Chapter 20
(Third Person's POV)
NAKATULALA lang si Seph habang tinutusok-tusok ang karneng may malapot na matamis na sauce na nasa plato nya, hindi naman sya nanginginig, hindi din kinakabahan pero imbes na mamutla ay namumula ng husto ang buong mukha nya---na hindi na bago dahil lagi namang ganon.
Ramdam nya ang panaka-nakang tingin sa kanya ng tatay ni Veronica, alam nya ding masama ang tingin na ibinibigay nito sa kanya kaya nahihirapan syang lunukin ang bawat pagkain na isinusubo nya. Pakiramdam nya kasi ay bigla syang mabibilaukan. Hindi naman sya sinusulyapan ni Vince pero alam nyang mataman itong naghihintay para makinig at magsalita.
Matapos silang makita (mahuli, rather) ng mga magulang ni Veronica ay patay malisyang hinatak sya ng amo nya at agad na ipinakilala sa mga ito. Nagpakilala din ang mama ni Veronica pero nginiwian lang sya ng tatay nito bago nagyayang maghapunan.
"Are you alright?" Bulong ni Veronica sa kanya na katabi nya. Nag-aalala itong nakatingin sa kanya.
Pinilit nyang ngumiti para hindi mag-alala ang babae, "O-okay lang ako. Hehehe."
"So, Seph..."
"P-po?!" Alertong tanong nya nang marinig nya ang malamyos na boses ng ina ni Veronica.
Hindi naman ito mukhang masungit, nakangiti pa nga ito sa kanya na tila naaliw sa reaksyon na ipinapakita nya dito. Hindi man lang ito nagalit o nainis sa kanya, taliwas sa mga MMM o 'Matapobreng Mayamang Magulang' na nasa imahinasyon nya lalo na't mahirap lang sya. Lalo syang namula dahil doon, nanliit sya dahil mayayamang tao ang kasabay nyang kumain sa pabilog na mesa.
Ibinaba ng ginang ang kubyertos at nagpunas muna ng bibig gamit ang table napkin tsaka malambing na nginitian sya, "Can I ask you a question?"
"S-sige po." Bigla syang nag-panic, "A-ano po ba ang tanong nyo?"
"What's your nationality ba? I was wondering kasi, you have a not so curly hair pero brown, tapos tanned yung kulay mo, then your eyes, it's light brown."
Lumunok si Seph at inilapag ang tinidor ng tuwid doon sa plato, alam na nya kung saan naman namana ni Veronica ang pagiging conyo. Halata naman sa pananalita ng mama neto, pero kahit ganon ay hindi ganon ka-garbo ang suot nito, simpleng bestidang umaabot sa talampakan na may disenyo ng mga dahong kulay dilaw at pula. Mukhang hindi din ito mahilig sa alahas dahil tanging wedding ring at hikaw lang ang meron ito.
"Uhm. Yung nanay ko po purong pilipina, yung tatay ko naman po half german, half filipino."
Napalingon si Veronica sa kanya nang nakanganga, nagulat sya na malamang may lahi pala ang tatay nito.
"Wow! So meaning malakas yung genes ng mommy mo? I mean, yung features lang ng mukha mo may kaunting pagka-foreign pero yung buhok, mata at kulay mo pilipino!" Masayang anya ng Ina nya kay Seph.
"O-opo. Sa tingin ko nga po." Napipilitang ngiti ni Seph.
Naiilang sya dahil nakangiti ang ginang sa kanya, samantalang nakasimangot naman ang asawa neto. Hindi nya alam kung mananahimik nalang ba sya dahil halatang ayaw syang pagsalitain ng tatay ng amo nya o sasagutin ang tanong ng nanay ng amo nyang halatang natutuwang kausapin sya.
"So saan ka talaga nakatira? I mean, wag kang ma-offend ah? By the looks of you kasi, parang hindi ka taga-Maynila."
"Sa probinsya po ako talaga lumaki, malayo po dito sa Maynila. Pumunta lang po ako dito para magtrabaho."
Nanlaki ang mga mata ng ginang nang marinig ang salitang 'probinsya', "Really?" Naging sabik ang tono neto, "How's your life in the province? Ibang-iba ba dito sa syudad?"
"Opo." Lumunok syang muli para mawala yung kung anong nakabara sa lalamunan nya, kinabahan sya bigla nang taasan sya ng kilay ni Kian, ang tatay ni Veronica, "M-mas sibilisado at moderno po dito sa syuda k-kesa po sa probinsya. Madami pong puno at halaman samin, bukid, dagat, ilog at bulubundukin din ang madalas makita doon. Bibihira din po ang mga gadgets doon, uso po kasi ang mag-trabaho." Nag-iwas sya ng tingin tsaka uminom ng tubig.
"Talaga?!" Nangingislap ang mata ng babae matapos nyang sabihin iyon, "If that's the case, bakit mas pinili mong magtrabaho dito kesa doon?"
Humigpit ang hawak ni Seph sa baso matapos nyang uminom don, naalala nya kung bakit mas pinili nyang umalis sa probinsya kaysa ang manatili doon.
Napansin naman ni Vanessa, na syang ina ni Veronica na parang hindi ito komportableng sabihin kaya mas lalo syang nangiti. Ganon din si Veronica, napukaw nanaman ang kuryusidad nya matapos makita ang reaksyon neto.
"By the way, you're way too handsome and sexy to be my daughter's secretary," Anya na nagpamula sa mukha ni Seph, "Are you single? Hindi siguro lingid sa kaalaman mo na single din ang anak ko diba? I'm planning to---"
"Vanessa/Mommy." Magkasabay na tawag ni Vince at ng tatay nila. Napalunok si Seph dahil doon habang palipat-lipat ang tingin sa kanila.
"Honey, You're asking too many questions already." Sita ng asawa neto pero tinawanan lang sya ng babae.
"Why not? I'd like to know more about our daughter's new secretary." Muli syang nilingon nito, "Nga pala, gaano ka na katagal na nagta-trabaho kay Veronica?"
Alanganin nyang nginitian si Kian na masama ang tingin sa kanya, "Ahm. Mag-i-isang buwan na po."
"Oh. Good for you, Seph. Nakakamangha na natagalan mo ang ugali ng anak kong yan, you see, She's a spoiled brat kasi."
"Mommy! I'm not a spoiled brat!" Namumula ang pisnging depensa ni Veronica.
Nginisihan sya ng sariling ina, "Oh talaga? Kaya pala." Hinawi ng ginang ang sariling buhok na nadadala ng malamig na simoy ng hangin, "Alam mo kasi Seph, Veronica always find a way to get whatever she wants. She'll either get it by hook or by crook, wala syang pakielam sa kung anong magiging resulta basta makuha lang ang gusto nya. Kung anong gusto nya, yun ang masusunod. Kinunsinti kasi ng ama at kuya nya."
"Mom!" Lalong namula ang pisngi ni Veronica, "Stop embarrassing me in front of my secretary." Bulong neto.
Hinawakan sya sa kamay ng asawa, "Enough of that, honey."
"Later hon." Sagot nya dito tsaka nilingon ang anak na babae, "Dear, I'm not embarrassing you. I'm just telling the truth, well everybody knows that."
"Arghh. Kahit na..." She groaned out of frustration.
Napangiti si Seph habang pinagmamasdan any reaksyon ni Veronica. Ito naman ngayon ang pulang-pula dahil sa kahihiyan, bihira nya lang makita na mamula ito dala ng hiya. Nasanay kasi syang lagi itong may malakas na kumpyansa sa sarili, hindi ito madaling mahiya lalo na't mahahalay na bagay ang mga pinaggagagawa nito sa kanya.
"Vanessa, why don't you just ask some basic information about him?" Nilingon sya nito nang may matalim na tingin, "Questions like what course did you take when you are in college?"
"Pffft. What kind of silly question is that?" Mrs. Verdan said while trying to prevent herself to laugh, Namangha naman si Seph nang makita ang eksenang iyon.
"I just want to ask! Bakit ba?" Sabay irap ng papa ni Veronica dito, "Answer my question, gusto ko lang malaman kung may koneksyon ba yung kursong tinapos mo sa trabahong ito o talagang kinuha ka lang ng anak ko kasi gwapo ka." His face darkened even more after saying the last sentence, malamang ay napasimangot ito nang banggitin ang salitang 'gwapo'.
'G-gwapo ako? Hindi naman ah.' Seph said in his mind while sweating. Now he's nervous because of the kind of stare that Veronica's dad giving to him. Alam na din nya kung saan ito nagmana ng pa-irap-irap, halata naman sa ipinapakitang ugali ng ama nito. Kitang-kita din ang pagiging istrikto neto, sa tindig at pananalita palang ay may otoridad na.
"Oh my gosh daddy! Pinapalabas mo bang yun lang ang reason kung bakit ko sya hinire?" Sasabog na sa sobrang pangangamatis si Veronica, binubuking sya ng mga magulang sya sa ugali't pag-iisip nya dahil first of all, It's true that she can get whatever she wants with or without the help of anyone, and second, she really hired Seph because he's handsome and he caught her attention since the day he applied on her company.
"Bakit, hindi ba?" Sarkastikong saad nito, "Mahilig ka sa gwapo anak. Kilala kita, namana mo sa mommy mo yan."
Tuluyan ng napahalakhalak ang mommy ni Veronica dahil doon. Sobrang lutong ng tawa neto, loud enough to be catch the attentions of some of the visitors dining near their table.
"DADDY! My goodness, how can you do this to me?" She hid her face on her palms, she don't want Seph to witness her red face because of embarrassment.
"Bachelor of liberal arts and sciences in Political Science po ang tinapos ko." Nanatili syang kalmado, lihim syang natatawa sa mga ito pero may kaunting kaba pa din.
"See? Ang lapit ng koneksyon ng kurso nya sa trabahong pagiging secretary." Nakangiwi ito, "Sobrang lapit, Veronica." Dagdag pa nya, may himig pa din ng sarkasmo sa boses neto sabay lingon ulit kay Seph, "I love that course, If I were given a chance to study again, I'll take that one."
"Magandang desisyon po."
"Syempre, ako pa ba? Maganda lahat ng desisyon ko sa buhay ano." Mayabang netong anya.
"Pshhh!!! Talaga lang ah." Sadyang pagpaparinig ng asawa neto pero hindi nya ito pinansin.
"PolSci pala ang tinapos mo, why did you apply in this kind of job? You should have been studying for law now, how old are you?"
"29 po."
"29? Dapat nga ay abogado ka na ngayon eh, what happened?"
Hindi nawala ang pagiging seryoso ni Kian habang tinatanong si Seph. Habang matamang nakikinig lang si Vince sa mga ito, tahimik na kumakain katabi ng mama nyang hindi masupil ang ngiti.
"Huli na po akong nagtapos ng kolehiyo, sa totoo lang po ay kaka-graduate ko lang netong nakaraang walong buwan."
And everyone in their table went silent and got froze. Veronica looked at him in shock, obviously, she didn't have any clue about that because she didn't even bother to read his secretary's resume. Nagkapalitan naman ng tingin ang mga magulang neto, halatang hindi nila inaasahan ang narinig habang si Vince ay ngumiti, dinampot nya ang table napkin tsaka nagpunas ng bibig para kumain ng panghimagas na cake na nasa platito sa gilid nito.
"You are what?" Mahinang anya habang nakatitig kay Seph, inosente syang nilingon nito.
"Anong 'ano'?" Tanong nya din dito, "Bakit parang nagulat ka? Ikaw ang tumanggap sa akin sa trabaho."
"Yeah, Of course I am!"
"Eh b-bakit parang g-gulat na gulat ka?" Malapit ng mapangusong saad ni Seph.
"Why didn't you even tell me? Ni wala kang nababanggit saken, anong klaseng secretary ka?! Naglilihim ka sa boss mo?!" She yelled in a low voice on his ear, low enough for them to hear by her own family only before she started to pinch his waist.
"Pasensya na, nasa resume ko yon ah?" Malumanay nyang paliwanag, "Hindi mo ba chineck yung resume na pinasa ko?"
"Do you think I have time to check your freakin resume? Huh? Sana sinabi mo nalang! My gosh, look! Ni hindi ko man lang alam kung ilang buwan ka na nga pala dito my goodness!"
"Sorry, hindi ko naman alam na hindi mo binasa. Hindi ka din naman nagtatanong eh." Kinagat nya ang sariling labi, "Walong buwan na ang nakalipas noong nakatapos ako, tatlong buwan akong nasa probinsya bago ako tuluyang lumuwas tapos limang buwan na akong nandito sa Maynila. Pagkatapos nitong katapusan pang-anim na yun, oh edi naka-syam na ko non. Pasensya na, wag ka ng magalit."
"Veronica! Goodness grace don't hurt your secretary for pete's sake! It's not his fault na tamad kang magbasang bata ka." Her mother said in a worry tone, "Seph, Iho, are you alright?"
"Wag po kayong mag-alala, okay lang po ako." Paniniguro nya.
"May we know the reason on why did you, you know, kung bakit ka late na nagtapos." Halata ang kuryusidad na tanong ng daddy ni Veronica, "And oh, by the way, if it's too personal, you have the right to refuse talking about it, We deeply understand."
Umiling si Seph at ngumiti, "Okay lang po. Uh, repeater po kasi ako noong second year highschool ako, bente-anyos na ako nang magtapos ako ng highschool. Matapos non ay huminto muna ako sa pag-aaral para pansamantalang magtrabaho, Nagpatuloy ako sa kolehiyo makalipas ang tatlong taon kaso nahinto po ako ulit, hindi po ako nakatapos ng fourth year. Ipinagpatuloy ko po noong nakaraang taon lang."
"Why? No offense, I'm curious about the reason behind your sudden stop and repeat. Is it so difficult to study harder?" Usig pa neto kay Seph, Now Mrs. Verdan is the one who held his hand.
"Now you're the one who's asking too much questions." Pagsaway neto katulad ng ginawa nya kanina.
"Wait honey, I'm curious kase."
Umirap ang babae, "Veronica introduced him as her secretary but you're asking him questions as if you're interrogating your daughter's boyfriend."
Namula sila pareho ni Seph, "Vanessa! It's not like that!"
"Anong it's not like that? Eh doon din naman yun papunta, in the end, Veronica will still end up with Seph. Trust me, it will take them a month before they realize that." She winked at them.
Wala sa sariling napainom ng tubig si Seph, hindi nya kinakaya yung mga pinagsasasabi ng mama ni Veronica. Samantalang si Veronica naman ay napakagat nalang sa labi dahil sa mga 'pasabog' na alam naman nyang kineme lang ng nanay nya para asarin sila.
He shake his head before looking to Seph, "Continue talking, Hindi ako makakatulog kakaisip kung hindi mo ike-kwento kung bakit."
Veronica looked worried to Seph, nag-aalala sya na baka naiirita na ito sa mga magulang nya na tanong ng tanong pero imbes na makita itong naiinip ay mukhang tuwang-tuwa pa itong pinanonood ang mga magulang nya.
"Bulakbol po kasi ako noon." Kamot-ulong sagot ni Seph, nahihiya sa inamin, "Sakit ako sa ulo kaya nakunsumisyon sakin si nanay at tatay. Ayun lang po ang dahilan, hahahaha."
"Talaga? Aba'y hindi halata." Taas kilay syang tinitigan ni Kian mula ulo hanggang paa, "You looked like a virgin to me, parang si Lazarus na pinsan ni Veronica, mas bagay kang magpari."
"Ay ganon." Matamis syang ngumiti, "Sabi nga din po ng iba dyan." Parinig pa nya, they both laughed because of that.
"Bulakbol din ako noong kabataan ko, well, I've done a lot of crazy things back then. The things that only a bad boy would do but I still manage to be a consistent honor student."
"Naku magkaiba po tayo, ako po kasi napabayaan ko po talaga ng husto yung pag-aaral ko."
"I see." Sabay tango-tango, "Well aside from your studies, do you have some hobbies or anything that you like to do when you are still in the province?"
"Madalas po akong magtanim at mangisda."
Napa-palakpak si Kian na tila natumbok ni Seph ang gusto nyang marinig, "You know how to fish?!"
"Opo."
"Now we're talking!" Anya, "How do you do that? Tell me more."
They continued talking comfortable with each other, maya-maya din silang natatawa sa isa't isa. Nakikisali din paminsan-minsan si Vanessa sa usapan nilang dalawa habang tahimik na nakikinig si Vince, minsan ay sumasagot ito pero madalas ay napapangiti.
Veronica looked at them weirdly, kanina lang halos tusukin na ng tatay nya si Seph gamit ang matatalim nitong titig pero ngayon eh para sila pa yung mag-ama. Parang gusto ng tabihan ng tatay nya si Seph at magkwentuhan nalang magdamag, Mukhang nakalimutan na nga ng mga ito ang party na sya mismo ang nag-asikaso. Bigla syang nakaramdam ng 'MOPNOP' or yung tinatawag nyang 'Major OP na OP' dahil hindi nya makuhang sumabat man lang sa pinag-uusapan ng mga ito.
She crossed her arms, "They totally forgot about me." Anya tsaka inis na tinapos na pinagtutusok yung cake na nasa platito nya.
(Seph's POV)
"Seph! Beer o gin?!" Ngising bungad sa akin ni Theo, kasunod nya ang mga pinsan ni Veronica na may bitbit na dalawang bakal na timbang may lamang iba't ibang bote ng alak.
Nakaka-aliw yung malakas na tugtog, pakiramdam ko ay nasa isang bar kami dahil medyo wild ang mga bisita. Wala namang malaswang sayaw o akto ang mga ito, purong nagkakatuwaan lang. Parang christmas party, ganon. Nag-enjoy din akong kausap ang mga magulang at kapatid ni Veronica, hindi naman sila matapobre tulad ng inaakala ko. Mababait sila.
Kanina pa tapos ang hapunan, matapos iyon ay may konting palaro pa. Habang pinapanood ko sila kanina ay medyo nagbago ang pananaw ko sa mga mayayamang gaya nila, kung magsaya kasi sila ay parang mga normal na tao lang din pala. Walang halong arte sa katawan, parang natural lang. Nakakatuwa lang. Matanda man o bata ay nag-e-enjoy lang pare-pareho.
Nakakatuwa din ang sumasabay sa tugtog na galaw ng mga ilaw, iba-iba ang kulay non at talaga namang ang ganda sa paningin.
Inilingan ko si Theo sa alok nya, "Salamat nalang, Theo."
"Aw, where's the fun in that?!" Malakas na saad ni Laurentius tsaka nagbukas ng bote ng beer, malakas ang tugtog kaya kailangan pang sumigaw para lang magkadinigan kame, "You need some booze!" Tsaka pilit na binibigay ang bote.
"Hindi na, salamat nalang. Hindi ako pwedeng uminom." Baka kung ano-ano nanaman ang magawa ko pag uminom ako. Delikado na, ayokong gumawa ng kalokohan.
Naka-upo ako sa pwesto ng kinainan namin kanina, ang mga magulang ni Veronica ay nakihalubilo sa iba pang bisita samantalang sya naman ay nandoon sa bandang gitna, sumasayaw kasama ang mga kaibigan nyang babae at lalake. Ipinakilala nya ako sa iba pang kaibigan nila na nagsidatingan, grabe, ang dami nilang kaibigan sa totoo lang, hindi ko na matandaan yung pangalan ng iba.
Natatawa ako, Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang makita ko kung pano sya sumayaw, grabe, ang tigas ng katawan. Ni kumembot hindi sya marunong. *Chuckled*
"Why? Minsan lang naman toh dude!" Pangungumbinsi ni Leviticus na inakbayan pa ako, "Besides, pampalakas toh ng loob! There are so many girls here that can't keep their eyes off from you! Malay mo makakuha ka ng isa." Sabay ngisi.
Inilibot ko yung paningin ko at nakita ang sinasabi ni Leviticus, may mga babaeng nakatingin nga sa amin. Yung iba ay kinakagat ang labi nila at nakangisi, ang iba naman ay kumikindat. Kinawayan ko nalang sila tsaka nginitian, mukha naman silang mabait.
"Sorry talaga, pero hindi pwede. Madali akong malasing."
"Guys don't push it, okay? Tumanggi na si Seph wag nyo ng ipilit." Saway ni Lazarus tsaka ako nginitian.
Nilapagan naman ako ni Laxus ng baso, "Here, it's an orange juice."
"Salamat."
Muli akong tumingin sa kinaroroonan nila Veronica pero nakita ko silang naupo na sa kalapit na table habang nagtatawanan. Nag-iba na pala ang tugtog, naging malumanay iyon. Ang mga ilaw din ay bumagal ang galaw, sinasabayan ang mabagal na kanta.
Pinanood ko ang mga tao na nagkakanya-kanyang kuha ng kapares nila papunta sa gitna, kapwa mga nakangiti sa isa't isa habang dahan-dahang iginagalaw ang katawan para sa isang malambing na sayaw. Nakakatuwa naman silang panoorin.
"Lauren!" Tawag ng isang magandang babae, yung nakatatandang kapatid ni Vasselisa, "Let's dance!" Hatak nya kay Laurentius.
"Whoa whoa whoa! Hennesy! Take it easy, honey, baka sumabog ang bulkan." Natatawang anya, bulkan? Kumunot yung noo ko, wala namang bulkan malapit dito.
"The hell I care? Kahit magwala pa sya dito wala akong pake. Tara na! Highschool pa tayo nung huling beses na sinayaw mo ko." Anya tsaka tuluyang hinatak si Laurentius na napatayo na din.
Nakangisi nya kaming nilingon, "Bye fuckers, Isasayaw ko lang tong 'BESTFRIEND' ko." Tila nagpaparinig na anya sabay hawak sa bewang ng babae. Bestfriend? Mas mukha silang mag-nobyo-nobya kesa magkaibigan.
"Hoy Laxus, baka nakakalimutan mong alak yan hindi tubig?"
Tinignan ko si Laxus na nasa tabi ko nang sawayin sya ni Leviticus, mukha syang badtrip. Inisang lagok nalang nya yata yung laman ng boteng hawak nya sabay tayo paalis.
*GULP*
Mukhang alam ko na kung 'sinong' bulkan ang tinutukoy ng kakambal nya, ayokong maging ususero pero may pakiramdam ako na may relasyon sila nung babae kanina. Baka may problema sila ngayon.
Ramdam kong lumapit si Lazarus sa bandang tenga ko, "I know that you're curious, they are ex-lovers." Bulong nya tsaka uminom din ng juice. Kami lang ang hindi uminom ng alak.
"Ah." Sabi na eh, may relasyon nga sila.
"Oh, my sisters are here." Dagdag pa nya tsaka tumayo, "Teka lang ah? Isasayaw ko lang sila." Paalam nya tsaka nilapitan ang dalawang babae di kalayuan samin.
Dumako ang paningin ko sa kabila pero wala na doon si Leviticus, nakita ko syang naglalakad palayo habang may dalawang babaeng naka-lingkis sa kanya. Kami nalang ni Theo ang natira.
Ngayon ko napagtanto na sa kanilang apat ay si Lazarus ang pinakamalambing, nakita ko kung paano sya makitungo sa mga kapatid nyang babae maski doon sa bunso nilang lalake. Si Laurentius naman ang pinaka-makulit at mapang-asar, ang hilig nyang mang-inis pero nakakatawa din minsan. Si Leviticus ang babaero sa kanila, halos lahat ng babaeng nakakasalubong namin kahapon ay kilala sya, halos atakihin na nga ako sa puso nang bigla nalang syang halikan ng isa sa kanila. Napaka-pusok nya. Tapos si Laxus naman ang tahimik at seryoso sa kanila, medyo nakakailang nga lang dahil panay ang alcohol nya kada may hahawakan sya pero kahit na ganon ay mababait naman silang magpipinsan.
"Uhm ikaw, Theo? Wala ka bang gustong isayaw?" Tanong ko, tahimik lang kasi syang lumalagok ng alak.
"She's not here eh." Anya tsaka ako nginitian nang malamya.
"A-ah ganon, sayang naman." Nakakapanibago namang makita syang malungkot. Mas sanay akong minumura at hyper nya akong kinakausap, hindi ko inaasahang kay dinadamdam din pala sya.
Napukaw yung atensyon ko nang makita si Kuya Vince (Ayaw nyang patawag ng sir eh) na naglalakad palapit sa amin. Tulad ng usual nyang ekspresyon ay seryoso pa rin iyon.
"Theodore, there's a little girl looking for you outside."
"Huh? Bata? Sinong bata?" Nagtataka ding tanong nya.
"She said you know her, her name is Chichay, she refused to go inside."
"f**k! Anong ginagawa nya dito?!"
Kumurap-kurap ako habang nakatanaw sa kanyang naglalakad paalis. Ako pa rin pala ang maiiwan dito sa mesa, hehehe~ Inasahan ko na din naman yon, ewan ko parang naramdaman ko lang.
Uminom ako ulit sa baso kong may juice, grabe ang juice na toh, ang sarap naman. Gawa yata talaga toh sa orange na prutas.
"Seph."
Nilingon ko sya, "Po?"
Tuwid na tuwid yung mga kilay nya habang nakatingin sa akin, mukhang mahalaga yung sasabihin nya. Nirerespeto ko sya bilang mas matanda saken eh kaya hangga't maaari ayokong maulit-ulit yung mga nangyari samin ni Veronica.
Ayokong mawala yung tiwalang binigay nya saken, pag nasira kasi iyon eh mahirap ng maibalik. Ayokong mangyari ang bagay na yon.
"Look at her," Sinunod ko naman yung sinabi nya, "She's alone."
Tama yung sinabi nya, mag-isa nalang si Veronica sa kabilang mesa. Pinanonood nya yung mga kaibigan nya na may kanya-kanya ng pares at sumasayaw sa gitna. Mukhang masaya syang nanonood sa mga ito.
"Oo nga..." Mahina kong bulong.
"Seph? Can I ask you a favor?"
Tumango ako sa kanya, "Sige po, ano po ba yun?"
Hindi na ako nakasagot nang sabihin nya yung pabor na hinihingi nya sa akin.
(Veronica's POV)
Oh my gosh, just by looking at my parents and friends, dancing with their partners made me feel so happy!
Kinikilig ako sa kanila, lalo na kayna mommy't daddy na magkayakap na sumasayaw sa stage, they are so sweet! Everything is so romantic! The flowers, the dimlights, the slow music, the petals and OMG! Let's don't forget na bright moonlight that keeps on shining on above. Feeling ko february 14 na kahit malayo-layo pa naman!
"s**t, kinikilig ako!" Impit kong tili.
Parang yung mga nababasa ko lang sa libro. The girl and the boy sharing a sweet dance under the shining light of the moon, swaying each other's bodies in the rhythm of the sweet music. Feeling ko tuloy bumalik ako sa highschool, aw~ This is just perfect. I'm happy for everyone! I feel so contented, atleast my hardwork in preparing this venue with the help if m friends gained a satisfying result. Nakakataba ng puso, pero nakakataba din ng alam nyo na yon. *Giggles*
Malamig din yung hangin, thank God I wore one of my rarest dress. It's a long sleeve type of summer dress, I wore it to hid my lovemarks/kissmarks. I don't want my dad go berserk just because of my hickeys. Sayang lang talaga kasi pinlano ko pa namang mag-suot ng halter back dress na may mababang neckline, I want my Seph to feast on my gifted breast. HAHAHAHA! Baka sakaling umubra na kahit papano.
I flipped my hair after being blown by the cold breeze, "Everything is so perfect." I said to myself while scanning the whole venue.
"Veronica..." Called by the familiar voice, oh! Speaking of my secretary that a 'Horny-Proof' shield.
He's stopped in front of me, smiling making himself look so innocent and handsome at the same time. I really like how dressed himself today, para syang anak ng may-ari ng hacienda.
"Hi!" I greeted, "Sit here, are you enjoying the party, Seph?" I asked while tapping the chair beside me.
He just smiled again before nodding his head, "Oo. Nag-e-enjoy ako." Pero hindi sya naupo, nanatili syang nakatayo.
"That's good!" Ngiting saad ko but I frowned when he reach his open right palm in front of me kaya ipinatong ko doon yung kanang kamay ko. Tinitigan ko sya, "Uhm, what's with this?"
"Magsayaw tayo, Veronica."
My jaw dropped after hearing those words, Hindi na ako nakapagsalita nang marahan nya akong hinila patayo kaya nagpahatak nalang ako.
He carefully guided me in the middle, after stopping on the right place he placed my hands on top of his shoulders while his hands are grasping my waist. We started swaying ourselves, dancing within the soft tune of the music.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba, the familiar feeling of having a bunch of butterflies on my stomach. I'm still shocked. Oh my gosh, what is he doing!? This... This is so sweet! This dance is making me blush!
"Namumula ka, ayos ka lang ba?" Maya-maya'y biglang tanong nya, making me look on his handsome face.
"It's your fault!" I blamed him, "You're making me blush..." I whispered. Damn it, lalo yata akong namula.
Narinig ko yung malutong nyang tawa. Gosh, his laugh makes my eggcell get excited! Napaghahalataang malandi ang cells ko! (>///<)!!!
"Maganda ka pa din naman kahit na namumula ka."
I want to hid my face, "Oh stop it already, nag-iinit ng husto yung mukha ko, Seph." Pag-amin ko. Gusto ko ng magtago, nahihiya ako na natutuwa na ewan!
"Veronica, tumingin ka saken." Utos nya pero inilingan ko lang, "Veronica."
Hindi ko inasahan yung marahang paghawak nya sya baba ko, making me to face him and looking straight to his rounded brown eyes. He let out a smile before caressing my hair with his hand, napalunok ako sa kakaibang emosyon na nararamdaman ko. My goodness! His smile is killing me! My underwear wants to fall right here, right now!
Imbes na titigan pa sya ng mas matagal ay inangat ko yung tingin ko sa langit, "A-ang ganda ng buwan, diba? Look, the stars are shining too, making the dark sky more beautiful than the usual." Pag-iiba ko, I can't stare at him anymore. Baka pag tumitig pa ako sa kanya eh mabaliw na ako, ugh!
"Mas maganda ka."
*BLUSH*
"f**k Seph, stop making me blush!!!" Sabay hampas sa kanya, narinig ko nanaman yung tawa nya kaya napapikit ako. Everything that he does makes me blush more! Nakakainis! Ang gwapo-gwapo nya kahit na ang poor nya!
"Humingi ng pabor saken yung kuya mo." Bigla nyang saad na pumukaw sa atensyon ko kaya muli akong napatingin sa kanya.
"What did he say?" I'm curious.
"Ang sabi nya, pasayahin daw kita..."
Bigla ako napaiwas ng tingin, I felt such a disappointment after he said that, parang nawalan ako bigla ng gana. So he's doing this not because he wants to, but because my brother asked him to do so, just to make me happy.
Hindi ko maiwasang hindi malungkot, maybe because now I know that Seph is only here because I said so, because I dragged him all the way here even though he's not necessary to be in here. Sabagay, He's just my secretary, what should I expect? Boss nya ko, malamang lahat ng ginagawa nya ay pilit kasi nga amo nya ako. Maybe he's afraid that I might fire him.
I sighed.
"...pero tinanggihan ko."
I swallowed something on my throat before looking at him, He's smiling ear to ear.
"W-what?"
"Tinanggihan ko yung pabor ng kuya mo kasi..." He leaned forward on my ear making me feel his hot breathe that sends shivers on my spine, "...yun naman kasi talaga ang gusto kong gawin sayo."
Just by saying that, it made my heart race. It's beating so hard as if I'm gonna die, hindi ko maintindihan. This familiar feeling... this dangerous feeling... this is the feeling of falling for someone that I don't even know if he's willing to catch me. My heart is beating so fast, na para akong nakipag-karera ng takbo kahit na marahan lang akong sumasayaw.
Nag-init yung pisngi ko, realizing that I already had some feelings for him and also for analyzing the sentence that he said, Ako lang ba o parang double meaning yon?!
"S-seph!" I smacked his shoulder because of that but he just laughed.
"Totoo, hindi ako aalis sa tabi mo." Hinawakan nya ang mga kamay ko, intertwining it to his fingers, "Tutulungan kita hanggang sa makalimot ka sa lahat ng masamang nangyari sayo."
Hindi ko na napigilan ang hindi ngumit dahil sa sinabi nya. Everything that he said is so caring and so sweet, he is truly a gentleman. He knows how to comfort me.
I pulled him for a hug, hindi naman sya kumalas, he hugged me back instead. We hugged, very very tight. Just like yesterday, we shared a very warm comforting hug.
My arms are on his back while his are wrapped around my waist. His fragrant scent invaded my nose making me feel hot, ang bango-bango nya talaga.
"Thank you." I whispered to his ear before resting my head on his chest, he's taller than me and of course, has a bigger figure than me.
We stayed silent for a couple of minutes, swaying and humming to the romantic music. Savouring the sweet moment of us being with each other. This is the first time that I have dance with a guy, never akong nakipag-sayaw sa lalake. Hindi ako nag-pa 18th roses or even my debut, simple celebration lang ang hiniling ko kina mommy't daddy. Hindi din ako umattend ng mga prom or acquaintance parties, I studied hard kasi instead of partying, Ako kasi ang nagmana ng negosyo ng parents ko. Si Kuya iba nagta-trabaho, I don't know what it is pero ayaw nyang magmanage ng company kaya ako ang sumalo non.
I have no regrets. This night is one of the most memorable night of my life.
"Nga pala, pakisabi kay Theo ibabalik ko sa kanya yung isang gel." He suddenly said kaya taas kilay akong napahiwalay sa kanya para harapin sya, "Hindi naman kasi umayos yung buhok ko, ampangit. Madulas lang sa buhok kaya napilitan akong maligo ulit kanina tsaka gamitin yung isa."
I frowned, "What gel?"
"Yung Titan gel."
My eyes widen, napabitaw ako at napatakip sa bibig ko para mapigilan yung nagbabantang pagsabog ng tawa ko. s**t! That's so... Pffft! I-I don't want to laugh!
"Y-you... you... you put it o-on your h-hair?" Hirap kong tanong sa kanya, "Like, y-you massage it o-on your... s-scalp?"
He innocently nod his head, "Ang weird nga sa pakiramdam eh, kaya binanlawan ko agad."
His innocent face is making me laugh so hard. Kumawala yung halakhak ko na sa tingin ko ay pinakamalakas na tawang nagawa ko sa buong buhay ko, Tangina! This is the funniest thing I've ever heard in my whole life! Sobrang funny!
"Bakit? Anong nakakatawa?" Anya habang nag-aalalang nakatingin sa akin, "Veronica? Naluluha ka na kakatawa."
"Ah tangina Seph, naiiyak na ako sayo! This is your fault!" Napahawak ako sa tyan ko, I don't fuckin care if I caught everyone's attention! I must laugh my ass off or else baka mautot ako kung pipigilan ko.
Noo na nya yung kumunot, "Bakit nga kasi?"
"Sheeeet!" Saad ko, sinubukan kong tumigil sa pagtawa kaso napatingin ako sa buhok nya, suddenly the image of his hair growing so big and long because of that fuckin Titan gel made me laugh again, this time mas malakas!
"HAHAHAHAHA f**k!" I felt my face so red because of laughter. Ahhhhh, this is so much fun!
Kapag si Seph ang kasama ko, hindi ako naboboring! HAHAHAHAHAHAHA!