I-It’s… it’s complicated, Edge.”             “Wala akong naiintindihan.”             “The mark is kept via physical contact.”             Nangunot lang lalo ang noo ni Edge bago tumingin kay Cattleya na parang nagtatanong. She rolled her eyes heavenwards at kulang na lang ay magtawag siya ng santo para makaalis na sa lugar na ito. “Don’t you understand? The mark is kept intact because of constant s****l intercourse! That’s why you have to ask Seige to let her go!”             Though I doubt he will.             Agad na napatayo si Edge sa galit. Tinitigan nito ng matalim si Seige. Muli siyang napahinga ng malalim. Ano ba naman kasing maitutulong no’n?             “Ikaw nga, Edge, mag-ingat-ingat ka nga ng kakaangil mo r’yan kay Seige,” inis niyang babala sa kapatid. “The last time you pissed him off, you were thrown against a huge staircase. You might want to be a bit careful in dealing with the guy.”             “He’s weak!” he said growling. “What else can he do?”             “Uhm… throw you out of Cameron?”             “Oh c’mon! Tsamba lang ‘yong kanina!”             “When he jumped up earlier, it was like he’s got the strength of a hundred werewolves all put together! Tsamba ba ‘yon? Tanga!”             “He was just that strong because I accidentally bit you!”             “Then don’t bite me, idiot!”             “Then stay the hell away from the fight!”             Biglang tumayo si Seige at nagdabog sa mesa saka bumulyaw na pare-pareho nilang ikinagulat. “Shut up! Shut up!”             Naitikom ni Cattleya ang bibig. Tumayo si Seige at tiim-bagang na naglakad papunta sa pintuan at saka binuksan iyon. “You figure yourself what to do with your lives. I don’t give a damn whatever it is. I will do what I want when I want it. You all deal with that!” pagkatapos ay lumabas ito ng silid at iniwan sila roon.             Pabuntong hiningang napairap si Cattleya. TAHIMIK na ang gabi. Cattleya refused to have another room so she shared one with Edge. Nag-aalala kasi siya na baka kung anong gawin nito. Ang lakas ng kabog ng puso niya habang nakahiga at nakikiramdam. Malalim na ang gabi. At sa malalim na gabing iyon, hindi mapakali ang kambal niya.             Sabi nila’y soundproof daw itong mga kwarto. Pero malinaw na malinaw sa panding nila ang mga ungol at daing ni Sharmel mula sa kung saan mang silid iyon. She saw Edge gripping the bed sheet. Nakaramdam siya ng awa para sa kanyang kapatid. Pero hindi niya rin naman alam ang gagawin at ayaw naman nitong subukan ang ipinagagawa niya rito. Marka ni Seige ang aalisin nila. Marka lang ni Seige.             Kung tutuusin, kaya ni Cattleya sa isang pitik na alisin ang markang iyon. But she disregarded that option as soon as it was brought up and she’s quite glad na hindi alam ni Edge ang tungkol doon. Ngunit sa isang banda, may parte sa kanyang parang pinag-iisipan iyon dahil sa nakikita nitong kalagayan ng kakambal.             “Stop!” They both heard that muffled scream. “Oh my God, Seige, stop! It’s hurting me, stop!”             Lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso nang tumayo si Edge. Hinabol niya ang kapatid at humarang sa pintuan. His eyes were dark now. His teeth are clenched. “Step aside, Cattleya.”             “Edge, you’re going to kill yourself. Hayaan mo na sila.”             “Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Cattleya? That’s my mate in there! He’s hurting her!”             “That couldn’t be possible. Hindi man mate ni Seige si Sharmel, he marked her. So kahit na kakaunting bond lang ay meron pa rin sila. He won’t hurt her, he will feel the pain kahit pa kaunti lang. Hindi natin pwedeng husgahan ang sitwasyon nila dahil sa sigaw na ‘yon. You know couples who engages in s*x. That’s just normal.”             “Don’t fool yourself and don’t fool me. Sharmel is my mate! I can feel her pain, I can sense it, I can hear it! Step aside, Cattleya! Now!”             Wala na siyang nagawa nang lagpasan siya nito’t umalis mula sa silid. She sat on the bed, thinking of endless ways to remove that mark so they can be together.             But who is she kidding? Kailangan na niyang ma-involve kung ganoon nga.             “What…” Namilog ang mga mata niya nang makita niyang nakabalot lang ng puting kumot si Sharmel na inaalalayan ni Edge papasok ng kwarto. Umiiyak ang babae. And although hindi na siya taong-lobo, Cattleya can still smell the faded scent of arousal from Sharmel.             Maybe Edge was right. When you’re mates, the link will make you feel the pain and the agony that your other half feels. That’s what mates are after all. They are connected and inseparable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD