Linger

3288 Words
5th Blood: Linger “CATTLEYA!”             Napabuntong hininga si Cattleya. Mabuti pa si Jesse, pakaway-kaway na lang.             Pinilit niyang ngumiti kahit wala sa mood ang drama niya ngayon. Pero dahil umaga naman na… rise and shine, Cattleya!             “Hey, good morning. What’s up?”             Sinapit na ni Cattleya ang huling baitang ng hagdanan kung saan nakatayo si Jesse at nakangiting naghihintay sa kanya na tuluyang makapanaog. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-get over sa fact na kapatid ito ni Seige. Ang layo much. Hindi talaga halata, eh.             Sabagay. Sila rin naman ni Edge, hindi halatang kambal.             “Heto, katatapos lang ng run. Ano nga palang nangyari kagabi? Okay na ba ang lahat? I saw Sharmel with Edge this morning. Hindi na ba si Sharmel ang Alpha female ni Seige?”             Ipinilig ni Cattleya ang ulo. Technically, kahit naman kasi noong simula, hindi naman talaga si Sharmel ang Alphiya ng Shadow pack.             “If you still see the mark it just means that you still have her as ‘temporary’ Alphiya.”             Jesse sighed disappointedly. “I wish the Alphiya isn’t as annoying as the Alpha. Mas matutuwa sana ako kung hindi isang parausang babae ang mate ni Seige. At least mas organized itong pack. Mas… soft. Mas peaceful.”             Kunot ang noo niyang pinaningkitan ng mga mata si Edge. “Uh… hindi ko na-gets iyon.”             “Seige runs this pack by fear, Cattleya. That’s what I hate about it. Aangat ka lang kapag isa kang brutal na taong-lobo na walang kunsensya sa pagpatay. Kapag out of control kagaya ni Seige. Mapapansin lang rin ang mga babae kapag minsan kang naging parausan ng Alpha. That’s how the way it is and honestly it’s annoying. Kung pwede lang akong umalis ng pack na ‘to, matagal ko nang ginawa, Cattleya.”             Agad niyang tinapik ang balikat ni Jesse, nakisimpatya. “Hey. Dito ka ipinanganak ng mga magulang mo. You should be proud na myembro ka ng pack na ito, Jess.”             “Paano ka magiging proud sa ganito? Your Alphiya is a mere bedwarmer of your manwhore Alpha. Seriously? Nasaan doon ang mga bagay na dapat ipagmalaki?”             Naihinto niya ang pagtapik kay Jesse. Sa loob-loob ay napangiwi rin siya. Oo nga naman. Kaya’t sa huli’y hindi na siya nakasagot. Ano naman kasing sasabihin niya?             “Just… don’t think about it so much. Malay mo, eventually mamamatay rin ‘yang si Seige ‘tapos since ikaw ang next in line sa Alpha de makukuha mo ang posisyon. Gusto mo nga tulungan kitang i-assassinate si Seige, eh.”             Tinignan siya ni Jeesse na parang sinabi niyang nakasalubong niya si Incredible Hulk sa labas sa sobrang pagkagulat nito.             Eh totoo naman, eh. S’yempre matulungin akong tao. Kung kailanganin man niya ng tulong ko, I’m more than willing to help him. Lalo na kapag ang usapan eh assassination ni Seige. Pak ‘yon!             “You’re serious?” namimilog ang mga matang pagkumpirma ni Jesse.             Sumenyas siya ng peace sign gamit ang kanyang daliri. “Kidding. Pero seryoso ‘yong offer—kung gusto mo lang naman,” kunwa’y pahabol niya pa.             “Geez, you’re unbelievable!”             Napangisi siya’t napailing-iling.             “Morning, dude!” pasigaw na bati ng magkasabay na tinig mula sa likuran nila ni Jesse.             Lumingon siya. Napakurap si Cattleya ng dalawang beses dahil pakiwari niya’y naduduling siya. Magkamukhang-magkamukha ang dalawang lalaking bumababa mula sa hagdanan. Magkaiba lang ng kulay ang suot nitong mga damit. Napansin yata ni Jesse ang kanyang reaksyon kaya’t napatawa ito ng bahagya.             “S’ya nga pala, mga kaibigan ko, Cattleya. Sina Kurt at Turk. I know funny, don’t laugh.” Ngunit huli na dahil napatawa siya sa pangalan ng ngayo’y napagtanto na niyang kambal na magkapatid. “Guys, si Cattleya, kaibigan ko sa school. Sa Black Blood rin nag-aaral ‘tong dalawa, eh. ‘Di lang masyadong nagpapakita. Busy sa… alam mo na.”             Tumango-tango si Cattleya, pilit sinisino sina Turk at Kurt.             “You know, bro, pakiramdam ko kilala ko siya,” wika ng sa tingin niya’y si Turk habang titig na titig ito sa kanya.             “Oo nga, eh,” pagsang-ayon din ng kambal nito. “Teka… siya iyong nasa bangin no’ng gabing ‘yon! ‘Yong magandang babae na sabi mo parang mate mo? Naalala mo ‘yon, Jesse?”             Tumingin sa kanya si Jesse na maang na maang ang reaksyon at pilit na inaalala ang gabing iyon. Cattleya understood then. Sila iyong mga lobo na nasa bangin noong gabing una niyang salta sa Dreasiana Colony. Kaya’t pamilyar sa kanya si Jesse dahil nakita na nga niya pala ang wolf form nito.             “No s**t sherlock! Ikaw nga ‘yon!” manghang bulalas ni Jesse. “That’s why I’m mesmerized by you the first time we met at school! Hindi man lang sumagi sa isip ko!”             Napangiti si Cattleya. “Ako rin. You’re the one I’m talking to on that cliff, correct?” Naaalala niya pa ang tinig ni Jesse sa kanyang isipan noon.             “Yeah.” Ngumiti ang binata sabay parang napahimas sa may batok nito in a boyish manner. “You know, akala ko no’n mate kita. Well, except with the fact na no’ng hinawakan kita sa school wala namang spark. My wolf likes you a lot that night. I really think you’re my mate.”             “You thought wrong unfortunately, dear brother.” Magsasalita sana si Cattleya nang sumingit ang tinig na iyon kaya’t napaungol siya ng palihim sabay irap.             Here he goes again.             “Morning, Alpha Seige!” magkasabayang bati ng kambal sa kanyang harapan.             Nagtaas lang ng kilay si Jesse. “How’d you even know? I don’t have a mate, she doesn’t have a me—”             “She does have a mate.”             Nagtatakang tumingin si Jesse kay Cattleya na parang hinihingi ang confirmation niya. Nagkibit siya ng balikat. “I don’t know. As far as I’m concerned I can’t feel my wolf telling me I have a mate or if I found him just yet. So… ‘di ba dapat, Seige, hindi ka nagsasalita ng tapos? Because you know… alam naman nating lahat ang totoo.”             Tinitigan siya ni Seige, tiim ang bagang at may kung anong kakatwang emosyon ang nagdaan sa mukha nito. Cattleya recognized that as hurt. And strangely, something inside her stirred. Para bang may ilang segundong naramdaman niya ang kanyang lobo.             Pwede ba ‘yon? Nabubuhay? Hala. Nagmumulto ang wolf ko?             “Then I can be right?” muling entra ni Jesse na tila kagagaling lamang sa malalim na pag-iisip. “Sabi mo kasi non-shifting werewolf ka. Baka iyon ang problema, Cattleya? It’s really strange that my wolf likes you a lot and you’re not my mate.”             Nakuha niyon ang kanyang atensyon at tuwa siyang humagikhik. “Ngee. Baka nga. Ikaw, Jesse, ha! Kalimutan na nga natin ito. Ipakita mo na lang sa akin ang kwarto mo.”             “My room? Sure!”             “Uy, sama kami ni Kurt!”             Sabay-sabay silang pumanhik ng hagdanan at nagtatatakbo patungo sa wing ni Jesse. Ang totoo’y hindi naman talaga siya interesado sa silid ni Jesse. Tinatakasan niya lang si Seige. Hindi naman niya kasi alam kung anong kakayahan ng lalaking iyon lalo na’t na-retain nito ang sariling lobo. Paano na lang kung bigla itong mag-tantrums at mag-engage sa killing spree? Kawawa naman sina Jesse, Kurt at Turk.             Nang sapitin nila ang silid ni Jesse ay nagkayayaan na manood ng action film. Kumpleto kasi ang components ng binata, halatang laki sa maalwang pamilya. Nasa kalagitnaan na ang pelikulang napili nila nang tumikhim si Jesse at sikuin siya.             “Bakit?” tanong niya sa binata na tumuwid ng upo mula sa carpeted na sahig.             “Naalala ko kasi. ‘Di ba sorceress ka? Edi… alam mo kung paano mabubura ang marka ni Sharmel? Alam mo ‘yong mga paraan?”             Napatigil si Cattleya sa panonood. Iyong atensyon ng kambal ay wala na sa TV screen. Nasa sagot na niya.             Jusko naman. Kamag-anak ba kayo ni Mike Enriquez? Ayaw n’yo ‘kong tantanan?             “One way I think was to mark Sharmel and take her away from Seige to break the little bond they created through s****l intercourses. Malayo sa s*x, matatanggal ang mark.”             “Pero… ‘di ba may mas madali pa? Sigurado naman akong hindi mamarkahan ng kambal mo si Sharmel habang may marka siya ni Alpha Seige. It’s a total no-no for werewolves. Mababawasan ang dignity nila,” Kurt supplied na tinanguan niya. Tama naman kasi. Werewolves behaves like dogs, too. Ang teritoryo nila’y teritoryo nila.             “Ano ‘yong mas madali?” tanong ni Jesse na may himig interes.             “Napag-aralan ko ‘yan dati, naituro no’ng prof ko last year! According sa naaalala ko,” may gilas naman na singit ni Turk. “Mawawala lang ang marka ni Sharmel kapag nagawang ibaling ng mate ni Alpha Seige ang lahat ng emosyon niya sa mismong mate niya at hindi kay Sharmel. Meaning, either magkaroon sila ng s****l intercourse o kahit anong event lang na pwedeng unconsciously ay magbigay ng malaking impact kay Alpha Seige to change emotions and be devoted to his mate.”             “Kapag nangyari ‘yon hindi na babalik ang marka?” muling usisa ni Jesse.             “Hindi na. Hindi na rin siya pwedeng mag-imprint sa ibang babae o kaya makipag-s*x sa iba dahil kumbaga kumagat na ang bond ng mating process sa kanila.”             “Amazing, Turk!” manghang puri ni Kurt sa kapatid.             Kumunot naman ang noo ni Jesse at napailing. “Kung gano’n aty mas malabo pa sa malabo ‘yang option na ‘yan. I doubt na biglang e-entra na lang ang mate ni Seige para sa problema nina Edge at Cattleya. Wala nang ibang paraan kundi ‘yong sinasabi ni Cattleya na marking.”             Tumango si Cattleya para sumang-ayon kay Jesse. Because there is just no way that she will agree to the other option. No way!             “Cattleya!”             Nanlaki ang kanyang mga mata’t agad na napatayo mula sa kinauupuan pagkarinig ng paparating na tinig ni Edge. Bumaling siya kay Jesse. “Saan ako pwedeng magtago? Tinatakbuhan ko ‘yang monggoloyd na ‘yan, eh.”             “Err… s-sa banyo.”             Tumakbo siya patungo sa banyo ni Jesse. As soon as marinig niyang bumukas ang pintuan at i-distract ng kambal si Edge, naghanap na agad siya ng lalabasan. Nakita niya ang bintana sa banyo. Tumanaw siya ilalim. Bungad ng frontyard ang kanyang nakita. Sakto!             Inilislis niya ang pantalon at naghanda nang tumalon. Hindi niya naman siguro ikamamatay ito, noh? Bali lang, malayo sa bituka ang bali. At least ay makakalabas siya rito. May bali nga lang.             Umakyat siya sa bintana at mabilis na tumalon. She landed on her back on the grass. Agad siyang tumayo habang tumitingala para siguruhing hindi na-sense ni Edge na tatalon siya roon. Pagbaba naman niya ng kanyang paningin, eksaktong natuon iyon sa gawi ng mga nakalabas na coffee table doon kung saan naroon ang dalawang lalaking takang-takang nakatitig sa kanya.             Sina Seige at Dex.             “E-ehe. Nagta-try lang ng bagong way para bumaba.”             Diyos ko, ang sakit ng pwet koooo!             “Cattleyaaaaaa!”             Napapitlag siya. Napahilamos pagkatapos sa kanyang mukha nang mapagtantong si Edge iyon.             “H’wag ka nang magbalak na tumakbo. D’yan ka lang!”             Edge emerged from the west side kung saan siya nakatayo. Nakita niya sa kanyang peripheral version si Seige na nakakunot ang noo. Para kasing pasugod ang lakad ni Edge papunta sa kanya kaya’t siguro’y parang naaalarma ang lobo nito.             “Edge! Sandali lang, Edge! H’wag mo nang guluhin si Cattleya, please!” that was Sharmel na humabol kay Edge para lang awatin ito. Ngunit huli na dahil nasa harapan na ni Cattleya ang kakambal at tila hindi man lang napapansin ang iniinda niya sa kanyang balakang.             “Nasa akin ang susi mo. Hindi ka pwedeng umalis dito,” paalala nito sa kanya na inirapan niya lamang.             “Hindi ko kailangan ng susi para makaalis.”             “Gusto mo bang itali pa kita at daanin sa dahas?”             “Watch it!” sigaw ni Seige mula sa likuran na ikinagulat nila. “Don’t you dare talk to her like that, asshole!”             “Wow! The pot calling the kettle black! Wala ka sa posisyon para diktahan ako kung paano ako dapat na makipag-usap sa kambal ko!” pagkatapos ay kay Cattleya naibaling ang matalim nitong titig. “Magkapatid tayo, hindi ba? ‘Di ba dapat tinutulungan mo ako? ‘Di ba dapat dinadamayan mo ako sa problema ko? Mahirap ba para sa ‘yo na solusyunan ang simpleng problema, Cattleya? Sorceress ka! You can do anything, you can make the impossible possible! Simpleng pagtatanggal lang ng imprint hindi mo kaya?”             “Sinabi ko na sa ‘yo ang gagawin mo! Hindi mo pa ba—”             “Hindi ko nga gagawin ‘yon!” bulyaw ni Edge na nagpalaki ng kanyang mga mata sa gulat dahil sa pagtataas nito ng boses sa kanya. Sharmel hugged him in the waist from behind but that wasn’t enough to stop his rage. “Alam kong may alam ka, may hindi ka sinasabi sa akin, Cattleya, nararamdaman ko ‘yon! Kaya mo. Kaya mong gawin ang hinihiling ko, sadyang ayaw mo lang!”             Umiling si Cattleya at sana’y aatras ngunit nag-dalawang isip dahil nasa likuran niya nga pala si Seige. “Hindi mo naiintindihan, Edge. Hindi gano’n kadali ‘yang hinihiling mo. Mas madali pa ngang umalis na lang tayo rito ‘tapos pabayaan mo na lang sina Seige at Sharmel!”             That’s when Sharmel started crying. Pinandilatan siya ni Edge ng mga mata na parang napakalaking bagay ang sinabi niya at hindi nito halos mapaniwalaan na nanggaling iyon sa sarili niyang bibig. “You’re unbelievable! How can you say that?”             “Look. Sharmel chose this life, she let Seige mark her. Isa pa, you’re not an Alpha, at least not literally since you’re not leading a pack. Sharmel wants an Alpha.” In an instant ay umiling-iling si Sharmel at humigpit ang yakap kay Edge. Napabuntong hininga si Cattleya. “And Seige is just the right guy that can give her that.”             She heard an agonizing growl from behind na pinilit niyang hindi pansinin pero nakakainis lang dahil hindi niya magawa. It bothers her. Bakit ba kung umasta si Seige ay parang nasasaktan ito sa mga ginagawa’t sinasabi niya?             “You suggesting me to leave my mate in here is not and never gonna change anything, Cattleya! Iba ako sa ‘yo! Kaya mong mabuhay ng wala ang wolf mo dahil sorceress ka! Nakaya mong mabuhay ng masaya at walang dinaramdam dahil nakagawa ka ng coping method para sa sarili mo. Hindi ako gano’n, Cattleya. Isa lang akong hamak na taong-lobo at walang kapangyarihan na gaya mo. Hindi mo ba naiintindihan? Mamamatay kaming pareho ni Sharmel!”             Natigilan si Cattleya at napakurap. Daig niya pa ang binuhusan ng malamig na yelo. Hindi niya nga naisip iyon. It is in her blood to heal herself. Original sorcery are passed down to daughters but never to sons. Kaya werewolf lang sina Rain at Edge dahil sa kanilang Daddy nito nakuha iyon. She inherited the sorcery bloodline from her Mom’s then the Alpha female werewolf gene from her Dad.             But Edge got nothing but the Alpha bloodline from Dad and nothing else. How heartless I am.             “Cattleya?” she heard Seige’s voice like he’s asking if she’s okay or not.             Kailan ba ako naging okay kapag nasa tabi-tabi ka?             Naglahad siya ng palad kay Edge at tinignan ito ng mata sa mata. “Hand me the key. After this, siguraduhin mo lang na makakalabas ka ng buhay. When I see you at the pack tomorrow or the day after that, I don’t want you whining around like a baby asking what to do next and how. Man up, grow some effin’ pair.”             Alangan man ay inilabas nito mula sa bulsa ang susi ng kanyang kotse. Ibinigay ni Edge iyon sa kanya. Tinignan ni Cattleya si Sharmel na tumabi na kay Edge. Nabaling ang mata niya sa marka nito. It’s really fading. Parang tattoo lang na napaglipasan na ng panahon.             “Oh God!” she groaned sabay buntong-hininga. “Kill me now please.”             Nakarinig siya ng mga singhap sa tabi-tabi nang bigla siyang lumingon at hilahin ang kwelyo ni Seige saka idikit ang kanyang mga labi sa labi nito. Doon niya lamang na-realize na maraming nanonood sa kanila kasama na si Jesse na malinaw niyang nakikita ang pagkagulantang sa ekspresyo.             But if there was one thing that made her confused, iyon ay ang hindi pagtulak sa kanya ni Seige palayo.             And then suddenly, a loud beat inside her deafened her for a while. Parang nanggagaling sa iba pang parte bukod sa kanyang puso. Nanlaki ang kanyang mga mata. What the hell was that?!             Naramdaman niya ang mga kamay ni Seige na pumaikot sa kanyang baywang at lalong pinagdikit ang kanilang mga katawan kasabay ng pagpapalalim nito sa kanilang magkahinang na mga labi. She snaked her hands around his neck, raked her fingers through his hair which caused a muffled groan inside the kiss.             He bit her lower lip. He alternated between nipping lightly and licking until she opened her mouth and granted his tongue the entrance he needed. Pasimple niyang binaliktad ang kanilang posisyon so that Edge and Sharmel are now facing his back.             Idinilat niya ang mga mata, still responding to the kiss whilst eyeing the mark in Sharmel’s right neck.             It’s gone.             Marahan niyang itinulak si Seige na pareho niyang halos maghabol ng hininga. He stared at Cattleya for seconds. She can clearly hear the racing of his heart. Hindi niya maiwasang mapatanong: Did he liked the kiss or… did he just like it because it was me—his mate—that kissed him?             “I’m sorry,” and she’s really, truly sorry that she had to do that.             Tumalikod siya, hindi na kinaya pang tumagal doon at pagmasdan ang unti-unting pagsi-sink in kay Seige ng kanyang ginawa. Bumuntong hininga siya at mariing ipinikit ang kanyang mga mata habang naglalakad. She left Seige stunned. Hurt. There was a part of her na nasaktan sa itsura ng binata. But what else can she do? Iyon lang ang tanging paraan para matanggal ang marka.             But why does the feeling of that kiss lingers in her lips even now that it’s done?             Hindi naman siya manyak. Hindi naman siguro siya kissing monster para ma-adik sa halik ni Seige ng gano’n-gano’n na lang. Eh ano kung masarap itong humalik? Edi magta-try siyang humanap ng iba pang masarap humalik kaysa kay Seige.             Mas masarap akong humalik, noh. Hahalikan ko na lang ang sarili ko. Masarap din siguro ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD