Chapter 19

5355 Words
Chapter 19 (Seph's POV) "OH bakit ganyan yung timpla ng mga mukha nyo?" Pang-aasar ko sa mga kapatid ko na nakasimangot sa akin. Nasa labas sina Stef, Stephanie, at Stefan na kandong si Stephen. Nakaupo sila sa mismong baitang ng mababang hagdan ng bahay namin. Mga naka-uniporme pa sila, pwera kay Stephen dahil wala pa naman sa wastong edad ito para mag-aral. Tumayo si Stefan at sadyang binangga ako sa balikat nang lampasan ako, napangisi ako, "Ikaw ba naman yung makaharap namin, sinong di sisimangot?" Sarkastiko nyang sagot. Itinapon ko yung yosi at inapakan bago ko sya nilingon, "Yabang ah. Bakit, ano bang akala nyo, natutuwa akong makita kayo?" Sarkastiko ko ding sagot, "Kung pwede nga lang na hindi ko makita yang mga pagmumukha nyo edi sana hindi sira yung araw-araw ko." Huminto sya at masama ang tingin na humarap sakin. Nginisihan ko lang sya. "Kung ganon bakit hindi ka umalis? Lumayas ka na, tutal wala ka namang magandang dulot dito." "At ikaw meron?" Natatawa kong tanong, "Lakas naman pala. Nasan yung magandang dulot mo? Yung pagiging honor student mo? Pfft. Wag ka ngang magpatawa." Saad ko at tsaka sya akmang lalagpasan. "Kesa naman sa kagaya mong sampid na nga, basag ulo pa---" Natigil yung sinasabi nya ng haltakin ko yung kwelyo nya kahit na bitbit nya si Stefan, lumitaw yung nakakainis nyang ngisi. "Loko ka ah." "Baka 'gago' kamo?" Anya at lalong lumawak ang ngisi. "Seph." Naagaw agad ni Tatay Nico yung atensyon ko nang tawagin nya ako sa seryosong tono mula sa loob ng bahay. Napipilitan kong binitawan si Stefan. "Tss. May araw ka din saken." Banta ko sa kanya bago ako pumasok. Dumapo agad ang kakaibang kaba sa dibdib ko nang makitang seryosong-seryoso yung ekspresyon ng mukha nya, galit sya. Alam ko. "Bakit?" Saad ko nang makapasok na ako sa loob, nagpagpag muna ako ng sarili ko para mabawasan ang amoy ng usok ng yosi bago ako lumapit sa kanya. Bitbit ang lumang bagpack ko ay nagmano ako sa kanya. Imbes na kamustahin ako tulad ng lagi nyang ginagawa ay bumuntong hininga lang sya. Tila pagod na pagod sa kung ano mang bagay. "May problema ba?" Nag-aalangan kong tanong. Pinagkrus nya ang mga braso nya sa dibdib nya at sumandal sa kahoy naming upuan na sya mismo ang gumawa. Mariin nya akong tinitigan, na parang sinusuri ng maigi. Kapagkuwa'y biglang napapikit at ngumiwi, ngunit agad ding dumilat tsaka nagpakita ng dismayadong ekspresyon. "Hindi ko na alam kung paano kita patitinuin na bata ka." Bumuntong hininga sya, "Napakatigas ng ulo mo. Puro ka kalokohan, puro ka barkada, puro ka bisyo, puro ka babae, puro ka bulakbol. Kailan ka ba talaga magtitino?" Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa nya, "Disi-otso ka na, pero nasa pangalawang baitang ka pa rin ng hayskul. Dapat ay nasa kolehiyo ka na ngayong taon pero puro sakit sa ulo pa rin ang dala mo, wala ka bang balak na ayusin yang buhay mo?" Napalunok ako at bahagyang napayuko. Ito ang unang beses na sinermonan nya ako, hindi man nya ako binubulyawan ay ramdam ko pa din yung pagkadismaya at panghihinayang sa boses nya. Tinamaan ako ng husto, lahat naman ng sinabi nya ay totoo. Kaso ano namang magagawa ko? Ganito naman talaga ako. Kinamot ko yung batok ko, "Tungkol ba toh sa pagpapatawag ng adviser ko kahapon sa inyo ni nanay? Pasensya na, hindi na talaga ako magka-cutting tatay. Pangako." Imbes na sumagot ay napahilamos nalang sya sa mukha dala ng kunsumisyon. Muli syang ngumiwi. Mukhang problemadong-problemado ang tatay ko. "Hindi ka ba naniniwala?" Itinaas ko yung kanang kamay ko na parang nagpapanata, "Pramis, hindi na ako magpapasaway. Magtitino na ako. Ipapasa ko na tong second year ko sa highschool." "Hindi ko alam kung dapat ko pa bang paniwalaan yan." "Wala ka bang tiwala sa gwapo mong anak, tay?" Biro ko para mabawasan kahit papano yung tensyon, "Tatay naman." "Seph, ang hinihiling ko lang naman sayo ay ang magtapos ka ng pag-aaral, pero anong ginawa mo? Gusto mo yatang ako ang tumapos sayo." Napaatras ako dahil sa sinabi nyang iyon. "Grabe ka naman tay---" Pinutol nya yung sasabihin ko nang hampasin nya yung lamesita sa harap nya. Masama ang tingin na ipinukol nya saken na unang beses nya palang ginawa. Nakakuyom yung palad nya habang nakatitig sa akin ng masama. "Hindi sa lahat ng oras ay mabibiro mo ko, naiintindihan mo?" Dala ng takot ay napatango-tango ako, "S-sige." "Ngayon, asikasuhin mo yung mag-ina mo." Anya tsaka ako tinalikuran pero nakaupo pa rin sa upuan. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Mali yata yung dinig ko. Mag-ina yung nadinig kong sabi nya pero imposible yon, wala pa naman akong asawa at mas lalong wala akong anak. "A-ano?" Tanong ko, hindi sya sumagot. "S-seph..." Nadagdagan yung kabang nararamdaman ko nang marinig ang pamilyar na malamyos na boses ng babaeng ilang araw ng laman ng isipan ko. Ilang beses akong lumunok bago lumingon sa hamba ng kusina, kung saan sya nakatayo. Bitbit ang isang maleta, maga ang mata habang kagat ang labi na pinipigilang umiyak. Katabi nya si Inay na naka-alalay sa kanya habang naluluha na din. "B-buntis ako, Seph..." Anya tsaka tuluyan ng naiyak, "...at ikaw ang ama." NAIDILAT ko bigla yung mata ko nang marinig ang malakas tugtog mula sa labas ng hotel. Tumatama sa mukha ko yung tirik na tirik na sinag ng araw. Himala, hindi ako nagising ng madaling araw. Ang kaso ay hinihingal ako, paano naman kasi ay nagulat ako. Gitna ng kasarapan ng tulog ko ay biglang ganon, mabuti nalang at hindi ako inatake sa puso. "Muntik na ako don." Nakahinga ako ng maluwag. Ilang segundo ko munang tinitigan yung kisame habang inaalala yung napanaginipan ko. Napalunok ako, sa dami ng mapapanaginipan, yun pa talaga. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa ulo ko. Ang sakit, epekto na yata toh ng alak kagabi. Mas lumala yung sakit kesa kahapon. Ugh... Parang ayokong bumangon. Pumikit ako para mabawasan kahit papano ung sakit ng ulo ko, ang problema ay nanumbalik naman yung larawan ng mukha nya sa isip ko. Ang mukha nyang hugis puso, maputing kutis, maamong bilugang mga mata, maliit na labi, ang mapipilantik nyang pilik mata, namumulang pisngi. Yung ngiti nyang nakakapagpabaliw sa akin noon, yung tawa nyang nakakatulala. "Phoebe..." Hindi ko maiwasang maimagine yung itsura nya kahapon habang tinatawagan ako, hindi ko man nakikita ay sigurado akong namumula na ang mukha at namamaga ang mata nya habang kausap ako kahapon. Ganon kasi sya sa tuwing umiiyak. Mabilis mamula ang mukha. "Who's Phoebe? Your girlfriend?" Mabilis pa sa alas-kwatro akong napabangon nang marinig ang pamilyar na boses ng kuya ni Veronica. Napalunok ako nang makita itong naglalakad palapit sa direksyon ko, bitbit ang dalawang tasa ng mainit na kape at usual na seryoso ang mukha. "Here." Anya tsaka inabot yung tasa. Nahihiya akong nagpasalamat. Nakakapagtaka, paano sya nakapasok dito? Akala ko ba kwarto ko toh? "Stop wondering if this is your room or not because obviously, this isn't yours. You slept in the wrong one." Namula ng husto yung pisngi ko, naku jusko. Ano nanaman bang pinaggagagawa ko kagabi? Wala na akong maalala bukod doon sa niyakap ko si Veronica kagabi. Hinilamos ko yung kamay ko sa mukha ko, ah. Nakakainis! "Pasensya na sir, hindi ko alam kung anong nangyari kagabi... Lasing yata ako." "Yeah. I know and drop the sir." Ngumiwi sya, "You have a low tolerance when it comes to alcohol, that explains on how Veronica easily fooled you to come in her own room and sleep on her own bed." Nanlaki yung mata ko, "W-wala namang nangyari sa amin diba?" Sinipat ko yung kabuuan ko at napalunok, wala na akong t-shirt pero naka-shorts pa naman ako. Si Veronica ba ang naghubad sa akin non? Bigla akong tinamaan ng sobrang hiya dahil doon. Wala akong maalala, lasing na lasing ba ako? Anong klaseng alak iyon at sobrang tapang? "Don't worry, nothing happened. I'm here, okay?" Nakahinga ako ng maluwag nang kumpirmahin nya iyon. Jusko, salamat naman kung ganon. "So, who is this Phoebe?" Sabay higop dun sa sarili nyang tasa bago naupo sa upuan na di kalayuan sa akin. Nanuot sa ilong ko yung amoy nung matapang na kape. "Ahm..." Nakagat ko yung labi ko, "Dati kong nobya." Humigop din ako doon sa kapeng ibinigay nya. Umangat yung dalawa kong kilay nang matikman iyon, ang sarap. Medyo guminhawa yung pakiramdam ko. "I see," Tumango-tango sya, "By the way, Veronica made the coffee." "Ah!" Napaso ako bigla, pero natigilan ako. Si Veronica ang nagtimpla nito? Bago yun ah. Akala ko wala syang alam gawin sa kusina. Ngunit kahit na ganon eh masarap uung gawa nya, hehehe. Hinimas ko yung labi kong napaso. Nangiti ako habang iniimagine yung itsura nya habang nagtitimpla, siguro panay reklamo nya habang gumagawa ng kape. Panay 'OMG!', 'Oh my gosh!' o di kaya naman ay 'Like,' tas dadagdagan ng sentences, Ganon kasi mga ekspresyon nya. "Ahm... Wag ka sanang magalit pero gusto kong malaman kung nasaan sya." Humigop muna ulit sya, "In the entrance. She's welcoming our visitors." Nilingon ko yung bintana. Mas lalo kasing lumalakas yung tugtugan sa baba, nacu-curious tuloy ako. Gusto kong sumilip, gusto kong makita kung paano yung welcome na sinasabi ng kuya nya. Hindi pa naman sya marunong mang-welcome, panay irap at ngisi lang ginagawa nya eh. Tapos kapag di nya gusto yung bisita eh inaaway nya agad. Bumuntong hininga sya na pumutol sa imahinasyon ko. Inilapag nya ang tasa nya sa maliit na lamesita sa gilid ng kamang kinauupuan ko, lumunok ako nang makita kung gaano ka-seryoso yung mukha nya. G-galit nanaman ba sya? "I want to apologize for my sister's bratty attitude." Ngumiwi sya, "I know how bossy she is. She always do what she wants. Veronica is a bit childish, I bet she made unforgivable things to you that's why I'm here to apologize for my sister's sake." Ngumiti ako, "Uhm. Hindi naman sa bratty, aaminin ko bossy sya pero hindi naman nakakasakal. Makulit sya at pasaway pero alam nya kung paano lilimitahan yung sarili nya." "Really?" Tumango ako pero agad ding napakamot sa pisngi ko, "Y-yun nga lang, minsan ay medyo sumosobra sya..." Nakita kong napasimangot sya, mukhang pagagalitan nya si Veronica, "...pero agad din naman napipigilan. Nare-realize naman nya agad kung sobra na ba ang ginagawa nya." "You know, you don't have to defend her as your boss. I know my sister too well, you can tell me everything that she did to you." Inilapag ko din yung tasa ko sa lamesita at umiling. Nginitian ko sya, "Hindi ko naman sya dinedepensahan sa mga kalokohan nya dahil boss ko sya. Sinasabi ko lang kung anong klaseng ugali yung ipinapakita nya. Maloko naman talaga sya, pero alam nya kung kailan titigil. Mabait sya saken, nauunawaan ko naman yung kakulitan na meron sya." Tukoy ko sa pagiging pilya ni Veronica, "Para sakin ay isa syang kaibigan, imbes na amo." "But friends don't kiss each other's lips." *Blush* "A-ahm tungkol doon..." Nangamatis yung buong mukha ko sa pamumula dahil sa sinabi nyang iyon. Teka---nakita nya kami kagabi? G-grabe, nakakahiya talaga! "I saw you last night, you're quiet drunk huh?" Seryoso pa rin yung itsura nya pero nakakatakot, nahihiya ako. Ito na ba yung pag-uusap na sinasabi nya? Nakakahiya. Kasalanan ko kasi. Kinagat ko yung labi ko, alam ko ulang-pula na ako sa sobrang kahihiyan. "I know that nothing really happened between the two of you, I understand that." Anya tsaka tumango, "But I want you to remember that it doesn't mean that it's not a big deal for me. Just a reminder Mr. Lazaro, She's still a girl." "Malaki ang respeto ko sa kapatid mo, hindi lang bilang amo kundi bilang babae kaya wag po kayong mag-alala. Wala akong balak na umabot sa ganoong punto." Ngumiti sya kaya napangiti ako, "She's not a girl anymore, she's a woman." "Right." Pag-sang ayon nya. Malaki ang impact kapag ngumingiti yung kuya ni Vero, lumiliwanag yung paligid. Kapag seryoso naman ay dumidilim ang langit. Nakasalalay yata sa pagngiti at pagsimangot nya yung takbo ng panahon, kung magiging maaraw ba o maulan. "Anyway, Theo said that you should wear this instead of your cheap poor clothes." Sabay kuha ng isang medyo may kalakihang paper bag mula sa gilid at inabot sa akin bago nagpaalam na lalabas na, Nagpasalamat ako sa kanya. Cheap poor clothes? Alam ko na kung saan nagmana ng pagiging matapobre ni Veronica. Mukha siguro talaga akong basahan sa paningin nila ano? Hays. Kinuha ko iyon at tinignan, sandong itim iyon, polong bulaklakin NANAMAN (kasi halos lahat ng bigay nya saken may disenyong bulaklak, hilig nya yata iyon.) tsaka khaki shorts. May sandugo slippers din iyon, sunglasses, lotion, cologne, gel at kung ano-ano pang botelya na ginagamit para sa katawan. May nakita pa akong lalagyan na may pangalang 'Titan Gel', binanggit iyon kagabi ni Veronica pero hindi ko alam kung ano yon, hindi kaya para sa buhok din iyon? Gel daw eh. May box din na maliit na may tatak ng Preston sa loob, hindi ko na binuksan pero mukhang candy yata iyon? Assorted flavors daw eh, may chocolate, vanilla, strawberry at iba pa. Pero grabe, napaka-banidoso pala ni Theo. Napakamot tuloy ako sa ulo ko, kailangan ba talaga tong mga toh? Ako nga sabong perla lang pinangliligo ko, yung shampoo ko na tig-syete na head n' shoulder tinitipid ko pa, pang-isang linggo ko na kasi yung isang sachet. "Makaligo na nga." Saad ko tsaka inubos yung kapeng tinimpla ni Veronica. *** "Good afternoon po." Bati ko sa bawat bisitang nakakasalubong ko. Ngumiti ang sa tingin ko ay mag-asawa bago ako nilapitan, "Good afternoon, where can we find the nearest comfort room?" Tanong nung matandang lalaki. Tumuro ako sa bandang kanan, "Paki-diretso lang po yung hallway na nasa kanan, sa pinaka-dulo po non ang pinakamalapit na restroom. Kung gusto nyo po, pwede ko kayong samahan papunta doon." "Oh no, We're fine. We can manage." Anya ng babae at ngumiti, "Thank you." "Welcome po." Saad ko tsaka masayang pinagmasdan silang naglakakad palayo. Ang tanda na nila pero mukhang hindi sila nagsasawa sa presensya ng isa't isa. Nakakatuwa. Napabuntong hininga ako. Buti naman at mga hindi naka-business attire or formal wear yung mga bisita nila kundi magmumukha nanaman akong naligaw na kanto boy. Atleast, matino-tino kahit papano yung suot ko. Kailangan kong magpasalamat kay Theo. Mga naka-summer wear ang mga bisita ni Veronica, halos kahat ay naka-polong bulaklakin at shorts, habang ang mga babae ay naka-summer dress. Buti nalang at may mga malalaking payong ang bawat lamesa sa beach, medyo tirik na kasi ang araw. Suot ang damit na bigay ni Theo, nasa lobby na ako ngayon ng hotel. Hindi ko mahanap si Veronica, ang dami naman pala kasi talaga ng mga bisita nila, Halatang galing sa mundo ng mga negosyante, yung iba kasi eh nakita at kilala ko ng personal, mga naka-meeting na ni Veronica yung iba. Minsan naman ay nakikita ko lang sa TV kapag nakakapanood ako sa karinderyang kinakainan ko. "Nasan na ba sya?" Tanong ko sa sarili ko, tumitingkayad ako para mahanap sya pero wala naman sya sa doon tulad ng sabi ng kuya nya. Baka nagtungo sa ibang parte ng resort. Gusto kong magpasalamat sa kanya, nabawasan yung sakit ng ulo ko dahil don sa kape nya. Gusto ko din syang batiin dahil marunong na syang magtimpla ng kape, ako kasi gumagawa non kapag nasa opisina kami. Nagpasya nalang ako na pumunta sa beach mismo kung saan gaganapin ang mismong event, baka sakaling makasalubong ko din sya. Akmang aalis na ako nang may humatak sa laylayan ng polong bigay ni Theo. Nilingon ko iyon at nanlaki yung mata ko nang makakita ng isang chubby na batang lalaki, ang taba-taba ng pisngi nito at singkit na singkit! Mukhang hirap din syang tumayo dahil sa pagiging chubby nya, hindi naman sya yung chubby na akala mo obese. "Papa." Inosente nyang tawag habang nakatitig sa akin yung mga mata nya kaya napalunok ako, ano daw? Papa? Namula nanaman yung buong mukha ko. Jusmiyo, ang cute cute naman ng batang toh. Itinago ko yung kamay ko sa likod ko, pinipigilan ko yung sarili kong pisilin yung bilugan at namumula nyang pisngi. A-ang taba. M-mukhang malambot iyon kapag pinisil---H-HINDI! Baka umiyak sya kapag pinisil ko yung pisngi nya, wag Seph. Ibalik mo na sya sa mga magulang nya. Wag kang pasaway. "Ah hindi ako ang papa mo---T-teka!" Pigil ko nang yakapin nya yung binti ko. Napakamot nalang ako sa batok ko habang pinagmamasdan yung naiiyak nyang itsura, nakatingala sya saken habang mahigpit ang yakap sa binti ko. "Papa!" Anya tsaka nagsimulang ngumawa. Naku, kanino bang anak toh? (Veronica's POV) "Yvo! Where are you baby? Yvo!" Naiinis kong tinulak si Theo kaya hindi makapaniwalang nilingon nya ako. We both stopped from walking while glaring at each other. "What's that for?!" Inis nyang saad. Pinanlakihan ko sya ng mata, "Obviously, for being stupid enough to lost your own nephew!" Inis kong hinawi yung iilang hibla ng maganda kong buhok, "My gosh, Theodore! If it weren't for you, edi sana kasama ko na si Seph ngayon! I was planning to introduce him to some of my other friends and also to my parents but aaargh!!! Nakakainis! Nakakairita! I hate you!" Pagpapadyak ko. Imbes na sumagot ay sinuklay nya nalang yung panget nyang buhok na bagong kulay! Tss. Bida-bida, pakulay-kulay pa akala mo naman bagay sa kanya! Stupid. Tsk. Instead of chilling under the big umbrella that protects me from the hot sunlight and the beautiful party music that makes me feel like I'm in a bar, I'm with Theodore looking for his missing nephew. Arghhh! Nakakainis talaga! I bit my lip as I roam my eyes around, we're in the beach. Nandito kami sa parte na kokonti ang tao and the freakin sun is bitching out! Parang tinotodo nya yung init nya ngayong naghahanap kami ng nawawalang baboy na bata, ugh. I'll pinch his chubby cheeks once that I found him! Grrr! Panggigigilan ko sya tignan nya lang talaga! "Geez, papatayin ako ni Ate Eli kapag nalaman nyang nawala ko yung tababoy nyang anak." I crossed my arms, "Not just her, your whole family will torture you!" Especially his mother, Tita Eclair. Just where the hell could I find that kid? Wala lang sanang magkamali na tangkaing kidnappin ang batang yon! It's not just the Scott family that will haunt them, but their whole circle of friends! Including my parents and it's like, one for all, all for one type of friendship. "Veronica!" I felt my body automatically got alert and looked for the owner of that voice. Napasinghap ako nang makita ko sya, he's wearing a simple floral polo shirt with a black sando inside, plus a brown khaki short and a sandugo slippers. Kinilig lahat ng cells na meron ako nang makita ko syang naka-suot ng sunglasses, naka-angat din yung wavy nyang buhok kaya kita ko yung noo nya. Kinagat ko yung labi ko tsaka napahawak sa laylayan ng maikli kong dress longsleeve summer dress. Pasabog naman pala tong secretary ko, he knows how make me wet very well. Looks like he wants some round two of our foreplay. *EVIL LAUGH* I smiled when I saw him walking towards our direction while caryying Yvo---wait. BAKIT BITBIT NYA YANG BIIK NA YAN?! "f**k! Yvo!" Theo immediately walk towards them and tried to get his piglet nephew but the baby refused, "What the f**k?! Ngayon ayaw mo ng sumama saken?" Nakasimangot nyang saad. Seph chuckled while trying to give this bitchy piglet to Theo but the baby still refused, ugh. Nag-iinarte hindi naman bagay! Kinagat ko yung hinalalaki ko habang sinasamaan ng tingin si Yvo, How dare this baby cuddle my Seph?! I'll really pinch his cute little chubby cheeks!!! "Yvo pala ang pangalan nya." Ngiting-ngiting saad nya habang karga-karga yung cute na biik na ngayon ay subo-subo ang daliri, "Nakita ko sya kanina sa lobby, ayaw nyang kumalas sakin kaya naglibot-libot nalang ako kasama sya. Nagbabakasakaling makasalubong ko yung magulang nya." I felt myself drooling after seeing him pulling the sunglasses up to his head. s**t. Seph and his probinsyano vibes, nagkikinangan yung kayumanggi nyang balat dahil sa sinag ng araw like hell! I want to hug those yummy biceps of him that keeps on flexing whenever he moves! "Hell thanks, Seph. Kanina ko pa hinahanap tong piglet na toh eh, nalingat lang ako saglit tas biglang nawala." Theo said that made me awake from my own dreams. I rolled my eyes, "Stop being a liar, Theo. Admit it to yourself na iresponsable ka talaga." Kinuha nya si Yvo kay Seph imbes na sagutin ako at ang damuho, nakipag-kwentuhan pa kay Seph ko! What's much more worst is that Seph is also talking to him, they definitely ignoring my gorgeousness!!! Nanginginig yung kalamnan ko sa galit, how dare are they?! How can they do such unforgivable act on me?! This is so alarming, I'm here but they're absolutely talking as if no one's with them! Look how happy they are while chit-chatting. "By the way, I'm glad you wore the clothes that I gave to Kuya Vince. It suits you very well." "Naku salamat, hindi lang para sa damit kundi dun sa mga bote-botelyang nasa paperbag din. Hindi mo naman kailangang gawin yon." "Oh it doesn't matter, it's for you naman." "Salamat talaga." "Why this fuckers..." I cursed while glaring at them, but the only one who noticed me is that piglet, Yvo, biglang ngumiti tong biik na toh na akala mo nang-aasar. s**t. Now they are really getting on my nerves! But the longer that I stare at them, the more that I noticed how delighted he is just by seeing that little piggy. Seph is smiling from ear to ear, while his eyes are definitely bright. He's playing with the baby's small chubby hands, panaka-naka nya din iyong kinukurot sa pisngi. By the looks of him, I realized that he looks like a loving father to Yvo. A hot loving father figure. Para bang nakatingin ako sa magiging tatay ng mga anak ko. *Giggles* I would like to have a basketball team! Suddenly, the vivid memory of seeing one of his picture frame on his house. The one that he hid from me. I swallowed something in my throat. The picture of him with a woman carrying a male child. Bumalik yung kuryusidad ko doon, I'm wondering if he already has a family or if he had a family before. He said he doesn't have any girlfriend, but he didn't said that he don't have a child? Ugh, ano ba? Naguguluhan na ako. "Veronica? Ayos ka lang ba?" Kumurap-kurap ako, "What?" Nakatayo na pala sya malapit saken, he's holding my elbow, as if guiding me to stand properly. "Tinatanong ko kung ayos ka lang, nakatulala ka kasi." "What? That's impossible!" I looked around, there's just two of us, "Where's Theo and Yvo?" "Umalis na kanina pa. Ano ba yan may dumi ka sa mukha mo." I was dumbfounded when he reach my cheeks and gently remove some dirt from my face while still smiling. I can't stop myself from staring at his innocent face. "What's with the smile?" I asked. "Wala naman." Lalo syang ngumiti, "Ang ganda-ganda mo kasi ngayon, maganda yung tulog mo ano?" I felt my cheeks started to blush, "Of course!" I pouted, "Ikaw ba naman katabi ko." Bulong ko na halatang di nya narinig kasi nakangiti pa din sya. "Tara sumilong tayo, masyado ng mainit." Hindi na ako kumontra nang alalayan nya akong maglakad pabalik sa mismong venue. I'm taking a glimpse of him while were walking, what kind of guys is this? He can be cute, innocent, hot and sexy at the same time like, he can be top or he can also be bottom. Nakakainis, He's unintentionally seducing me! He's using his gentleman 'attitude' para maakit ako, well he's good at it. Naaakit ako. "Nga pala salamat sa kapeng tinimpla mo ah? Masarap yung gawa mong kape." "Hah! Syempre!" I flipped my hair out of confidence, "My gosh, Seph. You didn't even realize how lucky you are? Your so ever gorgeous goddess like CEO made a coffee for a poor secretary like you." Napangisi ako, "Like, gosh, napakaswerte mo. Hindi lang timpla ko ang masarap kundi ako din mismo." He laughed, OMG! Bakit ba ang manly-manly ng tawa nya? "Oo na, swerte naman talaga ako kasi mabait yung boss ko." Sabay kindat. Napahinto ako at napanganga. Okay, what was just that? Did he just winked at me? Like, wtf? He looks so fuckin sexy!!! Kyaaaaaah! "Aray!" Anya matapos ko syang hampasin, "B-bakit mo ko hinampas?" "Stop winking at me!" "Bakit naman? Aray! Teka!" I didn't stop smacking his shoulders and arms, "Kinindatan lang naman kita ah!" "Just stop winking! Did my cousin Leviticus taught you that?!" I bit my lip, "Gusto mong malaglag yung panty ko kaka-kindat mo, hah?" Kinurot ko yung bewang nya, "If my underwear falls right down on my knees naku!!! You have to take full responsibility!" Natigilan sya at namumula ang mukhang hinarap ako, "P-paanong responsibility?" I smirked, "You have to f**k me." Dinilaan ko yung labi ko, "Are you thinking already about it, baby? Me in my bed, spreading my legs widely while you are thrusting hard inside of me?" I wiggled my eyebrows while giving him a naughty smile. Bumuntong hininga lang sya tsaka ako binitiwan, tapos tinalikuran nya ako at nag-umpisang maglakad palayo habang nasa bulsa ng shorts ang mga kamay nya, my eyes got widen in shock. Aba't!!! How dare he ignore my seductions?! "Hey! Bakit mo ko tinatalikuran?! Get back here!" Hinabol ko sya pero binilisan nya yung lakad. Umiling-iling lang sya, He didn't even bother to slow his walk! "Kung ano-ano nanaman yung mga naiisip mo." Anya nang maabutan ko sya, "Hindi ka ba naiinitan? Tirik ang araw, baka masunog yung balat mo." Pag-iiba nya ng topic. "How about you? Hindi ka ba naiinitan saken?" I made myself more seductive, but he just shake his head. "Hindi naman. Dito ka sa kabila, may lilim dito." Sabay marahan akong hinila patungo sa malilim na daan. Ngumuso ako bago ako kumapit sa braso nya, imbes na isuot yung sunglasses na nasa ulunan nya ay sakin nya isinuot iyon. Stupid Seph, he knows how to be damn sweet but doesn't even know how to be horny! Kainis! (>___<)!!! Hindi ba toh tinatayuan saken?! (Third Person's POV) "Vanessa and I started as friends. My friend Marco introduced her to me, I love teasing her that made us not that close. Ni hindi kami magkasundo noon but look at us now?" Nilingon ni Mr. Verdan ang asawa neto nang may ngiti sa labi, "Who would have thought that we'll end up together?" "It's because you're so deads na deads saken." Namamanghang tinitigan sya ng asawa, "Ako pa talaga?" "Oo. Ikaw." Natatawang anya ni Mrs. Verdan na naging dahilan ng tawanan ng mga bisita. Nasa stage ang dalawa, nakaupo ang mga ito habang ang mga bisita ay nanonood sa kanila. Bakas ang kasiyahan sa mukha ng mga ito, ganon din naman ang mga bisitang nagkakasiyahan. Alas-sais na ng hapon, Alas-kwatro nag-umpisa ang anniversary celebration ng mag-asawang Verdan at naging masaya naman ang umpisa neto. Kumpleto ang mga kaibigan nila at iba pang kasosyo sa negosyo pati na ang kanya-kanyang pamilya ng mga ito. Pirmi namang nakatayo si Veronica sa gilid habang pinapanood ang pamilya na magsaya. Sa isang bilog na mesa ay naroon sila ng kuya nya at ang mga kaibigan nya pero may isang hinahanap yung mata nya. "Seph..." Mahina nyang bulong habang pasimpleng ginagala ang tingin sa paligid, pero hindi nanaman nya mahagilap ang secretary nya kaya nagpasya syang tumayo. "Where are you going?" Kunot-noong tanong ng kuya nya. "I'll just call someone." Paalam nya na ipinakita pa ang cellphone tsaka umalis. Nagkahiwalay lang sila kanina nang mag-umpisa na ang event, balak nyang ipakilala ito sa mga magulang pero hindi na nya ito mahagilap dala na din ng sobrang dami tao, isa pa ay ngayon nya lang nahawakan ang cellphone nya dahil chinarge nya ito. Gusto nya sana itong hanapin kanina pero ayaw naman nyang umalis basta-basta dahil mahalaga din ang event na ito sa kanya. Gusto nyang makitang masaya ang magulang nya. Rinig na rinig pa nya ang tawanan ng mga bisita, maya-maya ay inanunsyo na ang hapunan. Alam nyang pagkatapos ng hapunan ay mag-uumpisa na ang totoong kasiyahan, sayawan at inuman. Tinipa nya ang numero ng secretary nya sa cellphone nya para tawagan ito habang naglalakad papalayo ng kaunti sa lugar dahil maingay ang tugtog. Ilang segundo lang ay agad naman nitong sinagot ang tawag nya. "I'm pissed off, Mr. Lazaro. Where the hell are you?" "Bakit hinahanap mo nanaman ako?" Nameywang ang babae, "And why not? I want my parents to meet you! Ipapakilala kita sa kanila! Besides, why are you not here? Huh? Hindi kita sinama dito para maging loner, okay?" Naalala nya kasi yung itsura neto nang madatnan nya ito kagabi na naglalakad mag-isa, umiiyak ito. Hindi nya kaya ang makakita ng lalaking umiiyak, iba kasi sa pakiramdam. Mas dama, mas malalim, mas masakit. Isa pa ay gusto nya lang talaga itong kasama. "Ano? Answer me, where are you? Lagi mo nalang akong pinaghahanap, tsk! You should be always sticking with me since you don't know this place that much---" Nahinto sya sa pagsasalita nang may humawak sa pulsuhan nya. Nagkaharap sila ni Seph, seryosong nakatitig sa kanya ang lalaki habang nasa tenga din ang cellphone gaya nya. Matangkad ang lalaki kaya nakatingala sya dito, hindi kasi sya nagsuot ng heels dahil pagagalitan lang sya ulit neto tulad nung isang araw. Nag-gladiator sandals nalang sya. "N-nandito ka na pala." Mahina nyang saad habang nakatitig dito. Sobrang lapit nilang dalawa sa isa't isa, konting kibot eh magdidikit nanaman ang mga labi nila. "Nandito lang naman ako." Sinusupil ang ngiting sagot ng lalake bago pinatay ang cellphone. Lumunok si Veronica, hindi alam ang isasagot kaya pinatay nya na din ang phone. "Ayos lang ba na ipakilala mo ko sa kanila bilang secretary mo?" "O-of course." Utal nyang sagot bago nag-iwas ng tingin, "Why aren't you coming with me?" "Wala naman. Nahihiya lang ako." Bigla syang napalingon dito, "What? But why?" "Eh kasi parang hindi ako nababagay doon. Hahahaha." Nahihiyang kinamot ni Seph yung batok nya, "Alam mo na, a-ako lang ang ano... yung ano..." Sumeryoso yung mukha ni Veronica. She cupped both of his cheeks that made him looked at her straight. Now they are both staring at each other's eyes. "I've brought you here because I want you to meet my parents, I didn't brought you here to see the difference between you and those people. The hell I care on how poor you are, I've brought you here because I want to. Do you understand?" Napahawak si Seph sa mga kamay ni Veronica, "P-pero---" "I said, do you understand?" Nakangiwi nitong saad. Dahan-dahang tumango si Seph, habang hindi nababali yung pagtititigan nilang dalawa. "Good." Pabulong nyang pagsang ayon habang bumabababa ang pagtitig nya sa labi ng lalaki, "f**k, Seph. Do you think what I'm thinking right now?" Ganon din si Seph, dumako ang tingin nya pababa sa labi ni Veronica, malalim ang iniisip na nakatitig sya doon, "Hindi ko gusto yung naiisip mo." Naputol lang iyon nang makarinig sila ng pagtikhim mula sa di kalayuan na naging dahilan ng paglingon nila pareho. "Hindi ko din naman gusto yung nakikita ko." Naka-taas ang kilay na saad ng papa ni Veronica habang katabi nito ang mama nyang nakangiti sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD