“PWEDE ba? Maupo ka nga lang! Nahihilo ako sa ‘yo eh!”
Binalingan ni Cattleya ang kakambal niyang si Edge. Mukha itong iritado. Nagpalakad-lakad siya ng pabalik-balik sa harapan ng kapatid. Una’y para inisin ito. Pangalawa’y para matanggal ang kanyang kaba.
Well… it’s not everyday that she gets to be on a freakin’ jet plane. Hindi nga siya laging umaalis ng isang bansa para mag-eroplano pagkatapos ay pasasakayin nila siya ng jet plane. Mukhang nakalimutan ng pamilya niyang takot siya sa heights.
Ganyan naman sila. Lagi naman akong kinakalimutan. Let’s all cry in jejemon language!
“Cattleya! I said sit the hell down!”
“Sit down my ass! Ayoko! Belat!”
Naningkit ang mga mata ni Edge at tumiim ang labi. “That’s so very mature.”
Napahinto si Cattleya at natawa. “I learn from the best, eh!”
Kumunot ang noo ni Edge at napaupo ng tuwid. “May ipinapahiwatig ka ba?”
Sa isip ay napapangisi siya. Ewan ba niya. Sa kanilang tatlong magkakapatid, siya lang yata ang hindi pikunin. Iyong dalawa niyang lalaking kapatid, napaka-trigger happy. Manang-mana sa kanilang ama. Mabuti na lang at nagmana siya sa dyosa niyang nanay.
“Uy wala, ah. Hindi ko naman sinabing kambal tayo kaya malamang nagmana ako sa kambal ko. Wala nga akong sinabing gano’n, noh. Pramis wala talaga akong sinabing gano’n.”
“Shut your mouth already, you’re pissing me off!”
“Ano kamo? Iihi ka?” maang-maangan niya na tila lalong ikinagalit ni Edge.
“What?”
“Sabi mo piss,” pagkatapos ay bumunghalit siya ng tawa nang akmang tatayo na si Edge sa kinauupuan at hahambalusin na siya ng kung anumang madampot nito sa malapit. “Okay, seryoso na, h’wag ka na mag-abalang tumayo, I’m kidding!”
Mayamaya lang ay dumating na ang pa-importanteng Swiss na pilot. Sira ulo nga ito, eh. Sila pa ang pinaghintay. Kung hindi nga lang siya isang sibilisadong tao, ginawa na niyang palaka ang lokong ito. Sila nga ang ililipad ‘tapos sila pa ang pinaghintay.
“Tirisin kita r’yan makita mo.”
“Sino na naman ‘yan?” kunot-noong tanong ni Edge nang maulinagan ang kanyang ibinubulong.
“Iyong piloto. Pinaghintay kasi tayo!”
Napabuga ng hininga si Edge na para bang may nasabi siyang nakakainis. “Tanga. Chineck niya iyong engine.”
Napasimangot siya. “Maka-tanga ka naman parang walang bukas. Nakakasakit ka ng damdamin, kapatid. H’wag gano’n.”
“To think that I’ll spend six hours with you on that damn plane.” Napasandig sa inuupuan ang kanyang kakambal at tumingala na lamang na para bang humihingi ng saklolo kay Lord. “Can I shoot myself now?”
Tumawa si Cattleya. Well, that’s Edge. He loves her though like her Kuya Rain but they both don’t like hanging out with her. Gusto kasi nila ng tahimik at boring na paligid. Napapaisip tuloy siya kung paano tatagal sa mga ito ang kanilang mate kung sakali mang matagpuan nga ng mga ito ang katipan nila.
Nawala ang ngiti ni Cattleya sa labi. Tumalikod siya kay Edge at kunwa’y muling nagpabalik-balik ng lakad.
Napabuntong hininga siya, sinubukang kapain ang kanyang lobo. Muli siyang bumuntong hininga nang wala siyang maramdaman.
Her wolf is long gone now. Hindi niya alam kung namatay na ito o galit lamang talaga sa kanya at humiwalay na ng tuluyan sa kanyang human part. Thank God, her Mom has made Cattleya that drink that can restore her strength. Kung hindi’y siguro matagal na siyang naglaslas. Literal. Dahil hindi niya talaga kakayanin ang panghihina niya matagal na kung walang ginawa ang kanyang Mommy para panatilihin siyang malakas na parang walang nangyari.
“Heading out to Dreasiana Colony. This is Captain Max, please fasten your seatbelts, we are now taking off.”
They said werewolves are only meant to be with their mates. And without them, life is a waste, a mess… nothing. Cattleya heard about werewolves commiting suicide when their mates die. That particular day, she found out exactly why. Because when your wolf drift apart from you for the reason that her other half is missing and she’s lonely and miserable and grieving, she’ll slowly die. Ang epekto no’n sa human side, mawawalan ito ng lakas. Unti-unti niyong hihigupin lahat ng enerhiya sa katawan.
You’ll live. But you’re as good as someone who’s half-dead and half-alive.
“Cattleya.”
Lumingon siya sa untag ni Edge. Mula sa kabilang aisle ng jet plane ay kita niya ang pag-unawa sa mga mata nito. Na tila ba nakikisimpatya sa kanya.
Pinilit niyang ngitian ang kapatid. “Mm?”
“Don’t you worry. He’s prob’ly suffering more than you. You are full human now because of the magic and your wolf… died. Wala ka nang ibang aalalahanin.”
Muli’y ngumiti siya’t tumango saka ibinalik ang atensyon sa bintana at pinagmasdan ang alapaap mula roon.
Hindi niya alam kung magandang balita ba na namatay ang kanyang lobo na wala siyang nagawa. Sabagay. Wala naman talaga siyang magagawa. She was restored by the magic. Masasabi naman niyang nabubuhay siya kumpara sa kanyang disposisyon syam na taon matapos ng kaganapang iyon.
Unti-unti siyang nagkakasakit. Her sleep was always filled with nightmares that she can barely get some. She’d throw up everytime. Walang kinakausap, walang gustong makita. Para siyang isang mortal na may malubhang karamdaman at naghihintay na lang ng kamatayan.
That’s what she thought. Dahil ngayon, hindi na niya maramdaman iyon. Wala na. As in wala na. Kahit ang kanyang lobo’y hindi na rin niya maramdaman. Well, that just can’t be helped.
She have to live despite of her mate betraying her. And live beyond the worst part of him… marking some other werewolf that he chose over his own mate.